1. “ALAMAT NG ROSAS”
Noong araw ay may isang magandang dalagang
nagngangalang “Rosa,” na balita sakanyang angking
kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa
sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya
mapusuan.
Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at
sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit
si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di
makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y
nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y
siya’y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya
ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon
upang di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa
halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may
bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka
dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito
ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may
mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin
lamang ng sinuman.