SlideShare a Scribd company logo
Pang –aasar, Pang-iinis, Panunuya, o
Pang aaPi (BuLLying)
• Hindi katanggap-tanggap na ugali o asal mula sa
kamag-aral, kasamahan sa paaralan o sa
komunidad.
Mga
Talasalitaan
Sa bawat pangungusap ay may salitang
nakasalangguhit. Piliin ang kasingkahulugan nito .
1. Madalas na nag-iisa sa isang
sulok at walang-imik ang
batang babae.
a. Maingay
b. Tahimik
c. Naglalaro
1. Madalas na nag-iisa sa isang
sulok at walang-imik ang
batang babae.
a. Maingay
b. Tahimik
c. Naglalaro
• 2. Mahina at paanas pa kung ito’y
magsalita.
a. pasigaw
b. papansin
c. pabulong
• 2. Mahina at paanas pa kung ito’y
magsalita.
a. pasigaw
b. papansin
c. pabulong
3. Tumindi ang pambubuska
at panlalait ng mga kaklase
sa batang babae.
a. pang-iinis
b. pag-aruga
c. pagtanggap
3. Tumindi ang pambubuska
at panlalait ng mga kaklase
sa batang babae.
a. pang-iinis
b. pag-aruga
c. pagtanggap
4. Kung minsa’y di bahagyang sulyapan
ang mga pagkaing nasa ibabaw ng
pupitre ng kaniyang mga kaklase
a. bag
b. papel
c. mesa
4. Kung minsa’y di bahagyang sulyapan
ang mga pagkaing nasa ibabaw ng
pupitre ng kaniyang mga kaklase
a. bag
b. papel
c. mesa
5. Nakadispley sa teheras ang
sari-saring damit ng batang
babae.
a. daan
b. banig
c. papag
5. Nakadispley sa teheras ang
sari-saring damit ng batang
babae.
a. daan
b. banig
c. papag
Sandaang Damit
ni:
Fanny Garcia
May isang batang mahirap. Nag-aaral siya.
Sa paaralan, kapansin-pansin ang kaniyang
pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa.
Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo
na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap
ang mga mata, sasagot lamang kapag
tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung
magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang
natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan sa
mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa
kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-
iba ang kanilang damit na pamasok sa
paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin
sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga
malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y
kupasin at punong-puno ng sulsi.
Ilarawan ang pisikal at emosyunal na
kalagayan ng batang babae.
Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-
kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang
kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang
kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo
sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase
ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang
mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing
nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase:
mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis
at kulay na pambalot na palara.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi
nagwawakas sa kaniyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin kung ano ang
kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan
kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa
lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang
palaman.
Kaya lumayo siya sa kanila.
Naging walang kibo. Mapag-isa.
Bakit naging malulungkutin at
walang-kibo ang batang babae?
Sa kaniyang pagiging tahimik ay
ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na
siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong
sumidhi ang kanilang pambubuska.
Lumang damit. Di masarap na pagkain.
Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang
isip.
Hanggang isang araw ay natuto siyang
lumaban.
Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang
nagkatinig ang mahirap na batang babaeng
laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang
damit, ang batang laging kakaunti ang baong
pagkain. Yao’y isa na naman sanang
pagkakataong walang magawa ang kaniyang
mga kaklase at siya na naman ang kanilang
tinutukso.
Alam n’yo,” aniya sa malakas at
nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang
damit sa bahay.”
Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase,
hindi sila makapaniwala.
“Kung totoo ‘ya’y ba’t lagi na lang luma ang
suot mo?”
Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil
iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”
• Naniniwala ka bang may sandaang damit ang
batang babae? Bakit oo? Bakit hindi?
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami
maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni
Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung
ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay,
kung may laso o bulaklak.”
At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang
mga damit. Ayon sa kaniya’y may damit siya para sa
iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay,
pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa.
Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y
inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ng bawat isa
sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang
damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas
ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na
mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting
abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking
laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba
ng damit.
O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa
kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting
pansimba na may malapad na sinturon at malalaking
bulsa.
Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y
siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kaniyang
tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang kuwento
tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang
pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy
pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan
nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o
sandwich, isa o dalawang kendi.
Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap
na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod
na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang
linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang
mga kaklase at guro.
• Ano sa iyong palagay ang nangyari sa batang
may sandaang damit? Bakit kaya siya hindi
nakakapasok sa eskwela?
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang
batang matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sirasira at
nakagiray na sa kalumaan.
Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang
mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng
kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang
kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at
doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa
mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-
pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na
nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng
teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga
papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa
kaniyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong
lahat ang kaniyang naikuwento.
. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na
damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din
ang drowing ng kaniyang pantulog, ang
kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang
pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi
nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa
kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.
Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.
• Ano ang iyong naging damdamin sa wakas
ng kuwento? Bakit ganito ang iyong
naramdaman? Alam ba ninyo kung ano ang
diskriminasyon? Iugnay ninyo ito sa
kuwento.
Panuto: Gumuhit ng dalawang klase ng damit .
Isang damit na sumisimbulo sa dating ugali ng
batang babae sa kuwento at isang damit na
nagpabago o nagbigay ng transpormasyon sa
pag-uugali ng pangunahing tauhan sa
kuwento. Paghambingin ang mga ito. Alin
kaya sa palagay mo ang higit na nagpaligaya
sa batang babae sa kuwento? Bakit? Kung
ikaw ay pipili sa dalawang damit na ito , alin
ang isusuot mo? Bakit?
Inihanda ni:
Lerma S. Roman

More Related Content

What's hot

BANYAGA akda ni liwayway arceo
BANYAGA  akda ni liwayway arceoBANYAGA  akda ni liwayway arceo
BANYAGA akda ni liwayway arceo
emeraimah dima-arig
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Mckoi M
 

What's hot (20)

BANYAGA akda ni liwayway arceo
BANYAGA  akda ni liwayway arceoBANYAGA  akda ni liwayway arceo
BANYAGA akda ni liwayway arceo
 
Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wika
 
Maikling kuwento ppt
Maikling kuwento pptMaikling kuwento ppt
Maikling kuwento ppt
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 
Kaganapan ng pandiwa
Kaganapan ng pandiwaKaganapan ng pandiwa
Kaganapan ng pandiwa
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Pagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng PangungusapPagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng Pangungusap
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)Mitolohiya ng-kenya (1)
Mitolohiya ng-kenya (1)
 
ALAMAT
ALAMATALAMAT
ALAMAT
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Filiipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson planFiliipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson plan
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusPANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 

Viewers also liked (6)

Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang AsyaAralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
Aralin 28 Ang Kababaihan sa Kasalukuyang Asya
 
Aralin 35 AP 10
Aralin 35 AP 10Aralin 35 AP 10
Aralin 35 AP 10
 
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyano
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyanoKabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyano
Kabuhayan at pamumuhay ng mga bansang asyano
 
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonModyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksik
 
Diskriminasyon
DiskriminasyonDiskriminasyon
Diskriminasyon
 

Similar to Sandaang damit ni fanny garcia

Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ezekiel Patacsil
 
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
xdmhundz1987
 
Ang Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni LolaAng Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni Lola
Bren Dale
 
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Rich Elle
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
MarydelTrilles
 

Similar to Sandaang damit ni fanny garcia (20)

PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptxPowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
 
Isangdaang Damit ni Fanny Garcia
Isangdaang Damit ni Fanny GarciaIsangdaang Damit ni Fanny Garcia
Isangdaang Damit ni Fanny Garcia
 
Present(1)ggg
Present(1)gggPresent(1)ggg
Present(1)ggg
 
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12
 
Second Periodic Test Grade 2
Second Periodic Test Grade 2Second Periodic Test Grade 2
Second Periodic Test Grade 2
 
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
QUARTER 1 KINDER (STORIES POEM OTHERS)
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
 
Ang Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni LolaAng Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni Lola
 
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
 
1st Quarter Aralin 8.pptx
1st Quarter  Aralin 8.pptx1st Quarter  Aralin 8.pptx
1st Quarter Aralin 8.pptx
 
FILIPINO Q4_WK5_D2.pptx
FILIPINO Q4_WK5_D2.pptxFILIPINO Q4_WK5_D2.pptx
FILIPINO Q4_WK5_D2.pptx
 
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
mtb2ppt.pptx. mothertoungesubject. Demo teaching gradw1
 
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUDESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
 
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
Sa loob ng love class
Sa loob ng love classSa loob ng love class
Sa loob ng love class
 
Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 
Final-CO2-Presentation.pptx
Final-CO2-Presentation.pptxFinal-CO2-Presentation.pptx
Final-CO2-Presentation.pptx
 

Sandaang damit ni fanny garcia

  • 1.
  • 2. Pang –aasar, Pang-iinis, Panunuya, o Pang aaPi (BuLLying) • Hindi katanggap-tanggap na ugali o asal mula sa kamag-aral, kasamahan sa paaralan o sa komunidad.
  • 4. Sa bawat pangungusap ay may salitang nakasalangguhit. Piliin ang kasingkahulugan nito . 1. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at walang-imik ang batang babae. a. Maingay b. Tahimik c. Naglalaro
  • 5. 1. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at walang-imik ang batang babae. a. Maingay b. Tahimik c. Naglalaro
  • 6. • 2. Mahina at paanas pa kung ito’y magsalita. a. pasigaw b. papansin c. pabulong
  • 7. • 2. Mahina at paanas pa kung ito’y magsalita. a. pasigaw b. papansin c. pabulong
  • 8. 3. Tumindi ang pambubuska at panlalait ng mga kaklase sa batang babae. a. pang-iinis b. pag-aruga c. pagtanggap
  • 9. 3. Tumindi ang pambubuska at panlalait ng mga kaklase sa batang babae. a. pang-iinis b. pag-aruga c. pagtanggap
  • 10. 4. Kung minsa’y di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw ng pupitre ng kaniyang mga kaklase a. bag b. papel c. mesa
  • 11. 4. Kung minsa’y di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw ng pupitre ng kaniyang mga kaklase a. bag b. papel c. mesa
  • 12. 5. Nakadispley sa teheras ang sari-saring damit ng batang babae. a. daan b. banig c. papag
  • 13. 5. Nakadispley sa teheras ang sari-saring damit ng batang babae. a. daan b. banig c. papag
  • 15. May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan, kapansin-pansin ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita.
  • 16. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba- iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punong-puno ng sulsi.
  • 17. Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae.
  • 18. Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani- kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.
  • 19. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa.
  • 20. Bakit naging malulungkutin at walang-kibo ang batang babae?
  • 21. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip.
  • 22. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.
  • 23. Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.” Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala. “Kung totoo ‘ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?” Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.”
  • 24. • Naniniwala ka bang may sandaang damit ang batang babae? Bakit oo? Bakit hindi?
  • 25. “Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.” At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’y may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa.
  • 26. Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.
  • 27. Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi. Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at guro.
  • 28. • Ano sa iyong palagay ang nangyari sa batang may sandaang damit? Bakit kaya siya hindi nakakapasok sa eskwela?
  • 29. Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sirasira at nakagiray na sa kalumaan.
  • 30. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang- pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento.
  • 31. . Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay. Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.
  • 32. • Ano ang iyong naging damdamin sa wakas ng kuwento? Bakit ganito ang iyong naramdaman? Alam ba ninyo kung ano ang diskriminasyon? Iugnay ninyo ito sa kuwento.
  • 33. Panuto: Gumuhit ng dalawang klase ng damit . Isang damit na sumisimbulo sa dating ugali ng batang babae sa kuwento at isang damit na nagpabago o nagbigay ng transpormasyon sa pag-uugali ng pangunahing tauhan sa kuwento. Paghambingin ang mga ito. Alin kaya sa palagay mo ang higit na nagpaligaya sa batang babae sa kuwento? Bakit? Kung ikaw ay pipili sa dalawang damit na ito , alin ang isusuot mo? Bakit?