“Tahanan”
Sa bawat sulokng ating bayan,
Iba’t ibang tirahan ang
matatagpuan.
May bahay kubo sa gitna ng
palayan, Saka isa simpleng
buhay at kaligayahan
19.
May mga bahayna gawa
sa bato, Matatag sa
unos, matibay sa bagyo
Mga lungsod, mga gusali’y
nagtataasan, Sumasalamin
sa maunlad na bayan.
20.
Sa tabing dagat,mga
bahay na pawid, Hinahaplos
ng alon, dinadalaw ng
hangin. Sa kabundukan,
mga bahay na kahoy,
nagbibigay init sa malamig
na panahon
21.
Ang bawat tirahan,may
sariling kuwento, Nagpapakita
ng yaman ng ating pamayanan
Sa bawat tahanan, may
pusong nagmamahal, Sa
bayan, sa pamilya at sa ating
pagkakakilanlan.
22.
1. Ano angiba’t ibang uri ng
tirahan na binanggit sa tula?
2. Paano inilarawan ng tula ang
bahay kubo at ang kahalagahan
sa buhay ng mga Pilipino?
3. Paano ipinakita ng tula ang
koneksyon ng tirahan sa
kalikasan?
4. Ano ang ibig sabihin ng
pagkakakilanlan sa tula?
23.
Ang bahay ayhigit pa sa
kulturang materyal o pisikal na
tirahan.
Ito ay isang mahalagang simbolo
ng pagkakakilanlan ng isang
grupo ng tao o komunidad.
Ang pagkakakilanlan ay
tumutukoy sa mga katangian o
impormasyon na natatangi sa
isang indibidwal o bagay mula sa
iba.
Ang tirahan aymay malaking kaugnayan sa
pagkakailanlan ng isang komunidad.
1. Ang disenyo at materyales ay madalas na nagpapakita
ng kultura at tradisyon.
2. Ang uri ng tirahan at maaaring magpakita ng antas ng
kabuhayan sa isang komunidad.
3. Ang lokasyon at kapaligiran ng isang komunidad ay
may malaking impluwensya sa disenyo ng tirahan.
4. Katulad ng mga bahay na makikita sa malapit sa mga
tubig, sa kabundukan at mga lugar na dinadaanan ng
bagyo.
5. Ang uri ng tirahan ay nagpapakita rin ng paraan ng
pamumuhay sa komunidad.
27.
Iguhit ang inyong
bahay.Sabihin sa
klase kung anong
materyales ang
ginamit sa
pagpapatayo ng
inyong bahay.
Isulat ang TAMAkung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at
MALI naman kung ito ay hindi.
______1. Ang Pagkakakilalan ay tumutukoy sa mga katangian
o impormasyon na natatangi sa isang indibidwal o bagay
mula sa iba.
______2. Ang disenyo at materyales ng bahay ay kailanman
hindi ngpapakita ng kultura at tradisyon sa lugar na
kinabibilangan nito.
______3. Ang lokasyon at kapaligiran ng isang tirahan ay
may impluwensya sa disenyo ng isang bahay.
______4. Ang uri ng tirahan ay nagpapakita ng uri ng
pamumuhay ng mga nakatira rito.
______5. Dapat nating ipagmalaki ang ating tirahan kahit ano
30.
Sabihin ang TAMAkung
ang pahayag ay
nagsasabi ng
katotohanan at MALI
naman kung ito ay
hindi.
Tradisyonal na
kasuotan mulasa
Mindanao. Ito ay
isang malaking piraso
ng tela na maaaring
gamiting palda, damit,
kumot at iba pa.
Malong
44.
Isang tradisyonal na
kasuotanng mga
katutubong Pilipino. Ito
ay isang piraso ng tela
na binabalot sa baywang
at tinatali upang maging
salawal.
Bahag
45.
Iguhit sa isangmalinis
na papel ang damit na
pinakagusto mo, maari
na ito ay pang-itaas,
pang-ibaba o maaring
pareho. Kulayan ito ayon
sa nais na mo.
Pagkatapos ay gupitin
ito.
46.
1. Ano angtawag sa
iyong damit?
2. Ano ang iyong
inspirasyon sa paggawa
nito?
3. Mahalaga ba ang
damit para s aiyo?
47.
Ang kasuotan ayisa sa mga
halimbawa ng kulturang
materyal. Ito din ay may
malaking kaugnayan sa
pagkakakilanlan ng
indibidwal o komunidad
dahil ito ay sumasalamin sa
kultura, tradisyon, at
kasaysayan.
48.
Ang kasuotan aymay mahalagang papel sa pagkakailanlan sa
isang komunidad.
1. mga tradisyunal na kasuotan ay madalas sumasalamin sa ating
mayamang kultura at kasaysayan katulad ng Barong Tagalog, Baro’t
saya, Malong, Bahag atiba pa.
2. Nagpapakita rin ito ng paniniwala at ginagamit sa mga ritwal
katulad ng ginagamit sa mga seremonyang pang- relihiyon o pang-
tribo.
3. Ang disenyo at materyales ay madalas naaayon sa heograpiya at
klima sa isang lugar katulad sa mga malalamig na lugar kung saan
ang kasuotan ay makakapal na tela ang kailangan.
4. Ang kasuotan ay nagpapakita ng antas o estado ng kabuhayan sa
komunidad.
5. Ang mga espesyal na kasuotan at ginagamit sa mga pagdiriwang sa
komunidad katulad ng mga kaguitan sa mga festivals.
Mula sa mganabanggit na
tradisyonal na kasuotan
at natukoy na kasuotan sa
kinabibilangang
komunidad, gumuhit ng
disenyo ng damit na
pambabae at panlalaki.
Pumili lamang ng isa na
maaaring magpakita ng
iyong pagkakakilanlan.
Kulayan ito.
1. Ano angpagkain na ipinakita sa
larawan?
2. Paano ninyo nalaman ang
pangalan ng mga ito?
3. Nakakain na ba kayo ng mga
pagkaing ito? Ano ang lasa ng
pagkain?
4. Anong kuwento ang naaalala
ninyo sa mga pagkaing ito?
64.
Ang pagkain ayhalimbawa
din ng kulturang materyal.
Ito ay isa rin sa
sumasalamin sa kultura at
tradisyon. Ang pagkain ay
may Malaki ring kaugnayan
sa pagkakakilanlan sa isang
komunidad.
65.
1. Ang mgatradisyonal na pagkain ay sumasalamin sa
kultura at kasaysayan katulad ng adobo at sinigang na
pagkaing malimit ihain o lutuin ng pamilya.
2. Ang uri ng pagkain ay madalas na naaayon sa heograpiya
ng isang lugar katulad ng pagkaing dagat sa mga lugar na
malapit sa dagat at iba pa.
3. Ang uri ng pagkain ay may mahalagang papel sa paniniwala
at ritwal sa komunidad. Katulad ng mga pagkaing
inihahandasa mga pista at iba pang seremonyang pang-
relihiyon at iba pa.
4. Ang pagkain ay maaaring nagpapakita ng antas o estado
ng pamumuhay.
5. Ang tradisyonal na pagkain ay naipapasa mula sa naunang
henerasyon upang ito’y manatili bilang pagkakakilanlan at
maging isang tradisyon.
66.
Ano ang kaugnayanng
pagkain sa
pagkakakilanlan ng
iyong kinabibilangang
komunidad?
Gawin ang simpleng
“rhythmicactivity”.
Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat at
isagawa ang mga sumusunod sa bawat
grupo:
1. Pagpalakpak
2. Pagtapik sa binti
3. Pagpadyak
1. Ano angsalita na iyong nahulaan
mula sa gawain?
2. Alin sa mga kagamitan o bagay ang
pamilyar sa iyo? Saan makikita ang
mga bagay na ito?
3. Saan kaya ito ginagamit?
4. Ano ang sagisag ng pagka-Pilipino
ang ipinapakita nito?
5. Ano ang kaugnayan nito sa
pagkakakilanlan ng isang lugar?
92.
Ang nabanggit namga bagay o
kagamitan ay mga halimbawa ng
kulturang materyal na kalimitang
ginagamit sa naunang panahon.
Ito ay may malalim na kaugnayan
sa ating tradisyon at kultura
sapagkat ito’y sumasalamin ito sa
uri ng pamumuhay at pagiging
malikhain ng mga Pilipino.
Ay isang patagna gong
mula sa mga komunidad
sa Cordillera. Mahalaga
ito sapagkat tinutugtog
sa mga kasalan,
selebrasyon o ritwal.
gangsa
95.
Isang tradisyonal nasombrero na
karaniwang gawa sa kawayan o
ratan. Ito ay ginagamit ng mga
magsasaka at mangingisda bilang
proteksyon sa araw o ulan.
Ipinakikita nito ang pagiging
masipag at matibay ng mga
Pilipino.
salakot
96.
Yari sa luwadat ginagamit
bilang tradisyonal na
lalagyan at lutuan ng
pagkain. Ito ay
sumasalamin sa kagalingan
ng mga Pilipino sa sinaunang
sining ng pagluluto.
palayok
97.
Isang kagamitan sa
pagsasakana ginagamit ito
upang palambutin ang lupa
sa sakahan.
Ipinakikita rin nito ang
pagiging masipag ng mga
magsasaka.
araro
98.
Coconut leaf craftay isang sining
ng gumagawa ng mga bagay mula
sa dahon ng niyog. Ipinakikita
nito ang pagkamalikhain ng mga
Pilipino at ang kanilang kakayahan
na gawing kapaki- pakinabang ang
mga materyales mula sa
kalikasan.
puni
Narito ang mgahakbang sa paggawa ng
Puni Art:
1. Kumuha ng sariwang dahon ng niyog.
2. Siguraduhing malinis ito bago gamitin.
3. Putulin ang dahon ayon sa kanilang nais.
4. Simulan sa dulo ng dahon ang pagtupi.
5. Tiklupin ang dahon sa iba’t ibang
direksyon tulad ng overlap o underlap.
6. Maaring gumawa ng iba’t ibang disenyo.