2. ANU ANG
WIKA? 1. Ano ang wika? Saan ba ito nanggaling?
2. Paano nabuo ang wika?
3. Mahalaga ba ang wika?
Bakit at paano ito naging mahalaga?
3. Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag -aaral ay inaasahang natutukoy ang
kahulugan at natatalakay ang kabuluhan ng wika , pati na ang mga konseptong
nakapaloob dito.
5. Subukan Natin
Magbigay ng 10 wika na ginagamit sa Pilipinas. Isulat ang pangalan ng wika at
ang lugar kung saan ginagamit ang wikang ito. Punan ang tsart ng iyong mga
sagot.
Wika sa Pilipinas Lugar kung saan Ginagamit ang Wika
6. Ang wika ay isang kasangkapang nag -
uugnay sa
mga tao sa isang lipunan. Ginagamit ito ng mga
tao sa araw -araw na pakikipag -ug nayan sa
kaniyang kapwa.
Ang wika ay bahagi ng buhay ng mga tao.
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
estruktura – paraan kung
paano nabubuo ang isang
bagay
pagsasalin – pagbibigay ng
salita sa ibang wika na may
kaparehong kahulugan
arbitraryo – nagbabago
balarila – kalipunan ng mga
batas o patakaran tungkol sa
wastong paggamit ng isang
partikular na wika
instrumento – gamit o
kasangkapan
7. Pag-aaral ng Wika
Ang dalubwika ay isang taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaniyang
kaalaman sa wika. Pinag-aaralan niya ang wika—estruktura, galaw,
kahulugan, at pagbabago nito— upang matukoy kung paano ito higit na
mapakikinabangan sa mas epektibong pakikipagkomunukasyon.
Tinatawag namang lingguwistika ang siyentipikong pag-aaral ng wika.