2. Pananaliksik - ay isang proseso ng
pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang
siyentipikong pamamaraan.
3. 1. Pagpili ng Paksa
2. Paglimita ng Paksa
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
6. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
7. Pagrerebisa
8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito
HAKBANG SA PAGSASAGAWA
NG SALIKSIK
4. 1. PAGPILI NG PAKSA
- Siguraduhing ang pipiliing paksa ay
naaayon sa iyong interes
- may mga materyales na
mapagkukunan
- at yaong mayroon kang malawak na
kaalaman.
5. 2. PAGLILIMITA NG PAKSA
- Nagsasabi ng limitasyon o hangganan
sa ating paksa.
- Panahon, edad, kasarian, pangkat na
kinabibilangan, anyo/uri, perspektibo,
lugar
6. 3. PAGHAHANDA NG PANSAMANTALANG
BIBLIYOGRAPI
- Ito ang talaan ng iba’t ibang sanggunian
katulad ng aklat, artikulo, report, peryodiko,
magasin at iba pa.
- Siguraduhing ang mga aklat o
impormasyong kasama sa talaan ay may
kaugnayan sa paksayng tinatalakay.
7. 4. ANG PAGBUO NG PANSAMANTALANG
BALANGKAS
- Makatutulong ito para sa mas mabilis na
pananaliksik dahil dito isinasaayos ang mga ideyang
nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng datos.
- Unahin munang isulat ang pangunahing ideya.
- Isunod na ilista ang mga pantulong na ideya.
- Tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga
ideya – kung ito ba ay kronohikal o ayon sa lugar at saka
isaayos ang pormat.
8. 5. PAGHAHANDA NG INIWASTONG
BALANGKAS O FINAL OUTLINE
- Sa bahaging ito, planuhin at isiping
mabuti ang kabuoan ng pananaliksik na
gagawin.
- Balansehin ang bawat bahagi kung
nasosobrahan o nakukulangan sa detalye.
9. 6. PAGSULAT NG BURADOR O ROUGH DRAFT
- Mula sa iwinastong balangkas at mga
kard ng tala ay maaari nang magsimulang
sumulat ng burador.
10. 7. PAGREREBISA
- Sa bahaging ito ay bigyang-pansin ang
nilalaman at paraan ng pasulat gayundin ang
baybay, bantas,wastong gamit ng mga salita, at
ang estruktura ng mga pangungusap.
- Maaaring gumamit ng mga panandang:
una, sunod/sumunod, saka, bilang pagtatapos,
wakas, o sa dakong huli.
11. 8. PAGSULAT NG PINAL NA MANUSKRITO
- Isulat na ang pinal na pananaliksik
batay sa pormat na ibinigay ng guro.