PISIKAL NA PAMBUBULALAS
(Konseptong Papel)
Sa panahon ngayon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang mundo
hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo
kasabay ng mabilis na pagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa kaniyang paligid laganap
ang isang ‘di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga kabataan ang madalas na
nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na “pisikal na pambubulalas.” Ang
pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas nakatatanda sa kanila, mga
nagaganap sa kaniyang sarili o kaniyang kapaligiran. Halimbawa ng mga pangyayaring
nakakaapekto sa bata ang pasya ng magulang na maghihiwalay, paglipat ng paaralan at
pagkaligalig (istres o presyon). Ang pambubulalas at paulit-ulit na panunukso ay isang
agresibong epekto sa taong dumaranas nito. Ito’y maaaring humantong sa depresyon na
maging sanhi ng pagkawalang tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay. Nakagagambala ito
sa kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad ng batang may ganitong asal at maging sa batang
naaapi.
Nais ng pananaliksik na ito ang pagbibigay impormasyon ukol sa pisikal na
pambubulalas gayundin ang mga mananaliksik ay may layunin din – ito ay mabigyan ng
paghahanda ang mga mag-aaral lalo na sa mga mag-aaral na nasa ika-pitong baiting ng
Pambansang Mataas na Paaralan ng Pagsanahan sa snhi at sa mga negatibong epekto nito sa
kanila at upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman tungkol dito.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodo sa pangangalap
ng datos. Ang metodong ito ay maglalarawan sa pangkasalukuyang kondisyon ng
paksa ng pag-aaral at siya ring makatutulong sa pagtugon ng mga suliranin ng pananaliksik
na ito. Bumisita naman ang mga maanaliksik sa iba’t ibang mapagkakatiwalaang websayt sa
Internet upang mangalap ng mga mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pag-
aaral.
Mga talatanungan o survey form (questionnaire) ang gagamitin ng mga mananaliksik
bilang instrument ng pag-aaral sa pagkuha ng mga datos. Ang nasabing talatanungan ay
naglalaman ng sampung (10) multiple questions. Ipapasagot ng mga mananaliksik ang mga
talatanungan sa mga mag-aaral na nasa ika-pitong baiting ng Pambansang Mataas na Paaralan
ng Pagsanahan.
Inaasahang makabubuo ng 45 pahinang output ang pananaliksik na isasagawa na
tumutugon sa layunin ng papel na ito. Inaasahan din makapagpapahayag sa output ng mga
rekomendasyon na maaaring magamit ng piniling paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais
malutasan at mabawasan ang mga ganitong kaso sa kanilang eskwelahan at matigil na ang
mga kaganapang kagaya nito – pisikal na pambubulalas.