2. OBJECTIVES
• Nasusuri sa ibat-ibang pananaw ukol sa kahulugan ng
lipunan ayon sa ilang mga sosyologo.
• Nakapagbibigay ng sariling kahulugan sa salitang
lipunan.
• Natutukoy ang katuturan ng lipunan at ang mga
bumubuo rito
29. MASASABI BA NINYO NA:
• A. AMIN ITO
• B. KILALA KO ITO
• C. SA AMIN ITO NANGGALING
• D. ALAM KO ITO
30. Minute to win it
• Mayroong isang kahon na may laman ng ibat ibang kulay na
papel.
• Sa pagsimula ng oras ang kahon ay ipapasa ng guro sa unang
nakaupo sa unang hanay at kukuha ito ng isang hugis ng papel.
• Pagkatapos niyang bumunot ay ipapasa niya ang kahon sa
susunod na nakaupo hanggang aabot ito sa pinakahuling tao sa
huling hanay sa loob lamang ng isang minuto.
• Kung kayo ay magtagumpay kayo ay may premyo.
31.
32. Pangkatang-Gawain
• Panuto:
• -Paghahati ng mga mag-aaral sa apat na pangkat.
• Sa loob ng tatlong minuto, magpalitan ng kuro-kuro ang
mga kasapi sa pangkat.
• Bawat pangkat ay aatasang magpapaliwanag sa kahulugan
ng lipunan ayon sa ibinigay na mga larawan.
• Sa loob ng limang minuto ang lahat ng pangkat ay maglalahad.
37. ANG LIPUNAN
• Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong
samasamang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon, at pagpapahalaga.
38. Ang katuturan ng lipunan
• 1. Ayon kay Emile Durkheim.
• 2. Ayon kay Karl Marx.
• 3. Ayon kay Charles Cooley.
39. 1. Ayon kay Emile Durkheim.
• “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan
nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na
kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba
subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na
lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”
• (Mooney, 2011)
40. 2. Ayon kay Karl Marx.
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan.
Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa
tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng
magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
41. 3. Ayon kay Charles Cooley.
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na
ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao
ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga
mamamayan.”(Mooney, 2011)
42. Pamprosesong tanong
• •Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng katuturan
ng lipunan ayon sa tatlong sosyologo?
43. Pamprosesong tanong
•Ano ang kahulugan ng lipunan?
•May maganda bang maidudulot sa lipunan
kung nagkakaisa ang lahat sa mabilisang
pagsugpo ng problema sa druga dito sa
lungsod ng Danao? Paano?
44. Papel at Lapis na Pasulit
• 1. Ano ang katuturan ng lipunan?
• 2. Ano ang katuturan ng lipunan ayon sa pananaw ni
• a. Emile Durkheim
• b. Karl Marx
• c. Charles Cooley
• 3. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang alamin ang
katuturan ng lipunan?