Panuto: Tukuyin kungsa
anong pangkat
napabibilang ang mga
sumusunod na instrumento.
Isulat sa iyong kuwaderno
ang DL kung sa Drum and
Lyre, RD kung sa rondalla,
at IE kung sa Indigenous
Ensembles.
5.
Ang mga Antasng Dynamics
Ang awit ay isang uri ng
pagpapahayag ng damdamin. Ang
damdamin na ito ay maaaring
maramdaman sa pamamagitan ng
daloy ng melody nito, pagkakaayos
ng lyrics nito, sa daloy ng rhythm
nito, o kaya naman ay sa antas ng
dynamics na ginamit dito.
6.
Ang dynamics ayang lakas o
hina ng awit, at ito ay may iba’t
ibang antas. Ang dynamics ay
maaaring nakasulat sa
Italyano, Ingles, o sa kahit na
anong lenggwahe ito isinalin,
pero pangkaraniwan na ito ay
nakasulat sa Italyano o Ingles.
Narito ang mga antas ng
dynamics na pangkaraniwang
ginagamit.
8.
Makikita sa talahanayanang
pagkakasunod-sunod ng mga
antas ng dynamics mula sa mahina
hanggang sa malakas. Ang mezzo
forte, ang mezzo ay binibigkas
na /metsō /, ay maihahalintulad sa
lakas ng iyong pagsasalita o
speaking voice. Kapag ang iyong
speaking voice ay iyong hininaan,
ang lakas nito ay maihahalintulad
sa mezzo piano.
9.
Kapag ito ayhininaan mo pang
muli ito ay magiging piano.
Kapag naman ang iyong
speaking voice ay iyong
nilakasan ito ay maihahalintulad
mo sa forte.
Ang crescendo /krə SHen dō/
ˈ ˌ
at decrescendo /dēkrə
ˌ
SHendō/ ay dalawang special
ˈ
dynamics markings.
10.
Ang simbolo ngcrescendo ( ) ay
maihahalintulad mo sa simbolo
ng ‘less than’ sa mathematics,
samantalang ang decrescendo
( ) naman ay maihahalintulad mo
sa simbolo ng ‘more than’.
Maaari ring isulat ang crescendo
sa pinaigsing anyo nito na cresc.
at ang decrescendo naman ay
decresc.
11.
Ang Dynamics atang Kaugnayan
Nito sa Damdamin ng Awit
Ang isang awit ay maaaring
malungkot, masaya, nakakaiyak,
nakakatuwa, nakakatakot, o
nagbibigay ng diwa ng kapayapaan.
Ang mga damdamin na ito ay
maaaring ipahayag sa pamamagitan
ng dynamics katulad ng nabanggit
na kanina.
12.
Ang mezzo pianoat piano ay
maaaring magpahayag ng
kalungkutan o kapayapaan. Ito ay
ginagamit sa isang awit katulad ng
lullaby na inaawit upang patulugin
ang mga sanggol. Ang mezzo
forte at forte naman ay maaaring
magpahayag ng kasiyahan,
katuwaan, pagkagulat,
pagkasorpresa, at minsan ay
katatakutan.
13.
Karamihan sa mgaawit ay
nagsisimula sa mahinang dynamics
at unti-unting lumalakas, subalit
may mga awit na nagsisimula agad
sa malakas na dynamics katulad ng
mga rock songs. Ang koro ng awit
ay malakas sapagkat ito ang
nagsisilbing climax ng isang awit.
Ang isang awit ay maaaring
magtapos ng mahina, papahina,
malakas, o papalakas.
14.
Ang Dynamics saIskor ng
Awit
Pangkaraniwan na ang
dynamics ng isang awit ay
makikita sa iskor nito. Ito ay
nakasaad o nakasulat sa itaas
o ibaba ng staff. Ating pag-
aralan ang iskor ng ‘Pilipinas
Kong Mahal’ na nasa ibaba.
16.
Makikita sa iskorng ‘Pilipinas Kong
Mahal’ ang iba’t ibang dynamics na
nakasulat sa itaas ng staff: mp, mf,
f, at decrescendo ( ). Nakaposisyon
ang mga dynamics na ito kung
saang bahagi ng awit ito
magsisimula. Ang epekto ng isang
dynamics ay may bisa hanggang
walang bagong dynamics na
sumusunod dito upang ito ay
mabago.
17.
Maaring isaad angdynamics sa iskor ng awit sa iba’t
ibang paraan. Pag-aralan ang mga iskor na sumusunod.
18.
Panuto: Sagutan angmga
sumusunod na tanong. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang dynamics?
a. bilis at bagal ng isang awit
b. lakas at hina ng isang awit
c. daloy ng tono ng isang awit ayon
d. pagkakaayos ng rhythm ng isang
awit
19.
2. Alin samga sumusunod ang
isang antas ng dynamics?
a. andante b. moderato
c. piano d. rondo
3. Ano ang ibig sabihin ng forte?
a. mahina b. medyo mahina
c. malakas d. medyo malakas
20.
4. Alin samga sumusunod ang simbolo
para sa crescendo?
5. Ano ang dynamics na nakasaad sa iskor
ng awit?
a. mahina
b. medyo mahina
c. papahina
d. mahinang-mahina
21.
Panuto: Punan ngmga angkop na salita
ang mga patlang. Piliin ang iyong sagot
sa mga salita na nasa loob ng kahon.
Ang __________ ay nagbibigay
__________ sa isang awit. Ang mga
damdamin na ito ay maaaring
__________, __________ atbp ayon sa
gustong ipahayag ng __________.
Panuto: Isulat angTama sa iyong
kuwaderno kung ang mga
pangungusap ay nagsasaad ng
tamang konsepto tungkol sa
dynamics at Mali naman kung hindi.
______1. Ang dynamics ay
ginagamit upang isaad ang
damdamin ng isang awit.
______2. Ang allegro ay isang uri ng
dynamics.
24.
______3. Ang simbolong
crescendo ay maihahalintulad sa
simbolo ng lesser than sa
mathematics.
_______4. Pangkaraniwang ang
masayang awitin ay may
malakas na dynamics.
_______5. Ginagamitan din ng
malakas na dynamics ang lullaby
25.
A. Punan angtalahanayan ng mga naaayon na termino,
simbolo o mga salita. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.
Panuto: Basahin nangmabuti ang
bawat katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ito ay isang uri ng paglilimbag kung
saan natatangi ang bawat malilikhang
larawan sa pamamagitan ng paglalagay
o pagdaragdag ng tinta (additive
method) o pagtatanggal o pagbabawas
ng tinta (subtractive method) sa malinis
na plate na karaniwang metal o salamin.
29.
A. cardboard printingB. monoprinting
C.linoblock print D. string print
2. Ito ay ang pagkakaiba o
pagkakasalungat ng kulay, hugis, o
linya upang mabigyan emphasis o diin
ang paglilimbag.
A. balance B. harmony
C. contrast D. rhythm
30.
3. Ito aysining na nagsimula sa bansang Tsina
na ginamit sa pagtala ng kasaysayan ng
kanilang bansa. Ginamit din nila itong paraan
ng pagkukuwento gamit ang mga larawan.
A. eskultura B. paglilimbag
C. pagguhit D. pagpipinta
4. Ito ay isa sa mga pambihirang tanawin na
makikita sa mga bulubundukin ng Cordillera.
A. Bulkang Mayon B. Pagsanjan Falls
C. Chocolate Hills D. Rice Terraces
31.
5. Ito ayginagamit upang magpakita o
magparamdam ng paggalaw sa
isang likhang-sining. Maipakikita ito sa
maingat na paglalagay at pagsasaayos
ng paulit-ulit na kulay, linya o hugis.
A. contrast
B. rhythm
C. proportion
D. scale
Mayaman ang Pilipinassa mga
katutubo o tradisyonal na sining.
Makikita ang mga ito sa mga
kanayunan na ginagawa ng mga
mamamayan bilang bahagi ng pang
araw-araw na gawain sa paglikha ng
ibat-ibang bagay para sa sariling
pangangailangan o gamit sa mga
pagdiriwang.
34.
Ang mga uring sining na katulad nito
ay nabibilang sa 3D o three-
dimensional art. Ito ay maaaring
malayang makatayo, may taas at
lapad, at may anyong pangharap,
tagiliran at likuran. Kinakailangan ang
sapat na balanse sa isang 3D art. Ang
mga kagamitan sa paggawa nito ay
maaring luwad, kahoy, hibla ng
halaman, lumang papel, at iba pa.
35.
Ang mga kasanayanat kaalaman sa
paggawa ng mga likhang- sining
tulad ng mobile, paper mache at
paper beads at ang pagiging
mapamaraan sa paglikha ng mga
obra na maaring mapakinabangan
natin bilang palamuti sa katawan at
kapaligiran at mas lalo na kung
mapagkakakitaan sa
36.
pamamagitan ng pagbentadito ay
lubos na makatutulong sa atin at sa
ating pamilya. Sa modyul na ito,
tatalakayin ang tatlong halimbawa
ng 3D art. Kabilang dito ang mobile
art o gumagalaw na sining,
pagtataka o paper mache, at
paggawa ng mga paper bead.
37.
Ang Gumagalaw naSining
(Mobile Art)
Nakakita ka na ba ng mga palamuting
sinasabit at gumagalaw? Ang tawag dito ay
mobile art. Karaniwan itong nabibili sa mga art
store, decor shop, at tindahan ng gamit
pangsanggol. Ang mobile ay isang gawang
sining na sa nagmula bansang Tsina na ginawa
mula sa palamuting bubog na may pinta na
nakasabit sa pinto o bintana na tumutunog
kapag nahanginan.
38.
Ang mobile artay isang uri ng
kenetikong eskultura na kung saan
ang mga bagay ay isinasabit sa mga
tali, kawad at kabilya upang malayang
makagalaw at makaikot. Ginagamit
itong pandekorasyon sa mga tahanan
at maging sa paralan.
Halimbawa nito ay parol at lampara.
40.
Upang maging makabuluhanang
paggawa ng mobile art ay
kailangang lagyan ng diwa tulad ng
pangangalaga sa kalikasan,
pagpapahayag ng yaman ng kultura, o
pagsasalaysay ng isang kuwento. Mas
mabuti ring gumamit ng mga bagay na
nagamit na at maaaring i-recycle
upang mabigyan ng bagong buhay.
41.
Maaari ring gumamitng mga
found object o mga bagay na
napulot tulad ng mga kabibe,
maliliit na bato, at iba pa. Ang
iyong pagiging malikhain ang
matatag na pagmumulan ng
magandang mobile art na
magagawa.
42.
Panuto: Tukuyin kungmobile art,
paper mache, o paper beads ang
mga sumusunod na 3D art.
44.
Panuto: Piliin nangmay
buong katapatan ang mga
sumusunod na pamantayan
ayon sa paggawa ng mobile
art. Lagyan ng (/ ) ang
angkop na kahon. Gawin ito
sa sagutang papel.
Panuto: Isulat sasagutang papel ang
salitang bubuo sa pangungusap.
1. Ang ________ ay isang uri ng 3D
art na maaaring gumalaw.
2. Sa pagsabit sa ________ na lugar
ay lubusang mahahangaan ang mobile
art.
3. Sapat na ________ ay mahalaga
para sa pagbuo ng isang 3D art.
48.
4. Kinakailangang ________ang
mga elemento at kulay ng sining at
disenyo sa pagbuo ng mobile art at
iba pang 3D art.
5. Ang ________ ay uri ng sining na
may taas, lapad, anyong paharap,
tagiliran at likuran at maaring
malayang tumayo sa isang lugar.
49.
Panuto: Sagutin angmga sumusunod
na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Ano ang tinatawag nating 3D art o
three-dimensional art?
2. Ano-ano ang mga halimbawa ng 3D
art? Magbigay ng tatlo.
3. Ano naman ang tinatawag na mobile
art?
Panuto: Lagyan ng/ kung ang gawain na
nakasaad ay makatutulong upang maging aktibo,
alerto, at malusog ang isang tao at X kung hindi
nakatutulong upang maging aktibo.
_____________ 1. pakikilahok sa mga gawaing
pang isports.
_____________ 2. pagkain ng junk foods.
_____________ 3, paggamit ng elevator sa halip
na hagdanan.
_____________ 4. paglalaro ng bisekleta tuwing
umaga.
_____________ 5. pagsasayaw sa loob ng bahay
araw-araw.
Ang Physical ActivityPyramid ng isang
batang Pilipino ang siyang ginagawang batayan kung
nagagawa mo ang mga gawaing pisikal na
makatutulong upang mapaunlad ang iyong pamumuhay
o lifestyle. Ang pagkain ng wasto at masustansiyang
pagkain kasabay ng tamang ehersisyo ng katawan ay
makatutulong upang magkaroon ng malusog at
malakas na pangangatawan. Ang pagtataglay ng
physical fitness ay ang kakayahan ng katawan
magawa ang mga kasayanan ng mga
sangkap at components nito.
56.
Ang pagsayaw ayisang pisikal na
aktibidad na magbibigay pagkakataon sa
ating katawan na gumawa ng ibat-ibang
galaw sa loob ng tinakdang oras at lugar.
Tinituring ito ng iba bilang isang uri ng
ehersisyo. Kung titingnan ang Philippine
Physical Activity Pyramid sa naunang
aralin nirerekomenda ang pagsayaw
nang dalawa hanggang tatlong
beses sa isang lingo.
57.
Ang pagsayaw ayang sining
ng paglipat ng mga bahagi ng ating
katawan sa ritmo ng musika
Gumagamit ito ng mga hakbang at
kilos sa pamamagitan ng iyong mga
paa, braso, ulo at katawan.
Mahalaga ang ekspresyon sa
mukha kung ano ang
nararamdaman.
58.
Ang anim nasangkap ng Skill-related
fitness ay ang sumusunod:
Agility ( liksi )
Ang kakayahang magpalit o mag-iba ng
posisyon ng katawan nang mabilisan at
naaayon sa pagkilos. Ang mga taong
maliksi ay kalimitang magaling sa
larangan ng wrestling,diving, soccer,
tennis, at badminton.
59.
Balance ( balanse)
Ang kakayahan ng katawan na manatili
sa wastong tikas at kapanatagan habang
nakatayo sa isa o dalawang paa (static
balance). Ang isang tao na nagtataglay
ng kasanayan sa pagbalanse ay
kalimitang mahusay sa mga gawain tulad
ng gymnastic at ice skating.
60.
Coordination (koordinasyon)
Ang kakayahangmagamit ang mga
pandama kasabay ng isang parte o higit
pang parte ng katawan. Ito ang kakayahan
ng ibat-ibang parte ng katawan na kumilos
nang sabay-sabay na parang iisa na
walang kalituhan. Ang mga manlalaro ng
basketbol, baseball, softball, tennis, at golf
ay nagtataglay ng ganitong kakayahan.
61.
Power
Ang kakayahan gamitinnang mabilis ang
lakas. Ito ang kombinasyon ng bilis at lakas.
Ang mga manlalaro ng swimming, athletics,
at football ay ilan lamang sa mga gumagamit
ng power.
Speed ( bilis )
Ang kakayahan ng katawan na gumalaw o
makasaklaw ng distansiya sa maikling
takdang panahon. Ang lakas ay kalimitang
62.
ginagamit sa mgalarong takbuhan,
gayundin sa mabilisang pagpasa o
pagbato at pagsalo ng bola.
Reaction Time
Ito ang kakayahan ng mga bahagi ng
katawan sa mabilisang pagkilos sa
pagsalo, pag-abot at pagtanggap ng
paparating na bagay o sa mabilisang
pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o
pangyayari.
63.
A. Pagmasdan anglarawan at isulat ang sangkap ng
skill-related fitness na dapat taglayin sa bawat
gawaing pisikal.
Panuto: Basahin atunawaing mabuti ang mga
tanong. Piliin ang pinaka angkop na sagot.
1. Anong gawain ang dapat gawin ng dalawa
hanggang tatlong beses ayon sa Physical
Activity Pyramid Guide?
A. paglalaro
B. paglalakad
C. pagtakbo
D. pagsayaw ng ballroom
67.
2. Alin samga sumusunod ang naglalarawan sa
layunin ng Philippine Physical Activity Pyramid
Guide?
A. Ito ay naglalayon na mapaunlad ang physical
testing sa mga batang Pilipino
B. Ito ay batayan sa gawaing mapaunlad ang
pisikal na pangangatawan
C. Ito ay ginagamit na batayan sa pagsasagawa ng
mga gawain sa paaralan
D. Ito ay batayan sa pagpapaunlad ng
buhay ng mga kabataang Pilipino
68.
3. Alin samga sumusunod ang mga
sangkap ng skill- related fitness?
A. liksi, balanse, koordinasyon, power, bilis,
reaction time
B. balanse, liksi, koordinasyon, reaction
time, flexibility,endurance
C. liksi, flexibility, koordinasyon, reaction
time, bilis, body composition
D. cardiovascular, endurance, muscular
endurance, muscular strength
69.
4. Nakatutulong itoupang mapanatiling malakas
at malusog ang pangangatawan ng mga batang
Pilipino?
A. physical activity pyramid guide
B. teacher’s guide C. learner’s guide D. guide
5. Alin sa mga sumusunod ang dapat linangin upang
magawa ang kasanayan sa paglalaro, pagsasayaw, o
mga gawaing pang
araw-araw nang buong husay?
A. skill-related fitness B. physical fitness
C. health-related fitness D. physical activity
A. Panuto: Lagyanng tsek ( √ ) ang mga
sumusunod na mga kagamitan kung kailangan
ito sa pangunang lunas.
74.
Mga Panuntunan saPagbibigay ng
Paunang Lunas
Ang Paunang Lunas o First Aid ay ang
madalian at mabilis na pansamantalang
paggamot na ibinibigay sa naaksidenteng
tao hanggang dumating ang isang
propesyunal. Isinasagawa ito ng isang
taong pangkaraniwan hanggang sa
75.
panahong maaari nangibigay ang
mas dalubhasang tulong pang-sagip
buhay ng mga manggagamot. Isa sa
karaniwang dahilan kung bakit may
mga taong nag-aatubiling tumulong
sa isang biktima ng sakuna o biglaang
karamdaman ay kaba
at takot.
76.
Hindi maiiwasang mangambana baka
imbes makatulong ay mas lalong
mapasama ang sitwasyon. Sa bawat
paglapat ng lunas para mapatagal
ang buhay ng isang tao, kailangang
maisaalang-alang kung ligtas at hindi
makalala ito sa
77.
kalagayan ng taongnapinsala.
Mahalaga rin na masigurong ligtas sa
pahamank ang taong maglalapat ng
pangunahing lunas. Magiging
epektibo lamang siya sa kaniyang
gagawin kung maayos at ligtas ang
kaniyang kalagayan
78.
Panuto: Isulat angTama kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap at Mali kung
hindi wasto.
________ 1. Huwag agad makialam sa
taong naaksidente.
________ 2. Bigyan ng agarang paunang
lunas kahit na di pa tiyak kung ligtas para
sa magbibigay ng lunas.
79.
________ 3. Siyasatinng mabilisan ang
lugar na pinangyarihan ng aksidente.
________ 4. Dalhin sa pinakamalapit na
ospital kung kinakailangan ng biktima
matapos na mabigyan ng paunang lunas.
________ 5. Tiyaking ligtas at di
mapanganib para sa magbibigay ng
paunang lunas.
80.
A. Ibigay angmga panuntunan sa pangunang lunas. Isulat ito
sa graphic organizer.
81.
Ano ang kahalagahanng
pangunang lunas sa mga
taong napinsala ng
sakuna o karamdaman?
82.
Panuto: Basahin mabutiang mga pangungusap at
piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Naliligo kayo ng iyong pamilya sa dagat. Nang
mapansin mo na nalulunod ang iyong kapatid. Ano
ang una mong gagawin?
a. Sumigaw ng “tulong!” para makatawag pansin sa
mga taong malapit sa pinangyarihan ng insidente.
b. Tumakbo agad at sabihin sa rescue team.
c. Puntahan agad ang iyong kapatid para
tulungan ito.
d. Tumunganga at kunwari’y walang nakita.
83.
2. Nasa loobka ng iyong kusina habang
naghahanda ng napakasarap na pagkain para
sa iyong pamilya, dahan-dahang hinihiwa ang
gulay nang hindi mo inaasahan, nahiwa mo ang
iyong daliri. Ano ang iyong gagawin?
a. Iiyak nalang at sasabihin sa magulang.
b. Magsisigaw at tatakbo para mapansin ng
iyong pamilya.
c. Hahayaan na lamang ito.
d. Agad hugasan ng malinis na tubig
at lapatan agad ng paunang lunas.,
84.
3. Habang naglalakadka sa hagdan ng
inyong paaralan, nakita mo ang isang bata
na nahulog sa hagdan at hindi na
makatayo. Ano ang una mong gagawin? a.
Maglalakad nalang at kunwaring walang
nakita.
b. Tatawanan na lamang ito.
c. Tawagin agad ang guro para agad na
matulungan ang bata.
d. Sasabihin sa bat ana magingat sa
susunod.
85.
4. Habang naglalakadsa kalye ay
napansin mong may matandang nahihilo.
Ano ang iyong gagawin?
a. Hayaan na lamang ito at tumuloy sa
paglalakad.
b. Sabihin mong umupo muna at bigyan
ng tubig.
c. Tawanan na lamang ito.
d. Wala sa mga nabanggit.
86.
5. Habang ikaway naglalakad napansin
mong hinahabol ka ng aso at bigla-bigla
kinagat ang iyong paa. Ano ang una mong
gagawin?
a. Agad na hugasan ng sabon at sabihin sa
magulang para agad na madala sa ospital.
b. Magkunwaring hindi nakagat ng aso.
c. Huwag sasabihin sa magulang ang
nangyari.
d. Wala sa mga nabanggit.
87.
Panuto: Sagutin angmga tanong sa ibaba at
isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Ano ang pangunang lunas (first aid)?
2. Ibigay ang tatlong pangunahing layunin ng
pangunang lunas? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang matutunan natin
ang mga pangunahing kasanayan sa
pagbibigay ng pangunang lunas?
Mga Panuntunan ngPangunang Lunas
1. Tiyaking ligtas na lapatan ng pangunang lunas
ang biktima ng pinsala o karamdaman.
Mahalagang maging mapanuri bago lapitan ang
biktima at umpisahang bigyan ng pangunang
lunas. Suriin ang lugar.
Magmasid sa paligid at siguraduhing ligtas na
lapitan ang biktima at hindi ka
mismo mapapahamak sa paglapit.
90.
Siguraduhin na walangdagdag na
kapahamakan na idudulot sa biktima ang
paglapit at paglapat ng lunas. Alamin
muna kung ano ang karamdaman ng
pasyente. Kapag ito ay karaniwang
pinsala kagaya ng sugat, balinguyngoy,
kagat ng insekto, o paso, kaagad itong
lapatan ng pangunang lunas tulad
ng betadine, ointment, at iba pa.
91.
Kung ang bikimaay nabalian ng buto o napilayan,
hindi ito maaaring alisin sa kinalalagyan o ilipat ng
puwesto ang katawan. Hintayin ang mga bihasa
sa paglapat ng pangunang lunas. Maaaring ilipat
ang kinalalagyan ng mga taong biktima ng sunog
o tubig sa pamamagitan ng paghila at hindi
patagilid. Kung walang stretcher, maaaring
gamitin ang kumot o board
na ilalagay sa likuran ng biktima.
92.
2. Unang isaalang-alangang kaligtasan
ng biktima ng pinsala o karamdaman.
Laging isaalang-alang ang kapakanan ng
biktima ng sakuna sa lahat ng
pagkakataon at dapat alamin ang
pangyayaring nagaganap. Alisin kaagad
sa katawan ng biktima ang anumang
bagay na mabigat na nakadagan
93.
nakadagan o nakapatongsa kaniyang
katawan. Sa mga tao naman ng
biktima ng kuryente kapag
kasalukuyan itong nangyayari, patayin
kaagad ang pinagmumulan ng
kuryente at ilipat sa ligtas na lugar
ang biktima.
94.
3. Magsagawa ngpangunang pagsusuri.
Kailangang suriin muna ang biktima bago lapatan
ng pangunahing lunas. Unahin munang suriin ang
mga may kaugnayan sa daanan ng hangin, ang
bibig, at ilong ng biktima. Kung walang balakid sa
daanan ng hininga, dapat na isunod na suriin ang
pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon o
pagdaloy ng dugo sa katawan. Dapat din alamin
kung kailangan ng biktima ng Resusitasyong
Kardyopulmonaryo o CPR (Cardiopulmonary
Resuscitation).
95.
4. Isagawa angmadaliang aksiyon o
kilos. Unahin ang dapat unahin. Dapat
tandaan ng mga tagapagbigay ng
pangunahing tulong panlunas ang ABC o
mga hakbang sa pagbibigay ng mga
paunang tulong-pansagip ng buhay bago
magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang
paglalapat ng pangunang lunas.
96.
● A-Airway oDaanan ng Hangin
● B – Breathing o Paghinga
● C – Circulation o Pagdaloy ng Dugo sa
Katawan
May ilang mga bansa na nagtuturo ng
tatlong B (ang 3 B), na katulad ng ABC ang
pagkakasunud-sunod ng kahalagahan:
● Breathing o Buga ng paghinga (Bantay-
hininga)
● Bleeding o Balong ng dugo
97.
● Broken boneso Baling buto
5. Humingi ng tulong. Isipin lang ang
katagang kaalaman sa paglapat ng
pangunanglunas, huwag mag-atubiling
humingi ng tulong sa mga eksperto o
espesyalista upang makapagsalba
ng isa o mahigit pang buhay.
98.
A. Iguhit angkung nagpapakita ng
😊
pagsangayon sa pangungusap at naman
☹
kung hindi.
99.
Magtala ng limang(5)
konsepto na iyong
natutunan sa araling ito.
Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.
Panuto: Piliin angtitik ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang __________ ay ang pagbibigay ng
pangunahing tulong, kalinga at pangangalaga
sa mga taong napinsala ng sakuna o
karamdaman.
A. pangunang lunas
B. pagpapanatili ng buhay
C. pagtaguyod sa paggaling
D. pananggalang sa sarili
102.
2. Sino samga sumusunod ang maaring
magsagawa ng first aid o pangunang lunas? A.
doktor na may aparato
B. nars na may mga dalang gamot
C. guro na may sapat na kasanayan
D. karaniwang tao na may wastong kaalaman
3. Alin sa mga sumusunod ang dapat unahing
suriin bago magsagawa ng pangunang lunas?
A. pagdaloy ng dugo sa katawan
B. daanan ng hangin
C. buga ng hangin
D. pagdurugo
103.
4. Alin samga sumusunod ang HINDI
kabilang sa dapat bigyan ng pangunang
lunas?
A. natutulog
B. nasugatan
C. nawalan ng malay
D. nabalian ng buto
104.
5. Alin angpangunang lunas ang
nararapat ibigay sa taong may
balinguyngoy o nagdurugo ang ilong?
A. imasahe ang ilong ng pasyente
B. painumin ng maraming tubig
C. takpan ang ilong nga bendahe
D. painumin kaagad ng gamot