SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Download to read offline
Andres Bonifacio
(1863-1897)
Nagtatag ng katipunan
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang mga
magulang niya ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro na isang mestisang Espanyol at
nagtatrabaho sa isang pabrika ng sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa Don Guilermo Osmena
sa Meisik, subalit naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon (19), kaya napilitan siyang
huminto sa pag-aaral.
Naghanapbuhay siya para sa kanyang mga nakababatang kapatid. Nagsikap na lang siyang mag-
aral sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat. Natuto siyang gumawa at magbenta ng mga
pamaypay na papel at mga baston. Naging mensahero siya ng Fleming and Co. At pagkaraan ay
naging ahente dito. Ilan sa mga librong nabasa niya ay ang Himagsikang Pranses, Buhay at Gawa
ng mga pangulo ng Estados Unidos at iba pang mga makasaysayang aklat.
Hinubog ng mga aklat na ito ang utak ni Bonifacio. Noong Hulyo 7, 1892 si Andres Bonifacio
kasama ng ilang kilalang tao ay patago at lihim na nagtipon sa Azcarraga, Maynila upang itatag
ang KKK o "Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan". Subalit noong pagkaraan ng apat na
taon ito ay natuklasan ng mga autoridad at binalak buwagin.
Dahil dito pinasimula ni Bonifacio at ng mga katipunero ang himagsikan noong Agosto 23 sa
pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad Lawin. Kalookan, kung saan pinunit nila ang kanilang mga
cedula. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo tungkol
sa pamumuno. Dinakip si Bonifacio sa salang pagtataksil sa bayan. Nahatulan siya ng kamatayan
at pinatay ng mga sundalo sa bundok ng Tala, Cavite noong Mayo 10, 1897.
Antonio N. Luna
(1869-1899)
Dakilang Heneral
Si Antonio Luna ay ipinanganak
noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis
Tondo, Maynila, Kapatid niya ang
kilalang pintor na si Juan Luna. Ang
mga magulang nila ay sina Joaquin
Luna at Laureana Novicio.
Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de
Manila at Unibersidad ng Santo
Tomas. Nagtungo siya sa Barcelona
at doon siya nag-tapos ng Parmasya.
Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon sina Jose Rizal, Graciano
Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar. Sama-sama nilang ipinaglalaban doon ang
kapakanan ng mga kababayan nila sa Pilipinas.
Nang siya ay umuwi sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Chemist sa
Municipal Laboratory ng Maynila. Isa rin siyang mahusay na manunulat.
Sumulat siya ng mga artikulo sa "La Solidaridad" noong panahon ng
propaganda. Dahil doon siya ay ipinatapon sa Espanya, at ibinilanggo sa
madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga manghihimagsik.
Nagbalik siya sa Pilipinas.
Nang sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano at Pilipino siya ay sumama sa
mga manghihimagsik ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa kanyang galing at
katapangan ginawa siyang Kalihim-Digma sa Republika ng Pilipinas. Nagtatag
siya ng Military Academy para ihanda niya ang Hukbong Pilipino na lalaban sa
mga Amerikano. Nabingit siya sa kamatayan ng sumuong siya sa mahigpit na
labanan sa La Loma. Natalo siya sa pakikipaglaban ngunit hindi siya sumuko.
Siya ay tunay na bayaning nagmahal sa kanyang bayang tinubuan. Ipinaglaban
niya ang kalayaan nito hanggang sa kanyang huling hininga.
Noong Hunyo 5, 1899 ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva Ecija sa
gulang na 30. Bago paman mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na
nagsasabing ang kanyang ari-arian ay mapupunta sa kanyang ina, at ang
kanyang katawan ay ibabalot sa bandila ng Pilipinas bago ilibing.
Apolinario Mabini
(1864-1903)
Dakilang Lumpo
Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa nayon ng Talaga, Tanauan, Batangas.
Ang mga magulang niya ay sina inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Pangalawa siya sa
magkakapatid.
Nagmula siya sa mahirap na pamilya. Nakagisnan na niya ang hanapbuhay ng kanyang
magulang na pagtatanim ng kung anu-anong gulay. Kahit naghihikahos nagsikap ang pamilya
niya upang maitaguyod ang kanayang pag-aaral sa Maynila.
Nagtatrabaho siya habang nag-aaral sa San Juan de letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Habang nag-aaral ay sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal at naging aktibo siyang
miyembr. Nagtapos siya ng abogasya noong 1894.
Taong 1896 ng magkasakit siya ng 'paralysis' na naging dahilan ng kanyang pagkalumpo. Lihim
siyang ipinatawag ni Aguinaldo at ginawa siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni
Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan siya nito ang kanyang tanyag na akdang "Tunay
na Dekalogo".
Taong 1899 ng si Mabini ay dakipin at ipinabilanggo ng mga Amerikano sa Nueva Ecija. Sa
kulungan ay kanyang isinulat ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino."
Enero 5, 1901 ng siya ay ipinatapon sa Guam kasama ng iba pa. Ngunit nagbalik siya sa bansa
noong Pebrero 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa pamahalaang Estados Unidos.
Nakumbinsi siyang kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano sapagkat naisip niya na
malulutas lamang ang suliranin ng Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan.
Namatay siya sa sakit na kolera sa idad na 39 noong Mayo 13, 1903 sa Nagtahan, Manila.
Diego Silang
(1730-1763)
Pinuno ng pag-aaklas sa ilokos
Si Diego Silang ay ipinanganak sa Caba La Union noong Disyembre 10, 1730. Ang mga magulang
niya ay sina Mguel Sialng at Nicolasa de los Santos.
Maliit pa siya ay utusan na siya ng mga pari. Lumaki siya sa parokya sa Vigan Ilocos Sur sa ilalim
ng patnubay ng kura paroko. Minsang nautusan siyang lumuwas ng Maynila lulan ng isang
bangka ay sinamampalad na nawasak ang kanilang sinakyan sa karagatan ng Zambales dahil sa
pagdaan ng bagyo.
Nakaligtas silang lahat at nakarating ng baybayin. Subalit nasabat sila ng mga Ita at napana ang
lahat maliban kay Diego. Kinuha ng mga Ita si Diego. Matagal nagsilbi si Diego sa mga Ita,
hanggang sa may magawing pari sa lugar na iyon at siya ay tinubos. Muli siyang naglingkod
bilang utusan ng pari, naging matapat siya kaya pinagkatiwalaan siyang utusan ng pari sa
Maynila. Dahil sa kanyang madalas na pagbibiyahe ay madalas niyang marinig ang karaingan ng
mga tao laban sa mga kastila.
Taong 1762 ng dumating sa maynila ang mga sundalong Amerikano. Natalo sa labanan ang
mgakastila kaya isinuko ng mga ito ang Maynila. Nagkaroon ng ideya si Diego, bumalik siya sa
Vigan at hinikayat ang kanyang mga kababayan na lumaban sa mga kastila, pinamunuan niya
ang pag-alsa. Napalayas ni Diego sampu ng kanyang mga tauhan ang mga opisyales na kastilang
namumuno sa kanilang lugar. Ginaya ng mga mamamayan sa kalapit bayan ang ginawa ni
Diego, nag-alsa rin ang mga ito laban sa mga puti.
Nang makita ng mga kastila na mahirap talunin ang 2,000 katao na mga tauhan ni Diego ay
umupa ang mga ito ng isang taksil na magkunwaring kaibigan ni Diego upang madali nila itong
maipapatay.
Nagtagumpay ang mga kastila, pataksil na napatay nga si Diego ng huwad na kaibigan sa
pamamagitan ng pagbaril nang siya ay nakatalikod, nangyari ito noong Mayo 28, 1763. Subalit
hindi doon natapos ang ipinaglalaban ni Diego. Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela
Silang ang paghihimagsik laban sa mga kastila.
Gregorio del Pilar
(1875-1899)
Bayani ng Pasong Tirad
Si Gregorio del Pilar ay ipinanganak noong Nobyembre 14, 1875 sa Bulakan. Ang mga magulang
niya ay sina Fernando del Pilar at Felipa Sempio. Pamangkin siya ni Marcelo del Pilar.
Bata pa lamang siya ay nauunawaan na niya ang kalagayan ng kanyang bayan. Malimit siyang
tumanggap ng maliliit na aklat na naglalaman ng mga sinulat nina Rizal, Lopez Jaena, del Pilar at
iba pa mula kay Marcelo.
Nagpakita din siya ng katapangan ng pakialaman niya ang mga aklat na ipinamumudmod ng
isang pare na tumutuligsa at nagpaparatang sa mga Pilipinong nagpapakasakit alang-alang sa
bayan. Pinalitan niya ng mga pahina na pinilas niya mula sa mga aklat na pinadadala sa kanya ng
tiyuhing si Marcel del Pilar na nagpapakita naman ng pagmamahal sa bayan. Layunin niya ay
ituwid ang mga maling paratang ng mga kastila sa mga Pilipinong repormista.
Nag-aral din siya sa Ateneo taong 1880 at nakitira siya sa bahay ng kanyang tiyuhin, kung saan
itinatag ang Katipunan. Nahikayat siyang maging mensahero ng mga propagandista, at dahil
doon natanim sa kanyang murang isipan ang gawain ng Katipunan.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo noong Marso, 1896. Hindi nagkaroon ng katuparan ang
pangarap niyang makapagturo sapagkat sumiklab ang Himagsikan. Sumapi siya sa grupo ni Col.
Vicente Enriquez at kasama siyang napalaban sa Kakaron de Sili, at sa Paombong. Humanga sa
kanya si Aguinaldo kaya nataas ang kanyang ranggo bilang tinyente-koronel. Siya ang nanguna
sa labanan sa Bulakan kung saan pinalaya niya ito mula sa pagkakasakop.
Nang mamatay si Hen. Antonio Luna siya ang humalili dito, Tinugis sila ng kalabang Amerikano
sa Pasong Tirad.
Dahil sa magiting na pagtatanggol sa Pasong Tirad ay namatay siya, kasama ang ilan niyang mga
tauhan. Ito ay noong Disyembre 2, 1899. Subalit bago siya namatay ay sinulat niya sa kanyang
diary na "Isang napakahirap na gawain ang sa kanya'y nakaatang, subalit masaya siyang
mamamatay para sa kanyang minamahal na bayan.
Emilio Aguinaldo
(1869-1964)
Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas
Si Aguinaldo ay isinilang sa Kawit, Cavite noong Marso 30, 1896. Ang mga magulang niya ay sina
Crispulo Aguinaldo at Trinidad Famy. Nag-umpisa siyang mag-aral sa isang pribadong paaralan
sa kanyang bayan at nagpatuloy sa San Juan de Letran.
Noong Enero 1895 nahalal siya bilang Kapitan-Municipal sa Kawit, Cavite. Naging miyembro siya
ng Katipunan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Baldomero Aguinaldo bilang isang tenyente.
Pagkaraan ng ilang buwan ay tumaas ang kanayng ranggo at siya ay naging General.
Pinamunuan niya ang paghihimagsik laban sa mga kastila.
Nakipag-ugnaya ang pamahalaang kastila kay Aguinaldo at dahil doon ay naganap o nalagdaan
ang "Pact of Biak na Bato" noong Disyembre 14, 1987, Maraming naging probisyon ang
kasunduan, isa na doon ay: aalis ng Pilipinas sina Aguinaldo kasama ang ibang matataas na
opisyales at sila ay babayaran ng Pamahalaang Kastila.
Umalis nga si Aguinaldo kasama ang ibang matataas na opisyales at nagtungo sa Hongkong,
subalit hindi natupad lahat ang mga ipinangako ng pamahalaang kastila.
Nang mag-umpisa ang giyera ng Pamahalaang kastila at Amerika noong Abril 1898 ay bumalik si
Aguinaldo sa Cavite at ipinagpatuloy ang pakikibaka sa tulong ng mga Amerikano. Nagkaroon ng
malaking pag-aalsa at natalo ang pamahalaang kastila. Sumuko ang Maynila sa mga Amerikano.
Noong Hunyo 12, 1898 ay itinatag naman ni Aguinaldo ang unang Republika ng Pilipinas sa
Kawit, Cavite kung saan siya ang naging kauna-unahang pangulo ng Pilipinas.
Emilio Jacinto
(1875-1899)
Utak ng Katipunan
Si Emilio jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang
niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon na isang midwife or hilot.
Mahirap lamang ang kanyang mga magulang. Nakapag-aral lang siya sa San Juan de Letran sa
tulong ng isang tiyuhin. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo tomas kung saan kumuha siya
ng abogasya. Doon ay naging kamag-aral niya sina Osmena, Quezon at Sumulong.
Taong 1894 ay sumapi siya sa Katipunan. Labing-siyam na taong gulang siya noong at siya ang
pinakabatang kasapi ng samahan. Mula sa una niyang pakikipaglaban sa Balintawak at Pasong
Tamo ay pinagkatiwalaan at hinirang siya ni Andres Bonifacio bilang heneral sa hukbo ng
Katipunan sa parteng hilaga. Isa siyang dalubhasang manunulat. Marami ang nagsabi na
nahigitan pa niya si Bonifacio. Sapagkat hindi ang Dekalogo ni Bonifacio ang ginamit ng
Katipunan kundi ang sinulat niyang 'Kartilya', nakapaloob dito ang mga turo ng KKK. Dahil dito
kinilala siyang "Utak ng Katipunan at Himagsikan".
Nagkahiwalay sila ni Bonifacio ng sumiklab ang himagsika. Isang taon pagkaraang mapatay si
Bonifacio, nasugatan si Emilio Jacinto sa Labanan at nadakip siya ng mga kaaway. Ito ay noong
Pebrero 1898, ngunit nakatakas siya at nagtungo siya sa Maynila.
Ipinasiya niyang bumalik muli sa Laguna at doon ipinagpatuloy ang kanayng pakikibaka, subalit
nagkasakit siya. Noong Abril 16, 1899 namatay siya sa sakit na malaria. Ang kanayng mga labi ay
nalalagak ngayon sa "Cementerio del Norte sa Maynila.
Jose P. Rizal
(1861-1896)
Pambansang Bayani ng Pilipinas
Jose Protacio Rizal ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna. Ikapito siya sa labing-
isang magkakapatid. Ang mga magulang niya sina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo
Realonda. Ang kanyang ina ang una niyang naging guro. Maagang nalantad si Rizal sa mga pang-
aabusong ginawa ng mga kastila sa mga Pilipino. Sa i-dad na labing isang taon labis na nabuo sa
kanyang isip ang panggagarote sa tatlong paring sina Padre Gomez, Burgos at Zamora.
Pumasok siya sa Ateneo at nagtapos dito ng Bachelor in Arts na may mataas na karangalan.
Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas kumuha siya ng pilosopiya at medisina. Noong
1882 siya ay nagtungo sa Europa. Nag-aral siya ng medisina sa Universidad de Central Sa
Madrid, Espa�a at nagtapos noong 1885. Samantalang siya ay nasa Europa nakibahagi siya sa
pagtuligsa sa mga pang-aapi at kalabisan ng mga Kastila sa Pilipinas. Kasama ang ilang dakilang
Repormista tulad nina Graciano Lopez Jaena humingi sila g pagbabago. Isinulat niya ang 'Noli
Me Tangere' sa Berlin noong 1887 at 'El Filibusterismo' sa Belgium noong 1891.
Noong 1892 nagbalik si Jose Rizal sa Pilinas kahit na alam niya ang panganib na naghihintay sa
kanya bunga ng kanyang mga isinulat. Ipinagpatuloy niya ang kanayng makabayang gawain at
noong Hulyo 3, 1892 itinatag niya ang 'La Liga Filipina'. Pagkatapos ng ilang linggo dinakip siya
at ipinatapon sa Dapita. Nagprisinta siyang maipadala sa Cuba bilang manggagamot, subalit
habang nasa biyahe patungo roon ay dinakip siya at ibinalik sa Pilipinas. Ipiniit siya sa Fort
Santiago kung saan isinulat niya ang Mi Ultimo Adios at pinatay siya bilang martir noong
Disyembre 30, 1986.
Dito nagtapos ang buhay ni Rizal at pagsisimula ng bagong pag asa ng henerasyon.
Juan N. Luna
(1857-1899)
Dakilang Pintor
Si juan Luna ay ipinanganak sa Badoc, Ilocos Norte noong Oktubre 23, 1857, kapatid niya si
Antonio Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin Luna at Laureana Novicio.
Taong 1874 ng magtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila ng kursong "Bachiler de artes'.
Likas ang hilig niya sa pagpipinta kaya nag-aral din siya sa Academia de Dibujo y Pintura sa
Maynila na pinamamahalaan ng mga bantog at kilalang kastilang pintor.
Nagtungo siya sa Espanya taong 1877 upang magpakadalubhasa.
Pumasok siya sa tanyag na Escuela de Bellas Artes sa Madrid. Dahil sa husay niyang magpinta ay
umani si Juan Luna ng paghanga at papuri. Nahirang din siyang pensiyanado sa Europa ng
pamahalaang Pilipino. Siya ay pinagkalooban ng taunang pensyon sa loob ng apat na taon, sa
kasunduang taun-taon ay gagawa siya ng isang larawang magagamit na palamuti sa iba't ibang
gusali ng pamahalaang Pilipinas.
Naglakbay siya sa iba't ibang bansa sa Europa. Narating niya ang Roma, Italia at Paris kasama
niya ang kanyang guro na si Alejo Vera.
Nagkamit ng medalyang ginto ang kanyang iginuhit na "Ang Kamatayan ni Cleopatra" at
naipagbili niya sa pinakamataas na halagang maibabayad sa isang pintura.
Taong 1884 ng kanyang iginuhit ang bantog na "Spolarium" na nakilala at hinangaan sa lahat ng
kanyang mga ginawa. Marami pang ibang likha si Juan Luna na hinahangaan ng marami habang
siya ay nasa Europa.
Nagbalik siya sa Pilipinas noong 1894.
Taong 1896 ng siya ay hulihin ng mga kastila at ibinilanggo sa Fort Santiago sa bintang na siya ay
may kinalaman sa gawain ng mga katipunero, kasama niyang nakulong ang kanyang kapatid na
si Heneral Antonio Luna.
Pinalaya siya noong 1897. Muli siyang umalis ng Pilipinas at naglakbay sa iba't ibang bansa sa
silangan. Subalit inabot siya doon ng karamdaman.
Disyembre 7, 1899 ng siya ay bawian ng buhay.
Lapu-Lapu
Bayani ng Mactan
Si Lapu-lapu ang hari at pinuno ng maliit na isla ng Mactan. Kilala siya sa kanyang katapangan sa
pakikipaglaban ngunit mabait na lider sa nasasakupan.
Tumanggi siyang kilalanin ang soberanya ng Espanya, lalung-lalo na ang tumanggap ng mga
dayuhan sa kanyang isla. Nang dumating sa Cebu si Ferdinand Magellan ginawa nito ang lahat
ng paraan para makuha ang tiwala ng mga taong bayan, subalit hindi ito nagustuhan ni Lapu-
lapu.
Hindi sumunod si Lapu-lapu sa patakaran ng mga kastila Tumanggi siyang magbayad ng buwis.
Nagalit si Magellan, mula sa Cebu ay naglayag ang pangkat nito at nilusob ang Isla ng Mactan.
Subalit dahil sa pag-ibig sa kalayaan buong tapang na hinarap ni Lapu-lapu ang mga sundalong
Kastila kahit na iilan lamang ang kanyang mga tauhan at kahit na makaluam ang kanilang
sandata. Dahil sa pinaghandaan ng husto nina Lapu-lapu ang labanan ay nasugatan si Magellan
na naging dahilan para umatras ang grupo ng mga sundalong kastila patungo sa kanilang
sasakyang pandagat.
Nang makita ng mga sundalong kastila na tuluyan nang nagapi ang kanilang pinuno aymabilis na
nagsialis at tumakas ang mga ito.
Ang labanan ay naganap sa baybayin ng Mactan noong Abril 27, 1521 kung saan napatay niya si
Magellan.
Melchora Aquino
(1812-1919)
Ina ng Himagsikan
Siya ay kilala sa tawag na Tandang Sora noong kanyang katandaan. Ipinanganak siya sa Gulod
Banilad Balintawak noong Enero 6, 1812. Ang mga magulang niya ay sina Juan Aquino at
Valentina de Aquino.
Sa kagubatan ng Balintawak siya nanirahan. Hindi siya nakapag-aral dahilan sa kahirapan,
subalit taglay niya ang kabaitan at mabuting ugali ng pakikipagkapwa. Napangasawa niya si
Fulgencio Ramos subalit nabiyuda siya nang maaga.
Nang sumiklab ang himagsikan, si Tandang Sora ay 84 na taong gulang. Taong 1896 ng
magpakita ng labis na kalupitan ang mga Kastila nahigingan ng mga ito na malapit nang
maghimagsik ang mga tauhan ni Bonifacio.
Maraming kalalakihan ang hinuli at pinarusahan, pilit na pinaaamin tungkol sa lihim na samahan
ng Katipunan at kapag hindi umamin ay kanilang pinapatay sa pamamagitan ng pagbaaril o di
kaya ay pagbitay. Ang ibang nakatakas ay nagtago sa Balintawak sa lugar ni Tandang Sora.
Lahat ng taong dumulog kay Tandang Sora ay kanyang tinutulungan. Pinakakain niya ang mga
rebulusyunaryong nagugutom, ginagamot ang mga sugatan. Subalit hindi niya pinababayaang
magtagal sa poder niya ang mga ito. Binibigyan niya ang mga ito ng baong pera at pagkain at
saka pinatatakas patungo sa ligtas na lugar na maaaring pagtaguan ng mga ito.
Nakarating sa kaalaman ng mga kastila ang ginagawang pagtulong ni Tandang Sora sa mga
miyembro ng Katipunan. Hinuli siya ng mga kawal Kastila at dinala sa Maynila. Ipinatapon siya
sa pulo ng Marianas.
Bumalik lamang si Tandang Sora sa Pilipinas noong 1903 ng mapasailalim ito sa kamay ng mga
Amerikano. Matandang-matanda na siya noon at wala na siyang natitirang ari-arian.
Namatay siya noong Marso 2, 1919 sa edad na 107.
Gabriela Silang
(19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763)
Si Gabriela Silang ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong
kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang,
ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.
Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong 19 Marso 1731 sa
Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang kagustuhan nang
siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang
kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang napunta kay
Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda.
Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban
si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong
Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.
Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa
kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila
at kawalan interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong
Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20 Setyembre
1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang
katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.
Ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika
na GABRIELA.
Padre Mariano Gomez
Si Mariano Gómez y Guard (Latin: Marianus Gomez), isinilang noong Agosto 2, 1799 sa Santa
Cruz, Maynila, ay isang Pilipinongpari, bahagi ng Gomburza na maling pinaratangan ng pag-
aalsa laban sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas noong ika-19 dantaon. Siya ay nilitis at hinatulan
ng bitay sa Maynila kasama ang dalawang iba pang mga pari.
Si Mariano Gomez ay nagtapos ng "Canon Law", at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at
naging pari sa Parokya ng Bacoor,Kabite noong Hunyo 2, 1824. Siya ay naging aktibo sa
pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang ito. Siya rin ang naging
tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari kung kaya't siyay minahal at iginagalang ng
lubos ng maraming tao. Nagpagtagumpayan din niya ang pakikipaglaban para sa mga karapatan
ng mga paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila.
Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglaban nilang karapatan. Dahil na rin sa kanyang
pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebulusyon na sumibol sa
Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez ay pinatay sa pamamagitan ng garote
noong ika-17 ng Pebrero, 1872.
Padre Jose Burgos
Si Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9 ng Pebrero, 1837. Ang kanyang
ama ay si Tenyente José Tiburcio Burgos at ang kanyang ina ay si Florencia Garcia.
Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Bilang isang mag-
aaral, siya ay may angking katalinuhan. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Colegio de San
Juan de Letran. Naging pari noong Pebrero 11, 1885 at itinalaga sa Katedral ng Maynila.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nakatapos siya nang may karangalan para sa kursong Teolohiya
(1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at "Doctorate's Degree" para sa
Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871).
Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez.
Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay. Nang namatay si
Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni Padre Burgos kasama sina Padre Mariano
Gomez at Padre Jacinto Zamora.
Sa paglilitis ng Pagaaklas sa Cavite noong Enero 20, 1872, isa sa mga nag-aklas na si Sarhento
Bonifacio Octavo ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na naghihikayat ng mga
tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito ay inuutusan ni Burgos para gawin
ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng testimonya ni Octavio, ang naturang
pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay sinabi ni Gov. Rafael
Izquierdo sa Madrid at ang testimonya ay nagpatunay ng kanyang pagdududa. Nadiin sina
Burgos kasama ng dalawa pang pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon.
Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na testigo, at
kung saan ang kani-kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong Pebrero 15, 1872, sila ay
ginarote sa Fort Santiago sa gitna ng Bagumbayan na ngayon ay Luneta.
Si Burgos, sa edad na 35, ay ang pinakabata at huling namatay. Ang tatlo ay nagsilbing
mahalagang aral kay Jose Rizal, kung saan pinangalanan niyang GOMBURZA at naging
inspirasyon niya na gawin ang kanyang pangalawang nobela, El Filibusterismo sa siyang
gumising sa mga pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan laban sa mga banyaga.
Padre Jacinto Zamora
Si Padre Jacinto Zamora ay isinilang noong Agosto 14, 1835 sa Pandacan, Maynila. Ang kanyang
mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario.
Nag-aral si Zamora sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ay natapos niya ang
kursong Bachiller en Artes. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na
kung saan naman ay natamo niya ang diploma para sa kursong Bachiller en Leyes Canon.
Si Padre Zamora ay hindi kasintalino nina Padre Burgos at Padre Gomez subalit siya ay
nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha niya noong siya ay pansamantalang
nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng mataas na marka at pagkakapasa sa pagsusulit, si
Padre Zamora ay hindi binigyan ng permanenteng posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang
"indio".
Lumipat ng Maynila si Padre Zamora at dito siya nakipagtagisan ng kuru-kuro laban sa mga
Kastilang Prayle. Buong giting na ipinagtanggol ni Padre Zamora ang mga Pilipinong pari.
Nang maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at ikinulong sa Fort
Santiago. Siya ay isa sa pinagbintangang namuno sa pag-aalsa laban sa Kastila, kasama ni
Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez. Siya ay kasamang binitay noong Pebrero
17, 1872 sa pamamagitan ng garote. Siya ay isa sa tinaguriang tatlong paring martir na lalong
kilala bilang GOMBURZA.
Francisco “Balagtas” Baltazar
Francisco Balagtas (Abril 2, 1788—Pebrero 20, 1862) who is more famously called Francisco Baltazar. He
is considered as one of the greatest Filipino poet. Florante at Laura is his masterpiece that inspired and
touched the heart and soul of the reader.
He was born in Panginay, a small town in Bigaa, Bulacan (now called Balagtas) on Abril 2, 1788. He was
the youngest among the four children of Juan Baltazar and Juana dela Cruz.
He was just eleven years years when he was brought to Tondo, Manila. Because of his nature of being
hardworking, Balagtas became a helper of Donya Trining, a rich relative of his. Because of his dedication
and dedication to his job, Donya Trining was very fond of him. Donya Trining sent him to Colegio de San
Juan de Letran at Colegio de San Jose to finish his study. In 1812 he finished his law degree, Canones,
Gramatica Castilla, Gramatica Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teologia at Pilosopia at the
age 24.
Francisco Baltazar was called as "Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino" and considered as "Filipino
William Shakespeare."
He learned to write poems from Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) who was the famous poet in Tondo,
Manila. Jose dela Cruz was a great inspiration for Balagtas to write good poems and masterpices. And
Balagtas later became well-known and celebrated poet in the field of literature.
In 1835, he moved to Pandakan, and here he met Maria Asuncion Rivera. She was beautiful lady that
became an inspiration for Balagtas. She was nicknamed "Selya" and MAR of Balagtas in his masterpice
Florante at Laura.
Mariano Kapule is his rival of the love for Maria Asuncion Rivera. Nanong Capule used his influence and
money to defeat Balagtas. Caoule brought Balagtas to prison and there he wrote Florante at Laura.
He imprisoned again because of the accusation of the lady, that Balagtas cut her hair. He was released in
1860. He continued to write comedy, songs at choirs.
Francisco Balagtas lived and died with his wife, Juana Tiambing and eleven children on February 20,
1862 at the age of 74.

More Related Content

What's hot

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOHiie XD
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonJenita Guinoo
 
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMAILYNVIODOR1
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonMara Maiel Llorin
 
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng EspanyolPamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng EspanyolMavict De Leon
 
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...Marcelino Christian Santos
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwentorosemelyn
 
Mga suliraning kinakaharap ng bansa
Mga suliraning kinakaharap ng bansaMga suliraning kinakaharap ng bansa
Mga suliraning kinakaharap ng bansaBilly Rey Rillon
 
Kaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uriKaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uriRitchenMadura
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasJuan Miguel Palero
 
EXPEDISYON NI MAGELLAN
 EXPEDISYON NI MAGELLAN EXPEDISYON NI MAGELLAN
EXPEDISYON NI MAGELLANRobert Imus
 
Pag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalPag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalShiella Rondina
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaRivera Arnel
 

What's hot (20)

Mga bayani
Mga bayaniMga bayani
Mga bayani
 
Pang abay
Pang abayPang abay
Pang abay
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyon
 
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyon
 
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng EspanyolPamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
 
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
Mga Pilipinong Naging tanyag sa larangan ng musika, sining, agrikultura at pa...
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Bahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayaganBahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayagan
 
Pang Ukol
Pang UkolPang Ukol
Pang Ukol
 
Mga suliraning kinakaharap ng bansa
Mga suliraning kinakaharap ng bansaMga suliraning kinakaharap ng bansa
Mga suliraning kinakaharap ng bansa
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Kaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uriKaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uri
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
 
EXPEDISYON NI MAGELLAN
 EXPEDISYON NI MAGELLAN EXPEDISYON NI MAGELLAN
EXPEDISYON NI MAGELLAN
 
Kulturang Pilipino
Kulturang PilipinoKulturang Pilipino
Kulturang Pilipino
 
Pag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalPag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyal
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
 

Viewers also liked

Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioMdaby
 
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahananKaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahananJinky Isla
 
Pambansang bayani ng pilipinas
Pambansang bayani ng pilipinasPambansang bayani ng pilipinas
Pambansang bayani ng pilipinasMelchor Lanuzo
 
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas pptSistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas pptAbem Amlac
 
Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Sagisag ng PilipinasPambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Sagisag ng PilipinasChristina Dioneda
 
Atomic structure presentation
Atomic  structure presentationAtomic  structure presentation
Atomic structure presentationLyllwyn Gener
 
Panunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel RoxasPanunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel Roxasjetsetter22
 
Pamahalaang kolonyal sa pilipinas
Pamahalaang kolonyal sa pilipinasPamahalaang kolonyal sa pilipinas
Pamahalaang kolonyal sa pilipinasDanielle Villanueva
 

Viewers also liked (12)

Atomic structure
Atomic structureAtomic structure
Atomic structure
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Manuel roxas 1
Manuel roxas 1Manuel roxas 1
Manuel roxas 1
 
Bayaning pilipino
Bayaning pilipinoBayaning pilipino
Bayaning pilipino
 
Philippine National Heroes
Philippine National HeroesPhilippine National Heroes
Philippine National Heroes
 
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahananKaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
 
Pambansang bayani ng pilipinas
Pambansang bayani ng pilipinasPambansang bayani ng pilipinas
Pambansang bayani ng pilipinas
 
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas pptSistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
 
Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Sagisag ng PilipinasPambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Sagisag ng Pilipinas
 
Atomic structure presentation
Atomic  structure presentationAtomic  structure presentation
Atomic structure presentation
 
Panunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel RoxasPanunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel Roxas
 
Pamahalaang kolonyal sa pilipinas
Pamahalaang kolonyal sa pilipinasPamahalaang kolonyal sa pilipinas
Pamahalaang kolonyal sa pilipinas
 

Similar to Mga bayani ng pilipinas

Bayani ng Pilipinas
Bayani ng PilipinasBayani ng Pilipinas
Bayani ng PilipinasGhail Bas
 
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOMGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOBIGMISSSTEAK
 
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfreport-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfLykaAnnGonzaga
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptMaryflorBurac1
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Arianne Falsario
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoMckoi M
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxAprilLumagbas
 
Aralin-8-Ang-mga-Bayani-ng-Sariling-Lalawigan-at-Rehiyon.pptx
Aralin-8-Ang-mga-Bayani-ng-Sariling-Lalawigan-at-Rehiyon.pptxAralin-8-Ang-mga-Bayani-ng-Sariling-Lalawigan-at-Rehiyon.pptx
Aralin-8-Ang-mga-Bayani-ng-Sariling-Lalawigan-at-Rehiyon.pptxJoyTibayan
 
Pusong Walang Pag-ibig
Pusong Walang Pag-ibigPusong Walang Pag-ibig
Pusong Walang Pag-ibigMingMing Davis
 
project by: jerome draper
project by: jerome draperproject by: jerome draper
project by: jerome draperjeromedraper
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolShiella Rondina
 

Similar to Mga bayani ng pilipinas (20)

Bayani ng Pilipinas
Bayani ng PilipinasBayani ng Pilipinas
Bayani ng Pilipinas
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Ferdi2 Power
Ferdi2 PowerFerdi2 Power
Ferdi2 Power
 
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOMGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINO
 
Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
Dr.pptx
 
KABANATA 8
KABANATA 8KABANATA 8
KABANATA 8
 
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfreport-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
 
Andres bonifacio
Andres bonifacioAndres bonifacio
Andres bonifacio
 
Jesper aki.....
Jesper aki.....Jesper aki.....
Jesper aki.....
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
 
Aralin-8-Ang-mga-Bayani-ng-Sariling-Lalawigan-at-Rehiyon.pptx
Aralin-8-Ang-mga-Bayani-ng-Sariling-Lalawigan-at-Rehiyon.pptxAralin-8-Ang-mga-Bayani-ng-Sariling-Lalawigan-at-Rehiyon.pptx
Aralin-8-Ang-mga-Bayani-ng-Sariling-Lalawigan-at-Rehiyon.pptx
 
Buhay ni rizal
Buhay ni rizalBuhay ni rizal
Buhay ni rizal
 
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPCPagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
 
Pusong Walang Pag-ibig
Pusong Walang Pag-ibigPusong Walang Pag-ibig
Pusong Walang Pag-ibig
 
Rizal chapter1
Rizal chapter1Rizal chapter1
Rizal chapter1
 
project by: jerome draper
project by: jerome draperproject by: jerome draper
project by: jerome draper
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
 

Recently uploaded

1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralinbryandomingo8
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxTalisayNhs1
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 

Recently uploaded (20)

1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 

Mga bayani ng pilipinas

  • 1. Andres Bonifacio (1863-1897) Nagtatag ng katipunan Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang mga magulang niya ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro na isang mestisang Espanyol at nagtatrabaho sa isang pabrika ng sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa Don Guilermo Osmena sa Meisik, subalit naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon (19), kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Naghanapbuhay siya para sa kanyang mga nakababatang kapatid. Nagsikap na lang siyang mag- aral sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat. Natuto siyang gumawa at magbenta ng mga pamaypay na papel at mga baston. Naging mensahero siya ng Fleming and Co. At pagkaraan ay naging ahente dito. Ilan sa mga librong nabasa niya ay ang Himagsikang Pranses, Buhay at Gawa ng mga pangulo ng Estados Unidos at iba pang mga makasaysayang aklat. Hinubog ng mga aklat na ito ang utak ni Bonifacio. Noong Hulyo 7, 1892 si Andres Bonifacio kasama ng ilang kilalang tao ay patago at lihim na nagtipon sa Azcarraga, Maynila upang itatag ang KKK o "Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan". Subalit noong pagkaraan ng apat na taon ito ay natuklasan ng mga autoridad at binalak buwagin. Dahil dito pinasimula ni Bonifacio at ng mga katipunero ang himagsikan noong Agosto 23 sa pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad Lawin. Kalookan, kung saan pinunit nila ang kanilang mga cedula. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo tungkol sa pamumuno. Dinakip si Bonifacio sa salang pagtataksil sa bayan. Nahatulan siya ng kamatayan at pinatay ng mga sundalo sa bundok ng Tala, Cavite noong Mayo 10, 1897.
  • 2. Antonio N. Luna (1869-1899) Dakilang Heneral Si Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis Tondo, Maynila, Kapatid niya ang kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin Luna at Laureana Novicio. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtungo siya sa Barcelona at doon siya nag-tapos ng Parmasya. Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar. Sama-sama nilang ipinaglalaban doon ang kapakanan ng mga kababayan nila sa Pilipinas. Nang siya ay umuwi sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Chemist sa Municipal Laboratory ng Maynila. Isa rin siyang mahusay na manunulat. Sumulat siya ng mga artikulo sa "La Solidaridad" noong panahon ng propaganda. Dahil doon siya ay ipinatapon sa Espanya, at ibinilanggo sa madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga manghihimagsik. Nagbalik siya sa Pilipinas. Nang sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano at Pilipino siya ay sumama sa mga manghihimagsik ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa kanyang galing at katapangan ginawa siyang Kalihim-Digma sa Republika ng Pilipinas. Nagtatag siya ng Military Academy para ihanda niya ang Hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerikano. Nabingit siya sa kamatayan ng sumuong siya sa mahigpit na labanan sa La Loma. Natalo siya sa pakikipaglaban ngunit hindi siya sumuko. Siya ay tunay na bayaning nagmahal sa kanyang bayang tinubuan. Ipinaglaban niya ang kalayaan nito hanggang sa kanyang huling hininga. Noong Hunyo 5, 1899 ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva Ecija sa gulang na 30. Bago paman mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na nagsasabing ang kanyang ari-arian ay mapupunta sa kanyang ina, at ang kanyang katawan ay ibabalot sa bandila ng Pilipinas bago ilibing.
  • 3. Apolinario Mabini (1864-1903) Dakilang Lumpo Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa nayon ng Talaga, Tanauan, Batangas. Ang mga magulang niya ay sina inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Pangalawa siya sa magkakapatid. Nagmula siya sa mahirap na pamilya. Nakagisnan na niya ang hanapbuhay ng kanyang magulang na pagtatanim ng kung anu-anong gulay. Kahit naghihikahos nagsikap ang pamilya niya upang maitaguyod ang kanayang pag-aaral sa Maynila. Nagtatrabaho siya habang nag-aaral sa San Juan de letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Habang nag-aaral ay sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal at naging aktibo siyang miyembr. Nagtapos siya ng abogasya noong 1894. Taong 1896 ng magkasakit siya ng 'paralysis' na naging dahilan ng kanyang pagkalumpo. Lihim siyang ipinatawag ni Aguinaldo at ginawa siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan siya nito ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo". Taong 1899 ng si Mabini ay dakipin at ipinabilanggo ng mga Amerikano sa Nueva Ecija. Sa kulungan ay kanyang isinulat ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino." Enero 5, 1901 ng siya ay ipinatapon sa Guam kasama ng iba pa. Ngunit nagbalik siya sa bansa noong Pebrero 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa pamahalaang Estados Unidos. Nakumbinsi siyang kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano sapagkat naisip niya na malulutas lamang ang suliranin ng Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan. Namatay siya sa sakit na kolera sa idad na 39 noong Mayo 13, 1903 sa Nagtahan, Manila.
  • 4. Diego Silang (1730-1763) Pinuno ng pag-aaklas sa ilokos Si Diego Silang ay ipinanganak sa Caba La Union noong Disyembre 10, 1730. Ang mga magulang niya ay sina Mguel Sialng at Nicolasa de los Santos. Maliit pa siya ay utusan na siya ng mga pari. Lumaki siya sa parokya sa Vigan Ilocos Sur sa ilalim ng patnubay ng kura paroko. Minsang nautusan siyang lumuwas ng Maynila lulan ng isang bangka ay sinamampalad na nawasak ang kanilang sinakyan sa karagatan ng Zambales dahil sa pagdaan ng bagyo. Nakaligtas silang lahat at nakarating ng baybayin. Subalit nasabat sila ng mga Ita at napana ang lahat maliban kay Diego. Kinuha ng mga Ita si Diego. Matagal nagsilbi si Diego sa mga Ita, hanggang sa may magawing pari sa lugar na iyon at siya ay tinubos. Muli siyang naglingkod bilang utusan ng pari, naging matapat siya kaya pinagkatiwalaan siyang utusan ng pari sa Maynila. Dahil sa kanyang madalas na pagbibiyahe ay madalas niyang marinig ang karaingan ng mga tao laban sa mga kastila. Taong 1762 ng dumating sa maynila ang mga sundalong Amerikano. Natalo sa labanan ang mgakastila kaya isinuko ng mga ito ang Maynila. Nagkaroon ng ideya si Diego, bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang kanyang mga kababayan na lumaban sa mga kastila, pinamunuan niya ang pag-alsa. Napalayas ni Diego sampu ng kanyang mga tauhan ang mga opisyales na kastilang namumuno sa kanilang lugar. Ginaya ng mga mamamayan sa kalapit bayan ang ginawa ni Diego, nag-alsa rin ang mga ito laban sa mga puti. Nang makita ng mga kastila na mahirap talunin ang 2,000 katao na mga tauhan ni Diego ay umupa ang mga ito ng isang taksil na magkunwaring kaibigan ni Diego upang madali nila itong maipapatay. Nagtagumpay ang mga kastila, pataksil na napatay nga si Diego ng huwad na kaibigan sa pamamagitan ng pagbaril nang siya ay nakatalikod, nangyari ito noong Mayo 28, 1763. Subalit hindi doon natapos ang ipinaglalaban ni Diego. Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela Silang ang paghihimagsik laban sa mga kastila.
  • 5. Gregorio del Pilar (1875-1899) Bayani ng Pasong Tirad Si Gregorio del Pilar ay ipinanganak noong Nobyembre 14, 1875 sa Bulakan. Ang mga magulang niya ay sina Fernando del Pilar at Felipa Sempio. Pamangkin siya ni Marcelo del Pilar. Bata pa lamang siya ay nauunawaan na niya ang kalagayan ng kanyang bayan. Malimit siyang tumanggap ng maliliit na aklat na naglalaman ng mga sinulat nina Rizal, Lopez Jaena, del Pilar at iba pa mula kay Marcelo. Nagpakita din siya ng katapangan ng pakialaman niya ang mga aklat na ipinamumudmod ng isang pare na tumutuligsa at nagpaparatang sa mga Pilipinong nagpapakasakit alang-alang sa bayan. Pinalitan niya ng mga pahina na pinilas niya mula sa mga aklat na pinadadala sa kanya ng tiyuhing si Marcel del Pilar na nagpapakita naman ng pagmamahal sa bayan. Layunin niya ay ituwid ang mga maling paratang ng mga kastila sa mga Pilipinong repormista. Nag-aral din siya sa Ateneo taong 1880 at nakitira siya sa bahay ng kanyang tiyuhin, kung saan itinatag ang Katipunan. Nahikayat siyang maging mensahero ng mga propagandista, at dahil doon natanim sa kanyang murang isipan ang gawain ng Katipunan. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo noong Marso, 1896. Hindi nagkaroon ng katuparan ang pangarap niyang makapagturo sapagkat sumiklab ang Himagsikan. Sumapi siya sa grupo ni Col. Vicente Enriquez at kasama siyang napalaban sa Kakaron de Sili, at sa Paombong. Humanga sa kanya si Aguinaldo kaya nataas ang kanyang ranggo bilang tinyente-koronel. Siya ang nanguna sa labanan sa Bulakan kung saan pinalaya niya ito mula sa pagkakasakop. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna siya ang humalili dito, Tinugis sila ng kalabang Amerikano sa Pasong Tirad. Dahil sa magiting na pagtatanggol sa Pasong Tirad ay namatay siya, kasama ang ilan niyang mga tauhan. Ito ay noong Disyembre 2, 1899. Subalit bago siya namatay ay sinulat niya sa kanyang diary na "Isang napakahirap na gawain ang sa kanya'y nakaatang, subalit masaya siyang mamamatay para sa kanyang minamahal na bayan.
  • 6. Emilio Aguinaldo (1869-1964) Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas Si Aguinaldo ay isinilang sa Kawit, Cavite noong Marso 30, 1896. Ang mga magulang niya ay sina Crispulo Aguinaldo at Trinidad Famy. Nag-umpisa siyang mag-aral sa isang pribadong paaralan sa kanyang bayan at nagpatuloy sa San Juan de Letran. Noong Enero 1895 nahalal siya bilang Kapitan-Municipal sa Kawit, Cavite. Naging miyembro siya ng Katipunan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Baldomero Aguinaldo bilang isang tenyente. Pagkaraan ng ilang buwan ay tumaas ang kanayng ranggo at siya ay naging General. Pinamunuan niya ang paghihimagsik laban sa mga kastila. Nakipag-ugnaya ang pamahalaang kastila kay Aguinaldo at dahil doon ay naganap o nalagdaan ang "Pact of Biak na Bato" noong Disyembre 14, 1987, Maraming naging probisyon ang kasunduan, isa na doon ay: aalis ng Pilipinas sina Aguinaldo kasama ang ibang matataas na opisyales at sila ay babayaran ng Pamahalaang Kastila. Umalis nga si Aguinaldo kasama ang ibang matataas na opisyales at nagtungo sa Hongkong, subalit hindi natupad lahat ang mga ipinangako ng pamahalaang kastila. Nang mag-umpisa ang giyera ng Pamahalaang kastila at Amerika noong Abril 1898 ay bumalik si Aguinaldo sa Cavite at ipinagpatuloy ang pakikibaka sa tulong ng mga Amerikano. Nagkaroon ng malaking pag-aalsa at natalo ang pamahalaang kastila. Sumuko ang Maynila sa mga Amerikano. Noong Hunyo 12, 1898 ay itinatag naman ni Aguinaldo ang unang Republika ng Pilipinas sa Kawit, Cavite kung saan siya ang naging kauna-unahang pangulo ng Pilipinas.
  • 7. Emilio Jacinto (1875-1899) Utak ng Katipunan Si Emilio jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon na isang midwife or hilot. Mahirap lamang ang kanyang mga magulang. Nakapag-aral lang siya sa San Juan de Letran sa tulong ng isang tiyuhin. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo tomas kung saan kumuha siya ng abogasya. Doon ay naging kamag-aral niya sina Osmena, Quezon at Sumulong. Taong 1894 ay sumapi siya sa Katipunan. Labing-siyam na taong gulang siya noong at siya ang pinakabatang kasapi ng samahan. Mula sa una niyang pakikipaglaban sa Balintawak at Pasong Tamo ay pinagkatiwalaan at hinirang siya ni Andres Bonifacio bilang heneral sa hukbo ng Katipunan sa parteng hilaga. Isa siyang dalubhasang manunulat. Marami ang nagsabi na nahigitan pa niya si Bonifacio. Sapagkat hindi ang Dekalogo ni Bonifacio ang ginamit ng Katipunan kundi ang sinulat niyang 'Kartilya', nakapaloob dito ang mga turo ng KKK. Dahil dito kinilala siyang "Utak ng Katipunan at Himagsikan". Nagkahiwalay sila ni Bonifacio ng sumiklab ang himagsika. Isang taon pagkaraang mapatay si Bonifacio, nasugatan si Emilio Jacinto sa Labanan at nadakip siya ng mga kaaway. Ito ay noong Pebrero 1898, ngunit nakatakas siya at nagtungo siya sa Maynila. Ipinasiya niyang bumalik muli sa Laguna at doon ipinagpatuloy ang kanayng pakikibaka, subalit nagkasakit siya. Noong Abril 16, 1899 namatay siya sa sakit na malaria. Ang kanayng mga labi ay nalalagak ngayon sa "Cementerio del Norte sa Maynila.
  • 8. Jose P. Rizal (1861-1896) Pambansang Bayani ng Pilipinas Jose Protacio Rizal ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna. Ikapito siya sa labing- isang magkakapatid. Ang mga magulang niya sina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo Realonda. Ang kanyang ina ang una niyang naging guro. Maagang nalantad si Rizal sa mga pang- aabusong ginawa ng mga kastila sa mga Pilipino. Sa i-dad na labing isang taon labis na nabuo sa kanyang isip ang panggagarote sa tatlong paring sina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Pumasok siya sa Ateneo at nagtapos dito ng Bachelor in Arts na may mataas na karangalan. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas kumuha siya ng pilosopiya at medisina. Noong 1882 siya ay nagtungo sa Europa. Nag-aral siya ng medisina sa Universidad de Central Sa Madrid, Espa�a at nagtapos noong 1885. Samantalang siya ay nasa Europa nakibahagi siya sa pagtuligsa sa mga pang-aapi at kalabisan ng mga Kastila sa Pilipinas. Kasama ang ilang dakilang Repormista tulad nina Graciano Lopez Jaena humingi sila g pagbabago. Isinulat niya ang 'Noli Me Tangere' sa Berlin noong 1887 at 'El Filibusterismo' sa Belgium noong 1891. Noong 1892 nagbalik si Jose Rizal sa Pilinas kahit na alam niya ang panganib na naghihintay sa kanya bunga ng kanyang mga isinulat. Ipinagpatuloy niya ang kanayng makabayang gawain at noong Hulyo 3, 1892 itinatag niya ang 'La Liga Filipina'. Pagkatapos ng ilang linggo dinakip siya at ipinatapon sa Dapita. Nagprisinta siyang maipadala sa Cuba bilang manggagamot, subalit habang nasa biyahe patungo roon ay dinakip siya at ibinalik sa Pilipinas. Ipiniit siya sa Fort Santiago kung saan isinulat niya ang Mi Ultimo Adios at pinatay siya bilang martir noong Disyembre 30, 1986. Dito nagtapos ang buhay ni Rizal at pagsisimula ng bagong pag asa ng henerasyon.
  • 9. Juan N. Luna (1857-1899) Dakilang Pintor Si juan Luna ay ipinanganak sa Badoc, Ilocos Norte noong Oktubre 23, 1857, kapatid niya si Antonio Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin Luna at Laureana Novicio. Taong 1874 ng magtapos siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila ng kursong "Bachiler de artes'. Likas ang hilig niya sa pagpipinta kaya nag-aral din siya sa Academia de Dibujo y Pintura sa Maynila na pinamamahalaan ng mga bantog at kilalang kastilang pintor. Nagtungo siya sa Espanya taong 1877 upang magpakadalubhasa. Pumasok siya sa tanyag na Escuela de Bellas Artes sa Madrid. Dahil sa husay niyang magpinta ay umani si Juan Luna ng paghanga at papuri. Nahirang din siyang pensiyanado sa Europa ng pamahalaang Pilipino. Siya ay pinagkalooban ng taunang pensyon sa loob ng apat na taon, sa kasunduang taun-taon ay gagawa siya ng isang larawang magagamit na palamuti sa iba't ibang gusali ng pamahalaang Pilipinas. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa sa Europa. Narating niya ang Roma, Italia at Paris kasama niya ang kanyang guro na si Alejo Vera. Nagkamit ng medalyang ginto ang kanyang iginuhit na "Ang Kamatayan ni Cleopatra" at naipagbili niya sa pinakamataas na halagang maibabayad sa isang pintura. Taong 1884 ng kanyang iginuhit ang bantog na "Spolarium" na nakilala at hinangaan sa lahat ng kanyang mga ginawa. Marami pang ibang likha si Juan Luna na hinahangaan ng marami habang siya ay nasa Europa. Nagbalik siya sa Pilipinas noong 1894. Taong 1896 ng siya ay hulihin ng mga kastila at ibinilanggo sa Fort Santiago sa bintang na siya ay may kinalaman sa gawain ng mga katipunero, kasama niyang nakulong ang kanyang kapatid na si Heneral Antonio Luna. Pinalaya siya noong 1897. Muli siyang umalis ng Pilipinas at naglakbay sa iba't ibang bansa sa silangan. Subalit inabot siya doon ng karamdaman. Disyembre 7, 1899 ng siya ay bawian ng buhay.
  • 10. Lapu-Lapu Bayani ng Mactan Si Lapu-lapu ang hari at pinuno ng maliit na isla ng Mactan. Kilala siya sa kanyang katapangan sa pakikipaglaban ngunit mabait na lider sa nasasakupan. Tumanggi siyang kilalanin ang soberanya ng Espanya, lalung-lalo na ang tumanggap ng mga dayuhan sa kanyang isla. Nang dumating sa Cebu si Ferdinand Magellan ginawa nito ang lahat ng paraan para makuha ang tiwala ng mga taong bayan, subalit hindi ito nagustuhan ni Lapu- lapu. Hindi sumunod si Lapu-lapu sa patakaran ng mga kastila Tumanggi siyang magbayad ng buwis. Nagalit si Magellan, mula sa Cebu ay naglayag ang pangkat nito at nilusob ang Isla ng Mactan. Subalit dahil sa pag-ibig sa kalayaan buong tapang na hinarap ni Lapu-lapu ang mga sundalong Kastila kahit na iilan lamang ang kanyang mga tauhan at kahit na makaluam ang kanilang sandata. Dahil sa pinaghandaan ng husto nina Lapu-lapu ang labanan ay nasugatan si Magellan na naging dahilan para umatras ang grupo ng mga sundalong kastila patungo sa kanilang sasakyang pandagat. Nang makita ng mga sundalong kastila na tuluyan nang nagapi ang kanilang pinuno aymabilis na nagsialis at tumakas ang mga ito. Ang labanan ay naganap sa baybayin ng Mactan noong Abril 27, 1521 kung saan napatay niya si Magellan.
  • 11. Melchora Aquino (1812-1919) Ina ng Himagsikan Siya ay kilala sa tawag na Tandang Sora noong kanyang katandaan. Ipinanganak siya sa Gulod Banilad Balintawak noong Enero 6, 1812. Ang mga magulang niya ay sina Juan Aquino at Valentina de Aquino. Sa kagubatan ng Balintawak siya nanirahan. Hindi siya nakapag-aral dahilan sa kahirapan, subalit taglay niya ang kabaitan at mabuting ugali ng pakikipagkapwa. Napangasawa niya si Fulgencio Ramos subalit nabiyuda siya nang maaga. Nang sumiklab ang himagsikan, si Tandang Sora ay 84 na taong gulang. Taong 1896 ng magpakita ng labis na kalupitan ang mga Kastila nahigingan ng mga ito na malapit nang maghimagsik ang mga tauhan ni Bonifacio. Maraming kalalakihan ang hinuli at pinarusahan, pilit na pinaaamin tungkol sa lihim na samahan ng Katipunan at kapag hindi umamin ay kanilang pinapatay sa pamamagitan ng pagbaaril o di kaya ay pagbitay. Ang ibang nakatakas ay nagtago sa Balintawak sa lugar ni Tandang Sora. Lahat ng taong dumulog kay Tandang Sora ay kanyang tinutulungan. Pinakakain niya ang mga rebulusyunaryong nagugutom, ginagamot ang mga sugatan. Subalit hindi niya pinababayaang magtagal sa poder niya ang mga ito. Binibigyan niya ang mga ito ng baong pera at pagkain at saka pinatatakas patungo sa ligtas na lugar na maaaring pagtaguan ng mga ito. Nakarating sa kaalaman ng mga kastila ang ginagawang pagtulong ni Tandang Sora sa mga miyembro ng Katipunan. Hinuli siya ng mga kawal Kastila at dinala sa Maynila. Ipinatapon siya sa pulo ng Marianas. Bumalik lamang si Tandang Sora sa Pilipinas noong 1903 ng mapasailalim ito sa kamay ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya noon at wala na siyang natitirang ari-arian. Namatay siya noong Marso 2, 1919 sa edad na 107.
  • 12. Gabriela Silang (19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763) Si Gabriela Silang ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa. Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda. Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda. Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20 Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan. Ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na GABRIELA.
  • 13. Padre Mariano Gomez Si Mariano Gómez y Guard (Latin: Marianus Gomez), isinilang noong Agosto 2, 1799 sa Santa Cruz, Maynila, ay isang Pilipinongpari, bahagi ng Gomburza na maling pinaratangan ng pag- aalsa laban sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas noong ika-19 dantaon. Siya ay nilitis at hinatulan ng bitay sa Maynila kasama ang dalawang iba pang mga pari. Si Mariano Gomez ay nagtapos ng "Canon Law", at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging pari sa Parokya ng Bacoor,Kabite noong Hunyo 2, 1824. Siya ay naging aktibo sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang ito. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari kung kaya't siyay minahal at iginagalang ng lubos ng maraming tao. Nagpagtagumpayan din niya ang pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila. Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglaban nilang karapatan. Dahil na rin sa kanyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebulusyon na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez ay pinatay sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero, 1872.
  • 14. Padre Jose Burgos Si Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9 ng Pebrero, 1837. Ang kanyang ama ay si Tenyente José Tiburcio Burgos at ang kanyang ina ay si Florencia Garcia. Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Bilang isang mag- aaral, siya ay may angking katalinuhan. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran. Naging pari noong Pebrero 11, 1885 at itinalaga sa Katedral ng Maynila. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nakatapos siya nang may karangalan para sa kursong Teolohiya (1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at "Doctorate's Degree" para sa Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871). Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez. Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay. Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni Padre Burgos kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora. Sa paglilitis ng Pagaaklas sa Cavite noong Enero 20, 1872, isa sa mga nag-aklas na si Sarhento Bonifacio Octavo ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na naghihikayat ng mga tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito ay inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng testimonya ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay sinabi ni Gov. Rafael Izquierdo sa Madrid at ang testimonya ay nagpatunay ng kanyang pagdududa. Nadiin sina Burgos kasama ng dalawa pang pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon. Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na testigo, at kung saan ang kani-kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong Pebrero 15, 1872, sila ay ginarote sa Fort Santiago sa gitna ng Bagumbayan na ngayon ay Luneta. Si Burgos, sa edad na 35, ay ang pinakabata at huling namatay. Ang tatlo ay nagsilbing mahalagang aral kay Jose Rizal, kung saan pinangalanan niyang GOMBURZA at naging inspirasyon niya na gawin ang kanyang pangalawang nobela, El Filibusterismo sa siyang gumising sa mga pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan laban sa mga banyaga.
  • 15. Padre Jacinto Zamora Si Padre Jacinto Zamora ay isinilang noong Agosto 14, 1835 sa Pandacan, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario. Nag-aral si Zamora sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ay natapos niya ang kursong Bachiller en Artes. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan naman ay natamo niya ang diploma para sa kursong Bachiller en Leyes Canon. Si Padre Zamora ay hindi kasintalino nina Padre Burgos at Padre Gomez subalit siya ay nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha niya noong siya ay pansamantalang nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng mataas na marka at pagkakapasa sa pagsusulit, si Padre Zamora ay hindi binigyan ng permanenteng posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang "indio". Lumipat ng Maynila si Padre Zamora at dito siya nakipagtagisan ng kuru-kuro laban sa mga Kastilang Prayle. Buong giting na ipinagtanggol ni Padre Zamora ang mga Pilipinong pari. Nang maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at ikinulong sa Fort Santiago. Siya ay isa sa pinagbintangang namuno sa pag-aalsa laban sa Kastila, kasama ni Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez. Siya ay kasamang binitay noong Pebrero 17, 1872 sa pamamagitan ng garote. Siya ay isa sa tinaguriang tatlong paring martir na lalong kilala bilang GOMBURZA.
  • 16. Francisco “Balagtas” Baltazar Francisco Balagtas (Abril 2, 1788—Pebrero 20, 1862) who is more famously called Francisco Baltazar. He is considered as one of the greatest Filipino poet. Florante at Laura is his masterpiece that inspired and touched the heart and soul of the reader. He was born in Panginay, a small town in Bigaa, Bulacan (now called Balagtas) on Abril 2, 1788. He was the youngest among the four children of Juan Baltazar and Juana dela Cruz. He was just eleven years years when he was brought to Tondo, Manila. Because of his nature of being hardworking, Balagtas became a helper of Donya Trining, a rich relative of his. Because of his dedication and dedication to his job, Donya Trining was very fond of him. Donya Trining sent him to Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose to finish his study. In 1812 he finished his law degree, Canones, Gramatica Castilla, Gramatica Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teologia at Pilosopia at the age 24. Francisco Baltazar was called as "Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino" and considered as "Filipino William Shakespeare." He learned to write poems from Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) who was the famous poet in Tondo, Manila. Jose dela Cruz was a great inspiration for Balagtas to write good poems and masterpices. And Balagtas later became well-known and celebrated poet in the field of literature. In 1835, he moved to Pandakan, and here he met Maria Asuncion Rivera. She was beautiful lady that became an inspiration for Balagtas. She was nicknamed "Selya" and MAR of Balagtas in his masterpice Florante at Laura. Mariano Kapule is his rival of the love for Maria Asuncion Rivera. Nanong Capule used his influence and money to defeat Balagtas. Caoule brought Balagtas to prison and there he wrote Florante at Laura. He imprisoned again because of the accusation of the lady, that Balagtas cut her hair. He was released in 1860. He continued to write comedy, songs at choirs. Francisco Balagtas lived and died with his wife, Juana Tiambing and eleven children on February 20, 1862 at the age of 74.