Si Elpidio R. Quirino ay ipinanganak noong Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur, at nagsilbing pangulo ng Pilipinas mula 1948 hanggang 1953 matapos mamatay si Pang. Roxas. Pinangunahan niya ang mga programang pangkaunlaran at mga hakbang laban sa komunismo, kabilang ang pakikipaglaban sa Huk at pagpapadala ng mga sundalo sa digmaan sa Korea. Sa kabila ng tagumpay sa mga kampanyang pangkapayapaan, siya ay natalo sa sumunod na halalan noong 1953 dahil sa laganap na katiwalian sa pamahalaan.