SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
Download to read offline
IRENE C. GABOR
MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS
Guro: Gng. Margeline Cabonce
GAWAIN 5:
1. Gumagamit ang tabloid na ito ng mga impormal na salita sa headline, ang salitang napabilang
sa balbal na salita.
2. Oo dahil sa tabloid maaari kang gumamit ng mga salitang balbal dahil ito’y isang impormal
na pahayagan at akma ang mga salitang ginamit sa ulo ng balita o headline.
3. Sa headline na ito maaaring iba-iba ang ating mga kasagutan ngunit sa headline na ito mas
humahatak siya ng mga mambabasa dahil nakakatawag pansin ang salitang ginamit sa ulo ng
balita o headline. Salitang bagamat impormal ngunit siya ang paksa ng artikulo at dahil ito’y
popular sa mga mambabasa kaagad na makatatawag pansin sa kanila o sa mga mambabasa.
IRENE C. GABOR
MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS
Guro: Gng. Margeline Cabonce
GAWAIN 6:
SAGOT:
Sa pagsusuri ng isang akda, maaaring isa o higit pang teorya ang maaaring gamitin
batay na rin sa kung ano ang saloobin maging nang imahinasyon na nais iparating ng
awtor/may-akda sa mga mambabasa. At dito rin natin mahihinuha kung ano ang
pagkakaintindi ng mambabasa at kung ano ang sa tingin niya ang nararapat o angkop
na teorya ang gagamitin sa akda na kaniyang nabasa.
IRENE C. GABOR
MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS
Guro: Gng. Margeline Cabonce
GAWAIN 7:
I. Pamagat: PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA
II. Ang may-akda: Gilbert M. Sape
III. Tagpuan: Sa bahay
a. Pook: Hindi inilahad
b. Panahon: Gabi
IV. Mga Tauhan: Ang babae
V. Buod:
PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA
May-Akda: Gilbert M. Sape
sabi ko
ayaw kong maglaba sa gabi
hindi ko alam kung bakit
siguro’y ayaw kong makitang
nakasungaw ang bituin sa ulap
at pinapanood ang bawat kong kusot
pero hindi kagabi—
ang totoo
naglaba ako
sinamantala ko ang pangungulimlim
ng bituin sa nangingilid na ulap
at natitiyak ko
maputi ang aking nilabhan
sinunod ko yata ang bawat instruksyon
sa likod ng pakete ng tide ultra:
1. kunin sa timba ang damdaming
matagal nang ibinabad
2. kusutin nang mabuti
pabulain
pabulain upang matiyak na
natatakpan na ng bula
ang mga salitang noon pa sana sinabi
3. at dahil nahuli na sa sikat ng araw
na siyang pagkukulahan,
lagyan na lamang ng clorox
upang kumupas at walang makakita
sa mantsa ni Eros
4. banlawan
maraming banlaw
at tiyaking maisama sa tubig
ang mga sentimiyento
at panghihinayang
5. ibuhos sa kanal ang tubig
upang makapagtago sa burak
ang mga pagsinta
6. isampay sa mahanging lugar
ang nilabhang damdamin
pabayaan itong makahinga
matagal na rin namang
naikubli ito sa baul
Pagmumuni pagkatapos…
napigaan ko na ang damit
mariin
nakalimutan ko nga lamang
pigaan ang tubig sa aking mata
paalam muna
samantala’y magpapatuyo muna ako—
ng damit
ng mata
sana’y walang makakita
salamat sa pakete ng tide ultra
VI. Teoryang Pampanitikan: Ang teorya para sa akdang pampanitikan na ito ay teoryang
romantisismo dahil sa ito ay nagpapakita ng higit na pinapahalagahan ang damdamin kaysa
sa pag-iisip. At teoryang eksistensyalismo dahil ayon sa teoryang ito, ang tao ay
napalilibutan ng maraming posibilidad at mapagpipilian kung paano niya gustong mabuhay.
Siya ang limikha ng kanyang sariling buhay na ayon sa kanyang desisyon. Kadalasan ang
mga desisyon niya ay nakaaapekto sa relasyon niya sa ibang tao. Ang naging desisyon at
paninindigan ng babae sa akda na “maglaba” sa gabi kahit na ayaw niya ay nagpapakita na
ang kaniyang desisyon sa gabing iyon ang magiging susi na maiwaglit ang nararamdaman
at tuluyan ng bitawan ang lahat ng sakit na kagaya ng paglalaba ay may sinusunod na
hakbang.
VII. Mga bisa ng akda
a. Bisang Pangkaisipan: Ikinikintal ng tula sa bawat isip na ang pagmamahal ay isang
sugal, hindi parating nananalo o masaya at tuwing natatalo o nasaksaktan na,
puwede na tayong “humindi” at tanggapin ang pagkatalo at muling bumangon sa
buhay.
b. Bisang Pandamdamin: Ang akda ay nagpapakita ng pagiging “matapang” sapagkat
sa kabila ng sakit na naidulot ng pagmamahal, napagpasyahan nito na muling
bumangon sa pagkakadapa na dulot ng pagmamahal. Maganda ang magmahal,
huwag lamang ibigay ang lahat na magiging dahilan na makasasama na sa iyong
kalooban o buong pagkatao. Ipinapakita dito na masakit ang masaktan pero sa huli,
nasa iyo parin kung ipagpapatuloy mo na mananatiling masaktan o ipagpatuloy ang
buhay, muling bumangon, ngumiti, maging masaya at piliin na maging masaya muli.
c. Bisang Kaasalan: Hindi masama ang magmahal, ang nakasasama nito ay ang
pagbibigay ng sobra-sobra na hindi na maalintana na ikaw na yung unti-unting
nauubos habang ibinibigay mo ng sobra ang pagmamahal sa ibang tao. Mahalin
muna ang sarili bago ang iba.
IRENE C. GABOR
MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS
Guro: Gng. Margeline Cabonce
GAWAIN 8:
SAGOT:
Bilang tagapagturo ng asignaturang Filipino at bilang isang mamamayang
Pilipino saludo ako sa mga taong patuloy na iniaangat ang ating Wikang
Pambansa sa pamamagitan ng iba’t ibang larangan sa panitikan
mapapapel man o mapateknolohiya, saludo ako na nakakasabay ang
pagpapanitili nito kasabay ng pag-unlad ng pamamaraan ng pamumuhay
natin ngayon lalong lalo na sa Social Media na siyang may
pinakamalaking ambag sa buhay natin ngayon lalong lalo na sa larangan
ng edukasyon at sa trabaho.
IRENE C. GABOR
MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS
Guro: Gng. Margeline Cabonce
GAWAIN 9:
SAGOT: Pelikulang “ANAK”
1. Vilma Santos bilang Josie- ina at OFW na nagtatrabaho sa Hongkong
Claudine Barreto bilang Carla- panganay na anak ni Josie
Joel Torre bilang Rudy- Asawa ni Josie
Baron Geisler bilang Michael- pangalawang anak ni Josie
Sheila Mae Alvero bilang Daday- bunsong anak ni Josie
Leandro Munoz bilang Brian- Kasintahan ni Carla
Amy Austria(Lyn)/Cherry Pie Picache(Mercy)-Mga matalik na kaibigan ni Josie sa Hongkong
-nagampanan naman ng maayos ng mga tauhan ang mga karakter na kanilang ginampanan.
Ang bawat salitang kanilang binibigkas at ang paraan ng kanilang pag-arte ay
makatotohanan. Ang bawat pangyayari ay nakakaantig ng damdamin, kung kaya’t nagiging
emosyonal ang manonood. Lahat ng pangyayari ay kapana-panabik sapagkat hindi moa lam
kung ano ang susunod na mangyayari at ang mga “plot twist”. Ang buong husay na pagganap
ng mga artista ang nagbigay buhay sa buong kuwento kaya’t ito’y nagging makatotohanan.
2. SINEMATOGRAPIYA- Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari. Ang
pagpapalipat ng anggulo at focus ng camera ay mas nagbigay ng kulay sa buong kuwento.
Katulad rin ng Visual effects. Mas napaigting nito ang bawat pangyayari. Na-adjust rin ang
mga camera upang mabigyan ng diin ang mga ginagawa ng bawat karakter at para na rin
masundan ang mga aksiyon na kanilang ginagawa.
2. MUSIKA- sa klase ng pelikulang “Anak”, nangangailangan ito ng mga musika upang mas
maantig ang damdamin ng mga manonood. Ang mga eksena ay hindi putol-putol, sunod-
sunod ang pagkakalahad ng mga impormasyon. Mayroon ring koordinasyonsa ilaw at tunog
kaya’t hindi ito magulo tingnan. Ang editing ay napakahusay sapagkat sunod-sunod ang
pagkakadugtong ng mga pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda at epektibong pelikula.

More Related Content

Similar to IRENE GABOR_MAFIL 102_GAWAIN 5-9.pdf

TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............MariaRuthelAbarquez4
 
WEEK-1-CUPID-AT-PSYCHE-MITOLOHIYA-MULA-SA-ROME.pptx
WEEK-1-CUPID-AT-PSYCHE-MITOLOHIYA-MULA-SA-ROME.pptxWEEK-1-CUPID-AT-PSYCHE-MITOLOHIYA-MULA-SA-ROME.pptx
WEEK-1-CUPID-AT-PSYCHE-MITOLOHIYA-MULA-SA-ROME.pptxRizlynRumbaoa
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxEDNACONEJOS
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikankim desabelle
 
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxCharmaineCanono1
 
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptxAralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptxJohnHeraldOdron1
 
ang saranggola ni efren abueg 2ndq.pptx
ang saranggola ni efren abueg 2ndq.pptxang saranggola ni efren abueg 2ndq.pptx
ang saranggola ni efren abueg 2ndq.pptxreychelgamboa2
 
Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021AnneDelaTorre1
 
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul  pdfHalimbawa sa paggawa ng modyul  pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdfRosemaeJeanDamas
 
1st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 21st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 2Sally Manlangit
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Aubrey Arebuabo
 
MAIKLING KWENTO.pptx Ang Alaga ni Kibuka
MAIKLING KWENTO.pptx Ang Alaga ni KibukaMAIKLING KWENTO.pptx Ang Alaga ni Kibuka
MAIKLING KWENTO.pptx Ang Alaga ni Kibukalovelypasigna
 

Similar to IRENE GABOR_MAFIL 102_GAWAIN 5-9.pdf (20)

Fil12 2
Fil12  2Fil12  2
Fil12 2
 
maikling-kuwento07.ppt
maikling-kuwento07.pptmaikling-kuwento07.ppt
maikling-kuwento07.ppt
 
Mito-at-Pagtuturo-Ng-Tula.ppt
Mito-at-Pagtuturo-Ng-Tula.pptMito-at-Pagtuturo-Ng-Tula.ppt
Mito-at-Pagtuturo-Ng-Tula.ppt
 
Mito-at-Pagtuturo-Ng-Tula.ppt
Mito-at-Pagtuturo-Ng-Tula.pptMito-at-Pagtuturo-Ng-Tula.ppt
Mito-at-Pagtuturo-Ng-Tula.ppt
 
PPT 1.pptx
PPT 1.pptxPPT 1.pptx
PPT 1.pptx
 
TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............TULA- Filipino 7- MeLC based.............
TULA- Filipino 7- MeLC based.............
 
WEEK-1-CUPID-AT-PSYCHE-MITOLOHIYA-MULA-SA-ROME.pptx
WEEK-1-CUPID-AT-PSYCHE-MITOLOHIYA-MULA-SA-ROME.pptxWEEK-1-CUPID-AT-PSYCHE-MITOLOHIYA-MULA-SA-ROME.pptx
WEEK-1-CUPID-AT-PSYCHE-MITOLOHIYA-MULA-SA-ROME.pptx
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
 
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptxAralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
 
ang saranggola ni efren abueg 2ndq.pptx
ang saranggola ni efren abueg 2ndq.pptxang saranggola ni efren abueg 2ndq.pptx
ang saranggola ni efren abueg 2ndq.pptx
 
ppt filipino5Oct23.pptx
ppt filipino5Oct23.pptxppt filipino5Oct23.pptx
ppt filipino5Oct23.pptx
 
Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021
 
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul  pdfHalimbawa sa paggawa ng modyul  pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
 
1st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 21st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 2
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
MAIKLING KWENTO.pptx Ang Alaga ni Kibuka
MAIKLING KWENTO.pptx Ang Alaga ni KibukaMAIKLING KWENTO.pptx Ang Alaga ni Kibuka
MAIKLING KWENTO.pptx Ang Alaga ni Kibuka
 
Mga Tayutay
Mga TayutayMga Tayutay
Mga Tayutay
 

Recently uploaded

ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolPerpetzJurial1
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.RoseRhoms1
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTrojelbartolome23
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptxLEVIEJANESENO1
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxPaulineMae5
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoMichelleAlonso14
 

Recently uploaded (7)

ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 

IRENE GABOR_MAFIL 102_GAWAIN 5-9.pdf

  • 1. IRENE C. GABOR MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS Guro: Gng. Margeline Cabonce GAWAIN 5: 1. Gumagamit ang tabloid na ito ng mga impormal na salita sa headline, ang salitang napabilang sa balbal na salita. 2. Oo dahil sa tabloid maaari kang gumamit ng mga salitang balbal dahil ito’y isang impormal na pahayagan at akma ang mga salitang ginamit sa ulo ng balita o headline. 3. Sa headline na ito maaaring iba-iba ang ating mga kasagutan ngunit sa headline na ito mas humahatak siya ng mga mambabasa dahil nakakatawag pansin ang salitang ginamit sa ulo ng balita o headline. Salitang bagamat impormal ngunit siya ang paksa ng artikulo at dahil ito’y popular sa mga mambabasa kaagad na makatatawag pansin sa kanila o sa mga mambabasa.
  • 2. IRENE C. GABOR MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS Guro: Gng. Margeline Cabonce GAWAIN 6: SAGOT: Sa pagsusuri ng isang akda, maaaring isa o higit pang teorya ang maaaring gamitin batay na rin sa kung ano ang saloobin maging nang imahinasyon na nais iparating ng awtor/may-akda sa mga mambabasa. At dito rin natin mahihinuha kung ano ang pagkakaintindi ng mambabasa at kung ano ang sa tingin niya ang nararapat o angkop na teorya ang gagamitin sa akda na kaniyang nabasa.
  • 3. IRENE C. GABOR MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS Guro: Gng. Margeline Cabonce GAWAIN 7: I. Pamagat: PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA II. Ang may-akda: Gilbert M. Sape III. Tagpuan: Sa bahay a. Pook: Hindi inilahad b. Panahon: Gabi IV. Mga Tauhan: Ang babae V. Buod: PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA May-Akda: Gilbert M. Sape sabi ko ayaw kong maglaba sa gabi hindi ko alam kung bakit siguro’y ayaw kong makitang nakasungaw ang bituin sa ulap at pinapanood ang bawat kong kusot pero hindi kagabi— ang totoo naglaba ako sinamantala ko ang pangungulimlim ng bituin sa nangingilid na ulap at natitiyak ko maputi ang aking nilabhan sinunod ko yata ang bawat instruksyon sa likod ng pakete ng tide ultra: 1. kunin sa timba ang damdaming matagal nang ibinabad 2. kusutin nang mabuti pabulain pabulain upang matiyak na natatakpan na ng bula ang mga salitang noon pa sana sinabi 3. at dahil nahuli na sa sikat ng araw na siyang pagkukulahan, lagyan na lamang ng clorox upang kumupas at walang makakita sa mantsa ni Eros 4. banlawan maraming banlaw at tiyaking maisama sa tubig ang mga sentimiyento at panghihinayang 5. ibuhos sa kanal ang tubig upang makapagtago sa burak ang mga pagsinta 6. isampay sa mahanging lugar ang nilabhang damdamin pabayaan itong makahinga matagal na rin namang naikubli ito sa baul Pagmumuni pagkatapos… napigaan ko na ang damit mariin nakalimutan ko nga lamang pigaan ang tubig sa aking mata paalam muna samantala’y magpapatuyo muna ako— ng damit ng mata sana’y walang makakita salamat sa pakete ng tide ultra
  • 4. VI. Teoryang Pampanitikan: Ang teorya para sa akdang pampanitikan na ito ay teoryang romantisismo dahil sa ito ay nagpapakita ng higit na pinapahalagahan ang damdamin kaysa sa pag-iisip. At teoryang eksistensyalismo dahil ayon sa teoryang ito, ang tao ay napalilibutan ng maraming posibilidad at mapagpipilian kung paano niya gustong mabuhay. Siya ang limikha ng kanyang sariling buhay na ayon sa kanyang desisyon. Kadalasan ang mga desisyon niya ay nakaaapekto sa relasyon niya sa ibang tao. Ang naging desisyon at paninindigan ng babae sa akda na “maglaba” sa gabi kahit na ayaw niya ay nagpapakita na ang kaniyang desisyon sa gabing iyon ang magiging susi na maiwaglit ang nararamdaman at tuluyan ng bitawan ang lahat ng sakit na kagaya ng paglalaba ay may sinusunod na hakbang. VII. Mga bisa ng akda a. Bisang Pangkaisipan: Ikinikintal ng tula sa bawat isip na ang pagmamahal ay isang sugal, hindi parating nananalo o masaya at tuwing natatalo o nasaksaktan na, puwede na tayong “humindi” at tanggapin ang pagkatalo at muling bumangon sa buhay. b. Bisang Pandamdamin: Ang akda ay nagpapakita ng pagiging “matapang” sapagkat sa kabila ng sakit na naidulot ng pagmamahal, napagpasyahan nito na muling bumangon sa pagkakadapa na dulot ng pagmamahal. Maganda ang magmahal, huwag lamang ibigay ang lahat na magiging dahilan na makasasama na sa iyong kalooban o buong pagkatao. Ipinapakita dito na masakit ang masaktan pero sa huli, nasa iyo parin kung ipagpapatuloy mo na mananatiling masaktan o ipagpatuloy ang buhay, muling bumangon, ngumiti, maging masaya at piliin na maging masaya muli. c. Bisang Kaasalan: Hindi masama ang magmahal, ang nakasasama nito ay ang pagbibigay ng sobra-sobra na hindi na maalintana na ikaw na yung unti-unting nauubos habang ibinibigay mo ng sobra ang pagmamahal sa ibang tao. Mahalin muna ang sarili bago ang iba.
  • 5. IRENE C. GABOR MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS Guro: Gng. Margeline Cabonce GAWAIN 8: SAGOT: Bilang tagapagturo ng asignaturang Filipino at bilang isang mamamayang Pilipino saludo ako sa mga taong patuloy na iniaangat ang ating Wikang Pambansa sa pamamagitan ng iba’t ibang larangan sa panitikan mapapapel man o mapateknolohiya, saludo ako na nakakasabay ang pagpapanitili nito kasabay ng pag-unlad ng pamamaraan ng pamumuhay natin ngayon lalong lalo na sa Social Media na siyang may pinakamalaking ambag sa buhay natin ngayon lalong lalo na sa larangan ng edukasyon at sa trabaho.
  • 6. IRENE C. GABOR MAFIL 102- KAYARIAN NG PILIPINO AT KONTEMPORARYONG LITERATURA NG PILIPINAS Guro: Gng. Margeline Cabonce GAWAIN 9: SAGOT: Pelikulang “ANAK” 1. Vilma Santos bilang Josie- ina at OFW na nagtatrabaho sa Hongkong Claudine Barreto bilang Carla- panganay na anak ni Josie Joel Torre bilang Rudy- Asawa ni Josie Baron Geisler bilang Michael- pangalawang anak ni Josie Sheila Mae Alvero bilang Daday- bunsong anak ni Josie Leandro Munoz bilang Brian- Kasintahan ni Carla Amy Austria(Lyn)/Cherry Pie Picache(Mercy)-Mga matalik na kaibigan ni Josie sa Hongkong -nagampanan naman ng maayos ng mga tauhan ang mga karakter na kanilang ginampanan. Ang bawat salitang kanilang binibigkas at ang paraan ng kanilang pag-arte ay makatotohanan. Ang bawat pangyayari ay nakakaantig ng damdamin, kung kaya’t nagiging emosyonal ang manonood. Lahat ng pangyayari ay kapana-panabik sapagkat hindi moa lam kung ano ang susunod na mangyayari at ang mga “plot twist”. Ang buong husay na pagganap ng mga artista ang nagbigay buhay sa buong kuwento kaya’t ito’y nagging makatotohanan. 2. SINEMATOGRAPIYA- Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari. Ang pagpapalipat ng anggulo at focus ng camera ay mas nagbigay ng kulay sa buong kuwento. Katulad rin ng Visual effects. Mas napaigting nito ang bawat pangyayari. Na-adjust rin ang mga camera upang mabigyan ng diin ang mga ginagawa ng bawat karakter at para na rin masundan ang mga aksiyon na kanilang ginagawa. 2. MUSIKA- sa klase ng pelikulang “Anak”, nangangailangan ito ng mga musika upang mas maantig ang damdamin ng mga manonood. Ang mga eksena ay hindi putol-putol, sunod- sunod ang pagkakalahad ng mga impormasyon. Mayroon ring koordinasyonsa ilaw at tunog kaya’t hindi ito magulo tingnan. Ang editing ay napakahusay sapagkat sunod-sunod ang pagkakadugtong ng mga pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda at epektibong pelikula.