2. Pang-uri – ay mga salitang naglalarawan o
nagsasaad ng katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
1. Si Lisa ay mapagmahal na kapatid.
pang-uri pangngalan
2. Ang aming ina ay masipag.
pang-uri
pangngalan
3. Uri ng pang-uri
• Pang-uring panglarawan – naglalarawan ng pangngalan o
panghalip. Maari itong maglarawan ng hitsura, hugis, laki,
amoy, lasa, at ugali ng mga pangngalan o panghalip.
Hitsura – maganda, makinis, maitim
Hugis – bilog, parihaba, parisukat
Laki – mahaba, matangkad, maliit
Amoy – masangsang, mabango, mabaho
Lasa – mapait, maalat, masarap
Ugali – Mabuti, mapagmahal, masunurin
4. • Pang-uring pamilang – nagsasaad ng dami o bilang ng isang
pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
1. Marami ang humanga sa mga taong may mabubuting puso.
2. Dalawang magkapatid ang tumulong sa akin upang
makapagtapos ng pag-aaral.