Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Filipino 8 Alamat ni Maria Makiling

22,255 views

Published on

Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Alamat ni Maria Makiling. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga kahulugan, buod at mga katanungan patungkol sa Alamat ni Maria Makiling.

Published in: Education
  • Sex in your area is here: ❶❶❶ http://bit.ly/39mQKz3 ❶❶❶
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • Follow the link, new dating source: ❶❶❶ http://bit.ly/39mQKz3 ❶❶❶
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here

Filipino 8 Alamat ni Maria Makiling

  1. 1. Alamat ni Maria Makiling
  2. 2. Bundok Makiling  Ito ay isang dormant volcano na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna  Ito ay may taas na 1,090 metro (3,580 na talampakan)  Ito ay ang naging unang pambansang parke (national park) sa Pilipinas
  3. 3. Si Maria Makiling ay ang kaisa-isang anak nina Dayang Makiling, ang kanyang ina at ni Gat Panahon, ang kanyang ama. Tanging-tanging mutya ang nabanggit na lakambini sa kanilang tahanan sapagkat siya ay ang bugtong na aliw ng kanyang ama’t ina. Si Maria Makiling ang liwanag ng paningin ng kanyang magulang, galak ng kanilang puso, at ang kayamanang impok ng buhay ng kanyang magulang. Hindi pang-karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao. Naging ugali ni Maria na lumuwas araw-araw papunta sa bayan at mamili sa talipapa.
  4. 4. Naka-damit ng sutla na may bordang mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha. Marikit ang kanyang mga mata kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Sa kanyang dibdib ay nakayakap ang mabangong kuwintas ng ilang-ilang. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati. Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at ang “bilihan” sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig, at sutla.
  5. 5. Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat “araw ng pamilihan” nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga paninda upang magkaroon ng kita. Nanduon din noon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa pagtawad sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkabunggo ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dulaang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop. Bago sila nagkalayo ay isang mahiyang ngiti ang naitugon ni Maria sa mapakumbabang binata
  6. 6. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao. Isang araw, nilusob ng kalabang bayan sa pangunguna ni Lakan Bunto ang teritoryo ni Gat Dula, ngunit nangulila siya sa pag-ibig ni Maria kaya nagkasakit siya at binawian ng buhay. Nalaman ni Maria Makiling ang nangyari kaya hiniling niya sa Bathala na ibig sa kanya ang kaluluwa ng kanyang irog. Namatay na rin ang mga magulang ni Maria Makiling. Namana ni Maria ang pagkamahabagin ng kanyang ina.
  7. 7. Ngunit ang lahat ng taong tinutulungan ni Maria ay hindi nagtatanaw ng utang na loob. Ang mga kasangkapan o kagamitan na hinihiram ng ibang tao ay kadalasang hindi binabalik kay Maria. Sa gayon, nayamot si Maria Makiling at sinabing: Nag-iba na ang panahon. Dahil sa pagmamalupit ng mga tao sa mga hayop, pinagbawal niya ang pangangaso. Kapag may lumabag sa kanyang utos ay pinadidilim ang kalangitan at pinapaulan ng malakas upang matakot ang mga mangangaso. Yun pala ay ito ay mga pananakot lamang sa mga mangangasong gumagambalang ng malabis sa katahimikan ng mga hayop sa kanyang nasasakupan na kagubatan ay magsi- alisan sa kanyang kagubatan.
  8. 8. MGA KATANUNGAN: Sino si Maria Makiling? Magbigay ng 3 deskripsyon patungkol sa kanya.
  9. 9. MGA KATANUNGAN: Sino si Gat Dula? Magbigay ng 2 deskripsyon patungkol sa kanya.
  10. 10. MGA KATANUNGAN: Paano nagkakilala si Maria Makiling at Gat Dula? Ipaliwanag.
  11. 11. MGA KATANUNGAN: Noong namatay ang mga magulang ni Maria Makiling ay siyang humalili sa kanila. Si Maria ba ay naging mabuting pinuno o hindi? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
  12. 12. MGA KATANUNGAN: Sa iyong nabasang alamat, ano-ano ang mga gintong aral na natutunan mo?

×