2. Pagtutulad ( Simeli)
• Payak na pagpapahayag na
ginagamitan ng mga karaniwng
parirala na tulad ng para ng,
animo’y, kagaya ng, kapara ng, at
iba pa.
hal.
Ang buhay sa mundo ay
parang isang dula na bawat isa ay
may papael na dapat gampanan.
3. Pagwawangis (Methapor)
• Ito ay naghahambing din ngunit
hindi na gumagamit ng mga
parirala pagkat tuwiran kung
magtulad.
Hal.
Siya ay isang kawal na habang
nasusugatan ay lalong tumatapang.
6. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
• Pagpapahayag sa pamamagitan ng
pabanggit sa bahagi ng isang bagay
o ideya bilang pagtukoy sa
kabuuan o pagbanggit sa kabuuan
bilang katapat ng isang bahagi.
Hal.
Tatlong bibig ang umaasa sa
kanya.
7. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
• Ang pagpapalit pansamantala
ng ma pangalan ng mga bagay
na tinutukoy sa pagpapahayag.
Hal.
Musika ang gamot sa
nalulungkot niyang damdamin.
8. Pagsalungat (Epigram)
• Kahawig ng tambisan kaya nga
lamang ay maikli at
matalinghaga.
Hal.
Nadapa sya upang muling
bumangon.
9. Pag-uyam ( Irony)
• Paggamit ng mga salitang
kabaligtaran sa tunay na
kahulugan at taliwas sa
katotohanan.
Hal. Maganda ang iyong mga
mata. Ang dalawa ay nagiging
apat.
10. Pagtanggi (Litotes)
• Gumagamit ng pananggi hindi
upang maipahayag ang
makabuluhang pagsang-ayon.
Hal.
Hindi ko sinasabi na ayaw ko sa
kanya pero suklam na suklam ako sa
kanya.
11. Pagtawag (Apostrophe)
• Nakikipag-usap sa karaniwang
bagay na tila ba nakikipag-usap
sa isang tao.
Hal.
Kadiliman, lambungan mo
ang naunsyami kong damdamin.