SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
BUNGA NG PAGTATAKSIL?
Ni: Jenita D. Guinoo
…Arrray…manganganak na yata ako..ang sakit sakit na ng aking
tiyan…Lito…tulungan mo ako…manganganak na yata ako…tulungan
mo ako…Nakikita ni Lito ang asawa na nahihirapan nang lumakad ngunit
waring parang walang naririnig ito. Hindi man lamang niya iniwan ang
kanyang ginagawa. Maawa ka Lito! Tulungan mo ako please…pumutok
na ang panubigan ko..ahhh! Noon lamang parang nagising si Lito,agad
niyang pinangko ang asawa na nanghihina na dahil sa sobrang sakit ng
tiyan. Tulungan niyo kami…manganganak na ang asawa ko! Iligtas niyo
po siya…tulungan niyo po ang asawa ko.
Iyon lamang ang aking naalala, nag-alala pa rin pala ang aking
asawa sa aking kalagayan. Naramdaman kong parang may bumabara sa
aking lalamunan nang maaalala ang nangyari sa amin kung kaya’t nag-iba
na ang damdamin sa akin ng aking asawa. Nawala na ang dati niyang
malambing na pagtawag sa akin, ang pagkamaalalahanin niya ay
napalitan na ngayon ng poot, poot na kailanman ay hindi nawawala ang
ningas nito. Hanggang kailan kaya ako magdurusa sa kasalanang aking
nagawa?
Dati, ang saya-saya namin. Walang lakad na hindi kami magkasama
kaya nga binansagan kaming kambal-tuko dahil sa hindi talaga
naghihiwalay. Kung nasaan siya ay nandoon din ako.
Bilang Executive Branch Manager ay naidestino ako ng isang
buwan sa isang branch ng San Jose na nangangailangan ng masusi’t
maingat na pamamahala. Pinag-aaralan kong mabuti ang kalagayan ng
finances at natukoy ko ang naging sanhi ng suliranin hanggang sa
naisaayos ko ang gusot ng kompanya. Sa loob ng ilang araw na
pamamalagi roon ay nakagamayan ko na ng loob ang aking mga ka-
opesina. Kapag nalalaman nilang hindi ako nakauwi ay agad akong
iniimbitahang mag-jamming. Minsan lamang ako sumasama sa kanila
ngunit isang gabi noon ay hindi na ako nakaiwas sa pangungulit nila kaya
napasubo ako sa inuman. Medyo nahilo na ako sa dami ng aking naiinom.
Habang nagkukwentuhan kami ay bigla na lamang may lumapit na isang
kakilala. Hindi ko agad siyang nakilala ngunit nang matamaan ang
kanyang mukha ng liwanag ay napagtanto kong ang akin palang dating
kasintahan. Bigla na lamang sumikdo ang aking puso. Para akong
natuklaw nang magtama ang aming mga mata. Binawi ko ang aking tingin
at ipinako ko sa aking mga kasamahang nagkukwentuhan. Hindi ko siya
pinansin ngunit ilang sandali lamang ay lumapit siya’t nagpakilala na
kaibigan. Parang natilihan ako sa bigla niyang paglapit. Napaurong ako
sa aking kinauupuan at hindi nakaimik sa kanyang mga katanungan.
Marami sana akong itatanong sa kanya ngunit ang namutawi lamang sa
aking mga labi ay “Hi”, Ba’t ka nakarating dito? Paano mo nalamang
nandito ako? Nagkibit lamang siya ng balikat na nakangiti habang
nakatingin sa akin. Ganyang-ganyan talaga siya kung tumingin sa akin
parang tumatagos sa kaibuturan ng aking puso. Nag-aalala ako, baka
maramdaman niyang kahit sa matagal na panahong hindi namin pagkikita
ay nananatili pa rin siyang nakapaloob sa aking puso. Pinakatitigan niya
ako na wari bang sinusuri pati ang aking kaluluwa. Ehem..ganito ba
lamang tayo, magtitinginan? Upang matanggal ang pag-aalangan,
uminom ako nang uminom. Hindi ko alam na naparami na pala ang
naiinom kong alak. Huntahan na kami nang huntahan, hindi ko na
mapigilan ang pagtawa, mapapahalakhak na ako. Pati siya ay nadadala sa
malakas kong pagtatawa. Isa-isang nagsisiuwian ang aking mga
kasamahan hanggang sa kami na lamang ang naiwan. Di nagtagal ay
nagpaalala na ang may-ari na magsasara na sila kaya napilitan kaming
umalis. Akala ko’y wala lamang ang mga nainom ko ngunit parang nahilo
ako sa aking biglaang pagtayo kaya inaalalayan niya ako. Habang
tumatakbo ang sasakyan niya ay panay ang tingin niya sa akin.
Napapangiti naman ako sa kanyang ginawi. Alam kong may
nararamdaman pa rin siya sa akin na gaya ng aking damdamin. Bigla
niyang kinabig ang manibela at huminto kami sa isang medyo madilim na
bahagi ng kalsada. Agad niya akong hinalikan na hindi naman nakahuma
dahil sa biglaan niyang ginawa. Napakapit ako sa kanya nang lalong mag-
aalab ang kanyang mga halik. Maririin,waring mapupugto ang aking
hininga. Binigyang laya namin ang aming nag-aalab na damdamin.
Kinabukasan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Napakabilis ng pangyayari!Takang-taka ang mga kasama ko kung bakit
ako naging tahimik, “hang-over” lamang kagabi..ang naging sagot ko sa
kanila. Natapos ang buong araw na gaya ng dati, sobrang dami ng gawaing
dapat tapusin. Nananakit iyong likod ko sa kauupo. Hindi ko
namamalayan na may mga mata palang nagmamasid sa akin sa may di-
kalayuan ng aming opesina.
Natapos ang buong buwan nang matagumpay. Nagawa ko ang
gawaing iniatang sa akin ng kompanya. Bilang ganti ng aking sakripisyo
ay binigyan ako ng incentives at parangal sa tagumpay na nagawa.
Naging madamdamin ang pagpapaalaman ng lahat ng empleyado,
pati ako ay napapasabay na ring napapaluha. Mami-miss ka namin, mam,
saad lahat ng kasamahan ko. Paalam na sa inyong lahat. Pagbubutihan
ninyo ang pagtatrabaho, sikapin ninyong umunlad ang ating negosyo.
Walang kabuhay-buhay ang pagtanggap ng aking asawa sa aking
pagdating. Parang hindi man lamang niya ako na-miss. Isang buwan
akong nawala ay wala man lang reaksyon! Naku, kakaiba talaga itong
asawa ko.
Hanggang sa lumipas ang isang buwan, lumagpas sa inaasahang
araw ang aking buwanang dalaw. Nagbabago yata? Wala man lang akong
kahina-hinala na ito’y palatandaan na pala na maaaring nagbunga ang
isang gabi naming pagsasama. Kinakabahan ako sa nangyari. Naaalala ko
nga palang mag-iisang buwan na mula nang magbalik ako sa aming
opesina. Paano ko ito sasabihin sa aking asawa. Paano ko ito ipapaalam
sa kanya. Alam kong magtataka siya kung bakit at sa anong paraan
nabuntis ako gayong lagi namang sinubaybayan ang aming “calendar”.
Sa malao’t madali ay lalaki rin ang aking tiyan kaya sinabi ko na sa
kanya nang walang patumpik-tumpik ang nangyaring pagkakamali. Wala
man lang siyang nasabi ngunit ramdam na ramdam ko ang matinding galit
na nag-uumapaw sa kanya. Pilit niya itong nilalabanan. Hanggang sa
dahan-dahan ay ipinadarama niya sa akin ang kanyang galit. Kasabay ng
paglaki ng aking tiyan ang papatindi rin niyang pagpaparusa sa akin.
Lahat ay tinanggap ko. Halos halikan ko na ang kanyang mga paa para
lamang mapatawad niya ako sa aking pagkakamali. Ngunit lalo lamang
siyang nagmamatigas. Hindi lamang miminsan ang patago kong pag-iyak
sa mga pinaranas niya sa akin. Parang gusto na yata niyang ako’y
mamatay upang kasama ko ring mailibing ang bunga ng aking pagtataksil.
Lalaki po mam…sabi ng nurse sa akin. Napaka-cute ng
bata..manang-mana sa kanyang ama! Ako’y natitigilan sa aking narinig
mula sa nurse…kamukhang-kamukha po sa ama niya sabay alis na dala-
dala ang kanyang mga gamit. May ligaya akong nararamdaman sa aking
puso, hindi ko man tiyak pero ako’y natutuwa sa aking narinig. Agad kong
tiningnan ang sanggol at napaluha ako nang makitang kamukha nga niya
si Lito..ang aking asawa. Agad ko siyang kinulong sa aking mga bisig at
hinahalikan habang tumutulo ang aking luha sa sobrang saya ng aking
nararamdaman. Ang saya-saya ko! Hindi ko na mapigilan ang aking pag-
iiyak nang lumapit sa akin ang aking asawa at tiningnan niya ang mukha
ng sanggol. Pati rin siya ay nadadala na rin sa aking pag-iyak.
Napahagulgol siya na parang nawawalan ng lakas sa nasaksihan. Paano
kung may nangyari sa ating anak? Ang tanging namutawi sa kanyang mga
labi. Magkayakap naming hinahalikan ang bunga ng aming pag-iibigan.
Wakas!

More Related Content

What's hot

Mga Talaan ng Katanungan
Mga Talaan ng KatanunganMga Talaan ng Katanungan
Mga Talaan ng KatanunganJenita Guinoo
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptxAwiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptxFlorenceVillaruelMan
 
Alamat ng pinya
Alamat ng pinyaAlamat ng pinya
Alamat ng pinyaed04
 
AP 3 Q4 WEEK 2 IBA'T IBANG KALAKALAN PANG EKONOMICO.pptx
AP 3 Q4 WEEK 2 IBA'T IBANG KALAKALAN PANG EKONOMICO.pptxAP 3 Q4 WEEK 2 IBA'T IBANG KALAKALAN PANG EKONOMICO.pptx
AP 3 Q4 WEEK 2 IBA'T IBANG KALAKALAN PANG EKONOMICO.pptxEllanorSAlarcon
 
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptx
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptxAralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptx
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptxRenanteNuas1
 
Mga Pisikal na Katangian ko Bilang Pilipino
Mga Pisikal na Katangian ko Bilang PilipinoMga Pisikal na Katangian ko Bilang Pilipino
Mga Pisikal na Katangian ko Bilang PilipinoJessaMarieVeloria1
 
ANG BATANG PARUPARO.pptx
ANG BATANG PARUPARO.pptxANG BATANG PARUPARO.pptx
ANG BATANG PARUPARO.pptxMaamJeanLipana
 
Q3 ARALIN 4 ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
Q3 ARALIN 4 ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptxQ3 ARALIN 4 ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
Q3 ARALIN 4 ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptxAndreaJeanBurro
 
Pagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa DiyosPagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa DiyosKokoStevan
 
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3alys74087
 
9 ARALIN 6 PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...
9 ARALIN 6  PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...9 ARALIN 6  PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...
9 ARALIN 6 PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...NymphaMalaboDumdum
 
Filipino 8-Aralin 1.1 ng Ikatlong Markahan (2).pptx
Filipino 8-Aralin 1.1 ng Ikatlong Markahan (2).pptxFilipino 8-Aralin 1.1 ng Ikatlong Markahan (2).pptx
Filipino 8-Aralin 1.1 ng Ikatlong Markahan (2).pptxMarlonJeremyToledo
 
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docxEsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docxMaryfelBiascan
 

What's hot (20)

Mga Talaan ng Katanungan
Mga Talaan ng KatanunganMga Talaan ng Katanungan
Mga Talaan ng Katanungan
 
Tunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisiTunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisi
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptxAwiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan.pptx
 
Alamat ng pinya
Alamat ng pinyaAlamat ng pinya
Alamat ng pinya
 
Awit ng maynila
Awit  ng  maynilaAwit  ng  maynila
Awit ng maynila
 
AP 3 Q4 WEEK 2 IBA'T IBANG KALAKALAN PANG EKONOMICO.pptx
AP 3 Q4 WEEK 2 IBA'T IBANG KALAKALAN PANG EKONOMICO.pptxAP 3 Q4 WEEK 2 IBA'T IBANG KALAKALAN PANG EKONOMICO.pptx
AP 3 Q4 WEEK 2 IBA'T IBANG KALAKALAN PANG EKONOMICO.pptx
 
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptx
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptxAralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptx
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptx
 
Tula g10
Tula g10Tula g10
Tula g10
 
Mga Pisikal na Katangian ko Bilang Pilipino
Mga Pisikal na Katangian ko Bilang PilipinoMga Pisikal na Katangian ko Bilang Pilipino
Mga Pisikal na Katangian ko Bilang Pilipino
 
ANG BATANG PARUPARO.pptx
ANG BATANG PARUPARO.pptxANG BATANG PARUPARO.pptx
ANG BATANG PARUPARO.pptx
 
Esp yunit 4 aralin 3
Esp yunit 4 aralin 3Esp yunit 4 aralin 3
Esp yunit 4 aralin 3
 
Q3 ARALIN 4 ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
Q3 ARALIN 4 ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptxQ3 ARALIN 4 ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
Q3 ARALIN 4 ANG NINGNING AT ANG LIWANAG.pptx
 
Awiting - Bayan
Awiting - BayanAwiting - Bayan
Awiting - Bayan
 
Pagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa DiyosPagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa Diyos
 
maikling kuwento-hashnu.pptx
maikling kuwento-hashnu.pptxmaikling kuwento-hashnu.pptx
maikling kuwento-hashnu.pptx
 
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
Pangunahin at Suportang kaisipan filipino 3
 
9 ARALIN 6 PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...
9 ARALIN 6  PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...9 ARALIN 6  PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...
9 ARALIN 6 PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING OPINY...
 
Filipino 8-Aralin 1.1 ng Ikatlong Markahan (2).pptx
Filipino 8-Aralin 1.1 ng Ikatlong Markahan (2).pptxFilipino 8-Aralin 1.1 ng Ikatlong Markahan (2).pptx
Filipino 8-Aralin 1.1 ng Ikatlong Markahan (2).pptx
 
Karapatan at tungkulin
Karapatan at tungkulinKarapatan at tungkulin
Karapatan at tungkulin
 
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docxEsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
 

Viewers also liked

MARKETING RESEARCH PROPOSAL (UNFINISHED/TABLE OF CONTENTS/FINDINGS)
MARKETING RESEARCH PROPOSAL (UNFINISHED/TABLE OF CONTENTS/FINDINGS)MARKETING RESEARCH PROPOSAL (UNFINISHED/TABLE OF CONTENTS/FINDINGS)
MARKETING RESEARCH PROPOSAL (UNFINISHED/TABLE OF CONTENTS/FINDINGS)Owel&Co.
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEghelle23
 
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa IndiaAP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa IndiaJuan Miguel Palero
 
Epp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggol
Epp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggolEpp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggol
Epp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggolArnel Bautista
 
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonMga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonKristel Casulucan
 
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. ToledanaProyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. ToledanaOle-samantha Tolenada
 
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)Jenita Guinoo
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga EspanyolFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga EspanyolJuan Miguel Palero
 
Modyul 1.1 kalagayang heograpikal ng asya
Modyul 1.1 kalagayang heograpikal ng asyaModyul 1.1 kalagayang heograpikal ng asya
Modyul 1.1 kalagayang heograpikal ng asyaEvalyn Llanera
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaMarie Louise Sy
 
Ako ay ako dahil sa aking pamilya
Ako ay ako dahil sa aking pamilyaAko ay ako dahil sa aking pamilya
Ako ay ako dahil sa aking pamilyaKimberly Balontong
 
Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)Rhouna Vie Eviza
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaMerland Mabait
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOLiGhT ArOhL
 

Viewers also liked (20)

New
NewNew
New
 
"Ang Buhay ni Neneng" - Nick Cesar S. Cadungog
"Ang Buhay ni Neneng" - Nick Cesar S. Cadungog "Ang Buhay ni Neneng" - Nick Cesar S. Cadungog
"Ang Buhay ni Neneng" - Nick Cesar S. Cadungog
 
MARKETING RESEARCH PROPOSAL (UNFINISHED/TABLE OF CONTENTS/FINDINGS)
MARKETING RESEARCH PROPOSAL (UNFINISHED/TABLE OF CONTENTS/FINDINGS)MARKETING RESEARCH PROPOSAL (UNFINISHED/TABLE OF CONTENTS/FINDINGS)
MARKETING RESEARCH PROPOSAL (UNFINISHED/TABLE OF CONTENTS/FINDINGS)
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULE
 
Malayong malapit
Malayong malapitMalayong malapit
Malayong malapit
 
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa IndiaAP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
AP 7 Lesson no. 23-A: Kababaihan sa India
 
Sanggol
SanggolSanggol
Sanggol
 
Epp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggol
Epp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggolEpp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggol
Epp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggol
 
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonMga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
 
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. ToledanaProyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
 
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga EspanyolFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol
 
Nasyonalismo sa Asya
Nasyonalismo sa AsyaNasyonalismo sa Asya
Nasyonalismo sa Asya
 
Modyul 1.1 kalagayang heograpikal ng asya
Modyul 1.1 kalagayang heograpikal ng asyaModyul 1.1 kalagayang heograpikal ng asya
Modyul 1.1 kalagayang heograpikal ng asya
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
 
Ako ay ako dahil sa aking pamilya
Ako ay ako dahil sa aking pamilyaAko ay ako dahil sa aking pamilya
Ako ay ako dahil sa aking pamilya
 
Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
Bullying
BullyingBullying
Bullying
 

Similar to BUNGA NG PAGTATAKSIL?

Similar to BUNGA NG PAGTATAKSIL? (20)

The untold story
The untold storyThe untold story
The untold story
 
Tagumpay ngunit bigo
Tagumpay ngunit bigoTagumpay ngunit bigo
Tagumpay ngunit bigo
 
Paalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabataPaalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabata
 
The "Mahica" in teaching history
The "Mahica" in teaching historyThe "Mahica" in teaching history
The "Mahica" in teaching history
 
Story ko
Story koStory ko
Story ko
 
11 digits
11 digits11 digits
11 digits
 
Paalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabataPaalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabata
 
Si kesa at si morito
Si kesa at si moritoSi kesa at si morito
Si kesa at si morito
 
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong AkoPaano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
 
The Realization
The RealizationThe Realization
The Realization
 
Never talk back to a gangster
Never talk back to a gangsterNever talk back to a gangster
Never talk back to a gangster
 
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
 
Crazy first love
Crazy first loveCrazy first love
Crazy first love
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
SALIN SA FILIPINO.pptx csdbgfngfgbgnghbdcg
SALIN SA FILIPINO.pptx csdbgfngfgbgnghbdcgSALIN SA FILIPINO.pptx csdbgfngfgbgnghbdcg
SALIN SA FILIPINO.pptx csdbgfngfgbgnghbdcg
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer class
 
Disconnection notice
Disconnection noticeDisconnection notice
Disconnection notice
 
Falloutoflove
FalloutofloveFalloutoflove
Falloutoflove
 
Red rose
Red roseRed rose
Red rose
 
Proj.
Proj.Proj.
Proj.
 

More from Jenita Guinoo

More from Jenita Guinoo (20)

Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptxAng Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
 
Role of parents
Role of parentsRole of parents
Role of parents
 
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
 
Kab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang talesKab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang tales
 
Sa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglawSa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglaw
 
Pagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanyaPagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanya
 
Pagtitiwala
PagtitiwalaPagtitiwala
Pagtitiwala
 
Kabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismoKabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismo
 
Kabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismoKabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismo
 
Kabanata 5 noli
Kabanata 5 noliKabanata 5 noli
Kabanata 5 noli
 
Kabanata 5 el fili
Kabanata 5 el filiKabanata 5 el fili
Kabanata 5 el fili
 
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibusteroKabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibustero
 
Florante at laura sa atenas
Florante at laura  sa atenasFlorante at laura  sa atenas
Florante at laura sa atenas
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 
Bahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismoBahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 

Recently uploaded

Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxAman119787
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1MaeganVeeu
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxfranciscagloryvilira1
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapdhanjurrannsibayan2
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 

Recently uploaded (20)

Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 

BUNGA NG PAGTATAKSIL?

  • 1. BUNGA NG PAGTATAKSIL? Ni: Jenita D. Guinoo …Arrray…manganganak na yata ako..ang sakit sakit na ng aking tiyan…Lito…tulungan mo ako…manganganak na yata ako…tulungan mo ako…Nakikita ni Lito ang asawa na nahihirapan nang lumakad ngunit waring parang walang naririnig ito. Hindi man lamang niya iniwan ang kanyang ginagawa. Maawa ka Lito! Tulungan mo ako please…pumutok na ang panubigan ko..ahhh! Noon lamang parang nagising si Lito,agad niyang pinangko ang asawa na nanghihina na dahil sa sobrang sakit ng tiyan. Tulungan niyo kami…manganganak na ang asawa ko! Iligtas niyo po siya…tulungan niyo po ang asawa ko. Iyon lamang ang aking naalala, nag-alala pa rin pala ang aking asawa sa aking kalagayan. Naramdaman kong parang may bumabara sa aking lalamunan nang maaalala ang nangyari sa amin kung kaya’t nag-iba na ang damdamin sa akin ng aking asawa. Nawala na ang dati niyang malambing na pagtawag sa akin, ang pagkamaalalahanin niya ay napalitan na ngayon ng poot, poot na kailanman ay hindi nawawala ang ningas nito. Hanggang kailan kaya ako magdurusa sa kasalanang aking nagawa? Dati, ang saya-saya namin. Walang lakad na hindi kami magkasama kaya nga binansagan kaming kambal-tuko dahil sa hindi talaga naghihiwalay. Kung nasaan siya ay nandoon din ako.
  • 2. Bilang Executive Branch Manager ay naidestino ako ng isang buwan sa isang branch ng San Jose na nangangailangan ng masusi’t maingat na pamamahala. Pinag-aaralan kong mabuti ang kalagayan ng finances at natukoy ko ang naging sanhi ng suliranin hanggang sa naisaayos ko ang gusot ng kompanya. Sa loob ng ilang araw na pamamalagi roon ay nakagamayan ko na ng loob ang aking mga ka- opesina. Kapag nalalaman nilang hindi ako nakauwi ay agad akong iniimbitahang mag-jamming. Minsan lamang ako sumasama sa kanila ngunit isang gabi noon ay hindi na ako nakaiwas sa pangungulit nila kaya napasubo ako sa inuman. Medyo nahilo na ako sa dami ng aking naiinom. Habang nagkukwentuhan kami ay bigla na lamang may lumapit na isang kakilala. Hindi ko agad siyang nakilala ngunit nang matamaan ang kanyang mukha ng liwanag ay napagtanto kong ang akin palang dating kasintahan. Bigla na lamang sumikdo ang aking puso. Para akong natuklaw nang magtama ang aming mga mata. Binawi ko ang aking tingin at ipinako ko sa aking mga kasamahang nagkukwentuhan. Hindi ko siya pinansin ngunit ilang sandali lamang ay lumapit siya’t nagpakilala na kaibigan. Parang natilihan ako sa bigla niyang paglapit. Napaurong ako sa aking kinauupuan at hindi nakaimik sa kanyang mga katanungan. Marami sana akong itatanong sa kanya ngunit ang namutawi lamang sa aking mga labi ay “Hi”, Ba’t ka nakarating dito? Paano mo nalamang nandito ako? Nagkibit lamang siya ng balikat na nakangiti habang nakatingin sa akin. Ganyang-ganyan talaga siya kung tumingin sa akin
  • 3. parang tumatagos sa kaibuturan ng aking puso. Nag-aalala ako, baka maramdaman niyang kahit sa matagal na panahong hindi namin pagkikita ay nananatili pa rin siyang nakapaloob sa aking puso. Pinakatitigan niya ako na wari bang sinusuri pati ang aking kaluluwa. Ehem..ganito ba lamang tayo, magtitinginan? Upang matanggal ang pag-aalangan, uminom ako nang uminom. Hindi ko alam na naparami na pala ang naiinom kong alak. Huntahan na kami nang huntahan, hindi ko na mapigilan ang pagtawa, mapapahalakhak na ako. Pati siya ay nadadala sa malakas kong pagtatawa. Isa-isang nagsisiuwian ang aking mga kasamahan hanggang sa kami na lamang ang naiwan. Di nagtagal ay nagpaalala na ang may-ari na magsasara na sila kaya napilitan kaming umalis. Akala ko’y wala lamang ang mga nainom ko ngunit parang nahilo ako sa aking biglaang pagtayo kaya inaalalayan niya ako. Habang tumatakbo ang sasakyan niya ay panay ang tingin niya sa akin. Napapangiti naman ako sa kanyang ginawi. Alam kong may nararamdaman pa rin siya sa akin na gaya ng aking damdamin. Bigla niyang kinabig ang manibela at huminto kami sa isang medyo madilim na bahagi ng kalsada. Agad niya akong hinalikan na hindi naman nakahuma dahil sa biglaan niyang ginawa. Napakapit ako sa kanya nang lalong mag- aalab ang kanyang mga halik. Maririin,waring mapupugto ang aking hininga. Binigyang laya namin ang aming nag-aalab na damdamin. Kinabukasan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Napakabilis ng pangyayari!Takang-taka ang mga kasama ko kung bakit
  • 4. ako naging tahimik, “hang-over” lamang kagabi..ang naging sagot ko sa kanila. Natapos ang buong araw na gaya ng dati, sobrang dami ng gawaing dapat tapusin. Nananakit iyong likod ko sa kauupo. Hindi ko namamalayan na may mga mata palang nagmamasid sa akin sa may di- kalayuan ng aming opesina. Natapos ang buong buwan nang matagumpay. Nagawa ko ang gawaing iniatang sa akin ng kompanya. Bilang ganti ng aking sakripisyo ay binigyan ako ng incentives at parangal sa tagumpay na nagawa. Naging madamdamin ang pagpapaalaman ng lahat ng empleyado, pati ako ay napapasabay na ring napapaluha. Mami-miss ka namin, mam, saad lahat ng kasamahan ko. Paalam na sa inyong lahat. Pagbubutihan ninyo ang pagtatrabaho, sikapin ninyong umunlad ang ating negosyo. Walang kabuhay-buhay ang pagtanggap ng aking asawa sa aking pagdating. Parang hindi man lamang niya ako na-miss. Isang buwan akong nawala ay wala man lang reaksyon! Naku, kakaiba talaga itong asawa ko. Hanggang sa lumipas ang isang buwan, lumagpas sa inaasahang araw ang aking buwanang dalaw. Nagbabago yata? Wala man lang akong kahina-hinala na ito’y palatandaan na pala na maaaring nagbunga ang isang gabi naming pagsasama. Kinakabahan ako sa nangyari. Naaalala ko nga palang mag-iisang buwan na mula nang magbalik ako sa aming opesina. Paano ko ito sasabihin sa aking asawa. Paano ko ito ipapaalam
  • 5. sa kanya. Alam kong magtataka siya kung bakit at sa anong paraan nabuntis ako gayong lagi namang sinubaybayan ang aming “calendar”. Sa malao’t madali ay lalaki rin ang aking tiyan kaya sinabi ko na sa kanya nang walang patumpik-tumpik ang nangyaring pagkakamali. Wala man lang siyang nasabi ngunit ramdam na ramdam ko ang matinding galit na nag-uumapaw sa kanya. Pilit niya itong nilalabanan. Hanggang sa dahan-dahan ay ipinadarama niya sa akin ang kanyang galit. Kasabay ng paglaki ng aking tiyan ang papatindi rin niyang pagpaparusa sa akin. Lahat ay tinanggap ko. Halos halikan ko na ang kanyang mga paa para lamang mapatawad niya ako sa aking pagkakamali. Ngunit lalo lamang siyang nagmamatigas. Hindi lamang miminsan ang patago kong pag-iyak sa mga pinaranas niya sa akin. Parang gusto na yata niyang ako’y mamatay upang kasama ko ring mailibing ang bunga ng aking pagtataksil. Lalaki po mam…sabi ng nurse sa akin. Napaka-cute ng bata..manang-mana sa kanyang ama! Ako’y natitigilan sa aking narinig mula sa nurse…kamukhang-kamukha po sa ama niya sabay alis na dala- dala ang kanyang mga gamit. May ligaya akong nararamdaman sa aking puso, hindi ko man tiyak pero ako’y natutuwa sa aking narinig. Agad kong tiningnan ang sanggol at napaluha ako nang makitang kamukha nga niya si Lito..ang aking asawa. Agad ko siyang kinulong sa aking mga bisig at hinahalikan habang tumutulo ang aking luha sa sobrang saya ng aking nararamdaman. Ang saya-saya ko! Hindi ko na mapigilan ang aking pag- iiyak nang lumapit sa akin ang aking asawa at tiningnan niya ang mukha
  • 6. ng sanggol. Pati rin siya ay nadadala na rin sa aking pag-iyak. Napahagulgol siya na parang nawawalan ng lakas sa nasaksihan. Paano kung may nangyari sa ating anak? Ang tanging namutawi sa kanyang mga labi. Magkayakap naming hinahalikan ang bunga ng aming pag-iibigan. Wakas!