The document discusses macroeconomics and various macroeconomic models. It defines macroeconomics as the study of the overall economy and its components such as GDP, unemployment, inflation, and interest rates. It then presents five macroeconomic models - the simple economy model, market system model, financial market model, government model, and open economy model - that describe the interdependence between households, businesses, government and the external sector within a national economy. These models provide simplified representations of economic concepts and phenomena to analyze national economic activity.
9953330565 Low Rate Call Girls In Rohini Delhi NCR
Paikot na daloy na ekonomiya
1. MAKROEKONOMIKS
Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa pag-
aaral ng kabuuang ekonomiya.
Sinusuri ng makroekonomiks ang
malawakang pangyayaring pang-ekonomiya
Gumagamit ng modelo sa pagsusuri ang
makroekonomiks.
3. MODELO
◘ Ang modelo ay representasyon ng isang konsepto o
kaganapan. Ito ay nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng
pambansang ekonomiya sa makroekonomiks.
◘ Ang modelo ng pambansang ekonomiya ay
naglalarawan ng interdependence ng lahat ng actor sa
isang ekonomiya.
◘ Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple
ang realidad.
4. MGA KATANUNGAN NA BINIBIGYAN KASAGUTAN NG
MAKROEKONOMIKS:
♥ Ano ang kayarian ng pambansang ekonomiya?
♥ Ang pambansang ekonomiya ba ay simple lamang?
♥ Ito ba ay nakatutok sa paggalaw ng komplikadong
ugnayan ng mga sektor?
♥ Ito ba ay tumututok lamang sa panloob na kaganapan?
Isinama rin ba nito ang panlabas na kaganapan?
6. UNANG MODELO : SIMPLENG EKONOMIYA
SAMBAHAYANBAHAY-KALAKAL
KOKONSUMO
NG PRODUKTO
LILIKHA NG
PRODUKTO
7. IKALAWANG MODELO : SISTEMA NG PAMILIHAN
SAMBAHAYANBAHAY-KALAKAL
PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSYON
(FACTOR MARKET)
PAMILIHAN NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
(PRODUCT MARKET) PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
SUELDO, UPA, TUBO O INTERES
KITA PAGGASTA
PAGBEBENTA NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
KITA
INPUT PARA SA PRODUKSYON LUPA, PAGGAWA, KAPITAL
8. IKATLONG MODELO : PANANALAPI (PAMILIHANG PINANSIYAL)
SAMBAHAYAN
BAHAY-KALAKAL
PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSYON
(FACTOR MARKET)
PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD
(PRODUCT MARKET) PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
SUELDO, UPA, TUBO O INTERES
KITA PAGGASTA
PAGBEBENTA NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
KITA
INPUT PARA SA PRODUKSYON
LUPA, PAGGAWA, KAPITAL
PAMILIHANG PINANSIYAL
(FINANCIAL MARKET) PAG-IIMPOKPAMUMUHUNAN
9. IKAAPAT NA MODELO : PAMAHALAAN
SAMBAHAYAN
BAHAY-KALAKAL
PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSYON
(FACTOR MARKET)
PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD
(PRODUCT MARKET) PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
SUELDO, UPA, TUBO O INTERES
KITA PAGGASTA
PAGBEBENTA NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
KITA
INPUT PARA SA PRODUKSYON
LUPA, PAGGAWA, KAPITAL
PAMILIHANG PINANSIYAL
(FINANCIAL MARKET) PAG-IIMPOKPAMUMUHUNAN
PAMAHALAAN
PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
BUWIS
BUWIS
SUWELDO, TUBO,
TRANSFER
10. IKALIMA NA MODELO : PANLABAS NA SEKTOR
SAMBAHAYAN
BAHAY-KALAKAL
PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSYON
(FACTOR MARKET)
PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD
(PRODUCT MARKET)
PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
SUELDO, UPA, TUBO O INTERES
KITA PAGGASTA
PAGBEBENTA NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
KITA
INPUT PARA SA PRODUKSYON LUPA, PAGGAWA, KAPITAL
PAMILIHANG PINANSIYAL
(FINANCIAL MARKET)
PAG-IIMPOKPAMUMUHUNAN
PAMAHALAAN
PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD
BUWIS
BUWIS
SUWELDO, TUBO,
TRANSFER
PANLABAS NA SEKTOR
KITA SA PAGLUWAS (EXPORT) GASTOS SA PAG-ANGKAT (IMPORT)
11. AKTOR BAHAGING GINAMPANAN
1.SAMBAHAYAN
2. BAHAY-KALAKAL
3. PAMAHALAAN
4. PANLABAS NA SEKTOR
PAMILIHAN BAHAGING GINAMPANAN
1. PRODUCT MARKET
2. FACTOR MARKET
3. FINANCIAL MARKET
4. WORLD MARKET
Editor's Notes
Pangunahing aktor :
Sambahayan – kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya.
Bahay-kalakal – tagalikha ng produkto.
Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa.
Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer.
Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan
Ipinagpalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya – sambahayan at bahay-kalakal.
Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto.
Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto ngunit kailangan na bumili o umupa ng mga salik ng produksyon.
Tanging ang sambahayan ang may suplay ng mga salik ng produksyon.
Makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksyon.
Kapital (magbayad ng interes) ; paggawa (pasahod); entreprenyur (kita) – kita ng sambahayan
Interes, pasahod, kita [sambahayan] : gastusin ng produksyon [bahay-kalakal]
Sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod, bibili ang sambahayan ng produkto na pantugon sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.
Kitang natanggap ng sambahayan = pambili ng produkto : Paggastos sa pagbili ng produkto [sambahayan]
Gastos ng sambahayan = kita ng bahay-kalakal.
Interdependence : umaasa sa isa’t-isa para matugunan ang pangangailangan
Tatlo ang pamilihan : Salik ng produksiyon, commodity o tapos na produkto, at sa mga pinansiyal na kapital.
Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap.
Ang bahagi ng kita na hindi ginagastos ay tinatawag na impok / savings.
Ito ay inilalagak sa pamilihang pinansiyal : bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market.
Sa bahay-kalakal, hindi lamang pagtubo ang iniisip, pati na rin ang mapalawak ang negosyo sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Maaaring manghiram ito ng karagdagang pinansiyal na capital. Ito ay gagamiting puhunan sa nasabing plano ng produksyon.
Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan : pamilihang pinansiyal
Ang paghiram ng bahay-kalakal ay may kapalit na kabayaran. Babayaran nito ng interes ang hinihiram na puhunan.
Sinisingil ang bahay-kalakal dahil may kapakinabangan itong matatamo sa paghiram ng puhunan. Ito ay ang pagtaas ng kita kapag lumawak na ang negosyo nito.
Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging kabayaran sa sambahayan.
Kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-iimpok.
Sambahayan : interes – kita ; Bahay-Kalakal : mahalagang gastusin
Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi original na gawaing pang-ekonomiya.
Ito ay nagaganap dahil nagkakaroon ng pagpaplano para sa hinaharap ang mga naturang aktor. (broken lines)
Kung walang pagpaplano para sa hinaharap ang mga naturang actor, walang pag-iimpok at pamumuhunan.
Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Kasama na ang gastusin sa pamumuhunan ng bahay-kalakal at ang kita ng sambahayan sa pag-iimpok.
Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon at sa paglaki ng pamumuhunan.
Mahalagang balanse ang pag-iimpok at pamumuhunan.
Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
Sektor : sambahayan , bahay-kalakal at pamahalaan.
Pagbabayad ng buwis ang karagdagang gawain sa ekonomiya. (broken lines)
Sumisingil ng buwsis ang pamahalaan para kumite.
Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public revenue.
Ito ay ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod. (nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal)
Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal at pamahalaan.
Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa : pagtaas ng produksyon, produktibidad ng pamumuhunan at produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan.
Upang maging metatag ang ekonomiya, mahalagang makalikha ng positibong motibasyon ang mga gawain ng pamahalaan.
Mahalagang maihatid ang mga pampublikong paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis.
Ang mga pampublikong paglilingkod ay dapat maging produktibo.
Hindi dapat maging palaasa ang mga tao sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan.
Hindi rin dapat na makipagkompetensiya ang pamahalaan sa pamumuhunan ng pribadong bahay-kalakal.
Sa oras na maganap ito, marami ang magtatanggal ng puhunan sa bansa,
Marami ang mawawalan ng trabaho at kita.
Ang buong ekonomiya ay aasa na lamang sa gawain ng pamahalaan.
Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado.
Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya.
Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya.
Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik.
Sa modelong ito, ang pambangsang ekonomiya ay bukas.
May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya.
Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.
Ang perspektiba sa pambansang ekonomiya na bukas ay internasyonal.
Ang pambansang ekonomiya ay kalimitang tinatawag na home economy.
Ang ekonomiyang kaugnayan nito ay tinatawag na dayuhang ekonomiya o foreign economy.
May sambahayan at bahay-kalakal ang pambansang ekonomiya at dayuhang ekonomiya.
Parehong may pinagkukunang yaman.
Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami ng mga ito.
Maaring kailangan nila ang ilan sa mga ito bilang salik ng produksyon.
Ang pangangailangan sa pinagkukunang yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan.
May pinagkukunang yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksyon na kailangan pang angkatin sa ibang bansa.
Lumulikha ng produkto mula sa pinagkukunang yaman ang pambansang ekonomiya.
Maaaring magkapareho o magkaiba ang kanilang produkto.