SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
EPIKO NI GILGAMESH
Saling-buod sa Filipino ni Jay-r C. Diacamos
Tabletang Una
Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Siya ay
kalahating diyos at tao o isang demigod . Siya ay pinakamalakas na lalaki at pinakatanyag na hari sa
buong mundo. Subalit , tinatrato niya ng masama ang mga tao. Hanggang sa ang mga ito ay umiiyak
sa mga diyos na si Anu para tulungan.
Para sa mga babae ng Uruk, ang pang-aaping ito ay may anyong droit de seigneur — o
"karapatan ng panginoon" na makipagsiping sa mga bagong ikinasal na babae sa kanilang gabi ng
kasal. Para sa mga lalake (ang tableta ay napinsala sa puntong ito), ipinagpalagay na ang mga ito ay
pinapagod ni Gilgamesh sa pamamagitan ng mga laro, pagsusubok ng lakas o marahil ay pwersahang
pagtatrabaho sa mga proyekto ng pagtatayo.
Ang mga Diyos ay tumugon sa mga pagsusumamo ng mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng
isang katumbas kay Gilgamesh. Si Anu , ang punong bathala ng lunsod ay lumikha ng isang
primitibong tao na si Enkidu na siyang inilagay sa marahas at mabagsik na gubat na siyang
pumapalibot sa lupain ni Gilgamesh. Siya ay mabangis tulad na mga hayop at nabubuhay sa Parang
kasama ng mga hayop. Siya ay hindi sibilisadong tao, umiinom lamang siya ng tubig at kumakain ng
damo.
Isang Araw, siya ay nakita na tumatakbong hubo ng isang tagapagbitag na ang kabuhayan ay
nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang kanyang mga bitag. Sinabi ng tagapagbitag kay Gilgamesh ang
tungkol sa lalake at inihanda kay Enkidu para akitin ang isang patutot o isang bayaring babae .
Ang pang-aakit kay Enkidu ni Shamhat na isang patutot ng templo ang kanyang unang hakbang
tungo sa kabihasnan at pagkatapos ng pitong araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagmungkahi na
ibalik siya sa Uruk.
Samantala, si Gilgamesh ay nagkaroon ng dalawang panaginip. Sa Kaniyang unang panaginip,
may isang bato raw na nahulog mula sa kalangitan. Lubha itong napakalaki na hindi mabuhat ni
Gilgamesh. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa palibot sa bato habang si Gilgamesh naman ay
yumakap dito subalit ang kanyang ina, ang bathala si Rimat-Ninsun ay mahigpit na tumutol. Sa
pangalawang panaginip, may isang palakol ang lumitaw sa pinto ni Gilgamesh. Napakalaki nito na
hindi niya maialis. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa palibot ng palakol at yumakap si Gilgamesh
dito katulad ng pagyakap niya sa isang asawa subalit tumutol muli ang kanyang ina.
Matapos niyang managinip ukol ditto, tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang ibig sabihin
ng mga panaginip , sinabi ng kanyang ina na isang lalaking napakalakas ang darating sa uruk at
yayakapin niya tulad ng pagyakap niya sa isang asawa at magkasama sila gagawa ng tanyag na mga
gawain.
Tabletang Dalawa
Pagkatapos magsiping nina Enkidu at Shamhat, ang mga mabangis na hayop ay hindi na
tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si Enkidu ay naging tulad ng isang
diyos. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at kung paano kumain . Nawala kay
Enkidu ang kanyang lakas at pagkabangis bagkus nagkaroon siya ng kaalaman at pang-unawa sa
tulong ni Shamhat.
Sa pagkakaalam mula sa isang dumadaang dayuhan tungkol sa pagtrato ni Gilgamesh sa mga
bagong kasal, si Enkidu ay nagalit at naglakbay tungo sa Uruk upang mamagitan sa isang kasal.
Nang tangkain ni Gilgamesh na dalawin ang silid ng kasalan, hinarang ni Enkidu ang kanyang
daanan at sila ay nag-away.
Pagkatapos ng mabangis na paglalaban, natalo si Enkidu at kinilala ang superior na lakas ni
Gilgamesh at sila ay mabilis na naging magkaibigan.
Nang mainip ang dalawa sa pamumuhay sa siyudad, si Gilgamesh ay nagmungkahi ng isang
paglalakbay sa Kagubatang Cedar at nakawain ang mga punong cedar na ipinagbabawal sa mga
mortal at upang paslangin ang kalahating-diyos at kalahating-leon na si Humbaba, ang tapat na
tagapaglingkod ni Enlil ang diyos ng lupa at hangin na siyang nagbabantay sa gubat Sa kabila ng mga
babala mula kay Enkidu at sa konseho ng mga Matatanda, si Gilgamesh ay hindi pipigilan at upang
magkamit siya ng kasikatan at katanyagan
Tabletang Tatlo
Ang mga matanda si Lugalbanda, ama ni Gilgamesh ay nagbigay ng payo kay Gilgamesh para sa
kanyang paglalakbay. Dinalaw ni Gilgamesh ang kanyang ina na diyosang si Ninsun na naghahanap ng
suporta at proteksiyon ng diyos na araw na si Shamash para sa kanilang paglalakbay. Inampon ni
Ninsun si Enkidu bilang kanyang anak at si Gilgamesh ay nag-iwan ng mga instruksiyon para sa
pamamahala ng lungsod ng Uruk sa kanyang kawalan.
Tabletang Apat
Ang Dalawang bayani ay naglakbay tungo sa Kagubatang Cedar ng Lebanon. Sa bawat ilang
mga araw, sila ay nagkakampo sa isang bundok at nagsasagawa ng isang ritwal ng panaginip. Si
Gilgamesh ay nagkaroon ng limang mga nakakatakot na panaginip tungkol sa pagkahulog sa mga
bundok, mga kulog, mga mababangis na toro at isang ibong kidlat na humihinga ng apoy.
Sa kabila ng mga pagkakatulad sa pagitan ng mga pigura sa kanyang panaginip at sa mas
naunang mga deskripsiyon ni Humbaba, binigyang kahulugan ni Enkidu ang mga panaginip na ito
bilang mga mabubuting omen at itinanggi na ang nakakatakot na mga larawan ay kumakatawan sa
bantay ng kagubatan.
Habang sila ay papalapit sa bundok Cedar, kanilang narinig si Humbaba na sumisigaw at
kinailangang hikayatin ang bawat isa na huwag matakot.
Tabletang Lima
Ang mga bayani ay pumasok sa Kagubatang Cedar. Si Humbaba na bantay-ogre ng Kagubatan
Cedar ay uminsulto at nagbanta sa kanila. Inakusahan niya si Enkidu ng pagtatraydor at nangakong
aalisan ng lamang loob at ipapakain ang kanyang laman sa mga ibon. Natakot si Gilgamesh ngunit sa
ilang nakakahikayat na mga salita ni Enkidu, ang labanan ay nagsimula.
Ang mga kabundukan ay lumindol nang may kaguluhan at ang langit ay naging itim. Ang diyos
na si Shamash ay nagpadala ng 13 mga hangin upang itali si Humbaba at siya ay nahuli. Ang halimaw
ay nagsumamo para sa kanyang buhay at naawa si Gilgamesh sa kanya. (1 P)
Gayunpaman, si Enkidu ay nagalit at hiniling kay Gilgamesh na patayin ang halimaw. Sila ay
parehong sinumpa ni Humbaba at pinatay siya ni Gilgamesh sa pamamagitan ng isang suntok sa leeg.
Pinutol ng dalawang bayani ang maraming mga Cedar kabilang ang isang higanteng puno na
pinaplano ni Enkidu na hugisin sa isang bakuran at tarangkahan para sa templo ni Enlil at ang iba
naman ay ginawang isang balsa at naglayag pauwi sa kahabaan ng Euphrates kasama ng isang
higanteng puno at ulo ni Humbaba.
Tabletang Anim
Sa kanilang pagbabalik, Itinakwil ni Gilgamesh ang mga pang-aakit ng diyosang si Ishtar, dahil
sa kanyang masamang pagtrato sa mga nakaraang mangingibig nito gaya ni Tammuz- ang diyos ng
pagkain at mga halaman.
Hiningi ni Ishtar , ang diyosa ng pag-ibig at pagkabuhay sa kanyang ama na si Anu, ipadala
si Gugalana na toro ng langit upang ipaghiganti siya. Nang itakwil ni Anu ang kanyang mga reklamo,
nagbanta si Ishtar na bubuhayin ang mga patay na mas madami sa mga nabubuhay at lalamunin sila.
(2P)
Natakot si Anu at sumuko sa kanya. Dinala ni Uruk ang Toro ng langit tungo sa Uruk at ito ay
nagsanhi ng malawakang pamiminsala. Ibinaba nito ang mga lebel ng Ilog Euphrates at pinatuyo ang
mga basang lupain. Ito ay nagbukas ng malalaking mga hukay na lumamon ng 300 mga lalake.
Nang walang anumang tulong ng diyos, inatake at pinaslang nina Enkidu at Gilgamesh ang toro.
at inalay ang puso nito kay Shamash.
Ang siyudad ng Uruk ay nagdiwang ngunit si Enkidu ay nagkaroon ng panaginip na masama.
Tabletang Pito
Sa panaginip ni Enkidu, ang unang panaginip, ang mga diyos ay nagpasya na ang isa sa mga
bayani ay dapat mamatay dahil kanilang pinatay si Humbaba at ang Toro ng langit.
Nang dahil dito, nagtipon –tipon ang diyos ang mga diyos at nagkasundo parusahan ang isa sa
mga magkakaibigan dahil sa kanilang katampalasan. Sa kabila ng mga pagpoprotesta ni Shamash, si
Enkidu ay minarkahan para sa kamatayan.
Bago bawian ng buhay si Enikidu, Sinumpa niya ang dakilang pinto na kanyang hinugis para sa
templo ni Enlil. Kanya ring sinumpa ang tagabitag at si Shamhat dahil sa pag-aalis sa kanya mula sa
parang.
Pinaalalahanan ni Shamash si Enkidu na si Gilgamesh ay magkakaloob ng mga dakilang
parangal sa kanya, sa kanyang puneral at gagala sa parang na nalamon ng lungkot.
Nalungkot si Enkidu sa kanyang mga sumpa at pinagpala si Shamhat.
Gayunpaman, sa ikalawang panaginip, nakita niya ang kanyang sarili na nabihag sa daigdig ng
mga patay ng isang nakakatakot na anghel ng kamatayan.
Ang daigdig ng mga patay ay isang bahay ng alikabok at kadiliman na ang mga naninirahan dito
ay kumakain ng putik at nadadamitan ng mga balahibo ng ibon at pinangangasiwaan ng mga
nakakatakot na nilalang.
Sa loob ng 12 araw, ang kondisyon ni Enkidu ay lumala. Sa huli, siya ay namatay.
Tabletang Walo
Nagluksa nang husto si Gilgamesh at naghatid ng isang panaghoy para kay Enkidu kung saan ay
tumawag siya sa mga kabundukan, mga kagubatan, mga parang, mga ilog, mga mababangis na hayop
at sa lahat ng Uruk upang magdalamhati para sa kanyang kaibigan.
Sa pag-alala sa kanilang magkasamang paglalakbay, hinatak ni Gilgamesh ang kanyang buhok
at nagdamit sa pagdadalamhati.
Siya ay nagkomisyon ng isang estatwang puneraryo at nagbigay ng mga regalo sa libingan mula
sa kanyang lalagyan ng kayamanan upang masiguro na si Enkidu ay may isang kanais nais na
pagtanggap sa sakop ng mga namatay.
Ang isang malaking piging ay idinaos kung saan ang mga kayamanan ay inalay sa mga diyos ng
daigdig ng mga patay.
Bago ang patid sa teksto, may mungkahi na ang ilog ay sinumpa na nagpapakita ng isang
paglilibing sa isang kama ng ilog gaya ng sa tumutugong tulang Sumeryo na Ang Kamatayan ni
Gilgamesh.
Tabletang Siyam
Sa tindi ng pagdadalamhati ni Gilgamesh sa pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan,
nagtungo siya sa parang o kagubatan na nadadamitan ng mga balat ng hayop at sa takot sa kanyang
sariling kamatayan, nagpasya siyang hanapin si Utnapishtim, ang itinuturing na Noah sa
Mesopotamia.
Nais niyang alamin ang sikreto ng walang hanggang buhay na ipinagkalaoob sa kaniya ng mga
diyos matapos ang matinding baha. Kabilang sa mga ilang nakaligtas sa Malaking Baha, si Utnapishtim
at ang kanyang asawa ang tanging mga tao na binigyan ng walang buhay ng mga diyos.
Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa kambal na bundok na kung tawagin ay Mashnu kung
saan ang araw ay lumulubog sa isang bahagi ng bundok kapag sumasapit ang gabi at sumisikat naman
sa kabila bahagi kapag sumapit na ang umaga.
Si Gilgamesh ay tumawid sa daaanang bundok sa gabi at naengkwentro ang isang mapagmataas
na mga leon. Bago matulog, siya ay nanalangin para sa proteksiyon sa diyos na buwan na si Sin.
Pagkatapos, sa pagkakagising mula sa isang nakakahikayat na panaginip, kanyang pinatay ang
mga leon at ginamit ang mga balat nito para pandamit.
Pagkatapos ng isang mahaba at mapanganib na paglalakbay, siya ay dumating sa mga kambal
na tuktok ng Bundok Mashu sa wakas ng daigdig.
Kanyang nakita ang isang lagusan, walang tao ang kailanman pumasok rito na binabantayan ng
dalawang mga nakatatakot na taong-alakdan.
Sa kompletong kadiliman, kanyang sinundan ang kalsada para sa 12 mga dobleng oras at
nagawang makompleto ang paglalakbay bago siya maabutan ng araw.
Siya ay dumating sa Hardin ng mga diyos na isang paraisong puno ng mga punong
nahihiyasan.
Tabletang Sampu
Matapos niyang mangapa sa madilim na lagusan, nasumpungan ni Gilgamesh ang
napakagandang hardin sa tabi ng dagat. Doon nkatagpo niya si Siduri na nakatakip ng belo na
tagapagbantay ng inuman. Sinabi ni Gilgamesh ang layunin ng kanyang paglalakbay.
Tinangka niyang pigilan si Gilgamesh na ang kanyang paghahanap sa walang hanggang buhay
ay lubhang mapanganib at nararapat lamang siyang tumalikod. Ngunit hindi mapigilan si Gilgamesh
kanyang winasak ang mga higanteng bato, kaya itinuro niya si Gilgamesh kay Urshanabi, ang
tagasagwan at tutulong sa kanyang tumawid sa dagat tungo kay Utnapishtim.
Nang magkita ang dalawa, Kanyang sinabi sa kanya ang layunin ng kanyang paglalakbay ngunit
nang kanyang hingan ng tulong ipinagbigay alam sa kanya ni Urshanabi na kawawasak lamang niya ng
mga tanging nilalang na maaaring tumawid sa mga Katubigan ng Kamatayan na nakamamatay sa
paghipo.
Itinuro ni Urshanabi kay Gilgamesh na putulin ang 300 mga puno at hugisin ang mga ito sa mga
polong bangka.
Nang kanilang maabot ang isla ng Dilmun kung saan nakatira si Utnapishtim, isinaad ni
Gilgamesh ang kanyang kuwento na humihingi ng kanyang tulong.
Tabletang Labingisa
Napagmasdan ni Gilgamesh na si Utnapishtim ay tila hindi iba sa kanyang sarili at itinanong sa
kanya kung paano makakamit ang walang hanggang buhay.
Ipinaliwanag ni Utnapishtim na ang mga diyos ay nagpasya na magpadla ng isang malaking
baha.
Upang iligtas si Utnapishtim, ang diyos na si Ea, ang diyosa ng karunungan ay nagsabi sa
kanyang magtayo ng isang bangka. Ang kanyang buong pamilya ay sumakay kasama ang at anak ng
bawat buhay sa mundo. Ang isang marahas na bagyo ay lumitaw na nagsanhi sa mga takot na diyos na
umurong sa mga langit.
Nagdalamhati si Ishtar sa malawak na pagkawasak ng sangkatauhan at ang ibang mga Diyos ay
tumangis sa tabi niya. Ang bagyo ay tumagal ng anim na araw at gabi kung saan pagkatapos ay ang
"lahat ng mga tao ay naging putik".
Si Utnapishtim ay tumangis nang kanyang makita ang pagkawasak. Ang kanyang bangka ay
lumapag sa isang bundok , ang Bundok Nisir (Pir Magrun sa Iraq) at nagpalipad ng isang kalapati,
isang layang-layang at isang uwak.
“Ako ay nagpadala ng isang kalapati at pinalipad siya. Ang kalapati ay lumipad pabalik balik
ngunit dahil walang pahingahang lugar para sa kanya, siya ay bumalik. At pagkatapos ay nagpadala
ako ng layang layang at pinalipad siya. Ang layang layang ay lumipad pabalik balik ngunit dahil walang
pahingahang lugar sa kanya, siya ay bumalik. Pagkatapos ay nagpadala ako ng isang uwak at pinalipad
siya. Ang uwak ay ay lumipad papalayo at nakita ang pagbawas ng mga tubig. Siya ay lumapag upang
kumain, lumipad papalayo at hindi na bumalik.”
Nang mabigo ang mga uwak na bumalik, kanyang binuksan ang kanyang arko at pinalaya ang
mga nakatira dito.
Si Utnapishtim ay naghandog ng insenso, naamoy ng mga diyos ang matamis ng amoy at
nagtipon. Si Ishtar ay dumating at itinaas ang kanyang kwintas ng mga dakilang hiyas (bahaghari)
bilang pag-ala ala sa dakilang baha.
Nang dumating si Enlil na galit na may mga nakaligtas, kanyang kinondena siya sa pagpukaw ng
baha. Kinastigo rin ni Ea siya sa pagpapadala ng hindi pantay na parusa.
Pinagpala ni Enlil si Utnapishtim at ang kanyang asawa at biniyayaan sila ng walang hanggang
buhay.
( Ang salaysay na ito ay tumutugma sa kuwento ng baha na nagtatapos ng Epiko ni Atra-hasis. )
Hinamon ni Utnapishtim si Gilgamesh na manatiling gising sa loob ng anim na araw at pitong
gabi. Nakatulog si Gilgamesh at inutusan ni Utnapishtim ang kanyang asawa na maghurno ng tinapay
sa bawat mga araw na siya ay tulog upang hindi niya maitanggi ang kanyang kabiguan na manatiling
gising. Si Gilgamesh na naghahangad na matalo ang kamatayan ay hindi malabanan kahit ang
pagtulog.
Pagkatapos utusan ni Urshanabi na hugasan si Gilgamesh at damitan siya sa mga damit ng
hari, sila ay bumalik sa Uruk.
Habang sila ay lumilisan, ang asawa ni Utnapishtim ay humiling sa kanyang asawa na mag-alok
ng regalong paglisan.
Sinabi ni Utnapishtim kay Gilgamesh na sa ilalim ng dagat ay may nakatirang isang tulad
ng boxthorn na halaman na magpapabatang muli sa kanya.
Sa pagtatali ng mga bato sa kanyang mga paa upang makalakad sa ilalim, ay nagawa ni
Gilgamesh na makuha ang halaman.
Kanyang nilayong subukin ito bilang isang matandang tao kapag nakabalik siya sa Uruk. Sa
kasawiang palad, nang huminto si Gilgamesh upang maligo, ito ay ninakaw ng isang ahas na naglaglag
ng balat nito habang lumilisan.
Si Gilgamesh ay tumangis sa kawalang kabuluhan ng kanyang mga pagsisikap dahil ngayon ay
nawalan na siya ng lahat ng mga pagkakataon sa walang hanggang buhay.
Tabletang Labingdalawa
Nang makabalik si Gilgamesh sa Uruk, wala siyang nadala subalit nakipagkasundo muli sa
kanyang kamatayan. Alam niyang hindi siya maaaring mabuhay nang walang hanggang subalit hindi
ang sangkatauhan. Ngayon nakita niya ang lunsod ng kanyang iniwan sa gitna ng kaniyang pighati ay
muling naging kahanga-hanga at tanyag- pinakmalapit sa buhay na walang hangan na siyang
hinahangad ninuman.
Ang huling tableta ay iminungkahi na ang layunin ay ipaliwanag at ipaunawa kay Gilgamesh at
sa mga mambabasa ang iba't ibang mga kapalaran ng buhay, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga
tao ay nilikha.
Ang tableta ay nagwawakas kay Gilgamesh na nagtatanong kay Enkidu tungkol sa kanyang mga
nakita sa daigdig ng mga patay.

More Related Content

What's hot

MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIAMITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIARegineBatle
 
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusPANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusMerland Mabait
 
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng PandiwaFilipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng PandiwaNemielynOlivas1
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwentorosemelyn
 
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayAngkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayMartinGeraldine
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagJuan Miguel Palero
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)faithdenys
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahadsarahruiz28
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModulePRINTDESK by Dan
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioMdaby
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higantechristine olivar
 

What's hot (20)

Dilma Rousseff
Dilma RousseffDilma Rousseff
Dilma Rousseff
 
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIAMITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
MITOLOHIYA MULA SA AFRICA AT PERSIA
 
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusPANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
 
Mitolohiya
MitolohiyaMitolohiya
Mitolohiya
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
 
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng PandiwaFilipino 10- Gamit ng Pandiwa
Filipino 10- Gamit ng Pandiwa
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayAngkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's Module
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
 
Filipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- MitolohiyaFilipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- Mitolohiya
 
Filipino 10 Mitolohiya
Filipino 10 MitolohiyaFilipino 10 Mitolohiya
Filipino 10 Mitolohiya
 

More from Jay-R Diacamos

My country for Mandela By: Zindziswa Mandela
My country for Mandela By: Zindziswa MandelaMy country for Mandela By: Zindziswa Mandela
My country for Mandela By: Zindziswa MandelaJay-R Diacamos
 
Assessment of learning in the cognitive domain
Assessment of learning in the cognitive domainAssessment of learning in the cognitive domain
Assessment of learning in the cognitive domainJay-R Diacamos
 
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni abAng dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni abJay-R Diacamos
 
indigenous people in the philippines
indigenous people in the philippinesindigenous people in the philippines
indigenous people in the philippinesJay-R Diacamos
 
advantages and disadvanteges of computer
advantages and disadvanteges  of computeradvantages and disadvanteges  of computer
advantages and disadvanteges of computerJay-R Diacamos
 

More from Jay-R Diacamos (7)

Mitolohioya ng Ehipto
Mitolohioya ng EhiptoMitolohioya ng Ehipto
Mitolohioya ng Ehipto
 
My country for Mandela By: Zindziswa Mandela
My country for Mandela By: Zindziswa MandelaMy country for Mandela By: Zindziswa Mandela
My country for Mandela By: Zindziswa Mandela
 
Assessment of learning in the cognitive domain
Assessment of learning in the cognitive domainAssessment of learning in the cognitive domain
Assessment of learning in the cognitive domain
 
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni abAng dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
Ang dapat mabatid ng mga tagalog ni ab
 
Typeoftest
TypeoftestTypeoftest
Typeoftest
 
indigenous people in the philippines
indigenous people in the philippinesindigenous people in the philippines
indigenous people in the philippines
 
advantages and disadvanteges of computer
advantages and disadvanteges  of computeradvantages and disadvanteges  of computer
advantages and disadvanteges of computer
 

Recently uploaded

Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 

Recently uploaded (20)

Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 

Epiko ni Gilgamesh

  • 1. EPIKO NI GILGAMESH Saling-buod sa Filipino ni Jay-r C. Diacamos Tabletang Una Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Siya ay kalahating diyos at tao o isang demigod . Siya ay pinakamalakas na lalaki at pinakatanyag na hari sa buong mundo. Subalit , tinatrato niya ng masama ang mga tao. Hanggang sa ang mga ito ay umiiyak sa mga diyos na si Anu para tulungan. Para sa mga babae ng Uruk, ang pang-aaping ito ay may anyong droit de seigneur — o "karapatan ng panginoon" na makipagsiping sa mga bagong ikinasal na babae sa kanilang gabi ng kasal. Para sa mga lalake (ang tableta ay napinsala sa puntong ito), ipinagpalagay na ang mga ito ay pinapagod ni Gilgamesh sa pamamagitan ng mga laro, pagsusubok ng lakas o marahil ay pwersahang pagtatrabaho sa mga proyekto ng pagtatayo. Ang mga Diyos ay tumugon sa mga pagsusumamo ng mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang katumbas kay Gilgamesh. Si Anu , ang punong bathala ng lunsod ay lumikha ng isang primitibong tao na si Enkidu na siyang inilagay sa marahas at mabagsik na gubat na siyang pumapalibot sa lupain ni Gilgamesh. Siya ay mabangis tulad na mga hayop at nabubuhay sa Parang kasama ng mga hayop. Siya ay hindi sibilisadong tao, umiinom lamang siya ng tubig at kumakain ng damo. Isang Araw, siya ay nakita na tumatakbong hubo ng isang tagapagbitag na ang kabuhayan ay nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang kanyang mga bitag. Sinabi ng tagapagbitag kay Gilgamesh ang tungkol sa lalake at inihanda kay Enkidu para akitin ang isang patutot o isang bayaring babae . Ang pang-aakit kay Enkidu ni Shamhat na isang patutot ng templo ang kanyang unang hakbang tungo sa kabihasnan at pagkatapos ng pitong araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagmungkahi na ibalik siya sa Uruk. Samantala, si Gilgamesh ay nagkaroon ng dalawang panaginip. Sa Kaniyang unang panaginip, may isang bato raw na nahulog mula sa kalangitan. Lubha itong napakalaki na hindi mabuhat ni Gilgamesh. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa palibot sa bato habang si Gilgamesh naman ay yumakap dito subalit ang kanyang ina, ang bathala si Rimat-Ninsun ay mahigpit na tumutol. Sa pangalawang panaginip, may isang palakol ang lumitaw sa pinto ni Gilgamesh. Napakalaki nito na hindi niya maialis. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa palibot ng palakol at yumakap si Gilgamesh dito katulad ng pagyakap niya sa isang asawa subalit tumutol muli ang kanyang ina. Matapos niyang managinip ukol ditto, tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang ibig sabihin ng mga panaginip , sinabi ng kanyang ina na isang lalaking napakalakas ang darating sa uruk at yayakapin niya tulad ng pagyakap niya sa isang asawa at magkasama sila gagawa ng tanyag na mga gawain. Tabletang Dalawa Pagkatapos magsiping nina Enkidu at Shamhat, ang mga mabangis na hayop ay hindi na tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si Enkidu ay naging tulad ng isang diyos. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at kung paano kumain . Nawala kay Enkidu ang kanyang lakas at pagkabangis bagkus nagkaroon siya ng kaalaman at pang-unawa sa tulong ni Shamhat. Sa pagkakaalam mula sa isang dumadaang dayuhan tungkol sa pagtrato ni Gilgamesh sa mga bagong kasal, si Enkidu ay nagalit at naglakbay tungo sa Uruk upang mamagitan sa isang kasal. Nang tangkain ni Gilgamesh na dalawin ang silid ng kasalan, hinarang ni Enkidu ang kanyang daanan at sila ay nag-away. Pagkatapos ng mabangis na paglalaban, natalo si Enkidu at kinilala ang superior na lakas ni Gilgamesh at sila ay mabilis na naging magkaibigan. Nang mainip ang dalawa sa pamumuhay sa siyudad, si Gilgamesh ay nagmungkahi ng isang paglalakbay sa Kagubatang Cedar at nakawain ang mga punong cedar na ipinagbabawal sa mga mortal at upang paslangin ang kalahating-diyos at kalahating-leon na si Humbaba, ang tapat na tagapaglingkod ni Enlil ang diyos ng lupa at hangin na siyang nagbabantay sa gubat Sa kabila ng mga babala mula kay Enkidu at sa konseho ng mga Matatanda, si Gilgamesh ay hindi pipigilan at upang magkamit siya ng kasikatan at katanyagan Tabletang Tatlo Ang mga matanda si Lugalbanda, ama ni Gilgamesh ay nagbigay ng payo kay Gilgamesh para sa kanyang paglalakbay. Dinalaw ni Gilgamesh ang kanyang ina na diyosang si Ninsun na naghahanap ng suporta at proteksiyon ng diyos na araw na si Shamash para sa kanilang paglalakbay. Inampon ni Ninsun si Enkidu bilang kanyang anak at si Gilgamesh ay nag-iwan ng mga instruksiyon para sa pamamahala ng lungsod ng Uruk sa kanyang kawalan.
  • 2. Tabletang Apat Ang Dalawang bayani ay naglakbay tungo sa Kagubatang Cedar ng Lebanon. Sa bawat ilang mga araw, sila ay nagkakampo sa isang bundok at nagsasagawa ng isang ritwal ng panaginip. Si Gilgamesh ay nagkaroon ng limang mga nakakatakot na panaginip tungkol sa pagkahulog sa mga bundok, mga kulog, mga mababangis na toro at isang ibong kidlat na humihinga ng apoy. Sa kabila ng mga pagkakatulad sa pagitan ng mga pigura sa kanyang panaginip at sa mas naunang mga deskripsiyon ni Humbaba, binigyang kahulugan ni Enkidu ang mga panaginip na ito bilang mga mabubuting omen at itinanggi na ang nakakatakot na mga larawan ay kumakatawan sa bantay ng kagubatan. Habang sila ay papalapit sa bundok Cedar, kanilang narinig si Humbaba na sumisigaw at kinailangang hikayatin ang bawat isa na huwag matakot. Tabletang Lima Ang mga bayani ay pumasok sa Kagubatang Cedar. Si Humbaba na bantay-ogre ng Kagubatan Cedar ay uminsulto at nagbanta sa kanila. Inakusahan niya si Enkidu ng pagtatraydor at nangakong aalisan ng lamang loob at ipapakain ang kanyang laman sa mga ibon. Natakot si Gilgamesh ngunit sa ilang nakakahikayat na mga salita ni Enkidu, ang labanan ay nagsimula. Ang mga kabundukan ay lumindol nang may kaguluhan at ang langit ay naging itim. Ang diyos na si Shamash ay nagpadala ng 13 mga hangin upang itali si Humbaba at siya ay nahuli. Ang halimaw ay nagsumamo para sa kanyang buhay at naawa si Gilgamesh sa kanya. (1 P) Gayunpaman, si Enkidu ay nagalit at hiniling kay Gilgamesh na patayin ang halimaw. Sila ay parehong sinumpa ni Humbaba at pinatay siya ni Gilgamesh sa pamamagitan ng isang suntok sa leeg. Pinutol ng dalawang bayani ang maraming mga Cedar kabilang ang isang higanteng puno na pinaplano ni Enkidu na hugisin sa isang bakuran at tarangkahan para sa templo ni Enlil at ang iba naman ay ginawang isang balsa at naglayag pauwi sa kahabaan ng Euphrates kasama ng isang higanteng puno at ulo ni Humbaba. Tabletang Anim Sa kanilang pagbabalik, Itinakwil ni Gilgamesh ang mga pang-aakit ng diyosang si Ishtar, dahil sa kanyang masamang pagtrato sa mga nakaraang mangingibig nito gaya ni Tammuz- ang diyos ng pagkain at mga halaman. Hiningi ni Ishtar , ang diyosa ng pag-ibig at pagkabuhay sa kanyang ama na si Anu, ipadala si Gugalana na toro ng langit upang ipaghiganti siya. Nang itakwil ni Anu ang kanyang mga reklamo, nagbanta si Ishtar na bubuhayin ang mga patay na mas madami sa mga nabubuhay at lalamunin sila. (2P) Natakot si Anu at sumuko sa kanya. Dinala ni Uruk ang Toro ng langit tungo sa Uruk at ito ay nagsanhi ng malawakang pamiminsala. Ibinaba nito ang mga lebel ng Ilog Euphrates at pinatuyo ang mga basang lupain. Ito ay nagbukas ng malalaking mga hukay na lumamon ng 300 mga lalake. Nang walang anumang tulong ng diyos, inatake at pinaslang nina Enkidu at Gilgamesh ang toro. at inalay ang puso nito kay Shamash. Ang siyudad ng Uruk ay nagdiwang ngunit si Enkidu ay nagkaroon ng panaginip na masama. Tabletang Pito Sa panaginip ni Enkidu, ang unang panaginip, ang mga diyos ay nagpasya na ang isa sa mga bayani ay dapat mamatay dahil kanilang pinatay si Humbaba at ang Toro ng langit. Nang dahil dito, nagtipon –tipon ang diyos ang mga diyos at nagkasundo parusahan ang isa sa mga magkakaibigan dahil sa kanilang katampalasan. Sa kabila ng mga pagpoprotesta ni Shamash, si Enkidu ay minarkahan para sa kamatayan. Bago bawian ng buhay si Enikidu, Sinumpa niya ang dakilang pinto na kanyang hinugis para sa templo ni Enlil. Kanya ring sinumpa ang tagabitag at si Shamhat dahil sa pag-aalis sa kanya mula sa parang. Pinaalalahanan ni Shamash si Enkidu na si Gilgamesh ay magkakaloob ng mga dakilang parangal sa kanya, sa kanyang puneral at gagala sa parang na nalamon ng lungkot. Nalungkot si Enkidu sa kanyang mga sumpa at pinagpala si Shamhat. Gayunpaman, sa ikalawang panaginip, nakita niya ang kanyang sarili na nabihag sa daigdig ng mga patay ng isang nakakatakot na anghel ng kamatayan. Ang daigdig ng mga patay ay isang bahay ng alikabok at kadiliman na ang mga naninirahan dito ay kumakain ng putik at nadadamitan ng mga balahibo ng ibon at pinangangasiwaan ng mga nakakatakot na nilalang. Sa loob ng 12 araw, ang kondisyon ni Enkidu ay lumala. Sa huli, siya ay namatay.
  • 3. Tabletang Walo Nagluksa nang husto si Gilgamesh at naghatid ng isang panaghoy para kay Enkidu kung saan ay tumawag siya sa mga kabundukan, mga kagubatan, mga parang, mga ilog, mga mababangis na hayop at sa lahat ng Uruk upang magdalamhati para sa kanyang kaibigan. Sa pag-alala sa kanilang magkasamang paglalakbay, hinatak ni Gilgamesh ang kanyang buhok at nagdamit sa pagdadalamhati. Siya ay nagkomisyon ng isang estatwang puneraryo at nagbigay ng mga regalo sa libingan mula sa kanyang lalagyan ng kayamanan upang masiguro na si Enkidu ay may isang kanais nais na pagtanggap sa sakop ng mga namatay. Ang isang malaking piging ay idinaos kung saan ang mga kayamanan ay inalay sa mga diyos ng daigdig ng mga patay. Bago ang patid sa teksto, may mungkahi na ang ilog ay sinumpa na nagpapakita ng isang paglilibing sa isang kama ng ilog gaya ng sa tumutugong tulang Sumeryo na Ang Kamatayan ni Gilgamesh. Tabletang Siyam Sa tindi ng pagdadalamhati ni Gilgamesh sa pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan, nagtungo siya sa parang o kagubatan na nadadamitan ng mga balat ng hayop at sa takot sa kanyang sariling kamatayan, nagpasya siyang hanapin si Utnapishtim, ang itinuturing na Noah sa Mesopotamia. Nais niyang alamin ang sikreto ng walang hanggang buhay na ipinagkalaoob sa kaniya ng mga diyos matapos ang matinding baha. Kabilang sa mga ilang nakaligtas sa Malaking Baha, si Utnapishtim at ang kanyang asawa ang tanging mga tao na binigyan ng walang buhay ng mga diyos. Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa kambal na bundok na kung tawagin ay Mashnu kung saan ang araw ay lumulubog sa isang bahagi ng bundok kapag sumasapit ang gabi at sumisikat naman sa kabila bahagi kapag sumapit na ang umaga. Si Gilgamesh ay tumawid sa daaanang bundok sa gabi at naengkwentro ang isang mapagmataas na mga leon. Bago matulog, siya ay nanalangin para sa proteksiyon sa diyos na buwan na si Sin. Pagkatapos, sa pagkakagising mula sa isang nakakahikayat na panaginip, kanyang pinatay ang mga leon at ginamit ang mga balat nito para pandamit. Pagkatapos ng isang mahaba at mapanganib na paglalakbay, siya ay dumating sa mga kambal na tuktok ng Bundok Mashu sa wakas ng daigdig. Kanyang nakita ang isang lagusan, walang tao ang kailanman pumasok rito na binabantayan ng dalawang mga nakatatakot na taong-alakdan. Sa kompletong kadiliman, kanyang sinundan ang kalsada para sa 12 mga dobleng oras at nagawang makompleto ang paglalakbay bago siya maabutan ng araw. Siya ay dumating sa Hardin ng mga diyos na isang paraisong puno ng mga punong nahihiyasan. Tabletang Sampu Matapos niyang mangapa sa madilim na lagusan, nasumpungan ni Gilgamesh ang napakagandang hardin sa tabi ng dagat. Doon nkatagpo niya si Siduri na nakatakip ng belo na tagapagbantay ng inuman. Sinabi ni Gilgamesh ang layunin ng kanyang paglalakbay. Tinangka niyang pigilan si Gilgamesh na ang kanyang paghahanap sa walang hanggang buhay ay lubhang mapanganib at nararapat lamang siyang tumalikod. Ngunit hindi mapigilan si Gilgamesh kanyang winasak ang mga higanteng bato, kaya itinuro niya si Gilgamesh kay Urshanabi, ang tagasagwan at tutulong sa kanyang tumawid sa dagat tungo kay Utnapishtim. Nang magkita ang dalawa, Kanyang sinabi sa kanya ang layunin ng kanyang paglalakbay ngunit nang kanyang hingan ng tulong ipinagbigay alam sa kanya ni Urshanabi na kawawasak lamang niya ng mga tanging nilalang na maaaring tumawid sa mga Katubigan ng Kamatayan na nakamamatay sa paghipo. Itinuro ni Urshanabi kay Gilgamesh na putulin ang 300 mga puno at hugisin ang mga ito sa mga polong bangka. Nang kanilang maabot ang isla ng Dilmun kung saan nakatira si Utnapishtim, isinaad ni Gilgamesh ang kanyang kuwento na humihingi ng kanyang tulong. Tabletang Labingisa Napagmasdan ni Gilgamesh na si Utnapishtim ay tila hindi iba sa kanyang sarili at itinanong sa kanya kung paano makakamit ang walang hanggang buhay. Ipinaliwanag ni Utnapishtim na ang mga diyos ay nagpasya na magpadla ng isang malaking baha. Upang iligtas si Utnapishtim, ang diyos na si Ea, ang diyosa ng karunungan ay nagsabi sa kanyang magtayo ng isang bangka. Ang kanyang buong pamilya ay sumakay kasama ang at anak ng
  • 4. bawat buhay sa mundo. Ang isang marahas na bagyo ay lumitaw na nagsanhi sa mga takot na diyos na umurong sa mga langit. Nagdalamhati si Ishtar sa malawak na pagkawasak ng sangkatauhan at ang ibang mga Diyos ay tumangis sa tabi niya. Ang bagyo ay tumagal ng anim na araw at gabi kung saan pagkatapos ay ang "lahat ng mga tao ay naging putik". Si Utnapishtim ay tumangis nang kanyang makita ang pagkawasak. Ang kanyang bangka ay lumapag sa isang bundok , ang Bundok Nisir (Pir Magrun sa Iraq) at nagpalipad ng isang kalapati, isang layang-layang at isang uwak. “Ako ay nagpadala ng isang kalapati at pinalipad siya. Ang kalapati ay lumipad pabalik balik ngunit dahil walang pahingahang lugar para sa kanya, siya ay bumalik. At pagkatapos ay nagpadala ako ng layang layang at pinalipad siya. Ang layang layang ay lumipad pabalik balik ngunit dahil walang pahingahang lugar sa kanya, siya ay bumalik. Pagkatapos ay nagpadala ako ng isang uwak at pinalipad siya. Ang uwak ay ay lumipad papalayo at nakita ang pagbawas ng mga tubig. Siya ay lumapag upang kumain, lumipad papalayo at hindi na bumalik.” Nang mabigo ang mga uwak na bumalik, kanyang binuksan ang kanyang arko at pinalaya ang mga nakatira dito. Si Utnapishtim ay naghandog ng insenso, naamoy ng mga diyos ang matamis ng amoy at nagtipon. Si Ishtar ay dumating at itinaas ang kanyang kwintas ng mga dakilang hiyas (bahaghari) bilang pag-ala ala sa dakilang baha. Nang dumating si Enlil na galit na may mga nakaligtas, kanyang kinondena siya sa pagpukaw ng baha. Kinastigo rin ni Ea siya sa pagpapadala ng hindi pantay na parusa. Pinagpala ni Enlil si Utnapishtim at ang kanyang asawa at biniyayaan sila ng walang hanggang buhay. ( Ang salaysay na ito ay tumutugma sa kuwento ng baha na nagtatapos ng Epiko ni Atra-hasis. ) Hinamon ni Utnapishtim si Gilgamesh na manatiling gising sa loob ng anim na araw at pitong gabi. Nakatulog si Gilgamesh at inutusan ni Utnapishtim ang kanyang asawa na maghurno ng tinapay sa bawat mga araw na siya ay tulog upang hindi niya maitanggi ang kanyang kabiguan na manatiling gising. Si Gilgamesh na naghahangad na matalo ang kamatayan ay hindi malabanan kahit ang pagtulog. Pagkatapos utusan ni Urshanabi na hugasan si Gilgamesh at damitan siya sa mga damit ng hari, sila ay bumalik sa Uruk. Habang sila ay lumilisan, ang asawa ni Utnapishtim ay humiling sa kanyang asawa na mag-alok ng regalong paglisan. Sinabi ni Utnapishtim kay Gilgamesh na sa ilalim ng dagat ay may nakatirang isang tulad ng boxthorn na halaman na magpapabatang muli sa kanya. Sa pagtatali ng mga bato sa kanyang mga paa upang makalakad sa ilalim, ay nagawa ni Gilgamesh na makuha ang halaman. Kanyang nilayong subukin ito bilang isang matandang tao kapag nakabalik siya sa Uruk. Sa kasawiang palad, nang huminto si Gilgamesh upang maligo, ito ay ninakaw ng isang ahas na naglaglag ng balat nito habang lumilisan. Si Gilgamesh ay tumangis sa kawalang kabuluhan ng kanyang mga pagsisikap dahil ngayon ay nawalan na siya ng lahat ng mga pagkakataon sa walang hanggang buhay. Tabletang Labingdalawa Nang makabalik si Gilgamesh sa Uruk, wala siyang nadala subalit nakipagkasundo muli sa kanyang kamatayan. Alam niyang hindi siya maaaring mabuhay nang walang hanggang subalit hindi ang sangkatauhan. Ngayon nakita niya ang lunsod ng kanyang iniwan sa gitna ng kaniyang pighati ay muling naging kahanga-hanga at tanyag- pinakmalapit sa buhay na walang hangan na siyang hinahangad ninuman. Ang huling tableta ay iminungkahi na ang layunin ay ipaliwanag at ipaunawa kay Gilgamesh at sa mga mambabasa ang iba't ibang mga kapalaran ng buhay, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga tao ay nilikha. Ang tableta ay nagwawakas kay Gilgamesh na nagtatanong kay Enkidu tungkol sa kanyang mga nakita sa daigdig ng mga patay.