2. Sa simula ay dumating ang matandang kubang
pipilay-pilay sa isang pagkakataon na hindi
inaasahan. Hindi siya pansin kundi lamang nadagil
ng mga katutubong nagkakatuwaan sa paghabol ng
iaalay na baboy para sa idaraos na Cañao. Isang
piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang
pinakadakilang Bathala.
3. Noong una’y patungo si Lifu-o sa kaingin nang makakita ng uwak
sa gitna ng daan. Isa itong masamang pangitain kaya bumalik
siya at at nagpasiyang magdaos ng Cañao. Sumunod niyang narinig
ang pagkakagulo at sigawan ng mga kabataang Igorot. Sa
paghahabulan ay napadako sa kinaroroonan ng matandang kuba at
kasama itong natumba. Nakita ni Lifu-o kung paano tinulungan
ang matanda na muling naupo sa lusong. Ang mga Igorot ay
malakas na umaawit at nananawagan na iligtas sila sa panganib
at kapahamakang darating.
4. Lumapit si Lifu-o sa matanda, inimbitahang
makiisa sa kanila, nang tumanggi ito ay
dinulutan na lamang ng karne at kanin. Noon
nagsalita ang matandang kuba, sa
makapangyarihang tinig ay sinabi niyang
dininig ni Kabunian ang idinaraos na Cañao,
sila ay bibiyayaan ng mga anito at nais
5. Una, sinabi niyang takluban siya ng malaking kawa
saka ipagpatuloy ang Cañao. Ikalawa, ibinilin
niya na huwag gagalawin ang pagkakataob sa kanya
ng kawa. Pagkatapos, sa ikatlong araw ay sisibol
ang isang kahoy, huwag gagalawin ang puno, bunga
lamang ang maari nilang pitasin.
6. Iyon ay isang pagsubok. Dumating ang matandang kubang
iyon na pipilay-pilay sa isang pagkakataon na hindi
inaasahan…
Sinunod nila ang bilin ng matanda, ipinagpatuloy ang
Cañao. Dumating ang itinakdang araw, magkahalong
pananabik at pangamba ang kanilang nadarama. Inihudyat
ni Lifu-o na itaas ang kawa at nabigla ang lahat sa
nakita.
7. Lumakas ang tunog ng gangsa, nag-aawitan, nananalangin,
may nagsisiindak. Puno ng ginto! Biglang nahinto ang
lahat, si Sabsafung ang unang kumilos. Hinaplos niya
ang puno, hinaplos ni Lifu-o ang puno. Nagkabuhay muli
ang paligid, namuo ang sigawan, naglundagan sila
palapit sa puno. Ang puno ng ginto ay dinumog.
Tinapyas, initak, binali-bali, pinagtutuklap. Sila’y
nagtutulakan, nag-aagawan, nagsisipaan, nagsasakitan.
8. Patuloy sa pagtaas ang puno, patuloy din ito sa
pagkaubos. Patuloy pa rin sa pagtaas ang puno sa dakong
huli ito ay nabuwal, bumagsak ang mahiwagang kahoy at
pinawi ito ng isang makinang na liwanag.
Sa huli, mula sa malayo ay narinig ang bahaw na tinig
ng uwak. “Huhukayin ninyo mula ngayon ang ginto.”
Naisip ni Lifu-o ang isang matandang kubang pipilay-
pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong…