2. Si Bimbi ay bunsong anak nina Tatay Greg ay
Nanay Lita. Kahit na malakas siyang kumain ay
talaga yatang patpatin ang kaniyang katawan at
mga braso.
Isang sabado, lumabas si Bimbi upang
makipaglaro sa kaniyang mga kaklase. Sa harap
ng tindahan ng kaniyang ninong, naabutan
niyang naglalaro ng patintero sina Boyet, Letlet,
Tintin, at Maki. Sumali si Bimbi sa kanilang laro.
Noong una, masaya silang naglalaro at
nagtatawanan.
3. Dahil nga sa patpatin si Bimbi, madalas
nananalo ang grupo niya dahil maliksi ang
kaniyang kilos. Hindi ito nagustuhan nina Boyet
kaya, “Patpat! Patpat! Hanging malakas, si Bimbi
iyong ilipad pataas!” sigaw at panunukso nito.
Nagtawanan nang malakas sina Letlet at Maki.
Hindi nagsalita si Bimbi. Sa halip, siya ay yumuko
na lamang at tumahimik. Patuloy pa rin ang
malakas na panunukso nina Boyet.
4. “Bimbing patpat, katawan mo’y ililipad, kaya’t
ikaw ay humawak nang hindi isama ng hangin
pataas! Ha! Ha! Ha!
Maya-maya ay biglang natahimik ang lahat.
Nagulat si Boyet sa matipunong kamay na
pumatong sa kaniyang balikat. “ Kuya?
Ku….Kuya! Yehey!” sigaw ni Bimbi.
5. Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ni
Kuya. Isang matalim na tingin lamang ang itinapon
nito kay Boyet.
Hiyang-hiya si Boyet sa kaniyang ginawa kaya,
“Patawarin, mo ako Bimbihindi na kita tutuksuhin,”
sabi ni Boyet. Sabay umuwi ang magkapatid.
Habang nasa daan, napasigaw si Bimbi sa harap ng
tinderang nakasalubong ng ganito, “ Kuya ko yata
iyan!”