1. I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay…
Nakapagpapamalas ng pag-unawa sa mga salaysay at tekstong
nagbibigay ng kaalaman ayon sa antas o lebel
B. Pamantayan sa
Pagganap
Ang mag-aaral ay….
Nauunawaan at napahahalagahan ang mga salaysay at mga
tekstong nagbibigay ng kaalaman ayon sa antas o lebel.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
(Isulat ang code sa
bawat kasanayan)
Makapagbibigay ng kahulugan ng mga salita gamit ang mga
realia, mabigkas at maawit ang mga awitin at magkakatugmang
salita na napapaloob dito.
II. NILALAMAN
(Subject Matter)
Pagbibigay ng Kahulugan ng mga Salita Gamit ang mga Realia at
Larawan
Pagbigkas ng Magkatugmang Salita at Pag awit ng mga Awitin
KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
Powerpoint presentation, mga larawan, mga realia, basket,
kuwento
1. Mga pahina sa
Gabay sa Pagtuturo
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang Mag-
aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
LRDMS
B. Iba pang
Kagamitang Panturo
Powerpoint presentation, mga larawan, mga realia, basket,
kuwento, awit
III. PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa
nakaraang Aralin o
pasimula sa bagong
aralin
(Drill/Review/
Unlocking of
difficulties)
Ipabasa sa mga bata ang mga nasa plaskard na salita.
bata lata mata
aso oso laso
ama mama sama
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin
(Motivation)
Magpakita ng larawan ng isang bukid at palengke
GRADE 1
DAILY LESSON
PLAN
School Grade Level Unang Baitang
Teacher Learning Area MTB
Date Quarter Una-Linggo 3
2. Naranasan na ba ninyong pumunta sa mga lugar na ito?
Ano ang tawag nnatin sa mga lugar na ito ?
Ang mga larawan na iyan ay may kaugnayan sa kuwentong ating
babasahin ngayon.
C.Pag- uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
(Presentation)
Magpakita sa mga mag-aaral ng tunay na mais.
Ano ang tawag natin dito ?
Idikit sa pisara ang pangalan at larawan. Ipabasa ito sa mga
ito.
Ngayon ay babasa tayo ng isang Kuwento na pinamagatang “
Ang Matamis na Mais
Maaga pa lamang ay mulat na ang mga mata ni Tatay
Mando upang mamitas ng mais sa aming bukirin. Matapos
itong mapitas ni Tatay ay agad itong binabalatan ni Nanay.
Inihahanda ko naman ang mga kailangan ni nanay sa
pagluluto. Nilalahukan ito ng sangkap ni nanay. Pagkatapos
maluto, inilalako namin ni nanay sa barangay. Pagkalipas ng
isang oras, Naubos na ang tindang mais ng nanay.
D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan No I
(Modeling)
Magkaroon ng talakayn tungkol sa kuwento
Sino ang maagang namitas ng mais ?
Sino naman ang nagbabalat ng mais ?
Pagkatapos mabalatan anong ginagawa ni nanay ?
Pagkatapos naman maluto anong ginagawa nila ?
Ngayon ay basahin ang mga salita
matamis- mais
nanay-tatay
niluto-nilako
Ano ang mapansin ninyo sa mga salitang ito ?
Ang tawag natin sa mga ito ay salitang magkatugma.
Ang salitang magkatugma ay mga salitang magkapareho ng
dulong tunog .
E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan No. 2.
( Guided Practice)
Pag aralan ang awiting Sampung mga Daliri. Awitin ito. Iguhit ang
mga salitang nakasulat sa ibaba ayun sa katumbas nitong
larawan.
Sampung mga Daliri
Sampung mga daliri
Kamay at paa,
Dalawang mata,
Dalawang tainga,
Ilong na maganda
Maliliit na ngipin,
3. Masarap kumain
Dilang maliit nagsasabi
Huwag kang magsinungaling.
sampu ilong dalawa
mata ngipin dila
ano anong mga salita ang magkatugma sa awit ?
F. Paglilinang sa
Kabihasan
(Tungo sa Formative
Assessment
( Independent Practice )
Laro : Kapareha mo hanapin mo
Sa isang basket o kahon kukuha ang mag-aaral ng salita at
ipabasa ito ng malakas. Bigyan ng pagkakataon na makakuha ng
salita ang mag-aaral. Pagkatapos ipahanap ang kapareha.
Hanapin ninyo ang salitang katugma ng salitang hawak ninyo.
G.Paglalapat ng aralin sa
pang araw araw na
buhay
(Application/Valuing)
Anong katangian ng bata sa ating kuwento ?
Bilang bata dapat ba nating tulungan ang ating mga magulang
sa anumang gawain sa bahay ?
H. Paglalahat ng Aralin
(Generalization)
Ang salitang magkatugma ay mga salitang magkapareho ng
dulong tunog
IV.Pagtataya ng Aralin Hanapin ang pangalan ng larawan na magkatugma. Isulat sa
guhit o kahon.
1. _________ __________
2. ____________ ___________
aso - laso
manika - palaka
mata - lata
apat - aklat
kama - ama
4. 3. ______________ ____________
4. ______________ __________
5. _______________ __________________
IV. Karagdagang
gawain para sa
takdang aralin
(Assignment)
Sumulat ng dalawang salita na magkatugma. Basahin sa klase
bukas.
Mga Tala
Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawaing
remediation
C. Nakakatulong ba ang
remedia? Bilang ng
mag aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturoang
nakatulong ng
lubos?Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliraninang
aking
nararanasan sulusyunan sa
5. tulong ang aking punong
guro at
supervisor?
G. Anong gagamitang
pangturo
ang aking nadibuho na
nais kung
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
Inihanda ni:
Inobserbahan ni:
Master Teacher 1
PRINCIPAL IV