Si Carlos P. Garcia ay pumalit kay Magsaysay bilang pangulo noong Marso 28, 1957 at ipinaglaban ang kalayaan ng Pilipinas sa aspetong pang-ekonomiya sa pamamagitan ng Filipino First Policy at pagbuwag sa dominasyon ng mga dayuhang negosyo. Nagpatupad siya ng iba't ibang programa tulad ng mga pagbabago sa military bases agreement at pagsasabatas ng batas republika blg. 1700, ngunit nakaharap din siya sa mga isyu ng cronyism at malawakang korupsiyon. Sa kabila ng kanyang mga layunin, natalo siya sa halalan noong Nobyembre 14, 1961 dahil sa mga alegasyon ng katiwalian at hindi pag-usad ng mga economic reforms.