6. Narito ang mga salita/ parirala na
ginagamit sa pagbibigay ng
alternatibong solusyon:
makabubuti siguro…
higit na mainam….
ganito ang dapat gawin…
kailangan….
una mong dapat gawin…
makabubuting…
makatutulong ng malaki…
dapat ay ganito…
7. 1. Makabubuti siguro kung
kakausapin mo muna siya ng
masinsinan.
2. Kailangan nating magkaisa
upang matupad ang ating
minimithi.
8. 3. Higit na mainam kung
magkakaroon ng sapat na
trabaho dito sa ating bansa.
4. Ito ang dapat nating
gawin, magtanim pa ng
maraming puno para sa
mga susunod pang
henerasyon.
9. Pagpapakahulugan
1.Ang kahulugang denotatibo ay ang literal
na kahulugan ng isang salita na
matatagpuan sa diksyunaryo.
2.Habang ang konotatibo ay tumutukoy sa
ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang
salita depende sa intensyon (agenda) ng
nagsasalita o sumusulat.
10. Halimbawa:
a. Pusang itim
Denotasyon : uri ng hayop na nangangalmot,
kulay itim at ngumingiyaw
Konotasyon : nagbabadya ng kamalasan o
kamatayan
b. Kamay na bakal
Denotasyon : bakal ang kamay
Konotasyon : paghihigpit
11. 3. Ang kasingkahulugan ay dalawang
magkaibang salita na pareho o magkatulad
ang kahulugan o ibig sabihin.
Halimbawa:
a. maganda- marikit
b. mabango- masamyo, mahalimuyak
4. Ang kasalungat na kahulugan ay kabaliktaran
ng isinasaad ng salita.
Halimbawa: a. maganda- pangit
b. mabango- mabaho, maamoy,masangsang