1. Elise Angela H. Espinosa #25
IV- Charm 05 Pebrero 2013
“Ang Tundo Man May Langit Din”
Unang Bahagi: BUOD
Nagsimula ang nobela sa pagkikitang muli ni Flor at ni Victor sa Quiapo, at doon
ipinagtapat ni Flor na siya’y nagdadalang-tao at ang mga problemang hinaharap niya
dahil sa kanyang asawang si Tonyo.1 Nakita si Victor at si Flor ng mga kaibigan ni Alma,
nahuli siya sa usapang pagkikita nila at nang makauwi si Victor, ay tila problemado siya
sa mga nalaman niya tungkol kay Flor.2 Nagkaroon ng bakbakan at napa-away si
Victor.3 Isang gabi nama’y nagkaroon ulit ng masamang panaginip si Alma tungkol sa
kanyang ama at sa dati nilang kasambahay na si Dolores, at saka ay isinulat niya ito sa
kanyang talaarawan.4 Kinabukasan ay ipinaalam ni Alma na gusto niyang magpa-party
para sa mga kaklase niya bilang handa para sa kanilang pagtatapos, at natuloy ang
party ngunit inimbitahan ng kanyang mga magulang ang mga dati niyang kaibigan na
mayayaman.5 Ayaw sanang pumunta ni Vic sa kanilang baccalaureate at graduation
dahil gastos lamang ito, ngunit napilitan din siya dahil sa barong at togang binili ng
kanyang pamilya at kaibigan para sa kanya.6 Lumipas ang mga araw at buwan,
nakapagtayo na ng patahian si Flor, at nagtuturo na pareho sina Vic at Alma.7 Nagtapat
ng pag-iibigan sina Alma at Vic, at sabay nilang binuo ang isang daigdig---ang Langit sa
Tundo.8
Ikalawang Bahagi: PAGPAPAKILALA NG MGA TAUHAN
1. Victor del Mundo:
Siya ang bida sa nobela at naninirahan siya sa Tundo.1 Nagsusumikap siya na
magtrabaho kasabay ng pag-aaral sa isang pamantasan kung saan nakilala niya
si Alma, at siya ay naniniwalang ang Tundo ay may Langit ding makikita at
makakamit.2
2. Alma Fuertes:
Mayamang kaibigan at napangasawa na nakilala sa pamantasan ni Victor.1 Ang
kanyang mga paniniwala ay pareho sa mga paniniwala ni Victor.2
3. Flor:
Dating iniibig ni Victor.1 Siya ay taga-Tundo noon, ngunit siya ay nag-asawa ng
mayaman dahil ayaw na niyang manatili sa walang pag-asang Tundo.2
4. Dolores:
Dating kasambahay nila Alma na nagging kasambahay na ni Flor.1 Nagawan siya
ng masama ng tatay ni Alma noon kaya nais siya talagang makita ni Alma.2
5. Mga taga-Tundo (Lukas, Pilo, Paeng Gasti, Totong Bamban, etc):
2. Sila ang mga kasama ni Victor mula bata. Sila ang representasyon ng mga
karaniwang taga-Tundo.
Ikatlong Bahagi: PAGSUSURI
Tinutuligsa ng nobela ang kasalukuyang kahirapang dinaranas ng mga taga-
Tundo.1 Nakasentro sa buhay ni Victor at sa kanyang pagsisikap sa pagkamit ng langit
ng Tundo ang kwento.2 Kung papansinin ng husto, ang manunulat ng kwento na si
Andres Cristobal Cruz ay masasabing kagaya siya ni Victor.3 Nag-aral siya sa mga
pampublikong paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo.4 Ang unang dalawang
taong ng kanyang pag-aaral sa UP ay natustusan nang pangungutang sa Students Loan
Assistance.5 Ang huling dalawang taon naman ay tinustusan ni Donya Pura Villanueva
Kalaw.6 Hindi siya mula sa mataas na antas ng lipunan, kaya’t mapapansin na ang lahat
ng kanyang narating ay dahil sa sariling sikap.7
Bukod sa buhay ni Victor, ang pinakamahalagang isyu na tinutuligsa ng kwento
ay ang kahirapan ng maraming kababayan natin dito sa Pilipinas.8 Pinakita at nilarawan
sa nobela ang mga pang-araw-araw na nangyayari sa mga lugar na tulad ng Tundo.9
Madalas ay nag-iinuman o nagsu-sugal ang mga lalaki, habang ang mga babae nama’y
naglalaba o kaya nama’y nagpapagatas lamang ng sunud-sunod nilang mga anak.10
Nabanggit din sa kwento na mayroon talagang mga siga at madalas rin magkaroon ng
awayan sa mga lugar kagaya sa Tundo.11
Isinulat ang nobela sa paraang madali siyang maiintindihan ng mambabasa.12
Hindi malalim ang mga salitang ginamit.13 Marahil ay kaya ito sinulat sa ganitong ay
dahil gustong ipahatid ng manunulat ang kanyang layunin nang mas madali at mas
malinaw.14 Nais niyang imulat ang mga mambabasa sa katotohanang marami ang
naghihirap sa Pilipinas, habang marami rin naman ang nagpapakasaya sa marangyang
pamumuhay.15
Para sa mga mayayaman, ang pagtatapos ng pag-aaral ay isa na lamang
katibayan na maaari na nilang paandarin ang ipinamanang negosyo.16 Ang papel na
diploma ay di hamak na mas mahalaga sa kanila kaysa sa mga natutunan talaga sa
paaralan.17 Para naman sa mga hindi nakaaangat sa buhay, ang edukasyon lamang ang
tanging paraan upang maka-ahon sila sa kahirapan.18 Ito ang magiging susi sa
pagtatapos ng kanilang paghihirap.19 Malaki ang ibinibigay nilang importansya sa pag-
aaral lalo na’t bihira ang makatapos sila sa pag-aaral. 20
Isa pang pinakita sa nobela mayroon paring mga mayayaman paring nang-aapi
ng mahihirap.21 Napakaliit ng tingin nila sa mga taong nasa mas mababang antas kaysa
sa kanila.22 Gayunpaman, hindi lahat ng mayayaman ay walang pakialam sa mahihirap,
at ang mahihirap ay marunong ring mangarap.23 Ang pinaka-angkop na halimbawa
mula sa nobela para rito ay si Alma.24 Kailanman ay hindi niya minaliit si Victor, at siya
pa nga’y hangang-hanga kay Victor.25