3. Ang isinasaalang-alang
na ang unang pananakop
ng mga Kastila sa ating
kapuluan ay ang pananatili
rito ni Miguel Lopez de
Legazpi noong 1565, bilang
kauna-unahang Kastilang
gobernador-heneral.
4. ______________
Nang ilagay sa ilalim ng
koronang Kastila ang
kapuluan, si Villalobos ang
nagpasiya ng ngalang
“Felipinas o Felipinas”
bilang parangal sa Haring
Felipe II nang panahong
yaon, ngunit dila ng mga
tao ay naging
“Filipinas.”
5. ________
Ayon sa mga Espanyol,
nasa kalagayang
barbariko, di sibilisado at
pagano ang mga
katutubo noon.
6. Itinuro ng mga Kastila
ang Kristiyanismo sa mga
katutubo upang maging
sibilisado diumano ang
mga ito.
7. Naniniwala ang mga Espanyol
noong mga panahong iyon na mas
mabisa ang paggamit ng katutubong
wika sa pagpapatahimik sa
mamamayan kaysa sa libong
sundalong Espanyol.
8. ____________________
Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa
apat na ordeng misyonerong Espanyol na
pagkaraa’y naging lima. Ang mga
ordeng ito ay Agustino, Pransiskano,
Dominiko, Heswita, at Rekolekto upang
pangasiwaan ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
10. _______________
Upang mas maging
epektibo ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol mismo
ang nag-aral ng mga wikang
katutubo dahil mas madaling
matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa sa ituro sa lahat
ang wikang Espanyol.
11. ___________________________________________
Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng
kanilang relihiyon, mas magiging kapani-
paniwala at mas mabisa kung ang mismong
banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo.
Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat
ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika,
katekismo, at mga kumpensyonal para mas
mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong
wika.
12. Mga Akdang Pangwika
_________________________________________
Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
Sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin ni Tomas
Pinpin noong 1610.
Compendio de la Lengua Tagala
Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.
Vocabulario de la Lengua Tagala
kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni
Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.
Vocabulario de la Lengua Pampango
unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni
Padre Diego Bergano noong 1732.
13. ______________________________________________
Vocabulario de la Lengua Pampango
unang aklat pangwika sa Kapampangan na
sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.
Arte de la Lengua Bicolana
unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni
Padre Marcos Lisboa noong 1754.
Arte de la Lengua Iloka
kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni
Francisko Lopez.
14. Mga Unang Aklat
_________________________________________
Ang Doctrina Christiana
Ito ang kauna-unahang aklat
na nalimbag sa Pilipinas sa
pamamagitan ng silograpiko.
Taon ng pagkakalathala: 1593
May-akda: Padre de Placencia
at Padre Domingo Nieva
Nilalaman: Pater Noster, Ave
Maria, Regina Caeli, Sanmpung
Utos ng Diyos, Mga Utos ng
Sta. Iglesya Katoliko, Pitong
kasalanang Mortal,
Pangungumpisal at Katesismo.
15. Mga Unang Aklat
_________________________________________
Ang Nuestra Señora del
Rosario
Ito ang ikalawang aklat na
nalimbag sa Pilipinas.
Taon ng pagkakalathala:
1602
May-akda: Padre Blancas de
San Jose
Nilalaman: Talambuhay ng
mga santo, nobena at mga
tanong at sagot sa relihiyon.
18. Mga Unang Aklat
_________________________________________
Ang Pasyon
Ito ay aklat na natutungkol sa buhay at
pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa
ito tuwing Mahal na Araw.
Nagkaroon ng apat na bersiyon:
Version de Pilapil (Mariano Pilapil)
Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen)
Version de la Merced (Aniceto de la Merced)
Version de Guia (Luis de Guia)
19. Mga Unang Aklat
_________________________________________
850
Ang tauo hanggang mayaman
Marami ang kaibigan
Cung mahirap na, ang buhay
Di batii’t, titigan
851
Gayon ngani itong mundo
Magdaraya, t, walang toto
Parang lihis na totoo
Pangimbolo, i, nanalo
Sa calolowa nang tauo.
22. Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim
ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon
ng mga mamamayan noong panahon ng mga
Espanyol. Naging usapin ang wikang panturong
gagamitin sa mga Filipino.
Iniutos ng Hari na gamitin ang wikang katutubo
sa pagtuturo hindi naman ito nasusunod.
________________________________________________
23. Gobernador Francisco Tello de Guzman
Nagmungkahi na turuan ang mga Indio ng
wikang Espanyol.
Carlos I at Felipe II
naniniwalanag kailangang
maging bilinggwal ng mga
Filipino.
___________________________
24. Carlos I
Iminungkahing ituro ang
Doctrina Christiana gamit
ang wikang Espanyol.
__________________________
Sa huli, napalapit ang mga katutubo sa
mga prayle dahil sa wikang katutubo ang
ginamit nila samantalang napalayo sa
pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang
gamit nila.
25. Haring Felipe II
Muling inulit ang utos
tungkol sa pagtuturo ng
wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo noong ika-2 ng
Marso, 1634.
___________________________
Nabigo ang nabanggit na kautusan.
26. Carlos II
lumagda ng isang dikreto
na inuulit ang probisyong
nabanggit na kautusan.
Nagtakda rin siya ng parusa
para sa mga hindi susunod
dito.
________________________________________
27. Carlos IV
lumagda ng isa pang
dekrito na nag-uutos na
gamitin ag wikang Espanyol
sa lahat ng paaralang
itatag sa pamayanan ng
mga Indio noong 29
Disyembre 1972
________________________________________
28. Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na
nanganib ang wikang katutubo. Sa panahong
ito, lalong nagkawatak-watak ang mga Filipino.
Matagumpay na nagapi at nasakop ng mga
Espanyol ang mga katutubo.
Hindi nila itinamin sa isipan ng mga nasakop
ang mga Filipino ang kahalagahan ng isang
wikang magbibikis ng kanilang damdamin.
30. a panahong ito, marami na ring
mga Pilipino ang naging matindi
ang damdaming nasyonalismo.
Nagtungo sila sa ibang bansa
upang kumuha ng mga
karunungan.
31. Nagkaroon din ng kilusan ang mga propagandista
noong 1872 na siyang simula ng kamalayan upang
maghimagsik.
ANG TALUKTOK NG PROPAGANDA
32. Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan.
Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang
mga kautusan at pahayagan.
Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa
pagtataguyod ng wikang Tagalog.
34. Itinanghal ang Tagalog
bilang opisyal na wika
ayon sa pinagtibay na
Konstitusiyong Biak-na-
Bato noong 1899
bagama’t walang
isinasaad na ito ang
magiging wikang
pambansa ng
Republika.
35. Nang maitatag ang Unang Republika sa
pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa
Konstitusyon na ang Tagalog ay opsiyonal.
(Gamitin ng kung sino lamang
nangangailangang gumamit.)
Ang sinasabing ang dahilan nito ay ang
pamamayani ng mga ilustrado sa
Asembleang Konstitusiyonal.
__________________________________________
36. Nais maakit ni Aguinaldo ang
mga di-Tagalog.
Ang wikang Tagalog ay
naging biktima ng politika.
Nag-uumpisa lamang sana
itong lumago ay napailalim na
naman ito ng dayuhang wika.
37. Sanggunian:
Del Rosario, M. (2017). Pinagyamang pluma:
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at
kulturang filipino. Lungsod Quezon: Phoenix
Publishing House, Inc.
_______________________________________________
38. Padayon, Wikang Filipino!
JEFERSON A. AUSTRIA
Instruktor I
Pangasinan State University
Bayambang Campus
_______________________________________________