2. Pagbabalik-aral:
Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksang tinalakay natin noong
nakaraang pagkikita?
2. Ano ang kakayahang pragmatik?
3. Ano naman ang kakayahang istratedyik?
4. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng di-berbal na
komunikasyon na tinalakay natin noong
nakaraang pagkikita?
3. Layunin:
Pagkatapos ng 1 oras na talakayan, ay inaasahang ang mga mag-aaral
ng 11- HUMSS Cabangcala na matamo ang mga sumusunod na
kasanayan ng may 80% na kawastuhan:
a. naipapaliwanag ang kahulugan at katangian ng kakayahang
diskorsal;
b. nasusuri ang mga iba’t ibang pamantayan sa pagtataya ng
kakayahang diskorsal;
c. nakabubuo ng isang modelo ng isang epektibong komyunikeytor; at
d. naipapahayag ang sariling saloobin tungkol sa makabagong paraan
ng komunkasyon.
4. Panuto: Subuking unawain ang ilang ipinadalang mensahe na nasa
ibaba. Pagkatapos ay magtatawag ako ng mag-aaral upang magbigay
ng kanyang hinuha sa mensaheng ipinadala.
GAWAIN 1
1. ME SKIT TAY MO UWI KA.
2. UWI GALING SAUDI AIRPORT 6 14 FLT
PR1611.
5. Gabay na Tanong:
1. Isang araw ay nakatanggap ka ng isang mensahe galing sa iyong
kaibigan. Ang nakapaloob sa mensahe ay “SAN KNA? KNINA PA
KO HNTAY SAU. LARO MUNA AKO”. Maiintindihan mo ba agad
ang ipinadalang mensahe? Bigyang paliwanag kung bakit ang iyong
sagot ay “oo” o “hindi”.
2. Naging madali ba sa iyo ang pag-intindi sa mga mensaheng ginawa sa
gawain? Ipaliwanag kung bakit ito ay naging madali sa iyo o hindi.
3. Sa iyong palagay, ano ang koneksiyon ng inyong ginawang
paglalarawan sa paksang ating tatalakayin natin ngayong araw?
6. Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyong nasa ibaba. Piliin ang
titik ng wastong sagot sa loob ng kahon.
a. Interpersonal
b. Pang-organisasyon
c. Pangmasa
d. Intrapersonal
e. Pampubliko
f. Interkultural
7. 1. Pagkausap sa harap ng salamin.
2. Usapan sa harap ng malaking grupo.
3. Usapan kasama ang kaibigan.
4. May pag-uusapan tayo mamaya kasama ang ibang
miyembro ng Supreme Student Government.
5. Pagtatalumpati o pagsasalita sa harap ng maraming tao.
8. Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Batay sa ginawang gawain, ano ang inyong naging basehan sa
pagtukoy sa antas ng komunikasyon na makikita sa bawat
pangungusap?
2. Bakit mahalagang matukoy ang antas ng komunikasyon sa
pakikipagkomunikasyon?
3. Para sa inyong sariling pagpapakahulugan ano ang diskurso?
10. Diskurso
- Pag-uusap at palitan ng kuro (UP Diksyunaryong Pilipino, 2010)
Noong kapanahunan ni Aristotle, pinaniniwalaang nakatutok ang
larangan ng komunikasyon sa isang antas lamang, ang
pampublikong komunikasyon. Ito marahil ang dahilan kaya
nabuo niya ang retorika. Tungkol ito sa panghihikayat na
pagsasalita sa harap ng madla. Sa kasalukuyang pag-aaral,
binigyang-halaga ang malawak na gampanin ng isang tao sa
pakikipagtalastasan.
11. Tatlong Antas ng Komunikasyon:
Komunikasyong Intrapersonal- Ito ay ang pakikipagusap sa sarili.
Tinatawag ito na pinakamababang antas ng wika. Ito’y tumutukoy
sa pag-usap ng indibidwal katulad lamang sa replektibong pag-iisip,
pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag
pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.
12. Komunikasyong Interpersonal- Ito ay ang pakikipagusap sa
ibang tao. Ito rin ay ang pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang
indibidwal tungkol sa iba’t-ibang mga paksa.
13. Komunikasyong Pampubliko- Ito ay ang pakikipagusap
sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang mga politiko
na nagkaroon ng talumpati sa madla.
STATE OF THE NATION ADRESS
14. Itinuturing ding antas ng komunikasyon ang sumusunod:
Komunikasyong Pangmasa - Ito ay katulad lamang ng
pampubliko, subalit ito’y mayroong mas malawak na sakop.
15. Komunikasyong Media at mga Bagong Teknolohikang
Pangkomunikasyon- tumutukoy sa pakikipag-ugnay sa
ibang mga tao sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
impormasyon sa kanila at pagtanggap ng impormasyon mula
sa kanila gamit ang internet at ibang social media apps.
17. Komunikasyong Interkultural - pakikipagtalastasang maituturing
nating epektibo upang maipakilala ang kultura ng ibang lahi at
paano makapamuhay ang magkaibang kaasalan, kaugalian, mga
papel na dapat gampanan at mga dapat sunring alituntunin.
18. Kakayahang Diskorsal
- Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na
bumubuo sa isang makabuluhang teksto.
- Tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na
wika.
Masasabi mo bang may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpahayg ng
sumusunod?
“Pumunta ako ng palengke kanina. Maglaro tayo. Makikita mo ang
hinahanap mo. Isasama kita. Marami-rami rin ang kanyang kinain.
Napaiyak ako sa palabas sa telebisyon.”
19. - Coherence o Pagkakaugnay – tumutukoy sa kung paanong napagdidikit
ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasulat o pasalita.
Hal: Nagbago na si Ana. Naging mailsp na siya sa pakikisama sa mga
kaibigan at hindi na rin sumasama sa mga lakad ng kanyang mga
katrabaho. Si Ana ay may asawa na.
Dalawang bagay na dapat isaalang-alang sa paglinang sa
Kakayahang Diskorsal:
Cohesion o Pagkakaisa – tumutukoy sa kung paanong napagdidikit ang
dalawang ideya sa lingguwistikong paraan.
Hal: Nagbago na si Ana. Naging mailap na siya sa pakikisama sa mga kaibigan
at hindi na rin sumasama sa mga lakad ng kanyang mga katrabaho.
20. Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. Pagsali sa iba’t ibang interaksyong sosyal.
b. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba.
c. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika.
d. Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba.
- Pakikibagay (Adaptability)
Ang isang taong may kakayahang pangkomunatibo ay may kakayahang
mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang
pakikipag-ugnayan.
Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng
Kakayahang Diskorsal
21. - Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)
May kakayahan ang isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng komyunikeytor ang sumusunod:
a. Kakayahang tumugon
b. Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. Kakayahang making at magpokus sa kausap
- Pamamahala sa Pag-uusap ( Conversational Management)
Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap.
Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa
ay nagpapatuloy at naiiba.
22. - Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at
pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao
o samahan.
- Bisa
Tumutukoy ito sa isa sa dalawang pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunatibo – ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong may
kakayahang pangkomunatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang
pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan.
- Kaangkupan
Maliban sa bias, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunatibo ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may
kakayahang pangkomunatibo, naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na
pinangyarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.
23. Paglalapat
Unang Gawain
Panuto: Batay sa mga komponent ng kakayahang diskorsal, bumuo ng isang modelong
sumisimbolo sa isang mahusay na komyunikeytor. Isulat sa loob ng katawan ng tao ang
mga kakayahang taglay mo bilang isang epektibong komyunikeytor. Sa mga linya ilalagay
ang iyong paliwanag tungkol sa modelong ginawa.
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
24. Pamantayan sa Pagmamarka ng Gawain:
Kriterya Napakahusay (5) Mahusay (4) Paghusayan Pa (3)
Nilalaman Kumpleto at wasto
ang detalye na
nakasaad sa
ginawang modelo.
May ilang detalye
na hindi dapat isama
sa ginawang
modelo.
Maraming
kakulangan sa
nilalaman ng
ginawang modelo.
Presentasyon Organisado at
sinuring mabuti ang
pagkakasunod-
sunod ng mga ideya
o kaisipan.
Maayos ang
pagkakalahad ng
mga detalye.
Hindi organisado
ang nilalaman. May
3-5 pataas na mga
pagkakamali
Pagpasa ng gawain
sa itinakdang araw
o oras
Naipasa ang gawain
bago o sa araw
mismo ng
itinakdang araw o
oras.
Nahuli ng 1-2 araw
ang pagpasa ng
gawain sa
itinakdang araw o
oras.
Nahuli ng 3 – pataas
ang pagpasa ng
gawain sa
itinakdang araw o
oras.
25. Paglalahat
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang kakayahang diskorsal?
2. Ano-ano ang kayang gawin ng isang taong may kakayahang
diskorsal?
3. Ano ang dalawang bagay na dapat isaalang-alang upang mas
malinang ang kakayahang diskorsal?
4. Ano-ano ang mga pamantayan sa pagtataya ng kakayahang
diskorsal?
5. Bakit mahalaga ang mga pamantayang ito? (Patunayan ang
iyong sagot.)
26. 1. Bilang miyembro ng kabataang tinatawag na
Generation Z o “Gen Z”, ano ang maaari mong
maitulong sa kapwa mo kabataan upang maging
maingat sila sa pagpapahayag ng saloobin sa
social media at nang hindi makasakit o makasira
sa iba?
Pagpapahalaga