Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay itinatag upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng mga LGBT at tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa diskriminasyon at karapatan. Binubuo ito ng 29 na prinsipyo na batay sa pandaigdigang batas ng karapatang pantao, na nagtataguyod ng karapatan sa buhay, trabaho, edukasyon, at pakikilahok sa buhay-publiko at ipinagbabawal ang diskriminasyon batay sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ang Pilipinas, sa ilalim ng Magna Carta for Women at Anti-Violence Against Women and Their Children Act, ay may mga batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan laban sa karahasan at diskriminasyon.