2. Noong unang panahon, may isang
mangingisda ang lumuwas ng siyudad
upang bumili ng kanyang gagamitin sa
pangingisda.
Bago ito umalis ay nagbilin ang asawa at
anak nito na bumili ng kendi at suklay na
hugis buwan. Upang hindi malimutan ng
mangingisda ang bilin ng asawa na bumili
ng suklay na hugis buwan, ay tumingala
lamang daw ito sa langit upang maalala
ang bibilhin.
3. Noong araw na iyon, ang buwan ay
nagsisimula nang maghugis suklay.
Nagsimula nang maglakbay ang
mangingisda at inabot din ng ilang araw
bago ito makarating sa syudad. Nang
makarating ay agad itong pumunta ng
tindahan at binili ang kanyang kailangan
sa pangingisda pati na rin ang kendi
para sa kanyang anak. Ngunit
nakalimutan naman nito ang pinabibili ng
kanyang asawa.
4. Kayat ang lalake ay nagpa ikot ikot sa
tindahan upang hanapin kung ano ba ang
pinabibili ng kanyang asawa. Napansin ito
ng nagtitinda at nag tanong kung maari ba
nitong tulungan ang lalake sa kanyang
hinahanap. "Hinahanap ko ang pinabibili
ng aking asawa" saad ng mangingisda
5. "Pampapula ho ba ng labi"? Saad ng
nagtitinda
"Hindi" tugon naman ng mangingisda
"Pitaka?"
"Hindi rin"
"Unan?"
6. "Ah naalala ko na!" saad ng mangingisda.
Sinabi nito na tumingala lamang daw
upang maalala ang kanyang bibilhin.
Doon ay nakita ng mangingisda at
nagtitinda ang bilog na bilog na buwan.
Nang makita ang buwan ay inabot ng
nagtitinda ang isang bilog na salamin.
Sigurado daw ito na ang salamin ang
pinapabili ng asawa ng mangingisda.
7. Nang matapos na sa pamimili ay
agad ding umuwi ang mangingisda
at nang makarating sa kanila ay nag-
aabang na ang kanyang asawa, anak
at ama't ina ng mangingisda.
8. "Kumuha ka ng kendi" saad ng
mangingisda sa kanyang anak.
"Natandaan mo pa ang pinabibili ko
sayo?" saad ng asawa ng mangingisda
Agad namang inituro ng lalake ang
kanyang pinamili.
9. "Wala naman dito ang suklay na hugis
buwan!" tugon ng misis ng lalake. Kinuha
naman ng mangingisda ang kanyang mga
pinamili at inabot sa kanyang asawa ang
lalagyan na may lamang salamin.
Nabigla naman ang asawa ng lalake ng
makita ang nasa repleksyon ng salamin.
10. "Bakit ka nagdala ng mia noi?"
(Ang mia noi ay mga salitang Lao na
katumbas ng pangalawang asawa
na mas bata sa unang asawa. Ito'y
bahagi ng lipunang Thai at Lao.)
Kinuha naman ng ina ng lalake ang
salamin at ganoon din ang naging
reaksyon nito ng tignan ang salamin.
"Nakakadiri ka at naguwi kapa ng mia
noi na matanda at kulubot pa!".
11. Kinuha naman ng anak ng lalake ang
salamin at sinabi nitong
"Lolo tignan nyo kinuha nya ang aking
kendi at kinakain pa". Dali daling hinablot
ng lolo ang salamin mula sa bata at nang
makita din ang repleksyon ay nainis ang
matanda dahil tila nang aasar
12. ang taong nasa salamin. Dahil sa inis ay
kumuha ang matanda at patalim nakita rin
nito na may patalim din ang taong nasa
salamin. "Sasaksakin din nya ako!" galit
na tugon ng lolo. At dahil dito ay
inundayan ng saksak ng matanda ang
salamin.
"Ngayon ay hindi kana makakagambala
pa" Saad ng lolo