4. Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
5. Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping
ikaw'y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang
mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga
palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang
kapatid.
6. ANO ANG ELEHIYA?
Ang elehiya ay isang tulang liriko
na naglalarawan ng pagbubulay-
bulay o guni-guni na nagpapakita
ng masidhing damdamin
patungkol sa alaala ng isang
mahal sa buhay.
7. ANO ANG KATANGIAN
NG ELEHIYA?
May katangian ang elehiya. Ito’y
tula ng pananangis, pag-alaala, at
pagpaparangal sa mahal sa buhay
na ang himig ay matimpi,
mapagmuni-muni, at di-
masintahin.