akademikong pagsulat sa filipino ni christine may marasigan gutierrez
makakatulong ito sa inyo upang magkaroon ng dagdag nkaalaman at makakatulong din ito sa inyo kapag meron kayong gagawing presentasyon o isang pag aaral.

PILING LARANGAN
Akademikong Pagsulat
Isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panliipuunan. May katangian itong pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan.
Ang Pagsusulat
Malaking tulong ang pagsusulat lalong lalo na sa mga taong nakasusulat, nakababasa at maging sa pagdokumento ng mga mahahalagang pangyayari.
Ayon kay Mabelin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon.
Maaaring mawawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.
Ayon kay Mabelin (2012). Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi
Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa :
1.pansariling pananaw
2.Karanasan
3.Naiisip
4.nadarama ng manunulat.
Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat.
Ang karaniwang halimbawa nito ay ginagawa ng mga manunulat ng; 1.Sanaysay
2.Maikling Kuwento
3.Tula
4.Dula
5.Awit,
Pangalawa, ito naman ay panlipunan o pansosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan.
Ang ibang halimbawa nito ay ang pagsulat ng
1.liham 5.balita
2.Korespondensiya 6.pananaliksik,
3.sulating panteknikal 7.tesis
4.disertasyon,

Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhektibong paraan.
Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinisagawang imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhektibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng mag-aaral at makikilatis ang mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon.
Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng akad
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstomajoydrew
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto. Ang pagbasa ay pakikipagtalastasan. Mga layunin ng Pagbabasa. Pangkalahayang Uri ng pagbasa

1. Gwyneth Jenzie A. Padua Al Jared F. Taglinao
Ethan Mathew S. Fernandez Liam Athen Guiron
Inihanda nina:
2. Paunang Pagtataya (Humanda ka na, beh.)
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Tumutukoy ito sa kung ano ang
nadama at paano naantig ang
emosyon ng mambabasa.
A. bisa sa isip C. bisa sa kaasalan
B. bisa sa damdamin D. bisa sa kalikasan 2. Ito ay isang okasyon, pagpupulong
o panayam kung saan nagtitipon-tipon
ang mga kalahok upang talakayin ang
isang partikular na paksa.
A. kumperensya C. seminar
B. simpsosyum D. lahat ng nabanggit
3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa
mga batayang konsepto sa paggawa ng
simposyum?
A. gawing pormal C. maging matalinghaga
B. kilalanin ang paksa D. lumahok sa diskusyon
4. Tumukoy ito sa pagsusuri o rebyu
ng binasang teksto o akda.
A. suring-pampelikula C. suring-pan-
social media
B. suring-pantelebisyon D. suring-basa
5. Alin sa sumusunod na bahagi ng isang
suring-basa ang sumusuri sa tema,
tauhan, tagpuan, balangkas at kultura sa
akda?
A. pangnilalaman C. panimula
B. pangkaisipan D. buod
6. Alam mo bang…
Panunuring Pampanitikan ang tawag isang malalim na paghihimay sa mga
akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing katha ng manunulat?
➢ Isa itong pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
➢ Ito rin ay isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang
likhang-sining.
➢ May iba’t ibang paraan kung paano masusuri ang isang akda .Ito ay ang
suring-basa, suring-pampelikula at suring-pantelebisyon. (Sa pangwakas na
gawain natin, gagamitin natin ang suring-basa)
Suring-basa – Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda. Ito ay
maikling panunuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay
tungkol sa akda. Layunin nitong mailahad ang mga kaisipang matatagpuan sa
isang akda at ang kahalagahan nito.
7. Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso
at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.
3. Sa pagsusuri ng anomang akda, kailangang mahusay ang organisasyon o
balangkas. Bahagi ito sa disiplina ng pagsusuri.
4. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o
maikling lagom.
5. Sa pagsusuri ng akda, dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang
wika at organisado ang paglalahad.
8. 6. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa
teoryang pampatikan.
8. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
9. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.
10.Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay
ng mga sangkap ng pagsulat.
9. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko
1. Matapat sa sarili. Itinuturing ang panunuring pampanitikan bilang
sining.
2. Bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
3. Iginagalang ang desisyon at posisyon ng ibang mga kritiko.
4. Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasalamin sa
paraan ng pagbuo o konstruksiyon.
5. Kailangan may paninindigan ang isang kritiko
10. Pormat o Balangkas na Gagamitin sa Pagsulat ng Suring-basa
I. Panimula
➢ Pamagat – pagkilala sa pamagat ng akda o teksto.
➢ May-akda – pagkilala sa kung sino ang sumulat o nagsalin ng akda.
➢ Uri ng panitikan – pagtukoy sa anyo ng panitikang sinulat, sa himig
o damdaming taglay nito.
➢ Bansang pinagmulan – pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang
akda.
➢ Layunin ng Akda – pagsusuri sa kahalagahan ng akda at ang
layunin nito. Tumutukoy ito sa nais iparating at motibo ng manunulat
sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit
sa pagpapahayag. Halimbawa, ito ba’y naglalayong magpakilos o
manghikayat, manuligsa, magprotesta, maglarawan, magsalaysay,
maglahad ng impormasyon at iba pa.
11. II. Pagsusuring Pangnilalaman
➢ Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon,
makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa?
Ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa?
➢ Mga Tauhan sa Akda – Sino-sino ang mga tauhan at ang kanilang mga
katangian?
➢ Tagpuan / Panahon – Kailan naganap? Anong panahon? Binibigyan ng
pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan.
➢ Balangkas ng mga Pangyayari – Paano binuo ang balangkas ng akda?
Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng kabuoan ng akda? May natutuhan ka
ba sa nilalaman ng akda?
➢ Kulturang Masasalamin sa Akda – May nakikita bang uri ng
pamumuhay, paniniwala, kaugalian o kulturang nangibabaw sa akda?
Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?
12. III.Pagsusuring Pangkaisipan
➢ Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda – Ano-ano ang mga
kaisipang lumitaw sa akda? Maaari ring salungatin, pabulaanan,
mabago o palitan ang mga kaisipang ito.
➢ Estilo ng Pagkakasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng
paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa ang pagkabuo ng akda? May bisa kaya ang estilo ng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda?
• Bisa sa Isip – tumutukoy sa kung paano naiimpluwensiyahan ang
pag-iisip o utak.
• Bisa sa Damdamin – Ano ang nadama at paano natigatig ang
emosyon ng mambabasa?
13. IV. Buod
➢ Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang
akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye
ang bigyang-tuon.
14. Simposyum – Ito ay isang okasyon, pagpupulong, o panayam kung saan nagtitipon-tipon ang
mga kalahok para talakayin ang isang partikular na paksa. Ito ay maihahalintulad sa
kumperensya ngunit mas maliit ang sakop ng simposyum. Sa isang simposyum, karaniwan
nang may isa o ilang taong gumaganap bilang pangunahing tagapagsalita. Siya o ilang piling
eksperto ang tumatalakay sa paksa o usaping nakapaloob sa simposyum. Pakikinggan naman
sila ng mga kalahok, bisita, kapwa eksperto sa paksa o tagasubaybay sa nagaganap na
simposyum.
➢ Ito ay may isang modereytor na:
• tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
• tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
• tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
• tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
• tagapagbigay ng buod ng talakayan
15. Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Simposyum
1. Gawing pormal ang simposyum.
2. Kilalalin ang paksa at iba pang kalahok sa simposyum.
3. Maging pamilyar sa mga termilohiya o jargons.
4. Aktibong lumahok sa diskusyon.
5. Maging malalim at kritikal sa pagsusuri ng tinatalakay.
➢ Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang ibinigay sa kanila ayon sa
itinakdang oras at haba ng pagsasalita.
➢ Kapag nakapagsalita na ang lahat ng bumubuo sa pangkat, susundan ng lahatang
diskusyon o open forum kung saan maaaring magtanong ang mga tagapanikig.
16. Gwyneth Jenzie A. Padua Al Jared F. Taglinao
Ethan Mathew S. Fernandez Liam Athen Guiron
Inihanda nina: