Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
LECNOTES_heograpiya_salik.docx
1. LECTURE NOTES: HEOGRAPIYA / SALIK NG HEOGRAPIYA
Mga Salik ng Heograpiya:
Ang mga salik ng heograpiya ay binubuo ng:
klima
panahon
lugar
kinaroroonan
pinagkukunan ng yaman
Ang klima ay tumutukoy sa pangkaraniwan at pangmatagalan kalagayan at
katangian ng panahon sa isang partikular na lugar o rehiyon. Ito ay maaaring tag -
init o tag - araw, tag - lamig, tag - lagas, at tag - sibol.
Ang panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera o himpapawirin sa isang
lugar sa tiyak na oras.
Ang lugar ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Ito ay natutukoy
sa pamamagitan ng: (1.) katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig,
at likas na yaman. (2.) katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon,
densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang politikal.
Ang kinaroroonan ay tumutukoy sa lokasyon ng mga lugar sa daidig. Ito ay natutukoy
sa pamamagitan ng: (1.) absolute na natutukoy sa pamamagitan ng mga imahinasyong
guhit tulad ng longhitud at latitud na bumubuo sa grid. (2.) relatibo na ang batayan ay
mga lugar at mga bagay na nasa paligid nito. May 2 uri ng relatibong lokasyon: (1)
lokasyong bisinal- tinutukoy ang karatig anyong lupa; (2)lokasyong insular kapag
tiniutukoy naman ang mga karatig anyong tubig.
Topograpiya – pag-aaral ng mga katanigan ng anyong tubig at anyong lupa
Ang pinagkukunan ng yaman ay tumutukoy sa lupa, paggawa, at kapital na kailangan
sa produksyon ng kalakal at serbisyo. Bawat bansa ay may kani - kaniyang
pinagkukunang yaman.