SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
Download to read offline
DRAT-FILIPINO GRADE 7 – NARRATIVE
(DRAT-FIL7N1)
Bubong
Sa lalawigan ng Ilocos Sur, naninirahan ang mag-asawang sina Ben
at Cora. Mayroon silang dalawang anak, isang lalaki at isang babae.
“Lakay*, mahal ko, ganito na lang ba lagi ang ating sitwasyon?
Kawawa ang mga bata, nagkasasakit na sila sa sobrang init kapag tag-araw
at tulo mula sa bubong kapag tag-ulan,” ang pahayag ni Cora kay Ben.
“Baket**, mahal ko, hayaan mo kapag natapos ang aking trabaho sa
bayan ay titignan ko kung ano ang problema sa bubong natin,” ang tugon ni
Ben.
Araw ng Linggo, inakyat ni Ben ang kanilang bubong. Laking gulat
niya sapagkat malaki na pala ang butas at kinakalawang ang malaking
bahagi ng yero. Kaya, ipinasya niyang tumungo sa kanilang bayan upang
bumili ng yero at iba pang kailangan sa pagpapalit nito.
Kasama ang kaniyang anak na lalaki, maingat nilang binaklas ang
lumang yero at sinimulan nang palitan ng bago. Abala naman ang kaniyang
kabiyak at anak na babae sa paghahanda ng kanilang meryenda at ganoon
din ang kanilang pananghalian.
Bawat miyembro ng pamilya ay ginagawa ang kanilang makakaya
upang makabahagi sa paglutas ng kanilang suliranin. Sa huli, sama-sama
ang mag-anak sa paglilinis at pagliligpit ng mga ginamit sa pagpapalit ng
yero ng kanilang bubong.
- Marissa F. Francisco
*Lakay- tawag ng mga Ilocano sa asawang babae.
**Baket – tawag ng mga Ilocano sa asawang babae.
1. Ano ang suliranin ng mag-anak sa binasang teksto?
A. Sobrang init kapag tag- araw.
B. Tumutulo ang bubong kapag tag-ulan.
C. Nagkasasakit ang kanilang dalawang anak.
D. Butas ang malaking bahagi ng yero.
2. Ano ang mahihinuha sa pahayag ni Cora sa ikalawang talata?
A. Nag-aalala sa kalagayan ng mga anak.
B. Nagagalit na siya sa kaniyang asawa dahil sa kapabayaan.
C. Nahihirapan na siya sa kanilang kalagayan sa loob ng bahay.
D. Nakikiusap na siya sa kaniyang asawa na gumawa na ng paraan.
3. Anong kahanga-hangang katangian mayroon ang mag-anak sa
kuwento?
A. May pagbibigayan
B. May pagtutulungan
C. May pagmamahalan
D. May pagkauunawaan
4. Ano ang nais iparating ng teksto sa mambabasa?
A. Unahin ang pamilya
B. Maagap sa paglutas sa suliranin
C. Maging bahagi sa paglutas ng suliranin
D. Ipahayag ang nararamdaman upang magkaunawaa
5. Ano ang mainam na maging wakas ng kuwento?
A. Simula sa araw na iyon, hindi na magkakasakit ang mga bata.
B. Simula sa araw na iyon, mapayapa at tahimik na ang mag-anak.
C. Simula sa araw na iyon, maayos at komportable na ang kanilang bahay.
D. Simula sa araw na iyon, hindi na mainit at tutulo sa loob ng kanilang
baha
DRAT-FILIPINO GRADE 7 – EXPOSITORY
(DRAT-FIL7E1)
Mindanao
Ang Mindanao ay pangalawang pinakamalaking pulo sa
Pilipinas. Bagamat ang Mindanao ay siyang tahanan ng mga Muslim
na Pilipino, may mga rehiyon na hindi nakararami ang mga Muslim,
tulad ng mga Rehiyon X, XI at CARAGA. Karamihan sa mga rehiyong
ito ay gumagamit ng panitikang Cebuano. Ang mga rehiyong IX at
ARMM ay mga sadyang Muslim sa lahi, wika, at panitikan.
‘Lupang Pangako’ ang naging bansag sa isla ng Mindanao.
Ito ay naging popular nang himukin ng dating Pangulong Magsaysay
ang mga Pilipino na humayo at manirahan sa Mindanao upang
paunlarin ang kanilang kabuhayan. Maraming Pilipino mula sa Luzon
ang tumugon sa panawagang ito kaya naman ngayon, isang isla ang
Mindanao na puwedeng sabihing kinatatampukan ng dibersidad.
Bukod sa mga Muslim, marami rin ang mga grupong Kristiyano at
mga Lumad. Ito ang mga nagtuturing sa kanilang sarili na katutubo
ng Mindanao, hindi dayo kundi nag-ugat dito bilang mga tao at mga
komunidad.
Ang pag-aaral sa mga panitikan ng Mindanao kung gayon ay
isang pag-aaral din ng dibersidad ng lahing Pilipinas. Hindi
ipinapanukala gayunman na ang dibersidad na ito ay indikasyon ng
pagkawatak-watak ng lahi. Nakadaragdag pa nga ito upang higit na
maging makulay ang mga kabihasnan at kulturang Pilipino.
(Hango sa “Ang Panitikang Mindanao at Kasaysayan Nito: “Lupain ng mga Pangako”” mula sa
Ang Pitak -Ang Pandayan ng Isip, Talino at Angking Kasanayan – Baitang 7)
1. Anong rehiyon sa Mindanao ang sadyang Muslim sa lahi, wika, at
panitikan?
A. Rehiyon X
B. Rehiyon XI
C. Rehiyon IX at ARMM
D. Rehiyon IX at CARAGA
2. Ano ang ibinigay na bansag sa pulo ng Mindanao?
A. Lupang Pangako
B. Dibersidad na Pulo
C. Tahanan ng mga Muslim
D. Pangalawang Pinakamalaking Pulo
3. Ano ang kahulugan ng dibersidad na ginamit sa teksto?
A. Pagkaiba-iba
B. Pagkakatulad
C. Pagkawatak-watak
D. Pagkapantay-pantay
4. Ano ang mahihinuhang dahilan ng mga Pilipino sa paninirahan sa Mindanao?
A. Maraming oportunidad ng pag-unlad
B. Kakaunti pa lamang ang tao sa Mindanao
C. Hinimok sila na manirahan sa Mindanao
D. Iba-ibang lahi ang mga nakatira sa Mindanao
5. Bilang isang Pilipino, paano mo ipakikita na hindi hadlang ang dibersidad sa
pagtatamo ng pag-unlad?
A. Igalang ang kultura, relihiyon, panitikan at lahi ng bawat isa.
B. Ipaliwanag sa mga tao na mahalaga ang kultura, relihiyon, panitikan at lahi.
C. Himukin ang mga tao na tangkilikin ang magagandang kultura, relihiyon, panitikan
at lahi.
D. Magmungkahi ng batas sa pag-aaral at pagpapayaman ng kultura, relihiyon,
panitikan at lahi

More Related Content

Similar to DRAT G7.pdf

Review sa filipino 7.pptx
Review sa filipino 7.pptxReview sa filipino 7.pptx
Review sa filipino 7.pptx
chelsiejadebuan
 
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docxPERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
RhoseEndaya1
 

Similar to DRAT G7.pdf (20)

DLP Filipino 5.pdf
DLP Filipino 5.pdfDLP Filipino 5.pdf
DLP Filipino 5.pdf
 
Alamat ng bohol
Alamat ng boholAlamat ng bohol
Alamat ng bohol
 
FILIPINO7; Q1-W1.pptx
FILIPINO7; Q1-W1.pptxFILIPINO7; Q1-W1.pptx
FILIPINO7; Q1-W1.pptx
 
Review sa filipino 7.pptx
Review sa filipino 7.pptxReview sa filipino 7.pptx
Review sa filipino 7.pptx
 
DIAGNOSTIC TEST FOR Esp 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Esp 4DIAGNOSTIC TEST FOR Esp 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Esp 4
 
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
 
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf
 
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxQ3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
 
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
 
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdfAP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
AP5_q1wk6_mod6_sosyokulturalatpampolitikangpamuuhayngmgasinaunangpilipino.pdf
 
Q1, m3
Q1, m3Q1, m3
Q1, m3
 
ESP-Q4-W4.pptx
ESP-Q4-W4.pptxESP-Q4-W4.pptx
ESP-Q4-W4.pptx
 
q1_Ang Munting Ibon jpg.pptx
q1_Ang Munting Ibon jpg.pptxq1_Ang Munting Ibon jpg.pptx
q1_Ang Munting Ibon jpg.pptx
 
Filipino Grade 6 Class Observation Tool.pptx
Filipino Grade 6  Class Observation Tool.pptxFilipino Grade 6  Class Observation Tool.pptx
Filipino Grade 6 Class Observation Tool.pptx
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docxPERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
 
ESP Q2 WEEK 3 DAY 1-2.pptx
ESP Q2 WEEK 3 DAY 1-2.pptxESP Q2 WEEK 3 DAY 1-2.pptx
ESP Q2 WEEK 3 DAY 1-2.pptx
 
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptxkuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang Araw
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang ArawEdukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang Araw
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3-Unang Araw
 
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptxFILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
 

DRAT G7.pdf

  • 1. DRAT-FILIPINO GRADE 7 – NARRATIVE (DRAT-FIL7N1) Bubong Sa lalawigan ng Ilocos Sur, naninirahan ang mag-asawang sina Ben at Cora. Mayroon silang dalawang anak, isang lalaki at isang babae. “Lakay*, mahal ko, ganito na lang ba lagi ang ating sitwasyon? Kawawa ang mga bata, nagkasasakit na sila sa sobrang init kapag tag-araw at tulo mula sa bubong kapag tag-ulan,” ang pahayag ni Cora kay Ben. “Baket**, mahal ko, hayaan mo kapag natapos ang aking trabaho sa bayan ay titignan ko kung ano ang problema sa bubong natin,” ang tugon ni Ben. Araw ng Linggo, inakyat ni Ben ang kanilang bubong. Laking gulat niya sapagkat malaki na pala ang butas at kinakalawang ang malaking bahagi ng yero. Kaya, ipinasya niyang tumungo sa kanilang bayan upang bumili ng yero at iba pang kailangan sa pagpapalit nito. Kasama ang kaniyang anak na lalaki, maingat nilang binaklas ang lumang yero at sinimulan nang palitan ng bago. Abala naman ang kaniyang kabiyak at anak na babae sa paghahanda ng kanilang meryenda at ganoon din ang kanilang pananghalian. Bawat miyembro ng pamilya ay ginagawa ang kanilang makakaya upang makabahagi sa paglutas ng kanilang suliranin. Sa huli, sama-sama ang mag-anak sa paglilinis at pagliligpit ng mga ginamit sa pagpapalit ng yero ng kanilang bubong. - Marissa F. Francisco *Lakay- tawag ng mga Ilocano sa asawang babae. **Baket – tawag ng mga Ilocano sa asawang babae.
  • 2. 1. Ano ang suliranin ng mag-anak sa binasang teksto? A. Sobrang init kapag tag- araw. B. Tumutulo ang bubong kapag tag-ulan. C. Nagkasasakit ang kanilang dalawang anak. D. Butas ang malaking bahagi ng yero. 2. Ano ang mahihinuha sa pahayag ni Cora sa ikalawang talata? A. Nag-aalala sa kalagayan ng mga anak. B. Nagagalit na siya sa kaniyang asawa dahil sa kapabayaan. C. Nahihirapan na siya sa kanilang kalagayan sa loob ng bahay. D. Nakikiusap na siya sa kaniyang asawa na gumawa na ng paraan. 3. Anong kahanga-hangang katangian mayroon ang mag-anak sa kuwento? A. May pagbibigayan B. May pagtutulungan C. May pagmamahalan D. May pagkauunawaan 4. Ano ang nais iparating ng teksto sa mambabasa? A. Unahin ang pamilya B. Maagap sa paglutas sa suliranin C. Maging bahagi sa paglutas ng suliranin D. Ipahayag ang nararamdaman upang magkaunawaa 5. Ano ang mainam na maging wakas ng kuwento? A. Simula sa araw na iyon, hindi na magkakasakit ang mga bata. B. Simula sa araw na iyon, mapayapa at tahimik na ang mag-anak. C. Simula sa araw na iyon, maayos at komportable na ang kanilang bahay. D. Simula sa araw na iyon, hindi na mainit at tutulo sa loob ng kanilang baha
  • 3. DRAT-FILIPINO GRADE 7 – EXPOSITORY (DRAT-FIL7E1) Mindanao Ang Mindanao ay pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Bagamat ang Mindanao ay siyang tahanan ng mga Muslim na Pilipino, may mga rehiyon na hindi nakararami ang mga Muslim, tulad ng mga Rehiyon X, XI at CARAGA. Karamihan sa mga rehiyong ito ay gumagamit ng panitikang Cebuano. Ang mga rehiyong IX at ARMM ay mga sadyang Muslim sa lahi, wika, at panitikan. ‘Lupang Pangako’ ang naging bansag sa isla ng Mindanao. Ito ay naging popular nang himukin ng dating Pangulong Magsaysay ang mga Pilipino na humayo at manirahan sa Mindanao upang paunlarin ang kanilang kabuhayan. Maraming Pilipino mula sa Luzon ang tumugon sa panawagang ito kaya naman ngayon, isang isla ang Mindanao na puwedeng sabihing kinatatampukan ng dibersidad. Bukod sa mga Muslim, marami rin ang mga grupong Kristiyano at mga Lumad. Ito ang mga nagtuturing sa kanilang sarili na katutubo ng Mindanao, hindi dayo kundi nag-ugat dito bilang mga tao at mga komunidad. Ang pag-aaral sa mga panitikan ng Mindanao kung gayon ay isang pag-aaral din ng dibersidad ng lahing Pilipinas. Hindi ipinapanukala gayunman na ang dibersidad na ito ay indikasyon ng pagkawatak-watak ng lahi. Nakadaragdag pa nga ito upang higit na maging makulay ang mga kabihasnan at kulturang Pilipino. (Hango sa “Ang Panitikang Mindanao at Kasaysayan Nito: “Lupain ng mga Pangako”” mula sa Ang Pitak -Ang Pandayan ng Isip, Talino at Angking Kasanayan – Baitang 7)
  • 4. 1. Anong rehiyon sa Mindanao ang sadyang Muslim sa lahi, wika, at panitikan? A. Rehiyon X B. Rehiyon XI C. Rehiyon IX at ARMM D. Rehiyon IX at CARAGA 2. Ano ang ibinigay na bansag sa pulo ng Mindanao? A. Lupang Pangako B. Dibersidad na Pulo C. Tahanan ng mga Muslim D. Pangalawang Pinakamalaking Pulo 3. Ano ang kahulugan ng dibersidad na ginamit sa teksto? A. Pagkaiba-iba B. Pagkakatulad C. Pagkawatak-watak D. Pagkapantay-pantay 4. Ano ang mahihinuhang dahilan ng mga Pilipino sa paninirahan sa Mindanao? A. Maraming oportunidad ng pag-unlad B. Kakaunti pa lamang ang tao sa Mindanao C. Hinimok sila na manirahan sa Mindanao D. Iba-ibang lahi ang mga nakatira sa Mindanao 5. Bilang isang Pilipino, paano mo ipakikita na hindi hadlang ang dibersidad sa pagtatamo ng pag-unlad? A. Igalang ang kultura, relihiyon, panitikan at lahi ng bawat isa. B. Ipaliwanag sa mga tao na mahalaga ang kultura, relihiyon, panitikan at lahi. C. Himukin ang mga tao na tangkilikin ang magagandang kultura, relihiyon, panitikan at lahi. D. Magmungkahi ng batas sa pag-aaral at pagpapayaman ng kultura, relihiyon, panitikan at lahi