ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
Vicente Malapitan Senior High School Filipino sa Piling Larangan.pdf
1. Vicente Malapitan Senior High School
Filipino sa Piling Larang
Grade - 12 STEM
Franklin
MGA AKADEMIKONG PAPEL AT MGA
HALIMBAWA NITO
Tanyag, Maycee Ann B. Ginang. Ramos, Lorna D.
Guro
2. ABSTRAK
Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away o extract
from (Harper, 2016). Sa modernong panahon at pag-aaral, ginagamit ang abstrak bilang buod ng
mga akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral. Ito ay
naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit, resulta, at kongklusyon
(Koopman, 1997). Mahalagang tandaan na sa pamamagitan ng abstrak, malalaman na ng
mambabasa ang kabuoang nilalaman ng teksto. Kinakailangan lamang ang maingat na pag-extract o
pagkuha ng mahahalagang impormasyon sa teksto upang makabuo ng buod na siyang magiging
abstrak.
Mauuri bilang deskriptibo o impormatibo ang abstrak. Sa uring deskriptibo, inilalarawan nito sa mga
mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto. Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin, at
paksa ng papel at hindi pa ang pamamaraan, resulta, at kongklusyon (The University of Adelaide
2014). Nauukol ang uring ito sa mga kuwalitatibong pananaliksik at karaniwang ginagamit sa mga
disiplinang agham panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya, at humanidades.
Sa uring impormatibo, ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto,
nilalagom dito ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel (The
University of Adelaide 2014). Karaniwan itong ginagamit sa larangan ng inhenyeriya, ulat sa
sikolohiya, at agham. Ang impormatibong abstrak ay nauukol sa kuwantitatibong pananaliksik.
HALIMBAWA NG ABSTRAK:
“Epekto ng Klima sa Produksyon ng Palay sa Lalawigan sa Pilipinas”
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin ang epekto ng klima sa produksyon ng palay sa isang
lalawigan sa Pilipinas. Ginamit ang datos mula sa mga nakaraang taon at ginamitan ng mga
estadistikong pamamaraan para matukoy ang ugnayan ng klima at produksyon. Natuklasan na ang
pagtaas ng temperatura at pagbabago ng patlang ng ulan ay may malaking impluwensya sa
produksyon ng palay. Kapag ang temperatura ay masyadong mataas o ang pag-ulan ay hindi sapat,
nagiging negatibo ang epekto sa produksyon. Ang mga natuklasang ito ay mahalagang impormasyon
para sa mga magsasaka at mga ahensya ng pamahalaan upang maipamahagi ang tamang
impormasyon at magkaroon ng mga estratehiya upang maibsan ang epekto ng klima sa sektor ng
agrikultura.
3. Harper, J. (2016). The Origin and Meaning of Abstract. Sa Pagsulat Ng Abstrak
[https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-abstrak/]
Koopman, P. (1997). Writing an Abstract. Sa Pagsulat Ng Abstrak [https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-
abstrak/]
The University of Adelaide. (2014). Mauuri bilang deskriptibo o impormatibo ang abstrak. Sa Pagsulat Ng
Abstrak [https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-abstrak/]
https://www.sanaysay.ph/ano-ang-abstrak/#Halimbawa_ng_Abstrak
SANGGUNIAN:
4. SINTESIS O BUOD
Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong
nakuha mula
sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na panyayare.ito ang pinakamahalagang
kaisipan ng anumang
teksto.Marapat lamang na maging malinaw sa pagpapahayag.Ang sintesis ay bahagi ng
metodong
diyaletikal kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.
Kahulugan ng buod:
- tala ng indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa narinig o nabasang artikulo, balita,
aklat,
panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
Pangangailangan sa pagsulat ng buod (Swales at Feat, 1994)
1. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto
2. Ilahad sa pamaraang nyutral o walang kinikilingan.
3. Pinaiksing bersyon at gamit ang sariling pananalita ng gumawa.
Katangian ng mahusay na buod:
1. May obhetibong balangkas ng orihinal a teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na
teksto.
4. Gumamit ng mga susing salita.
5. Gumamit ng sariling salita
Hakbang sa pagbubuod:
1. Salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
2. Ilista ang pangunahing ideya, detalye, at paliwanag sa bawat ideya.
3. Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa lohikal na paraan.
4. Gumamit ng siya, apelyido ng awtor, o manunulat.
5. Isulat ang buod.
Kahulugan ng Sintesis:
- pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
- paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
- pagsasamang iba't ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-uugnay.
Dalawang anyo ng sintesis:
1. Explanatory
2. Argumentative
Mga uri ng sintesis:
1. Background synthesis – Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-
samahin ang mga
sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at
hindi ayon sa
sanggunian.
2. Thesis-driven synthesis – Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit
nagkakaiba lamang
sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng
pagpapakilala at paglalahad
ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng
sulatin.
3. Synthesis for the literature – Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalsang
kahingian ng mga
sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature
ukol sa paksa.
Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin ayusin ito
batay sa paksa.
Mga hakbang sa pagsulat ng sintesis:
1. Linawin ang layunin
2. Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.
3. Buuin ang tesis nulatin.
5. HALIMBAWA NG SINTESIS O BUOD:
“Ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan ay talaga namang nakakasama
sapagkat nakakaapekto ito sa pisikal, emosyonal at mentalidad ng menor de edad."
By: Cristine Joy Cabuga
Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2013 at Young Adult Fertility and
Sexuality (YAFS) study, isa sa sampung babae may edad 15-19 sa ating bayan ay ina o buntis na. Mga
14 percent ng mga Filipinang babae may edad 15 hanggang 19 ay buntis o di kaya mga ina na rin.
Ayon kay Larrize (2017) Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae
kung saan ay wala pa siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Ang iba sa kanila ay biktima
lamang ng pang gagahasa ng walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na
magkaroon ng anak sa murang edad pa lamang.
Ang magandang maidudulot ng maagang pagbubuntis ay masusubaybayan mo ang paglaki
ng bata hanggang siya ay magpakasal na.
At bukod pa dito dahil sa bata pa ay maaaring magkaroon ng malaking tyansa na
mapagtapos sa pag-aaral sapagkat may kakayahan pang makapagtrabaho di tulad nga mga
may edad na ng mabiyayaan ng anak.
Ngunit ang lahat ng ito ay sinasalungatan ng websayt na teenage pregnancy, ayon dito Ang
mga batang magulang o maagang nabubuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hinda pa
lubos na handa sa mga responsibilidad na haharapin nila.
At ayon pa dito, madaming mga kabataang mahihirap na may anak dahil hindi sila nakapag-
aral, hindi sila makakapag trabaho dahil hindi wasto amg kanilang pinag aralan.
SANGGUNIAN:
https://philnews.ph/2020/02/24/halimbawa-ng-sintesis-mga-halimbawa-ng-sintesis/
https://www.studocu.com/ph/document/pampanga-state-agricultural-university/survey-of-philippine-literature-in-
english/sintesis-o-buod-ddd/34060419
https://www.coursehero.com/file/52822445/Sintesis-o-Buoddocx/
Dyan Pamintuan
6. BIONOTE
Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan isang talata lamang) na naglalahad
ng mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyuna.
Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda.
. Pananaliksik
· Antolohiya
· Pag apply sa Scholar
· Pagdalo sa mga
workshops
· Journal
· Blog at websites
Dalawang Katangian ng Bionote/Tala ng may-akda
1. Maikling tala ng may-akda
· Ginagamit para sa journal at antolohiya
· Maikli ngunit siksik sa impormasyon
Nilalaman nito ay ang mga sumusunod:
· Pangalan ng may-akda
· Pangunahing Trabaho
· Edukasyong natanggap
· Akademikong parangal
· Dagdag na Trabaho
· Organisasyon na kinabibilangan
· Tungkulin sa Komunidad
· Mga proyekto na iyong ginagawa
2. Mahabang tala ng may-akda
· Mahabang prosa ng isang Curriculum vitae
· Karaniwan ito ay naka dobleng espasyo
Ginagamit ito sa mga sumusunod:
· Ginagamit sa encylopedia
· Curriculum Vitae
· Aklat
· Tala sa aklat ng pangunahing Manunulat
· Tala sa hurado ng mga lifetime awards
· Tala sa administrador ng paaralan
Nilalaman ng isang mahabang tala ng may akda
· Kasalukuyang posisyon
· Pamagat ng mga nasulat
· Listahan ng parangal
· Edukasyong Natamo
· Pagsasanay na sinalihan
· Karanasan sa propisyon o trabaho
· Gawain sa pamayanan
· Gawain sa organisasyon
7. HALIMBAWA NG BIONOTE:
Si RONALDO F. PASCUAL PH.D. ay ipinanganak noong ika-22 ng
Hunyo, 1963.Siya ay lumaki atnagkamalay sa Cuyapo, Nueva Ecija.
Ang kanyang mgamagulang ay sina SEVERO OTANES PASCUAL,
isangabogado at dating punong-guro sa Cuyapo Academy,Cuyapo,
Nueva Ecija, naging Juez de Paz at konsehalng nasabing bayan; at
naging dekanong tagapagtanggapsa Corregidor College, Guimba,
Nueva Ecija. ERLINDALIWAG FERNANDO, isang dating social
worker, mulasa Licab, Nueva Ecija.
Ang kabiyak ng kanyang puso ay si JEANNETTE PUERTOTORRALBA, isang kawani ng
gobyerno. Ang kanilang mga anak ay sinaJERALDINE T. PASCUAL, nagtapos ng Bachelor of
Arts in BroadcastCommunication mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP-DILIMAN); at
CHRISJERALD T. PASCUAL, mag-aaral sa ika-12 Grado, Pangkat STEM A, NEUSTLHS.
Siya ay nag-aral ng elementarya at nagtapos nang may karangalan saMababang Paaralang
Sentral ng Cuyapo noong 1976. Nagpatuloy ng pag-aaral samataas na paaralan sa sa St.
Pius X Institute sas Cuyapo at nagtapos noong 1980 bilang Most Diligent Student
Cathecist. Nag-aral sa Araullo University mula 1980-1984 ng kursong Bachelor of Science
in Education, major in English, minor inPolitical Science, at nagtapos ng CUMLAUDE.
Habang siya ay nag-aaral, nagingEditor-in-Chief siya ng kanilang student publication sa
loob ng dalawang schoolyear (1982-1983 at 1983-1984). Ginawaran siya ng parangal bilang
CAMPUSJOURNALIST OF THE YEAR at SCHOLAR OF THE YEAR nang siya aynagtapos ng
kolehiyo. Tinapos din niya sa Araullo University ang kanyang Master of Arts in English at
ang kursong Doctor of Philosophy.
Siya ay nagturo sa Mataas na Paaralan ng Araullo University mula 1984hanggang 1990, at
mula 1991 hanggang 1999 ay nagturo sa College of Educationkung saan naging Executive
Secretary siya ng Dekano ng nasabing kolehiyo;nagturo rin siya sa College of Arts and
Sciences ng nasabing pamantasan. NagingRegional Trainor in English sa mga guro ng High
School English sa buongRehiyon III sa ilalim ng Secondary Education Development
Program (SEDP)noong 1989.
Nagturo bilang English Professor sa College of Immaculate Conception Teacher Education
Dept., noong 1997-1998, at sa NEUST noong 1998-1999 sailalim ng Cross Institutional
Complementation Program (CICP) ng Comission onHigher Education (CHED).
Bilang isang Katoliko, siya ay aktibo sa pagiging pinuno ng Knights of Columbus,
Cabanatuan Council No. 3692 mula 1984 hanggang sa kasalukuyan.
SANGGUNIAN:
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/bionote.html
https://www.scribd.com/document/478863729/bionote-docx
8. PANUKALANG PROYEKTO
Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong plano ng mga hakbang na
kailangang gawin upang maisakatuparan ang isang layunin o pangangailangan.
Ito ay nagsisilbing gabay upang matukoy ang mga kinakailangang sangkap at
proseso ng isang proyekto bago ito isakatuparan. Ang bawat panukalang proyekto
ay dapat maglaman ng mga layunin, mga hakbang, iskedyul, badyet, at mga
kinakailangang mapagkukunan. Sa pamamagitan ng panukalang proyekto, ang
mga stakeholders ay magkakaroon ng mas malinaw na pang-unawa sa mga
detalye ng proyekto. Ito ay nagbibigay-daan sa kanila na maunawaan kung paano
ito magiging epektibo at kung aling mga hakbang ang kinakailangang
isakatuparan. Bukod dito, ang panukalang proyekto ay isang paraan upang
maipakita ang halaga at potensyal na dulot ng proyekto sa organisasyon o
komunidad.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Panukalang Proyekto
1. Pagkilala sa Pangangailangan o Layunin ng Proyekto
Ang unang hakbang sa pagbuo ng panukalang proyekto ay ang pagkilala sa
pangangailangan o layunin ng proyekto. Dapat matukoy kung ano ang problema o isyu
na dapat malutas o mapabuti. Mahalaga na malinawan ang mga layunin upang ang mga
susunod na hakbang ay magiging masistemang maisakatuparan.
2. Pagpaplano ng Mga Hakbang at Iskedyul
Pagkatapos matukoy ang layunin, ang sumusunod na hakbang ay ang pagpaplano ng
mga konkretong hakbang at iskedyul ng proyekto.Dito nakapaloob ang mga
detalyadong hakbang na kinakailangang gawin, ang mga responsibilidad ng bawat
miyembro ng koponan, at ang mga takdang oras para sa bawat yugto ng proyekto.
3. Pagtatakda ng Badyet at Mapagkukunan
Ang panukalang proyekto ay dapat magtakda ng badyet at mapagkukunan.
Sa bahaging ito ng pagbuo ng panukalang proyekto, kailangang matukoy kung gaano
karaming pondo ang kinakailangan at kung saan ito maaaring manggaling.
Maaaring kasama rito ang pampublikong pondo, pribadong donasyon, o iba pang
mapagkukunan na maaaring suportahan ang proyekto.
4. Pagpapahalaga at Pagsusuri ng Epekto
Isang mahalagang bahagi ng panukalang proyekto ay ang pagpapahalaga at
pagsusuri ng epekto nito. Dapat matukoy kung paano makakaapekto ang proyekto
sa mga taong direktang apektado nito, pati na rin sa pangkalahatang komunidad o
organisasyon. Ang pagpapahalaga at pagsusuri ng epekto ay nagbibigay-daan sa
pag-aaral ng potensyal na mga positibong bunga at mga posibleng hadlang o banta.
5. Pagpapalakas ng Koponan at Koordinasyon
Ang isang matagumpay na panukalang proyekto ay nangangailangan ng isang
mahusay na koponan at maayos na koordinasyon. Mahalaga na maipaliwanag ang
mga responsibilidad ng bawat miyembro ng koponan at tiyakin na mayroong
maayos na komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng mga kasapi ng koponan.
Ang bawat isa ay mayroong mahalagang papel na ginagampanan upang maitaguyod
ang tagumpay ng proyekto.
6. Pag-evaluwasyon at Pag-uulat
Sa huli, ang pagbuo ng panukalang proyekto ay hindi natatapos sa pagpaplano at
pagsasakatuparan nito. Mahalaga rin na magsagawa ng regular na pag-evaluwasyon
upang matiyak na ang proyekto ay tumutugon sa mga layunin nito at nagbibigay ng
inaasahang mga resulta. Ang regular na pag-uulat ay mahalaga upang magbigay ng
mga impormasyon sa mga stakeholders at upang matiyak na ang proyekto ay
nasusunod ang itinakdang mga hakbang at iskedyul.
9. Halimbawa ng Panukalang Proyekto:
"Panukalang Proyekto para sa Pagtatayo ng Komunidad na Silid-Aralan"
Layunin nitong magkaroon ng malinis at maayos na silid-aralan para sa mga mag-aaral
sa isang komunidad.
Kasama sa proyektong ito ang pagtatayo ng mga bagong estruktura, pagpapagawa ng
mga upuan at lamesa, at pagbibigay ng mga kagamitan sa pag-aaral.
Ang layunin nito ay mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa komunidad.
SANGGUNIAN:
https://www.sanaysay.ph/panukalang-proyekto/#Ano_ang_Panukalang_Proyekto
10. TALUMPATI
Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag na sumasalamin sa kakayahan ng
tao na makapanghikayat, magpahayag ng kaisipan, at magbigay-inspirasyon sa
iba.Ito ay isang paraan ng komunikasyon na binibigyang diin ang paggamit ng salita
upang maipahayag ang isang mensahe sa publiko. Sa pamamagitan ng talumpati,
nagkakaroon ng pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod ang mga tao sa isang layunin
o adhikain.
Kasaysayan ng Talumpati
Mula pa noong sinaunang panahon, ang talumpati ay naging bahagi ng lipunan. Sa
kasaysayan ng Pilipinas, maraming dakilang lider at bayani ang gumamit ng talumpati
upang ipahayag ang kanilang mga adhikain at ipakilos ang mga tao. Halimbawa nito ay
ang mga talumpating ginawa ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, at iba pa. Ang mga
talumpati ng mga ito ay nagbigay-daan sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay ng mga
Pilipino sa mga labanang pambansa.
Kahalagahan ng Talumpati
Ang talumpati ay may malaking papel sa ating lipunan. Ito ay isang instrumento ng
pagbabago, pagkakaroon ng boses, at pagpapahayag ng mga kaisipan. Sa pamamagitan
ng talumpati, ang mga tao ay nagkakaroon ng pagkakataong maipahayag ang kanilang
saloobin at paniniwala. Ito ay nagbibigay ng inspirasyon at lakas sa mga tagapakinig
upang magsimulang gumawa ng pagbabago.
Bahagi ng Talumpati
Ang isang talumpati ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:
Pambungad na Bahagi
Ito ang panimulang bahagi ng talumpati kung saan ipinakikilala ng tagapagsalita ang
kanyang sarili at nagpapahayag ng layunin ng talumpati. Dito rin ipinakikita ng
tagapagsalita ang kanyang pang-unawa sa pangangailangan ng kanyang mga tagapakinig
Katawan ng Talumpati
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati. Dito inilalahad ng tagapagsalita ang
kanyang mga punto, argumento, at mga ideya. Mahalagang bigyang-diin ang kahalagahan
ng mga punto at magbigay ng ebidensya o halimbawa upang patunayan ang mga ito.
Wakas na Bahagi
Ito ang huling bahagi ng talumpati kung saan ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang
konklusyon o buod ng talumpati.
Sa bahaging ito, maaaring magbigay rin ng mga panawagan o hamon sa mga tagapakinig
upang makibahagi sa layunin ng talumpati.
Maaaring magbigay rin ng pahayag ng pag-asa, inspirasyon, o panawagan sa pagkilos.
Estilo ng Pagsasalita
Ang bawat tagapagsalita ay may sariling estilo ng pagsasalita.
Maaaring ito ay malumanay at mapanuri o maaaring maging matapang at
mapanghikayat. Ang mahalaga ay ang paggamit ng mga salita na epektibo at malinaw
upang maipahayag ang mensahe sa mga tagapakinig.
Paggamit ng Retorika
Ang retorika ay ang sining ng pagpapahayag na gumagamit ng mga diskurso at estilo
upang manghikayat, mangatwiran, o makumbinsi.
Ito ay mahalagang kasangkapan sa pagbuo ng isang epektibong talumpati.
Ang mga retorikal na aparato tulad ng pagmamalabis, pagpapalit-tawag, pagbibigay-diin,
at pagsasalungat ay ginagamit upang mapaigting ang bisa ng talumpati.
11. Bisa at Epekto ng Talumpati
Ang isang mahusay na talumpati ay may kakayahang magbago ng kaisipan, pukawin
ang damdamin, at magdulot ng pagkilos. Ito ay isang mabisang paraan upang
maihatid ang mga ideya at layunin sa isang malawak na pangkat ng mga tao. Sa
pamamagitan ng talumpati, nagkakaroon ng pagkakaisa, pag-unawa, at pagbabago
sa lipunan. Ang talumpati ay naglalayong magbigay ng inspirasyon, impormasyon,
at pagbubuklod sa mga tagapakinig. Ito ay isang sining na nagbibigay-daan sa mga
indibidwal na maipahayag ang kanilang mga paniniwala at magamit ang kanilang
boses upang magsulong ng pagbabago. Sa pamamagitan ng talumpati, nagkakaroon
tayo ng pagkakataon na maipahayag ang ating mga ideya, tumindig sa mga isyung
mahalaga, at isulong ang pagkakapantay-pantay at kabutihan para sa lahat.
Halimbawa ng Talumpati:
May mga halimbawa ng mga talumpati na naging malaking bahagi ng kasaysayan.
Isa sa mga pinakatanyag na talumpati ay ang “I Have a Dream” ni Martin Luther King
Jr. na nagtulak ng laban para sa pantay na karapatan ng mga African-American.
Sa Pilipinas, isang halimbawa ay ang “Sa Aking mga Kabata” ni Dr. Jose Rizal na
nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at edukasyon.
SANGGUNIAN:
https://www.sanaysay.ph/ano-ang-talumpati/