SlideShare a Scribd company logo
1 of 46
I.Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.
____1. Bakit mo nasabi na may naganap na pagbabago sa iyong bayan/lungsod?
A. Bihira ang makikitang tao sa komunidad. Malalapad ang mga kalsada at dumami ang mga
palengke.
B. Dumami ang tao, mga gusali at lumapad ang mga kalsada.
Bumilis ang transportasyon at pagkuha ng pangunahing pangangailangan.
C. Kaunti lamang ang naninirahan. Tanging pangingisda ang hanapbuhay.
____2. Paano mo maihahambing ang mga pagbabago sa bayan/Lungsod mo at mga karatig-lalawigan
nito?
A. Ang mga gusali ay iisa lamang ang disenyo. Pareho ang dami ng tao, may malawak na
teritoryo.
B. Magkakaiba sa laki, populasyon at maging sa mga istruktura nito.
C. Pareho ang dami ng tao at mga nagtataasang gusali.
AP
AP
____3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may katotohanan?
A. Maraming pagbabagong nagaganap sa ating rehiyon sa paglipas ng panahon.
B. Walang pagbabagong nagaganap sa ating rehiyon sa paglipas ng panahon.
C. Di mo mapapansin ang mga pagbabago sa ating rehiyon.
____ 4. Ano ang pangalan ng iyong lungsod noon? Ano naman ang tawag dito ngayon?
A.Taga-giik – Taguig , na ang ibig sabihin sa Ingles ay “rice thresher”.
B. Munti-Muntinlupa, na ang ibig sabihin ay bilangguan
C. Pasik – Pasig, na ang ibig sabihin ay buhangin
____ 5. Isang patunay na may nagaganap na pagbabago sa rehiyon ang makikitang mga makabago at
modernong istruktura.
A. Mali dahil wala namang pagbabagong nagaganap.
B. Siguro, dahil sa paglipas ng mahabang panahon.
C. Tama dahil maraming pagbabago ang nagaganap sa paglipas ng panahon.
AP
____11.Ang babae sa gitna ng logo ng Pasig ay kumakatawan sa __________ ng Pasig.
A. Anak B. Ina C. Mutya
____12. Ang 33 sinag na makikita sa official seal ng Makati ay kumakatawan sa mga
__________ .
A. Barangay B. Gusali C. Simbahan
____13. Makikita ang pato at itlog sa official seal ng __________ .
A. Pasig B. Pateros C. Taguig
____14. Ang Guadalupe Church ay makikita sa logo ng _________.
A. Makati B. Malabon C. Pasig
____15. Maliban sa pagiging Maka-Diyos, kilala rin noon ang lungsod sa pagtatanim at
pag-aani ng palay, pangngisda, at paghahabi.
A. Taguig B. Pasay C. Manila
ESP
Quiz #1
____1. Anong kaugaliang Pilipino ang
nagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga sa mga
taong may sakit?
A. Pagkamahiyain C. Pagkamalikhain
B. Pagmamalasakit D. Pagkamadasalin
____2. Inuubo at sinisipon ang iyong kamag-aral. Wala
siyang dalang pamunas ng kaniyang ilong at pantakip sa
kanyang bibig tuwing uubo. Pinagtatawanan siya ng inyong
mga kaklase sa tuwing tumutulo ang kaniyang sipon sa ilong.
Ano ang iyong gagawin?
A. Makikitawa rin ako
B. Huwag pansinin ang kaklase
C. Ipahihiram ko sa kaniya ang aking malinis na panyo
D. Lalayo ako upang hindi ako mahawa sa sakit niya
____3. Nagmamadali kang umuwi ng bahay pagkatapos ng
klase dahil may sakit ang iyong nanay at ikaw ang tutulong sa
iyong tatay na maghanda ng hapunan. Nadaanan mong
naglalaro sa plasa ang iyong mga kaibigan. Gustong-gusto
mong sumali. Ano ang iyong gagawin?
A. Maglalaro muna saglit
B. Aawayin ang mga kaibigan
C.Uuwi sa bahay at magpapaalam sa tatay
D.Ipagpapaliban muna ang paglalaro at tutulong sa tatay
____4. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal
at pagmamalasakit sa iyong kapwang may sakit?
Sa pamamagitan ng _____________.
A. pagbabalewala
B. paghingi ng pera
C.pakikipaglaro sa kanila
D.pagtulong at pag-aalaga
____5. Nakaugalian mo nang ihanda tuwing umaga ang
iinuming gamot ng iyong lolo sa buong araw kaya hindi niya
nakakaligtaan ang pag-inom nito. Ano kaya ang
nararamdaman ng iyong lolo sa ginagawa mong ito?
A. Nagagalit sa iyong pakikialam
B. Naiiyak sa dami ng gamot na iinumin
C.Nagsasawa nang uminom ng gamut
D.Natutuwa sa iyong pagtulong at pag-aalaga
____6. Nilalagnat ang ate mo, napakinggan mo sa
paaralan na sinabi ng nars na nagpapaseminar sa mga
bata na kapag mataas ang lagnat ay kailangang
punasan ng malamig na bimpo. Ano ang gagawin mo?
A. Papainumin ng gatas
B. Pupunasan ng malamig na bimpo ang katawan ni ate
C. Kukumutan si ate
D. Iiwan mag-isa si ate
____7. Masakit ang ulo ng kuya mo. Alam mo kung
anong gamot niya para sa sakit ng ulo. Ano ang gagawin
mo?
A. Bibigyan ng gamot para sa sakit ng ulo
B. Papaliguan siya
C. Papainumin ng juice
D. Paiinumin ko siya ng softdrinks
____8. Nasa ospital ang lolo mo at ikaw ang
naatasang magbantay. Hirap siyang maglakad
patungong palikuran. Ano ang gagawin mo?
A. Aalalayan si lolo patungong palikuran
B. Papainumin ng gamot si lolo
C. Papatulugin si lolo
D. Iiwan ko siya
____9. Payat na payat ang kalaro mo. Umiiyak siya sa
sakit ng tiyan dahil sa gutom. Ano ang gagawin mo?
A. Papauwiin na siya
B. Sasabihin na uminom ng maraming tubig para
mabusog
C. Bibigyan ng pagkain
D. Wala akong pakialam sa kanya
____10. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng
inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay
nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang
bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang upuan.
B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan.
C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang
nakatayo hanggang sa matapos ang palatuntunan.
D. Hindi ko siya papansinin at makikipagkwentuhan sa iba.
ESP
Quiz #2
____2. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang
kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong
naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
B. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang
maunawaan ng iba kong kaklase.
C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
D. Tatawanan ko siya.
____3. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education
children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa
larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa
kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan
ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang
dapat mong gawin?
A. Tatawanan ko si Jano.
B. Tatawagin ko na siya para umupo na.
C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya.
D. Hindi na ko manonood.
____4. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo
ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay
naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya.
B. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita.
C. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit.
D. Itutulak ko siya.
____5. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at
nakita mo doon na kinukutya ang isang batang may
kapansanan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na awayin ang mga batang
nangungutya.
B. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan.
C. Sasamahan ko ang mga batang nangungutya sa may kapansanan.
D. Wala akong pakialam sa kanila.
____6. Sa paanong paraan makatutulong sa mga may
kapansanan ang pagbibigay mo ng malasakit?
A. Makapagpapagaan ito ng kanilang mga gawain at hanapbuhay.
B. Makapag-iipon sila ng perang panggastos nila sa kanikanilang mga
luho.
C. Magkakaroon sila ng malaking halagang pambili ng mga ari-ariang
gusto nila.
D. Wala sa nabanggit.
____7. Kung kapos ka sa pera at gusto mong tumulong, ano ang
maaari mong maibigay sa mga kapuwang may kapansanan?
A. Wala, dahil wala akong pera.
B. Maaari kong ibigay sa kanila ang mga panis naming pagkain.
C. Maaari kong ibigay ang mga bagay na hindi ko na ginagamit
ngunit maaayos pa.
D.Maaari kong bigyan sila ng mga sirang gamit sa bahay
namin.
____8. Nakita mong pinagtatawanan ng mga kaklase mo
ang isang batang pilay. Hindi mo ito kayang ipagtanggol
dahil mas malalaki pa sila sa iyo. Ano ang maaari mong
gawin upang makatulong?
A. Hindi ko na lang sila papansinin.
B. Aalis ako dahil maaari akong madamay.
C. Huwag sumabay sa pagtawa at lalapit sa sinumang guro o
matanda na maaaring makatulong.
____9. May paligsahan para sa mga may kapansanang
may kahusayan sa isports. Sang-ayon ka ba na bigyan ito
ng halaga? Bakit?
A. Oo, dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
B. Oo, dahil makapagbibigay ito sa kanila ng tiwala sa sarili.
C. Hindi, dahil aksaya lamang ito sa pera at panahon ng mga
tao.
D. Hindi, dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
____10. Paano mo masasabing nangangailangan ng
tulong ang mga may kapansanan?
A. Kadalasan sa kanila ay tamad.
B. Nanghihingi sila ng tulong sa mga kalye.
C. Nalilimitahan ang kanilang paghahanapbuhay dahil sa
kanilang kapansanan.
D. Ayaw nila tumulong sa gawaing bahay.
ESP
Quiz #3
____1. May isang batang Muslim mula sa Mindanao. Siya
ay hindi marunong magsalita ng tagalog. Isang araw,
nakita mo siyang umiiyak dahil wala siyang pambili ng
pagkain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Gawing kaibigan.
B. Bibigyan ng pagkain.
C. Tuturuan ng salitang tagalog.
D. Lahat ng nabanggit.
____2. Si Anmar ay bagong lipat sa inyong barangay at magkatabi
ang inyong bahay. Siya ay isang bisaya. Isang araw, nakita mong
tinutukso siya ng ibang bata. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Sasali sa panunukso.
B. Hahayaan at hindi papansinin.
C. Lalakad na lang na parang walang nakita.
D. Sasabihin sa mga magulang ang ginagawang panunukso ng
mga bata.
____3. Paano mo maipakikita ang
pagmamalasakit sa ibang pangkat etniko? A.
May paggalang sa ibang pangkat etniko.
B. Nagbabahagi ng pagkain, laruan at damit.
C. Marunong makipagsalamuha sa ibang pangkat
etniko.
D. Lahat ng nabanggit
____4. Sa loob ng inyong silid–aralan, mayroon kang kaklase na
umiiyak dahil naiwan niya ang kaniyang kagamitan sa paggawa ng
proyekto. Siya ay isang Manobo at bagong lipat sa inyong
paaralan. Paano mo siya matutulungan?
A. Hindi papansinin.
B. Ipagsasabi sa ibang kaklase.
B. Pahihiramin ng mga kagamitan.
D. Tutuksuhin para mas umiyak pa siya.
____5. May paligsahan sa inyong paaralan at ito ay ang pagsusuot
ng iba’t ibang kasuotan ng mga pangkat etniko. Napili kang maging
kinatawan ng inyong klase at ang nabunot mo ay ang pangkat ng
Ita. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa kanilang kultura?
A. Magagalit sa guro at kaklase.
B. Balewalain ang kultura ng mga Ita.
C. Pagtawanan ang nabunot na pangkat etniko
D. Magsusuot ng naaayong kasuotan ng isang Ita na may burda na gawa
sa abaka at mananaliksik kung ano pa ang ibang kultura nila.
____6. Ang sumusunod ay mga mabuting katangian ng
isang bata na marunong tumanggap ng katayuan/kalagayan
ng pangkat etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata,
maliban sa isa.
A. Pagbabahagi ng mga pagkain, laruan, damit at iba pa.
B. Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko.
C. Pagtulong na may pagmamahal at pag-aalaga kahit iba pa siya.
D. Pagtanggap ng ibang pangkat, tulad ng Manobo at mga Mangyan.
____7. Habang naglalakad kayo ng nanay mo sa isang kalsada,
nakita mo ang isang batang katutubo na nanghihingi ng pagkain sa
iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi kikibo at pabayaan na lang.
B. Hahayaan mo ang bata at huwag pansinin.
C. Lalakad nang matulin na parang walang nakita.
D. Sasabihin sa nanay na bibigyan mo ng pagkain ang batang
katutubo.
____8. Sa loob ng silid-aralan ninyo ay may nakita kang
bagong kaklase. Siya ay isang Manobo. Paano mo siya
bibigyang pansin para makilala mo siya?
A. Aawayin para makilala siya.
B. Lalapitan siya at makikipagkilala.
C. Pagtatawanan dahil kakaiba siya sa iyo.
D. Hahayaan na lang siya at hihintayin na makipagkilala siya
sa iyo.
____9. Nakita mo ang iyong kaklase na isang miyembro ng pangkat
etnikong Mangyan. Siya ay umiiyak dahil tinutukso siya ng inyong
kaklase. Paano mo siya matutulungan?
A. Iiwasan siya.
B. Hahayaan siyang umiiyak.
C. Pagsasabihan ang mga kaklase na huwag tuksuhin ang bago ninyong
kaklase na Mangyan.
D. Patatahanin sa pag-iyak ang bagong kaklase at isusumbong agad sa
guro ang mga nanunukso sa kaniya.
____10. Mayroon kang kaklase na mahiyain dahil bago pa lang
siya sa inyong paaralan. Hindi siya marunong magsalita ng Tagalog.
Paano mo siya matutulungan?
A. Lalayuan na lang.
B. Pababayaan at hindi papansinin.
C. Ipagsasabi sa mga kaklase na hindi siya marunong magsalita ng
Tagalog.
D. Kakausapin nang maayos at papayuhan na kung mayroon siyang
sasabihin ay maaaring isulat sa papel.
ESP
Quiz #4
____1. Ang sumusunod ay mga katangian ng
pakikiisa na may kasiyahan sa kalooban, maliban sa
isa:
A. Pagsali sa mga programa sa paaralan
B. Nasisiyahan kapag kasama ang ibang bata
C. Nagagalit kung kasama ang ibang bata sa paglalaro
D. Pagpapakita ng magandang katangian sa ibang bata
____2. Sa kabila ng iyong kapansanan, napili kang maging lider sa
isang paligsahan ng inyong paaralan. Ano ang nararapat mong gawin
upang sundin ka ng iyong mga kaklase?
A. Hindi kikibo at pababayaan na lang.
B. Hahayaan mo ang mga kaklase mo na sila ang gagawa.
C. Magpunta sa guro at sasabihin na hindi mo kaya ang gawaing
ipinagagawa.
D. Tawagin ang mga kaklase at pag-usapan ang dapat gawin upang
maisakatuparan ang mga gawain.
____3. May sasalihan kang patimpalak sa paaralan ninyo,
at isa rin sa mga kalahok ay ang matalik mong kaibigan.
Ano ang gagawin mo?
A. Magpalakas sa mga hurado.
B. Pabayaan at magpatuloy sa patimpalak.
C. Takutin ang kaibigan para hindi magpatuloy.
D. Makipag-usap sa kaibigan na kahit anong mangyari, manalo
man o matalo, magkaibigan pa rin kayo.
____4. Maipakikita mo ang pakikiisa sa iyong
kapuwa bata sa pamamagitan ng
__________________.
A. Paglalaro na mag-isa.
B. Pagmamalasakit sa kapuwa
C. Pagpapakita ng takot sa Diyos.
D. Pagtulong sa mga gawain sa paaralan kasama ang
ibang bata
____5. Isa sa programa sa paaralan ay ang Brigada
Eskwela. Paano ka makatutulong upang maisakatuparan ang
ganitong gawain?
A. Gagawa ako na mag-isa.
B. Sasali na lang sa susunod.
C. Mag-ipon ng lakas para makatulong sa Brigada Eskwela.
D. Magyaya ng mga kaibigan at makikiisa sa gawain ng
paaralan
____6.Nabalitaan mong mayroong gaganaping patimpalak sa pagkanta sa
inyong paaralan. Naisip mo ang bago mong kaklase na si Josie dahil alam
mong mayroon siyang talento sa pagkanta sa kabila ng kaniyang
pagkamahiyain. Paano mo siya kukumbinsihing sumali?
A. Takutin para kumanta.
B. Aawayin para kumanta.
C. Bibigyan siya ng pagkain para sumali.
D. Kakausapin siya nang maayos na nararapat niyang ibahagi ang
angking talento.
____7. Sumali kayo sa patimpalak sa pagsasayaw sa
inyong barangay. Isa sa mga hurado ay kakilala ng
kagrupo mo. Ano ang gagawin mo?
A. Ngingitian ang hurado.
B. Magpalakas sa hurado.
C. Ipakita ang kasiyahan at pakikiisa sa pagsasayaw.
D. Kakausapin ang hurado na kaibigan ng kagrupo mo na kayo
ang dapat manalo sa patimpalak.
____8. Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Napansin
mo na may isang bata na gustong sumali sa laro ninyo.
Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ninyong magkakaibigan ang bata.
B. Pabayaan ang kapuwa bata at hindi siya papansinin.
C. Kakausapin ang mga kaibigan na isali ang bata sa laro.
D. Manghingi muna ng pagkain sa bata para isali siya sa laro.
____9. May programa sa inyong paaralan na tinatawag na coastal
clean-up. Gusto mong sumali, ngunit alam mo na hindi ka
papayagan ng iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lang sasali.
B. Magagalit sa magulang.
C. Sasali nang hindi magpapaalam sa mga magulang.
D. Kakausapin ang mga magulang at magpapaliwanag nang
maayos upang makasali sa coastal clean-up.
____10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng
katangian ng pakikiisa at kasiyahan sa mga gawaing
pambata?
A. Tumutulong sa ibang bata
B. Masayang kasama ang ibang bata
C. Hindi nakikipag-away kung nakikipaglaro
D. Lahat ng nabanggit

More Related Content

Similar to AP and ESP.pptx

Sumatibong Pagsusulit.pptx
Sumatibong Pagsusulit.pptxSumatibong Pagsusulit.pptx
Sumatibong Pagsusulit.pptxssuserd61d0f
 
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyonFilipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyonAlice Failano
 
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAOK TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAOLiGhT ArOhL
 
ESP Summative Test Grade 4 Second Grading
ESP Summative Test Grade 4 Second GradingESP Summative Test Grade 4 Second Grading
ESP Summative Test Grade 4 Second Gradingteacher_jennet
 
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docxPERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docxRhoseEndaya1
 
PT_ESP-5_Q3-4 detailed lesson plan and powerpoint usable
PT_ESP-5_Q3-4 detailed lesson plan and powerpoint usablePT_ESP-5_Q3-4 detailed lesson plan and powerpoint usable
PT_ESP-5_Q3-4 detailed lesson plan and powerpoint usableRicaDimaculangan1
 
ST_ESP 6_Q2 (1).docx
ST_ESP 6_Q2 (1).docxST_ESP 6_Q2 (1).docx
ST_ESP 6_Q2 (1).docxssuser338782
 
EXERCISES-WEEK-2-Q3.docx
EXERCISES-WEEK-2-Q3.docxEXERCISES-WEEK-2-Q3.docx
EXERCISES-WEEK-2-Q3.docxmyleneataba
 
St all subjects 1 q3_
St all subjects 1 q3_St all subjects 1 q3_
St all subjects 1 q3_shencastillo
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptxRommel Yabis
 
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at Opinyon
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat  ng Pansariling Reaksyon at OpinyonMtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat  ng Pansariling Reaksyon at Opinyon
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at OpinyonDesiree Mangundayao
 
ESP Summative.docx
ESP Summative.docxESP Summative.docx
ESP Summative.docxJoSette9
 
Quarter 3 1st weekly test grade 3 learners.docx
Quarter 3 1st weekly test grade 3 learners.docxQuarter 3 1st weekly test grade 3 learners.docx
Quarter 3 1st weekly test grade 3 learners.docxJoanAvila11
 
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docxpagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docxJosiryReyes
 

Similar to AP and ESP.pptx (20)

Sumatibong Pagsusulit.pptx
Sumatibong Pagsusulit.pptxSumatibong Pagsusulit.pptx
Sumatibong Pagsusulit.pptx
 
PPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptxPPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptx
 
PPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptxPPT ESP 5 Q3.pptx
PPT ESP 5 Q3.pptx
 
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyonFilipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
 
Pt esp 6 q1
Pt esp 6 q1Pt esp 6 q1
Pt esp 6 q1
 
Esp 4 test
Esp 4 testEsp 4 test
Esp 4 test
 
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAOK TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
K TO 12 GRADE 4 DIAGNOSTIC / PRE TEST IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO
 
ESP Summative Test Grade 4 Second Grading
ESP Summative Test Grade 4 Second GradingESP Summative Test Grade 4 Second Grading
ESP Summative Test Grade 4 Second Grading
 
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docxPERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
PERIODICAL TEST Q4 FILIPINO4 final.docx
 
4th periodical esp v
4th periodical esp v4th periodical esp v
4th periodical esp v
 
PT_ESP-5_Q3-4 detailed lesson plan and powerpoint usable
PT_ESP-5_Q3-4 detailed lesson plan and powerpoint usablePT_ESP-5_Q3-4 detailed lesson plan and powerpoint usable
PT_ESP-5_Q3-4 detailed lesson plan and powerpoint usable
 
ST_ESP 6_Q2 (1).docx
ST_ESP 6_Q2 (1).docxST_ESP 6_Q2 (1).docx
ST_ESP 6_Q2 (1).docx
 
EXERCISES-WEEK-2-Q3.docx
EXERCISES-WEEK-2-Q3.docxEXERCISES-WEEK-2-Q3.docx
EXERCISES-WEEK-2-Q3.docx
 
St all subjects 1 q3_
St all subjects 1 q3_St all subjects 1 q3_
St all subjects 1 q3_
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO.pptx
 
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at Opinyon
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat  ng Pansariling Reaksyon at OpinyonMtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat  ng Pansariling Reaksyon at Opinyon
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at Opinyon
 
Fil exam
Fil examFil exam
Fil exam
 
ESP Summative.docx
ESP Summative.docxESP Summative.docx
ESP Summative.docx
 
Quarter 3 1st weekly test grade 3 learners.docx
Quarter 3 1st weekly test grade 3 learners.docxQuarter 3 1st weekly test grade 3 learners.docx
Quarter 3 1st weekly test grade 3 learners.docx
 
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docxpagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
 

Recently uploaded

KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 

Recently uploaded (20)

KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 

AP and ESP.pptx

  • 1. I.Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. ____1. Bakit mo nasabi na may naganap na pagbabago sa iyong bayan/lungsod? A. Bihira ang makikitang tao sa komunidad. Malalapad ang mga kalsada at dumami ang mga palengke. B. Dumami ang tao, mga gusali at lumapad ang mga kalsada. Bumilis ang transportasyon at pagkuha ng pangunahing pangangailangan. C. Kaunti lamang ang naninirahan. Tanging pangingisda ang hanapbuhay. ____2. Paano mo maihahambing ang mga pagbabago sa bayan/Lungsod mo at mga karatig-lalawigan nito? A. Ang mga gusali ay iisa lamang ang disenyo. Pareho ang dami ng tao, may malawak na teritoryo. B. Magkakaiba sa laki, populasyon at maging sa mga istruktura nito. C. Pareho ang dami ng tao at mga nagtataasang gusali. AP
  • 2. AP ____3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may katotohanan? A. Maraming pagbabagong nagaganap sa ating rehiyon sa paglipas ng panahon. B. Walang pagbabagong nagaganap sa ating rehiyon sa paglipas ng panahon. C. Di mo mapapansin ang mga pagbabago sa ating rehiyon. ____ 4. Ano ang pangalan ng iyong lungsod noon? Ano naman ang tawag dito ngayon? A.Taga-giik – Taguig , na ang ibig sabihin sa Ingles ay “rice thresher”. B. Munti-Muntinlupa, na ang ibig sabihin ay bilangguan C. Pasik – Pasig, na ang ibig sabihin ay buhangin ____ 5. Isang patunay na may nagaganap na pagbabago sa rehiyon ang makikitang mga makabago at modernong istruktura. A. Mali dahil wala namang pagbabagong nagaganap. B. Siguro, dahil sa paglipas ng mahabang panahon. C. Tama dahil maraming pagbabago ang nagaganap sa paglipas ng panahon.
  • 3. AP ____11.Ang babae sa gitna ng logo ng Pasig ay kumakatawan sa __________ ng Pasig. A. Anak B. Ina C. Mutya ____12. Ang 33 sinag na makikita sa official seal ng Makati ay kumakatawan sa mga __________ . A. Barangay B. Gusali C. Simbahan ____13. Makikita ang pato at itlog sa official seal ng __________ . A. Pasig B. Pateros C. Taguig ____14. Ang Guadalupe Church ay makikita sa logo ng _________. A. Makati B. Malabon C. Pasig ____15. Maliban sa pagiging Maka-Diyos, kilala rin noon ang lungsod sa pagtatanim at pag-aani ng palay, pangngisda, at paghahabi. A. Taguig B. Pasay C. Manila
  • 5. ____1. Anong kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga sa mga taong may sakit? A. Pagkamahiyain C. Pagkamalikhain B. Pagmamalasakit D. Pagkamadasalin
  • 6. ____2. Inuubo at sinisipon ang iyong kamag-aral. Wala siyang dalang pamunas ng kaniyang ilong at pantakip sa kanyang bibig tuwing uubo. Pinagtatawanan siya ng inyong mga kaklase sa tuwing tumutulo ang kaniyang sipon sa ilong. Ano ang iyong gagawin? A. Makikitawa rin ako B. Huwag pansinin ang kaklase C. Ipahihiram ko sa kaniya ang aking malinis na panyo D. Lalayo ako upang hindi ako mahawa sa sakit niya
  • 7. ____3. Nagmamadali kang umuwi ng bahay pagkatapos ng klase dahil may sakit ang iyong nanay at ikaw ang tutulong sa iyong tatay na maghanda ng hapunan. Nadaanan mong naglalaro sa plasa ang iyong mga kaibigan. Gustong-gusto mong sumali. Ano ang iyong gagawin? A. Maglalaro muna saglit B. Aawayin ang mga kaibigan C.Uuwi sa bahay at magpapaalam sa tatay D.Ipagpapaliban muna ang paglalaro at tutulong sa tatay
  • 8. ____4. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa iyong kapwang may sakit? Sa pamamagitan ng _____________. A. pagbabalewala B. paghingi ng pera C.pakikipaglaro sa kanila D.pagtulong at pag-aalaga
  • 9. ____5. Nakaugalian mo nang ihanda tuwing umaga ang iinuming gamot ng iyong lolo sa buong araw kaya hindi niya nakakaligtaan ang pag-inom nito. Ano kaya ang nararamdaman ng iyong lolo sa ginagawa mong ito? A. Nagagalit sa iyong pakikialam B. Naiiyak sa dami ng gamot na iinumin C.Nagsasawa nang uminom ng gamut D.Natutuwa sa iyong pagtulong at pag-aalaga
  • 10. ____6. Nilalagnat ang ate mo, napakinggan mo sa paaralan na sinabi ng nars na nagpapaseminar sa mga bata na kapag mataas ang lagnat ay kailangang punasan ng malamig na bimpo. Ano ang gagawin mo? A. Papainumin ng gatas B. Pupunasan ng malamig na bimpo ang katawan ni ate C. Kukumutan si ate D. Iiwan mag-isa si ate
  • 11. ____7. Masakit ang ulo ng kuya mo. Alam mo kung anong gamot niya para sa sakit ng ulo. Ano ang gagawin mo? A. Bibigyan ng gamot para sa sakit ng ulo B. Papaliguan siya C. Papainumin ng juice D. Paiinumin ko siya ng softdrinks
  • 12. ____8. Nasa ospital ang lolo mo at ikaw ang naatasang magbantay. Hirap siyang maglakad patungong palikuran. Ano ang gagawin mo? A. Aalalayan si lolo patungong palikuran B. Papainumin ng gamot si lolo C. Papatulugin si lolo D. Iiwan ko siya
  • 13. ____9. Payat na payat ang kalaro mo. Umiiyak siya sa sakit ng tiyan dahil sa gutom. Ano ang gagawin mo? A. Papauwiin na siya B. Sasabihin na uminom ng maraming tubig para mabusog C. Bibigyan ng pagkain D. Wala akong pakialam sa kanya
  • 14. ____10. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin? A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang upuan. B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan. C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang nakatayo hanggang sa matapos ang palatuntunan. D. Hindi ko siya papansinin at makikipagkwentuhan sa iba.
  • 16. ____2. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin? A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko. B. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase. C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot. D. Tatawanan ko siya.
  • 17. ____3. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang dapat mong gawin? A. Tatawanan ko si Jano. B. Tatawagin ko na siya para umupo na. C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya. D. Hindi na ko manonood.
  • 18. ____4. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin? A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya. B. Maglalakad ako na parang hindi ko siya nakita. C. Tutulungan ko siyang magdala ng kaniyang gamit. D. Itutulak ko siya.
  • 19. ____5. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinukutya ang isang batang may kapansanan. Ano ang dapat mong gawin? A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na awayin ang mga batang nangungutya. B. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan. C. Sasamahan ko ang mga batang nangungutya sa may kapansanan. D. Wala akong pakialam sa kanila.
  • 20. ____6. Sa paanong paraan makatutulong sa mga may kapansanan ang pagbibigay mo ng malasakit? A. Makapagpapagaan ito ng kanilang mga gawain at hanapbuhay. B. Makapag-iipon sila ng perang panggastos nila sa kanikanilang mga luho. C. Magkakaroon sila ng malaking halagang pambili ng mga ari-ariang gusto nila. D. Wala sa nabanggit.
  • 21. ____7. Kung kapos ka sa pera at gusto mong tumulong, ano ang maaari mong maibigay sa mga kapuwang may kapansanan? A. Wala, dahil wala akong pera. B. Maaari kong ibigay sa kanila ang mga panis naming pagkain. C. Maaari kong ibigay ang mga bagay na hindi ko na ginagamit ngunit maaayos pa. D.Maaari kong bigyan sila ng mga sirang gamit sa bahay namin.
  • 22. ____8. Nakita mong pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang isang batang pilay. Hindi mo ito kayang ipagtanggol dahil mas malalaki pa sila sa iyo. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong? A. Hindi ko na lang sila papansinin. B. Aalis ako dahil maaari akong madamay. C. Huwag sumabay sa pagtawa at lalapit sa sinumang guro o matanda na maaaring makatulong.
  • 23. ____9. May paligsahan para sa mga may kapansanang may kahusayan sa isports. Sang-ayon ka ba na bigyan ito ng halaga? Bakit? A. Oo, dahil wala naman akong pakialam sa kanila. B. Oo, dahil makapagbibigay ito sa kanila ng tiwala sa sarili. C. Hindi, dahil aksaya lamang ito sa pera at panahon ng mga tao. D. Hindi, dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
  • 24. ____10. Paano mo masasabing nangangailangan ng tulong ang mga may kapansanan? A. Kadalasan sa kanila ay tamad. B. Nanghihingi sila ng tulong sa mga kalye. C. Nalilimitahan ang kanilang paghahanapbuhay dahil sa kanilang kapansanan. D. Ayaw nila tumulong sa gawaing bahay.
  • 26. ____1. May isang batang Muslim mula sa Mindanao. Siya ay hindi marunong magsalita ng tagalog. Isang araw, nakita mo siyang umiiyak dahil wala siyang pambili ng pagkain. Ano ang nararapat mong gawin? A. Gawing kaibigan. B. Bibigyan ng pagkain. C. Tuturuan ng salitang tagalog. D. Lahat ng nabanggit.
  • 27. ____2. Si Anmar ay bagong lipat sa inyong barangay at magkatabi ang inyong bahay. Siya ay isang bisaya. Isang araw, nakita mong tinutukso siya ng ibang bata. Ano ang nararapat mong gawin? A. Sasali sa panunukso. B. Hahayaan at hindi papansinin. C. Lalakad na lang na parang walang nakita. D. Sasabihin sa mga magulang ang ginagawang panunukso ng mga bata.
  • 28. ____3. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa ibang pangkat etniko? A. May paggalang sa ibang pangkat etniko. B. Nagbabahagi ng pagkain, laruan at damit. C. Marunong makipagsalamuha sa ibang pangkat etniko. D. Lahat ng nabanggit
  • 29. ____4. Sa loob ng inyong silid–aralan, mayroon kang kaklase na umiiyak dahil naiwan niya ang kaniyang kagamitan sa paggawa ng proyekto. Siya ay isang Manobo at bagong lipat sa inyong paaralan. Paano mo siya matutulungan? A. Hindi papansinin. B. Ipagsasabi sa ibang kaklase. B. Pahihiramin ng mga kagamitan. D. Tutuksuhin para mas umiyak pa siya.
  • 30. ____5. May paligsahan sa inyong paaralan at ito ay ang pagsusuot ng iba’t ibang kasuotan ng mga pangkat etniko. Napili kang maging kinatawan ng inyong klase at ang nabunot mo ay ang pangkat ng Ita. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa kanilang kultura? A. Magagalit sa guro at kaklase. B. Balewalain ang kultura ng mga Ita. C. Pagtawanan ang nabunot na pangkat etniko D. Magsusuot ng naaayong kasuotan ng isang Ita na may burda na gawa sa abaka at mananaliksik kung ano pa ang ibang kultura nila.
  • 31. ____6. Ang sumusunod ay mga mabuting katangian ng isang bata na marunong tumanggap ng katayuan/kalagayan ng pangkat etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata, maliban sa isa. A. Pagbabahagi ng mga pagkain, laruan, damit at iba pa. B. Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko. C. Pagtulong na may pagmamahal at pag-aalaga kahit iba pa siya. D. Pagtanggap ng ibang pangkat, tulad ng Manobo at mga Mangyan.
  • 32. ____7. Habang naglalakad kayo ng nanay mo sa isang kalsada, nakita mo ang isang batang katutubo na nanghihingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin? A. Hindi kikibo at pabayaan na lang. B. Hahayaan mo ang bata at huwag pansinin. C. Lalakad nang matulin na parang walang nakita. D. Sasabihin sa nanay na bibigyan mo ng pagkain ang batang katutubo.
  • 33. ____8. Sa loob ng silid-aralan ninyo ay may nakita kang bagong kaklase. Siya ay isang Manobo. Paano mo siya bibigyang pansin para makilala mo siya? A. Aawayin para makilala siya. B. Lalapitan siya at makikipagkilala. C. Pagtatawanan dahil kakaiba siya sa iyo. D. Hahayaan na lang siya at hihintayin na makipagkilala siya sa iyo.
  • 34. ____9. Nakita mo ang iyong kaklase na isang miyembro ng pangkat etnikong Mangyan. Siya ay umiiyak dahil tinutukso siya ng inyong kaklase. Paano mo siya matutulungan? A. Iiwasan siya. B. Hahayaan siyang umiiyak. C. Pagsasabihan ang mga kaklase na huwag tuksuhin ang bago ninyong kaklase na Mangyan. D. Patatahanin sa pag-iyak ang bagong kaklase at isusumbong agad sa guro ang mga nanunukso sa kaniya.
  • 35. ____10. Mayroon kang kaklase na mahiyain dahil bago pa lang siya sa inyong paaralan. Hindi siya marunong magsalita ng Tagalog. Paano mo siya matutulungan? A. Lalayuan na lang. B. Pababayaan at hindi papansinin. C. Ipagsasabi sa mga kaklase na hindi siya marunong magsalita ng Tagalog. D. Kakausapin nang maayos at papayuhan na kung mayroon siyang sasabihin ay maaaring isulat sa papel.
  • 37. ____1. Ang sumusunod ay mga katangian ng pakikiisa na may kasiyahan sa kalooban, maliban sa isa: A. Pagsali sa mga programa sa paaralan B. Nasisiyahan kapag kasama ang ibang bata C. Nagagalit kung kasama ang ibang bata sa paglalaro D. Pagpapakita ng magandang katangian sa ibang bata
  • 38. ____2. Sa kabila ng iyong kapansanan, napili kang maging lider sa isang paligsahan ng inyong paaralan. Ano ang nararapat mong gawin upang sundin ka ng iyong mga kaklase? A. Hindi kikibo at pababayaan na lang. B. Hahayaan mo ang mga kaklase mo na sila ang gagawa. C. Magpunta sa guro at sasabihin na hindi mo kaya ang gawaing ipinagagawa. D. Tawagin ang mga kaklase at pag-usapan ang dapat gawin upang maisakatuparan ang mga gawain.
  • 39. ____3. May sasalihan kang patimpalak sa paaralan ninyo, at isa rin sa mga kalahok ay ang matalik mong kaibigan. Ano ang gagawin mo? A. Magpalakas sa mga hurado. B. Pabayaan at magpatuloy sa patimpalak. C. Takutin ang kaibigan para hindi magpatuloy. D. Makipag-usap sa kaibigan na kahit anong mangyari, manalo man o matalo, magkaibigan pa rin kayo.
  • 40. ____4. Maipakikita mo ang pakikiisa sa iyong kapuwa bata sa pamamagitan ng __________________. A. Paglalaro na mag-isa. B. Pagmamalasakit sa kapuwa C. Pagpapakita ng takot sa Diyos. D. Pagtulong sa mga gawain sa paaralan kasama ang ibang bata
  • 41. ____5. Isa sa programa sa paaralan ay ang Brigada Eskwela. Paano ka makatutulong upang maisakatuparan ang ganitong gawain? A. Gagawa ako na mag-isa. B. Sasali na lang sa susunod. C. Mag-ipon ng lakas para makatulong sa Brigada Eskwela. D. Magyaya ng mga kaibigan at makikiisa sa gawain ng paaralan
  • 42. ____6.Nabalitaan mong mayroong gaganaping patimpalak sa pagkanta sa inyong paaralan. Naisip mo ang bago mong kaklase na si Josie dahil alam mong mayroon siyang talento sa pagkanta sa kabila ng kaniyang pagkamahiyain. Paano mo siya kukumbinsihing sumali? A. Takutin para kumanta. B. Aawayin para kumanta. C. Bibigyan siya ng pagkain para sumali. D. Kakausapin siya nang maayos na nararapat niyang ibahagi ang angking talento.
  • 43. ____7. Sumali kayo sa patimpalak sa pagsasayaw sa inyong barangay. Isa sa mga hurado ay kakilala ng kagrupo mo. Ano ang gagawin mo? A. Ngingitian ang hurado. B. Magpalakas sa hurado. C. Ipakita ang kasiyahan at pakikiisa sa pagsasayaw. D. Kakausapin ang hurado na kaibigan ng kagrupo mo na kayo ang dapat manalo sa patimpalak.
  • 44. ____8. Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Napansin mo na may isang bata na gustong sumali sa laro ninyo. Ano ang gagawin mo? A. Aawayin ninyong magkakaibigan ang bata. B. Pabayaan ang kapuwa bata at hindi siya papansinin. C. Kakausapin ang mga kaibigan na isali ang bata sa laro. D. Manghingi muna ng pagkain sa bata para isali siya sa laro.
  • 45. ____9. May programa sa inyong paaralan na tinatawag na coastal clean-up. Gusto mong sumali, ngunit alam mo na hindi ka papayagan ng iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo? A. Hindi na lang sasali. B. Magagalit sa magulang. C. Sasali nang hindi magpapaalam sa mga magulang. D. Kakausapin ang mga magulang at magpapaliwanag nang maayos upang makasali sa coastal clean-up.
  • 46. ____10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng pakikiisa at kasiyahan sa mga gawaing pambata? A. Tumutulong sa ibang bata B. Masayang kasama ang ibang bata C. Hindi nakikipag-away kung nakikipaglaro D. Lahat ng nabanggit