SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
Anim na Sabado ng
Beyblade (Bahagi
Lamang) ni
Ferdinand Pisigan
Jarin
• Si Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero at
guro. Dating literary editor ng “ The Touch Publication at Aklas
Literary Folio ng PNU.
GABAY NA TANONG.
• Banghay ng Kwento.
• Paano sinimulan ng may akda ang kuwento?
• Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagbago sa di-
mabuting pag-uugali ng ama?
• Anong aral ang mapupulot sa kuwento?
• Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin
na niyang magdiwang ng kaarawan kahit
hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming
tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang
regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”.
Kailangang di niya malimutan ang araw na
ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa
lahat ng Sabado. Maraming- maraming
• Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush
Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang
Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade.
Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya
ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang
kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon.
Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw. Ikalawang
Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay
muling naglaro ng beyblade kasama ang mga
pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong
Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na
siyang nanghihina.
•Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya
makuhang laruin ang beyblade bagamat
ayaw niya itong bitiwan sa loob ng
kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang
nakapagngangalit, unti-unti na namang
nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit
pinipilit pa rin niyang maging malakas
bagamat talagang di na kaya ng
kaniyang paang tumayo ng kahit ilang
sandali man lang. Nakadudukot na rin
siya ng mga matitigas na butil ng dugo
• Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan,
lubos kong ikinagulat nang tanungin niya ako
ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?)
Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking
pitaka at ipinakitang mayroon itong laman.
Agad akong nagtanong kung ano ang nais
niya na sinagot naman niya ng agarang
pagturo sa isang kalapit na tindahan.
• Kung mabilis man akong nakabili ng mga
kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang
umalis agad sa tindahan at nakangiting
bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing
ang aking anak. Nang kami’y pumasok na sa
loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang
nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa
aming kinaupuan. Tuluyan na siyang nakalbo
pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na
kusang nalagas ang mga buhok.
• Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan
niya ang kanyang sarili upang tuluyang
matanggal ang mga buhok. Nang araw na
iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa
trabaho ang isang mascot upang bigyan ng
pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang
bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat
di man lang siya makangiti at makatawa,
kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan.
• Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.
Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng
lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na
Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi
ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang
pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya
kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa
lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga
maliliit na helicopter na tumataas at bumababa
ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa
tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at
malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na
siyang nagyayang umuwi
• . At pagkauwi’y humiga nang humiga at
paulit-ulit na tumingin sa kawalan. Huling
Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado.
Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos
ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak.
Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag
ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng
mata, ibinuga niya ang kaniyang huling
•Namatay siya habang tangan ko sa aking
bisig. Hinintay lamang niya ang aking
pagdating. Di na kami nakapag-usap pa
dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod
na palahaw ng matinding sakit na di nais
danasin ng kahit sino. “Sige na, Bo.
Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin.
Paalam.” Ikaanim na Sabado nang
paglabas ni Rebo sa ospital.
• Huling Sabado na masisilayan siya ng mga
nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang
may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa
loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa
lugar na walang sakit, walang gutom, walang
hirap. Payapang magpapaikot at iikot.
Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming
mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang
tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

More Related Content

Similar to Anim na Sabado ng Beyblade (Bahagi.pptx (13)

Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
My First Slideshared :)
My First Slideshared :)My First Slideshared :)
My First Slideshared :)
 
aralin 2, maikling kwento 7 [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved].pptx
aralin 2, maikling kwento 7 [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved].pptxaralin 2, maikling kwento 7 [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved].pptx
aralin 2, maikling kwento 7 [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved] [Autosaved].pptx
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer class
 
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
 
Mga Halimbawa ng Dagli para sa Aralin sa Filipino
Mga Halimbawa ng Dagli para sa Aralin sa FilipinoMga Halimbawa ng Dagli para sa Aralin sa Filipino
Mga Halimbawa ng Dagli para sa Aralin sa Filipino
 
Q1W1_AP4_0.docx
Q1W1_AP4_0.docxQ1W1_AP4_0.docx
Q1W1_AP4_0.docx
 
Sa tagumpay ng anak
Sa tagumpay ng anakSa tagumpay ng anak
Sa tagumpay ng anak
 
Hawing Landas
Hawing LandasHawing Landas
Hawing Landas
 
Nobela
NobelaNobela
Nobela
 
Nobela
NobelaNobela
Nobela
 

More from Lorniño Gabriel (13)

Discussion-Context-Clues000100000001.pptx
Discussion-Context-Clues000100000001.pptxDiscussion-Context-Clues000100000001.pptx
Discussion-Context-Clues000100000001.pptx
 
Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
Dr.pptx
 
Types-of-Plant-Cells-animal-cells.pptx
Types-of-Plant-Cells-animal-cells.pptxTypes-of-Plant-Cells-animal-cells.pptx
Types-of-Plant-Cells-animal-cells.pptx
 
KABANAT 3 EL.pptx
KABANAT 3 EL.pptxKABANAT 3 EL.pptx
KABANAT 3 EL.pptx
 
ANG BUWANG HUGIS SUKLAY.pptx
ANG BUWANG HUGIS SUKLAY.pptxANG BUWANG HUGIS SUKLAY.pptx
ANG BUWANG HUGIS SUKLAY.pptx
 
ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH.pptx
ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH.pptxANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH.pptx
ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH.pptx
 
LOCAL DEMO.pptx
LOCAL DEMO.pptxLOCAL DEMO.pptx
LOCAL DEMO.pptx
 
ang ama.pptx
ang ama.pptxang ama.pptx
ang ama.pptx
 
cot1-LP-2023.pptx
cot1-LP-2023.pptxcot1-LP-2023.pptx
cot1-LP-2023.pptx
 
final demo.ppt
final demo.pptfinal demo.ppt
final demo.ppt
 
noli me tangere- kabanata 7.pptx
noli me tangere- kabanata 7.pptxnoli me tangere- kabanata 7.pptx
noli me tangere- kabanata 7.pptx
 
Biag ni Lam-ang.pptx
Biag ni Lam-ang.pptxBiag ni Lam-ang.pptx
Biag ni Lam-ang.pptx
 
dula at maikling kuwento.pptx
dula at maikling kuwento.pptxdula at maikling kuwento.pptx
dula at maikling kuwento.pptx
 

Recently uploaded

AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
JoseIsip3
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 

Recently uploaded (20)

mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 

Anim na Sabado ng Beyblade (Bahagi.pptx

  • 1. Anim na Sabado ng Beyblade (Bahagi Lamang) ni Ferdinand Pisigan Jarin
  • 2. • Si Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero at guro. Dating literary editor ng “ The Touch Publication at Aklas Literary Folio ng PNU.
  • 3. GABAY NA TANONG. • Banghay ng Kwento. • Paano sinimulan ng may akda ang kuwento? • Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagbago sa di- mabuting pag-uugali ng ama? • Anong aral ang mapupulot sa kuwento?
  • 4. • Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming- maraming
  • 5. • Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw. Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina.
  • 6. •Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo
  • 7. • Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan.
  • 8. • Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan. Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok.
  • 9. • Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan.
  • 10. • Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi
  • 11. • . At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan. Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling
  • 12. •Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. “Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital.
  • 13. • Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.