1. Epekto ng Migrasyon
sa Pamilyang Pilipino.
Modyul 16
UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO
KABACAN, COTABATO
2. Ang Migrasyon at epekto nito sa
Pamilyang Pilipino
Ang Migrasyon ay ang paglipat ng isang tao
patungo sa isang lugar para humanap ng mga
kalakal. Ang Migrasyon ay ang pagiging dayuhan ng
mga tao sa isang bansa.
Ang mga pinag-uugutan nito ay naaayon sa mga
pangangailangan ng bawat indibidwal at ng
Pamilyang kinabibilangan.
3. Ang pag-usbong ng migrasyon
Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula
sa paglipat o pagdayo ng mga mamayang taga
baryo patungong lungsod. Ang mga anak ay
dumadayo sa lungsod upang makapag-aral sa mas
mataas na paaralan o maging sa mga kolehiyo,
hanggang sa doon na rin makapagtrabaho.
4. Ang Migrasyon sa makabagong panahon ay
nagkakaroon ng bagong mukha, na kung saan
malimit noon ay mga anak ang nang-iibang
bayan upang makapag-aral at makapag
trabaho , at ang mga magulang na lalaki ang
karaniwang dumadayo sa ibang lugar o pook
upang makapaghanap buhay para sa kanilang
mga pamilya.
5. Ang dahilan ng migrasyon
Ang mga aspekto ng nagtutulak sa
kagustuhang makapagtrabaho sa ibang bansa
ng mga Pilipino ay may iba't ibang dahilan.
Ang mga karaniwang dahilan ay mataas na antas
ng pamumuhay, kakulangan ng oportunidad na
makapagtrabaho, at kagustuhang mapagtapos sa
pag-aaral ang mga anak.
6. Mga epekto ng migrasyon sa
Pamilyang pilipino
Ang Migrasyon ay patuloy na lumalawak dahil na rin
sa mga positibo nitong epekto. Narito PA ang ilan sa
mga naidudulot na kabutihan na ito:
Ang perang padala ng OFW’s sa kanilang mga pamilya
ay nakatutlong nang malaki sa pag-angat ng
kalagayang pangkabuhayan ng bansa, naipapamalas
ang kulturang Pilipino sa ibang lahi, nagagamit at
tumitingkad ang mga talino at kagalingan ng mga
Pilipino sa ibang bansa.
7. Narito ang epekto ng migrasyon
na dapat harapin
1.Ang pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamaraan sa
pamumuhay.
2.Ang mabagal na pag unload sa pangkaisipan at panlipunan na
aspekto ng mga anak.
3.Maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa at
panghihina ng katatagan ng pamilya.
4.Ang nagbabagong konsepto ukol sa tradisyonal na pamilya sa
transnasyonal na pamilya.
5.Ang pagkakaroon ng puwang at kakulangan ng makabuluhang
komunikasyon at atensyon ng magulang sa anak at ng ank sa
magulang.
8. Pagharap sa Hamon ng Migrasyon
–
–
Ang pagharap sa mga epekto ng migrasyon sa
Pamilyang Pilipino ay nangangailangan ng mga
kongkretong hakbang upang maging handa ang mga
anak at magulang at upang mapagtagumpayan ang
mga negatibong epekto ng pangiibang bansa.
“Itinuturing na ang pag-sasawa at ang buhay
pagpapamilya ay nag uugnay sa kalikasan ng
pagkatao.”
9. Ang mga sumusunod ay mga
hakbang upang maging handa sa
mga epekto
ng migrasyon sa Pamilyang Pilipino
(Marie E. Aganon, 1995)
10. 1.Pagoorganisa at pagbuo ng mga counselling centers.
2.Patuloy na paghubog ng mga pagpapahalaga at birtud
sa mga anak.
3.Pagoorganisa at pagbibigay ng mga programang
pangkabuhayan.
4.Pagbibigay ng mga programang pang OCW’s.
11. Narito PA ang mga karagdagang hakbang
upang maging handa sa epekto ng migrasyon.
1. Pagpapanatili at pagpapatatag ng bukas na komunikasyon sa
pagitan ng mga miyembro ng pamilya.
2. Ang pagkakaroon ng regular sa pang-spiritual na counselling sa
mag-asawa.
3. Ang pagpapaunlad at pagpapatatag ng kultura sa Pamilyang
Pilipino.
4. Mapanatili ang matatag na pagmamahalan, pagtitiwala, at
paggalang sa bawat miyembro ng pamilya.
5. Pagpapalawak sa kamalayan ng mga kabataan ukol sa pagiging
mapanagutan sa mga gampaning pampamilya.
12. Ang Migrasyon ay may Malalim na pinagugatan. Ang hamon nito ay
ang pag- agapay ng mga Pamilyang Pilipino sa pagtuloy na pag-usad
ng globalisasyon nang may katatagan. Ayon kay Dr. Manuel Dy, “ang
moral na paghusga sa globalisasyon ay hindi madali, dahil sa
katotohanang ito ay kasalukuyan pa Lang nagaganap at patuloy.
Mahirap buwagin ang ordinaryong pamilya sa ganitong sitwasyon.
Subalit, hindi dapat making balakid ito sa patuloy na pagpapatatag
ng Pamilyang Pilipino, sa paghubog sa pagkatao ng mga miyembro
nito at ang pagpapanatili sa acting kultura ng pagkakakilanlan. Sa
halip harapin ito at tugunan ng may katatagan.