1. Ikatlong Markahan- Modyul 1
Tugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol
Schools Division Office-Quezon City
Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Telephone No.: 8352-6806/6809
Telefax: 3456-0343
6
LESSON CODE
May-akda:
Panlipunan
5
Bumuo: Feliciano A. Misericordia Jr.
2. Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1:Tugon ng mga Pilipino sa Kolonisasyong Espanyol
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
3. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Nianita S. Pamintuan
Tagasuri: Angelica M. Burayag, PhD/Mary Jane P. Soriano
Edelwiza L. Cadag/Rodel D. Lintag
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Nianita S. Pamintuan/Mary Jane P. Soriano
Bumuo:
Tagapamahala: Nicholas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Remedios D. Sitchon
Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane Padilla-Soriano
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Rodel D. Lintag
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4.
5. Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan.
Ito ay naglalaman ng iba’t ibang paraan ukol sa naging tugon ng mga
Pilipino sa mga naranasang hirap at kalupitan sa kamay ng mga
mananakop.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang tugon ng mga katutubong Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol; at
2. naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol.
6. Sinulat ni: Nianita S. Pamintuan
Bansang Pilipinas, perlas ng Silanganan,
Pinagnanasaan dahil sa angking yaman.
Madaling pasukin dahil paligid ay katubigan,
Kaya pagpasok ng mga dayuha’y hindi nahirapan.
Sa kanilang pagdating katutubo’y nangabigla
Sa tunay na pakay hindi naging handa.
Magalang na pananalita sa mga katutubo ang sinalita
kaya mga datu’t raha ay napaamo talaga.
7. Tinanggap nang lubos itong mga dayuhan
At humantong pa sa sanduguan.
Ito’y tanda ng kapatiran at samahan
Na magbibigkis sa kanila nang tuluyan.
Kung may tumanggap, meron ding pumalag
tulad ni Lapu-Lapu na hari ng Mactan.
Hindi napaamo ni Ferdinand Magellan
Kaya’t pakikipagkaibigan ay tinanggihan.
Sa pagtalikod ni Lapu-lapu sa mga dayuhan
Animo’y Leon sa galit ay biglang sumalakay.
8. Sa dalampasigan ng Mactan, naganap ang laban
Na humantong pa sa kamatayan ni Magellan.
Mabuhay! mabuhay ang tanging sigaw
ng mga katutubong Bisaya na matatapang
na di napaghandaan ng mga dayuhan
at walang nagawa kundi lumisan nang tuluyan
13. Kung ikaw si Lapu-Lapu
gagawin mo rin bang
talikuran ang mga
dayuhan? Ipaliwanag.
14.
15. Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) taong
nananatili ang mga Pilipino sa animo’y hawla ng
walang sapat na naaaninag na liwanag ng pag-
asang makawala sa kamay ng mga dayuhang
Espanyol. Iba’t iba ang naging paraan ng
pagtugon nila sa sitwasyong mailalarawan sa
pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob… matira
ang matibay!
16. Halos karamihan sa mga katutubo ay
nanatiling tahimik at sunud-sunuran sa mga
dayuhan dahil sa takot na naramdaman.
Tinanggap nila na ang mga Espanyol ang nasa
kapangyarihan at walang magagawa kundi
manahimik na lamang. Alam nila sa kanilang
pananahimik ay katumbas ng kanilang buhay
at ng pamilya.
17. Mayroon din namang mga katutubong nagpumiglas at
umayaw sa mga patakaran na nagpahirap sa kanila.
Mas ginusto nilang tumakas at mamundok kaysa
maging bulag na sunud-sunuran sa mga dayuhan.
Sila ay namuhay nang tahimik sa kabundukan.
Malayo at mahihirapang marating ng mga sundalong
Espanyol. Tinawag silang kalaban ng pamahalaang
kolonyal at binansagang mga tulisan.
18. May mga Pilipino na nakipagsabwatan sa
mga dayuhan. Pansariling kapakanan
ang pilit na isinalba kahit na ang kapalit
nito ay ang kaligtasan ng kapwa Pilipino.
Sila ang binansagang mga mersenaryong
katutubo. Mga taksil sa bayan!
19. Ang iba ay yumakap o
nagpasailalim nang tuluyan
sa kapangyarihan ng mga
dayuhan. Ang kanilang
yaman o kabuhayan ang
pinoproteksyonan.
Nagsawalang-kibo at
nagbingi-bingihan sa hiling
na suportang salapi ng kapwa
Pilipino para matustusan ang
pangangailangan ng kanilang
samahang nagsasagawa ng
pag-aalsa.
20. Si Lapu-Lapu na hari ng Mactan ay
binansagang kauna-unahang
bayaning Pilipino dahil mas pinili
niyang talikuran ang mga dayuhan
kaysa tanggapin ang alok na
pakikipag-kaibigan. Mayroon ding
sumunod sa kanyang mga yapak
na hindi rin nagsawalang-kibo sa
kalupitan ng mga Espanyol. Sila
ang magigiting na Pilipino na
nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas.
21. Mga dating datu na nawalan ng karangalang
mamuno at nagnais na maibalik ang dating
posisyon sa lipunan. Kasama na rin ang iba’t-ibang
sektor ng lipunan tulad ng mga kalalakihan at mga
kababaihan na walang takot na sumabak sa
digmaan. Mga katutubo na nabibilang sa mga
magsasaka na tinutulan ang mga patakaran sa
agrikultura, mangangalakal na inagawan ng
kabuhayan, mga propesyonal, mga babaylan at
mga katutubong nagnais maging pari.
Diskriminasyon ang naranasan at tila naging
dayuhan sila sa sariling bayan. Humantong na sa
hangganan ang kanilang pagtitiis kaya bumuo sila
ng mga magkakahiwalay na pangkat at
nanghikayat ng mga kasapi na handang lumaban
at manindigan laban sa mga dayuhan. Pag-aalsa
ang tanging solusyon para sa kanila.
22. Sa paglipas ng panahon hindi rin maikakaila na mayroon
ding magandang nangyari sa ating bansa lalo na sa
kabuhayan ng mga iilang mga Pilipino. Nagkaroon ng
magandang pagkakataon at pagnanasang makapag-aral
ang mga kabataang nabibilang sa panggitnang-uri o middle
class. Mga kabataang nakapag-aral sa kolehiyo, sa
Pilipinas man o sa Espanya. Sila’y tinawag na mga ilustrado
o mga naliwanagan ang pag-iisip. Ang taglay na
dunong bunga ng edukasyon ang nagmulat sa kanila sa
tunay na kalagayan at nagaganap sa bansa. Hindi nila
hinayaan na manatiling sunud-sunuran na lamang ang mga
Pilipino. Kailangang nang gisingin ang manhid na
pakiramdam ng mga katutubo. Ginamit nila ang
karunungang taglay bunga ng edukasyong mayroon sila.
Lakas ng panulat ang tugon ng mga ilustrado.
23. Nagsilbi silang tanglaw na nagsumikap na
mabigyan ng liwanag ang kapwa at gabayan
ang nasa kadiliman. Hindi idinaan sa dahas
kundi sa malumanay na paraan. Sa pagsusulat
ng pahayagan at aklat nila idinaan ang tugon sa
mga Espanyol.
24. Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal
ay isa sa mga ilustrado na sumulat ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo. Layunin nito na
tuligsain ang pamahalaang Espanyol at maging
ang mga palalong prayle. Gisingin ang
damdaming manhid upang sumibol ang diwang
makabansa ng mga Pilipino, walang armas na
hawak, walang dugo na pumatak. Kalayaan
ang isinisigaw!
25. Tulad sila ng ibong matagal na panahong
nakulong sa hawla ay uhaw na makawala at
makalipad nang ubod ng laya at sa paglaya
nila ay sabay-sabay sa paglipad. Malayang
naipapagaspas ang mga pakpak.
Sinasamantala ang sariling lakas at ang
liwanag na nagbibigay ng gabay upang makita
ang paroroonan. Hindi alintana ang pagod,
sakit ng katawan maging buhay ay inialay sa
pag-asang iyon lamang ang paraan upang
makawala ang bayang sinilangan sa bagsik ng
mga dayuhan.
26. MGA TUGON DAHILAN
1. Nanahimik at nagtiis
2. Yumakap sa kapangyarihan
ng mga dayuhan
3. Nakipagsabwatan sa mga
dayuhan/mersenaryo
4. Tumakas at namundok
5. Nag-alsa
6. Ginamit ang lakas ng
panulat
27. Panuto: Piliin ang naging tugon ng mga Pilipino
mula sa pagpipilian na nakalagay sa kahon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel
A. Nakipagsabwatan/Mersenaryo
B. Tumakas at namundok
C. Yumakap sa kapangyarihan
D. Nag-alsa o lumaban
E. Gumamit ng lakas ng panulat
28. A. Nakipagsabwatan/Mersenaryo
B. Tumakas at namundok
C. Yumakap sa kapangyarihan
D. Nag-alsa o lumaban
E. Gumamit ng lakas ng panulat
1. Hindi tinanggap ni Lapu-Lapu
ang pakikipagkaibigan ni Magellan.
D
29. A. Nakipagsabwatan/Mersenaryo
B. Tumakas at namundok
C. Yumakap sa kapangyarihan
D. Nag-alsa o lumaban
E. Gumamit ng lakas ng panulat
2. Ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ay isinulat ni Jose Rizal.
E
30. A. Nakipagsabwatan/Mersenaryo
B. Tumakas at namundok
C. Yumakap sa kapangyarihan
D. Nag-alsa o lumaban
E. Gumamit ng lakas ng panulat
3. Nilisan ng mga Babaylan ang
mga tirahan upang maibalik ang
dating paniniwala at relihiyon.
B
31. A. Nakipagsabwatan/Mersenaryo
B. Tumakas at namundok
C. Yumakap sa kapangyarihan
D. Nag-alsa o lumaban
E. Gumamit ng lakas ng panulat
4. Nakipagsabwatan sa mga
Espanyol upang makuha ang
personal na layunin o kagustuhan.
A
32. A. Nakipagsabwatan/Mersenaryo
B. Tumakas at namundok
C. Yumakap sa kapangyarihan
D. Nag-alsa o lumaban
E. Gumamit ng lakas ng panulat
5. Nagsawalang-kibo para
proteksyonan ang kabuhayan.
C
33.
34. Sanggunian
Antonio, Eleonor D., Baniaygas, Emilia l., Dallo, Evangeline M. 2015. Kayamanan.
p. 249-253 Manila: Rex, Publishing Company
Gabuat, Maria Annalyn P. , Mercado, Michael M., & Jose, Mary Dorothy dL .
2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa. p. 216-251 Quezon City: Vival Group, Inc.
Ilao, Mari Cristtia D., Pantolla, Juanita G. 2005. Lahing Pilipino Diwang
Makabayan. p . 58-61 Manila: Innovative Educational Materials , Inc
Labrague, Carmen N., Tome, Sylvia C. 2004. Sa Umuunlad na Pilipinas. p.74-92.
Manila: Ibon Foundation Inc.
Milambiling, Ruben M. 2016. Doon po sa Amin… Bansang Pilipinas 5.p. 142-145
Manila: Innovative Educational Materials , Inc
Palu-ay, Alvenia P. 2010.Makabayan: Kasaysayang Pilipino. p. 56-65. Quezon City:
LG&M Corporation