Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at OpinyonDesiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at OpinyonDesiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan
(F8PB-IIc-d-25)
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan
(F8PU-IIc-d-25)
Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng bawat kalahok sa napanood na balagtasan
(F8PD-IIc-d-24)
Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad na may pagsang-ayon at pagsalungat
(F8PU-IIc-d-25)
Pamantayan sa loob at oras ng talakayan sa klase:
Makinig habang ang guro ay nagsasagawa ng talakayan.
Makilahok at makibahagi sa mga gawain .
Itaas ang kamay kung may nais na itanong o ibahagi sa klase/ talakayan.
Panatilihin ang pagsusuot ng face mask at magkaroon ng social distancing.
Sa pamamagitan ng Estratehiyang KWL, tukuyin kung anu-ano ang mga bagay o kaisipang alam na at nais malaman at sa pagtatapos ng araling ito, isusulat niyo naman kung anu-ano ang inyong natutunan tungkol sa Balagtasan.
2. Pagkakaisa
Maraming sinulid na mumunti
Mahihina kapag nag iisa,
Ngunit matapos mahabi
Naging pinaka mahusay na bandila.
Marami ring mga tao
Na ibat iba ang kalagayan,
Pag nabigkis ng pag ibig at layunin na totoo
Nagiging bayang makapangyarihan.
3. Mga katanungan…
• a. Ano ang pamagat ng tula?
• b. Bakit ito pinamagatang Pagkakaisa?
• c. Bakit sinabing mahina kapag nag iisa?
• d. Ano ang masasabi mo sa ikalawang saknong?
• e. Sa palagay mo bakit sinabing makapangyarihan ang bayang nabigkis ng pag ibig at
layunin na totoo?
• f. Ano ang nais ipakahulugan ng tula?
• g. Bakit mahalaga sa tao na may pag ibig sa kapwa?
• h. Magkaroon ng talakayan sa mga sagot ng mga mag-aaral.
• ( Hayaan ang mga mag aaral na makapag bigay ng kanilang sariling opinion batay sa
knilang sariling karanasan. )