2. Ang unang sibilisasyon ng
bansang Gresya ay lumitaw sa
isla ng Crete sa pagitan ng 3000
at 2000 BCE. Ang sibilisasyong
ito ay tinawag na Minoan sa
karangalan ni Haring Minos na
sinasabing naghari noon.
3.
4. • Ang mga ninuno ng ng taga-Crete ay
nanggaling sa Anatolia at Syria. Sila ay
magagaling na mandaragat at dumating sa
Crete sa pagitan ng 4000 at 3000 B. C. E.
5. Ang Lungsod ng Knossos
• Arthur Evans – Isang English na arkeologo na
nagsagawa ng paghuhukay noong 1899 sa
Knosos.
• Knossos – Isang matandang lugar na nabanggit
ng bantog na manunulat na si Homer sa kanyang
mga akdang Iliad at Odyssey.
• Fresco – Mga larawang mabilisan subalit
bihasang ipininta sa mga dinding na basa ng
plaster upang kumapit nang husto sa pader ang
mga pigment ng metal at mineral oxide.
6.
7.
8. Ang kabisera ng kabihasnang Minoan ay ang Knossos,
matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo. Lahat ng daan sa Crete
at nagtatapos sa Knossos. Ang iba pang mahahalagang lugar ng
kabihasnang Minoan sa Crete ay Phaestos, Gournia, Mallia at
Hagia Triadha.
9.
10. Ang Alamat ng Minotaur
Minotaur – Isang
dambuhala na may ulo
ng toro at katawang
tao. Ito ay naninirahan
sa silong ng palasyo ng
Knossos kung saan
maraming mga sanga-
sangang pasilyo.
11. Sistema ng Pagsulat
• Michael Ventris (cryptologist) at John
Chadwick (classical scholar) –
Pinatunayan nila na ang Linear A ay
sistema ng pagsulat ng mga Minoan.
Samantalang ang Linear B ay sistema ng
pagsulat ng mga Myvcanean.
12. Sistema ng Pagsulat
• Noong hukayin ni Evans ang palsyo ng
Knossos, marami siyang natagpuang lapida
na gawa sa luwad. Dalawang uri ng sistema
ng pagsulat ang nakita niya na tinawag niya
bilang Linear A at Linear B.
13. Ang mga taga-Crete ay may
mga produktong maaaring
ipagbili sa ibang lugar gaya ng
palayok na gawa sa luwad at
mga sandata na gawa sa
tanso. Ipinagpapalit nila ang
mga ito para sa ginto, pilak at
butil ng pagkain.
Kalakalan sa Ibayong
Dagat
14. Ang Sining ng Minoan
Ang sining ng pagpipinta ay ipinakita ng mga
Minoan sa dalawang larangan – sa mga fresco at
mga palayok.
15. Ang Sining ng Minoan
FRESCO – Mga larawang
mabilisan subalit bihasang
ipininta sa mga dinding na
basa ng plaster upang kumapit
nang husto sa pader ang mga
pigment ng metal at mineral
oxide.
16. Ang Sining ng Minoan
BULL DANCING – imahe na
madalas inilalarawan ng mga
fresco ng mga Minoan.
17. Tinanggap ng mga Minoan ang impluwensya ng Egypt
sa kanilang sining. Ilan sa mga ito ay ang double axe,
figure-of-eight shield at ang trident
18. • Ang mga Mycenaean ay mga katutubo ng lugar sa paligid
ng Caspian Sea.
• Noong 1900 BCE, lumikas sila at pumunta sa Greece kung
saan sila nagtatag ng kanilang mga sariling lungsod
19. • Agamenon – Ang pinakatanyag na hari
ng Mycenaea.
• Heinrich Schliemann – Nakatuklas ng
guhong labi ng Mycenaea.
Mycenaea at Troy
20. • Troy – Lungsod na matatagpuan sa
Turkey malapit sa HELLESpont na
yumaman at naging makapangyarihan
dahil sa lokasyon nito.
• Iliad – Isang epiko ng naganap na
labanan at umiinog sa kwento ni Achilles,
isang mandirigmang Greek, at ni Hector
na isang prinsipeng Trojan.
• Homer – Isang bulag na makata na
nabuhay noong ikawalong siglo sa Asia
Minor
(kasalukuyang Turkey) na sumulat ng Iliad.
21. Kulturang Mycenaean
• Mayroong sariling sistema ng pagsulat ang
mga Mycenaean na tinawag na Linear B.
• Ang mga Mycenaean ay may paniniwala sa
isang makapangyarihang diyos, si Zeus na
naghahari sa isang pamilya ng mga diyos at
diyosa.
• Ilang taon makalipas ang ika-13 siglo BCE.,
ang kabihasnan ng Mycenaea ay bumagsak.
Editor's Notes
Ang mga produktong pangkalakal ng Crete ay nakarating ng sa iba pang pulo sa Aegean Sea, sa Greece, sa Cyprus, sa Syria at sa Egypt.