2. MGA BATAYANG KAALAMAN SA
PAGSULAT
“Kapag tumigil sa pagsulat ang
isang tao, tumitigil na rin siya sa
pag-iisip.”
7/21/2014
3. Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa
anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at
ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan.
ANO ANG PAGSULAT?
4. Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na
ginagawa para sa iba't ibang layunin.
Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat ito ay
isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya
ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at
pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng
gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang
ginamit.
ANO ANG PAGSULAT?
6. Ayon kina Xing at Jin:
“ang pagsulat ay isang komprehensib na
kakayahang naglalaman ng wastong
gamit,talasalitaan,pagbubuo ng
kaisipan,retorika at iba pang mga
elemento.”
7. Sinabi ni Badayos:
“ang kakayahan sa pagsulat nang
mabisa ay isang bagay na totoong
mailap para sa nakararami sa atin
maging ito'y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man.”
8. Ayon kay Keller:
“ang pagsulat ay isang biyaya,isang
pangangailangan at isang kaligayahan
ng nagsasagawa nito.”
9. Ayon kay Donald Murray:
“Writing is rewriting”.
Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat –
“A good writer is wasteful”.
Metapora ni Murray:
He saws and shapes and cuts
away,discarding wood… The writer cannot build
a good strong piece of writing unless he has
gathered an abundance of fine raw materials.
10. Ayon kay Donald Murray:
“ang pagsulat ay isang eksplorasyon-
pagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa porma at
ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-
balik nagtutuon sa isa sa mga batayang
kasanayan sa bawat panahon nang kanyang
matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at
kung paano niya iyon maipapahayag nang
episyente.”
11. Ang paglalarawan naman nina Peck at
Buckingham sa pagsulat:
“Ang pasulat ay ekstensyon ng
wika at karanasang natamo ng isang
tao mula sa kanyang
pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”
13. SOSYO – salitang tumutukoy sa
lipunan ng mga tao.
KOGNITIB – anumang tumutukoy sa
pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga
empirikal o paktwal na kaalaman.
14. SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW
SA PAGSULAT
Ang SOSYO-KOGNITIB na pananaw sa
pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa
proseso ng pagsulat. Ang pagsulat ay kapwa
isang mental at sosyal.
7/21/2014
15. Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong
intrapersonnal at interpersonal.
Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa
sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na tulad ng:
1. Ano ang aking isusulat?
2. Paano ko iyon isusulat?
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
4. Ano ang nais kong maging reaksyon
ng babasa sa aking isusulat?
17. Ang pagsulat ay isang biswal na
pakikipag-ugnayan.Ito ay isang
gawaing personal at sosyal.
Anuman ang layunin sa
pagsulat,mahalagang maunawaan na ang
pagsulat ay isang multi-dimensyonal na
proseso.
Dalawang dimensyon sa pagsulat:
1. Oral Dimensyon
2. Biswal na Dimensyon
18. 1.ORAL NA DIMENSYON
Kapag ang isang indibidwal ay
nagbabasa ng isang tekstong
isinulat,masasabing nakikinig na rin
siya sa iyo.
Ang pagsulat ay isang pakikipag-
usap sa mga mambabasa.
19. 2. BISWAL NA DIMENSYON
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa
mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa
kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na
simbulo.
Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang
ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang
mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum
ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang
layunin ng manunulat.
20. Mga Yugto ng Proseso ng
Pagsulat
Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat
21. Mga Yugto ng Proseso ng
Pagsulat
Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat
22. Proseso ng Pagsulat
Prewriting
Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng
impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng
istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga
materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa
yugtong ito.
23. Mungkahing pre-writing activities
Pagsulat sa Dyornal
Brainstorming
Questioning
Pagbabasa at Pananaliksik
Sounding-out Friends
Pag-iinterbyu
Pagsasarbey
Obserbasyon
Imersyon
Pag-eeksperimento
24. Proseso ng Pagsulat
Ang Unang Burador/ Writing Stage
Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang
maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na
maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano
mo kinakailangan.
Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo
ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo
ang iyong mga parirala sa pangungusap.
25. Proseso ng Pagsulat
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi
mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon, mas
mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng
mas mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mabilis
sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili
ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at
pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin
matapos maisulat ang buong unang burador.
26. Proseso ng Pagsulat
Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang
burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit
maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa
pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng
mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay
o pagbabantas kahit paminsan minsan. Paulit-ulit pa rin
nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt
ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili na
mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito
pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.
27. Proseso ng Pagsulat
Revising
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang
makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog
ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito
ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng
presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay
nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may
pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan
para sa pagpapabuti ng dokumento.
28. Proseso ng Pagsulat
Editing
Ito ang pagwawasto ng mga posibleng
pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling,
gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang
pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago
maiprodyus ang pinal na dokumento.
29. Teknik sa Pagrerebays ng isang Sinulat
Pag-eedit at Pagrerebays ng sariling draft.
-isinasagawa ito isa o ilang araw matapos ang draft.
Peer Editing
-maaaring ipabasa sa mga kaklase o kaibigan ang draft.
Professional Editing
-pagpapa-eedit ng draft sa mga propesyunal tulad ng mga
editor at guro
TANDAAN: sa Peer Editing at Professional Editing, ang isang
manunulat ay kailangang maging bukas sa mga puna,
mungkahi at pagwawasto.
31. “Sa pagsusulat hindi tayo
makapagpapanggap.”
Bilang isang MAG-AARAL.
Bilang MANUNULAT.
Sa pang-araw-araw nating
pagharap sa buhay.
Bakit Tayo Nagsusulat?
32. Bakit Tayo Sumusulat?
Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan
na dapat malinang sa isang indibidwal. Sa pagsulat, hindi tayo
makapagpapanggap. Hindi katulad sa pakikinig, tumangi lamang
sa nagsasalita o tumangu-tango ay masasabing nakikinig na kahit
iba ang iniisip at hindi nahahalata; sa pagbabasa, makisabay lang
sa pagbabasa ng iba o tingnan ang libro, iisiping nagbabasa na
rin; sa pagsasalita, malimit ang mga katagang “ah…eh…
ma’am/sir nasa dulo na po ng dila ko, hindi ko lang po masabi
eh!”, at mangingiti lang ang guro…lusot na. Sa pagsulat,
malalaman ng iyong isip kung ano ang nararamdaman mo…ito
ang mababasa. Wala kang maililihim…walang maitatago.
33. Bakit Tayo Sumusulat?
Sa isang mag-aaral,ginagawa niya ang pagsulat
sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan sa
paaralan upang siya ay makapasa.
Gayundin naman, ang isang manunulat ay
nagsusulat dahil ito ang pinagmulan ng kanyang
ikabubuhay. Kung walang tulad nila, walang pahayagan
na magtatala ng mga nagaganap sa lahat ng sulok ng
daigdig. Wala ring libro na magpapalawak ng ating
kaalaman at magbibigay paliwanag sa tama at mali na
gagabay sa atin tulad ng mga batas. Wala ring magasin
na madalas nating piliing paglibangan.
34. Bakit Tayo Sumusulat?
Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay,
hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas
mabisang maipapahayag ang sa paraang pagsulat ang
higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing
pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa
malayong lugar, pagpapatibay sa mga kasunduan, at
pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi
magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang
patunay sa pamamagitan ng pagsulat.
35. Bakit Tayo Sumusulat?
Mula sa ating pagsulat… mula sa sinusulat ng
iba, tayo’y natututo. Nagagawa nating sumabay sa
takbo ng mundong ito. Nabibigyan tayo ng
pagkakataong mapunan ang puwang sa ating
pagkatao upang makadama ng kaligayahan.
37. Ang pagsulat ay personal na gawain sapagkat
ginagamit para sa layuning ekspresib o sa
pagpapahayag ng iniisip o nadarama.
Sosyal na gawain naman sapagkat
ginagamit para sa layuning panlipunan o kung
ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa
iba pang tao sa lipunan.
Ang layuning ito ay tinatawag na
transaksyunal.
39. 1.IMPORMATIB NA PAGSULAT
Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito
ay naghahangad na makapagbigay
impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus
nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa
teksto.
Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga
istatistiks na makikita sa mga libro at
ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report
40. 2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
Kilala sa tawag na persuasive writing.
Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon
o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay
ang mambabasa na nais maimpluwensyahan
ng isang awtor.
Halimbawa:
editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng
proposal at konseptong papel
41. 3. MALIKHAING PAGSULAT
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng
mga akdang pampanitikang tulad ng maikling
katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o
masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng
awtor dito ay magpapahayag lamang ng
kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin o
kumbinasyon ng mga ito.
42. 4. PANSARILING
PAGPAPAHAYAG
Pagsulat o pagtatala ng mga
bagay na nakita, narinig, nabasa o
naranasan. Sa layuning ito, ginagawa
ang pagsulat bunga ng paniniwalang
ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa
mga halimbawa nito ang pagsulat ng
dyornal, plano ng bahay, mapa at iba
43. MGA URI NG
PAGSULAT
•Mauuri sa iba’t ibang
pangangailangan ng tao sa lipunan.
•`~batayan kung bakit nasulat ang tao
•Magbigay ng impormsyon
•Tumalakay sa isang paksa
•Mang-aliw ng mambabasa.
44. AKADEMIK
Pagsulat sa paaralan mula sa
antas na primarya hanggang
doktoradong pag aaral.
Itinuturing ng isang intelektwal
na pagsulat.
Hal:
Kritikal na sanaysay, term
paper,lab report, ekspiremento.
46. JOURNALISTIK
Uri ng pagsulat na ginagawa ng
isang journalist.
Makikita sa columnar ng
dyaryo,tulad ng editoryal,balitang
sulatin, lathalain.
47. REPERENSYAL
Sulatin na naglalayon
magrekomenda ng iba pang mga
sors o reference.
Para sa mas malawak na pag
intindi sa isang paksa.
Hal.:
Literatura mula sa awturidad,
thesis sa bahaging Mga kaugnay
na pag aaral at literatura.
48. Propesyonal
Uri ng pagsulat na nakatuon o
ekslusib sa isang tiyak na
propesyon.
Hal:
Pulis report, Investigative report,
Medical report.
49. MALIKHAIN
Masining
Pokus ang imahinasyon ng
manunulat.
Paganahin ang imahinasyon ng
mambabasa.
Piksyunal o di-piksunal
Hal: tula, nobela, maikling
kwento, malikhain sanaysay.