2. Pang-ugnay - ay mga salitang nagpapakita
ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang
parirala o ng dalawang sugnay.
3. *parirala - ay mga lipon ng salita na
walang simuno at panaguri
*sugnay - ay kalipunan ng mga salitang
may simuno at panaguri na maaaring may
buong diwa o di-buong diwa
4. Pang-ugnay na panubali - ay ginagamit
upang ipahayag na ang aksyon sa
pangunahing sugnay ay mangyayari
lamang kapag natupad ang isang
kondisyon.
Hal. kung, kapag, sakali, at pag
5. Pang-ugnay na panghikayat - ay ginagamit
upang iugnay ang mga salita sa loob ng
pangungusap at talata na kung saan ay
nagsasaad ng pagpapatotoo, pagpapatunay,
o maaaring pagbibigay ng pasubali.
Hal. totoo, tunay, talaga, pero,
subalit, at iba pa
6. Pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari - ay ginagamit upang ipakita o
ilahad ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Hal. una, ikalawa, halimbawa, isang
araw, samantala, at iba pa
8. Editoryal (Pangulong-tudling) - ay isa sa
bahagi ng pahayagan na naglalahad ng
mga kuru-kuro o opinyon ng patnugot o
editor tungkol sa isang napapanahong
isyu, paksa o usapin.