Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Talumpati ang kabataan noon at ngayon ni Arnel B. Mahilom
1. Ang Kabataan Noon at Ngayon
Arnel B. Mahilom
Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang
pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing
ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga
kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa
kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong
masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa
batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa
pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.
Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit
na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang
pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa
maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang
tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at
ngayon.
Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan,
mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang
pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung Lider
na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na
kabataan noon at ngayon.