Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas Y dela Cruz
Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay,
Bayan ng Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan
noong Abril 2, 1788. Ang mga magulang niya ay
sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz. Kilala rin
siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong
Balagtas. Ang kaniyang asawa ay si Juana
Tiambeng na taga-Orion, Bataan at nagkaroon
ng pitong anak.
Bata pa si Kikong Balagtas ay naging utusan na
siya ni Donya Trinidad, isang mayaman at malayong
kamag-anak, upang makapag-aral. Sa kabila nito,
mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng
pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa
mga pagaspas ng mga dahon at awit ng mga ibon.
Mahilig din siyang magkumpara ng mga bituin sa mga
alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng
kaniyang ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo
na para sa kaniya ay inihambing niya sa musika.
Sa murang edad, hindi maikaila kay Kiko ang mga
pagmamalupit ng mga Espanyol sa kababayan niyang
Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may
hindi magandang nangyayari sa kaniyang bayan ngunit
‘di niya ito lubos na maunawaan.
Noong siya ay nag-aaral na sa Colegio de San Juan
de Letran, naging guro niya sa Pilosopiya si Padre
Mariano Pilapil. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-
aaral ng Batas sa Corones, Kastila, Latin, Pisika,
Doctrina Cristiana, Humanidades, Teknolohiya at
Pilosopiya.
Naging makulay ang buhay ni Balagtas noong
siya ay magbinata na. Nananaludtod na ng mga
tula ng pananambitan at pagsamo. Dito niya
nakilala ang unang nagpatibok sa kaniyang puso,
si Magdalena Ana Ramos. Dito siya humingi ng
tulong sa pagsulat at pagsasaayos ng tula kay
Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na pinakabantog
na makata sa Tondo. At ‘di kalaunan, nahigitan
ito ni Francisco sa larangan ng panulaan.
Hanggang sa siya ay natutong umibig nang tunay
kay Maria Asuncion Rivera o mas kilala sa tawag na
Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito nina Kiko at Celia
ang nagbigay ng gulo sa kaniyang buhay. Siya ay
ipinakulong nang walang kasalanan at katarungan ng
kaniyang karibal na Espanyol na si Nanong Kapule.
Ito ay may mataas na katungkulan sa bayan noong
panahon ng Kastila. Doon niya naunawaan ang mga
nangyayari at nararamdaman ng kaniyang
kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kaniyang
tula na “Florante at Laura”.
Ito ang kaniyang obra maestra, na nagsisiwalat
sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga
Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay
naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa
kaniyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng
buhay sa katarungan, sa pagmamahal, sa paggalang
sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at
sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula,
pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si
Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20,
1862.
Kaligirang Kasaysayan ng
Florante at Laura
“Pinagdaanang Buhay ni
FLORANTE at ni LAURA sa Kahariang
Albanya: Kinuha sa madlang ‘cuadro
historico’ o pinturang nagsasabi sa
mga nangyayari nang unang panahon
sa Imperyo ng Gresya, at tinula ng
isang matuwain sa bersong Tagalog” o
kilala ng nakararami sa sikat na
pinaikling pamagat, ang Florante at
Laura. Ito ay hitik sa magagandang
kaisipan, matulaing paglalarawan, at
mga aral sa buhay.
Ang akdang Florante at Laura ni Balagtas ay
magpapakita na siya ay may kamalayang
panlipunan. Nangangahulugan ito na mulat siya
sa mga nagaganap sa kaniyang lipunan. Bagamat
hindi siya nagmungkahi ng paraan kung paano
babaguhin ang mga sistemang tinutulan ng
kaniyang Florante at Laura, ang kaniyang akda ay
nakaimpluwensiya sa ibang manunulat.
Naging inspirasyon ng dalawang bayaning Pilipino,
sina Jose Rizal at Apolinario Mabini, ang Florante at
Laura. Laging dala-dala ni Rizal saan man siya
makarating ang kaniyang sipi ng Florante at Laura.
Katunayan dito ang ilang linya mula sa Florante at Laura
na mababasa sa Noli Me Tangere at El FIlibusterismo.
Samantalang, noong ipatapon si Apolinario Mabini sa
Guam noong 1901, hinamon siya ng isang kapitang
Amerikano na magbigay ng halimbawa ng kadakilaan ng
mga Pilipino sa larangan ng panitikan. Kaya kumuha si
Mabini ng papel at isinulat ang buong Florante at Laura.
Ang bersiyong ito ang isinalin naman ni Tarrosa Subido sa
Ingles.
1. Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat
ito ay maituturing na walang kamatayan. Ito ay
_________________.
A. walang namamatay na tauhan
B. nilikha ng taong walang kamatayan
C. buhay dahil buhay pa ang may-akda
D. sumasalamin sa lipunan mula noon hanggang ngayon
2. Binabasa ng mga Pilipino ang Florante at Laura
magpasahanggang ngayon sapagkat ______________.
A. narito ang lahat ng katotohanan
B. malaki ang bayad sa pagpapalimbag
C. narito ang kaisipan at kasaysayan ng Pilipinas
D. malaki ang ambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas
3. Ang akdang Florante at Laura ay mahalaga kaugnay
sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ay ______________.
A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang
mananakop
4. Mahihinuhang mahalaga ang Florante at Laura kay
Apolinario Mabini dahil ______________.
A. saulado niya ito C. ipinagbibili niya ito
B. mabuti siyang bayani D. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
5. Ipinagmamalaki at pinahahalagahan ang akda ni
Francisco bilang _______________.
A. pinakabasahing kuwento
B. pinakapaborito ng lahat ng Pilipino
C. pinakataluktok ng panulaang Tagalog
D. pinakamaraming naimprenta sa panulaang Tagalog
6. Ang lagay o antas ng lipunan ng mahihirap sa
panahong naisulat ang Florante at Laura ay
_______________ ng mayayaman.
A. mas angat sa lahat ng larangan
B. kapantay na kapantay ang antas
C. ‘di nahuhuli sa antas ng edukasyon
D. aping-api sa pag-aalipusta at pagpapahirap
7. Isinulat ni Kiko ang kaniyang walang
kamatayang akda dahil sa pagmamahal
kay_______________.
A. Juaning Asuncion C. Maria Asuncion Rivera
B. Juana Tiambeng D. Magdalena Ana Ramos
8. Itinago ni Francisco ang tunay na kahulugan ng
kaniyang isinulat na akda kaugnay sa kalagayan ng
Pilipinas upang _______________.
A. hindi ipagbawal ng mga Espanyol
B. maaliw ang mga Pilipinong nagbabasa
C. itago ang husay niya sa pagsulat ng tula
D. maidokumento ang kalagayan ng Pilipinas noon
9. Noong maisulat ang akda ni Francisco, nagdulot ito ng
epekto sa mga Pilipinong nakabasa nito sa pamamagitan
ng _____________.
A. paglaban sa pang-aapi ng mga Espanyol
B. pagpumiglas ng mayayaman sa mahihirap
C. pagsunod ng mga mahihirap sa pamunuan
D. pagsang-ayon sa kagustuhan ng mayayaman
10. Sa kasalukuyan, sa pagsusuri ng akdang Florante at
Laura matapos itong maisulat daang taon na ang
nakaraan, masasabing ito ay _______________.
A. kakaiba sa kasalukuyan
B. nagbago na sa kasalukuyan
C. hindi na makikita sa kasalukuyan
D. sumasalamin pa rin sa kasalukuyan
1. Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura
sapagkat _____________.
A. isinulat ng bayani
B. walang kamatayan ang sumulat
C. sumikat sa panahon ng Espanyol
D. maituturing na walang kamatayan
1. Bakit laging nangangamba si Kiko para kay Celia?
2. Paano ginugunita ni Kiko ang masayang lumipas nila ni
Celia?
3. Ayon kay Kiko, bakit mahirap malimot ang kanilang
lumipas?
4. Ano ang dahilan ni Kiko kung bakit kay Celia niya inialay
ang tula at hindi sa kanyang asawa?
5. Patunayang labis ang pagmamahal ni Kiko kay Celia.
Aralin 2
1.Saan inihalintulad ni Kiko ang tula?
2.Ano-ano ang mga paalala ni Kiko sa magbabasa ng
kanyang tula?
3.Sa iyong palagay, sino si Segusmundo? Ano ang babala
tungkol sa kanya?
4.Paano mauunawaang mabuti ang tula?
5.Ipaliwanag ang ikatlong saknong ng tula.
Aralin 3
1. Pebo – araw
2. Nakalulunos – nakaaawa
3. Nakaliliyo – nakahihilo
4. Nagsisila – nananakmal
5. Balantok – arko
6. Ganid – sakim
7. Dawag – baging
8. Baguntao – binata
Isulat sa patlang ang bilang ng saknong na katatagpuan ng mga
sumusunod.
1._____ may puno ng higera sa gubat
2._____ may mga sipres, basiliko, hyena, at tigre sa gubat
3._____ maraming baging na balot ng tinik sa gubat
4._____ hindi makapsok ang sinag ng araw sa loob ng gubat
5._____ may lalaking nakatali sa puno
6._____ inilalarawana ng katauhan ng lalaking nakatali sa puno
7._____ inihalintulad kina Narciso at Adonis ang nakagapos na lalaki
sa puno
8._____ malungkot sa gubat, pati huni ng ibon ay nakikisali
9._____ ang mga bulaklak doon ay masangsang ang amoy
10._____ ang gubat ay malapit sa kaharian ni Pluto
Aralin 3
1. Ilarawan ang gubat na tinukoy sa tula.
2. Saan matatagpuan ang gubat? Ano-anong lugar ang
nakapaligid dito?
3. Ano-ano ang mga gumagalang hayop sa gubat na ito.
4. isa-isahin ang mga nagiging sagabal sa pagsikat ng araw
sa gubat na binanggit sa tula.
5. Ilarawan ang taong nakatali sa puno ng higera. Sa iyong
palagay, sino ang taong ito.
Aralin 2 (B)
1.Ano-anong gunita o alaala ang nakabawas sa pagdurusa ni Florante?
2.Anong uri ng kasintahan si Laura? Ano-ano ang ginagawa niyang
nagpapatunay na tunay at wagas ang kanyang pagmamahal kay
Flroante?
3.Bakit sa kabila ng naalalang mabubuting katangian at wagas na
pagmamahal ni Laura sa kanya ay nakararamdam pa rin siya ng selos o
panibugho?
4.Tama bang isipin niyang tinalikuran siya ni Laura at sila ngayon ni
Adolfo ay magkasama at masaya sa piling ng isa’t-isa? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
5.Kung mapagpapayuhan mo si Florante, ano ang sasabihin mo sa kanya
upang maiwasan niyang magselos at mag-isip na hindi naging tapat sa
kanya ang kasintahan?

Florante at Laura ni Francisco Balagatspptx

  • 1.
    Talambuhay ni Francisco“Kiko” Balagtas Y dela Cruz Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bayan ng Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan noong Abril 2, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kaniyang asawa ay si Juana Tiambeng na taga-Orion, Bataan at nagkaroon ng pitong anak.
  • 2.
    Bata pa siKikong Balagtas ay naging utusan na siya ni Donya Trinidad, isang mayaman at malayong kamag-anak, upang makapag-aral. Sa kabila nito, mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mga dahon at awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara ng mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kaniyang ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kaniya ay inihambing niya sa musika.
  • 3.
    Sa murang edad,hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kaniyang bayan ngunit ‘di niya ito lubos na maunawaan. Noong siya ay nag-aaral na sa Colegio de San Juan de Letran, naging guro niya sa Pilosopiya si Padre Mariano Pilapil. Taong 1812 nang matapos siya sa pag- aaral ng Batas sa Corones, Kastila, Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teknolohiya at Pilosopiya.
  • 4.
    Naging makulay angbuhay ni Balagtas noong siya ay magbinata na. Nananaludtod na ng mga tula ng pananambitan at pagsamo. Dito niya nakilala ang unang nagpatibok sa kaniyang puso, si Magdalena Ana Ramos. Dito siya humingi ng tulong sa pagsulat at pagsasaayos ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na pinakabantog na makata sa Tondo. At ‘di kalaunan, nahigitan ito ni Francisco sa larangan ng panulaan.
  • 5.
    Hanggang sa siyaay natutong umibig nang tunay kay Maria Asuncion Rivera o mas kilala sa tawag na Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito nina Kiko at Celia ang nagbigay ng gulo sa kaniyang buhay. Siya ay ipinakulong nang walang kasalanan at katarungan ng kaniyang karibal na Espanyol na si Nanong Kapule. Ito ay may mataas na katungkulan sa bayan noong panahon ng Kastila. Doon niya naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kaniyang kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kaniyang tula na “Florante at Laura”.
  • 6.
    Ito ang kaniyangobra maestra, na nagsisiwalat sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kaniyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, sa paggalang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862.
  • 7.
    Kaligirang Kasaysayan ng Floranteat Laura “Pinagdaanang Buhay ni FLORANTE at ni LAURA sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang ‘cuadro historico’ o pinturang nagsasabi sa mga nangyayari nang unang panahon sa Imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog” o kilala ng nakararami sa sikat na pinaikling pamagat, ang Florante at Laura. Ito ay hitik sa magagandang kaisipan, matulaing paglalarawan, at mga aral sa buhay.
  • 8.
    Ang akdang Floranteat Laura ni Balagtas ay magpapakita na siya ay may kamalayang panlipunan. Nangangahulugan ito na mulat siya sa mga nagaganap sa kaniyang lipunan. Bagamat hindi siya nagmungkahi ng paraan kung paano babaguhin ang mga sistemang tinutulan ng kaniyang Florante at Laura, ang kaniyang akda ay nakaimpluwensiya sa ibang manunulat.
  • 9.
    Naging inspirasyon ngdalawang bayaning Pilipino, sina Jose Rizal at Apolinario Mabini, ang Florante at Laura. Laging dala-dala ni Rizal saan man siya makarating ang kaniyang sipi ng Florante at Laura. Katunayan dito ang ilang linya mula sa Florante at Laura na mababasa sa Noli Me Tangere at El FIlibusterismo. Samantalang, noong ipatapon si Apolinario Mabini sa Guam noong 1901, hinamon siya ng isang kapitang Amerikano na magbigay ng halimbawa ng kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan. Kaya kumuha si Mabini ng papel at isinulat ang buong Florante at Laura. Ang bersiyong ito ang isinalin naman ni Tarrosa Subido sa Ingles.
  • 10.
    1. Mahalagang pag-aralanang Florante at Laura sapagkat ito ay maituturing na walang kamatayan. Ito ay _________________. A. walang namamatay na tauhan B. nilikha ng taong walang kamatayan C. buhay dahil buhay pa ang may-akda D. sumasalamin sa lipunan mula noon hanggang ngayon
  • 11.
    2. Binabasa ngmga Pilipino ang Florante at Laura magpasahanggang ngayon sapagkat ______________. A. narito ang lahat ng katotohanan B. malaki ang bayad sa pagpapalimbag C. narito ang kaisipan at kasaysayan ng Pilipinas D. malaki ang ambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas
  • 12.
    3. Ang akdangFlorante at Laura ay mahalaga kaugnay sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ay ______________. A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop
  • 13.
    4. Mahihinuhang mahalagaang Florante at Laura kay Apolinario Mabini dahil ______________. A. saulado niya ito C. ipinagbibili niya ito B. mabuti siyang bayani D. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
  • 14.
    5. Ipinagmamalaki atpinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang _______________. A. pinakabasahing kuwento B. pinakapaborito ng lahat ng Pilipino C. pinakataluktok ng panulaang Tagalog D. pinakamaraming naimprenta sa panulaang Tagalog
  • 15.
    6. Ang lagayo antas ng lipunan ng mahihirap sa panahong naisulat ang Florante at Laura ay _______________ ng mayayaman. A. mas angat sa lahat ng larangan B. kapantay na kapantay ang antas C. ‘di nahuhuli sa antas ng edukasyon D. aping-api sa pag-aalipusta at pagpapahirap
  • 16.
    7. Isinulat niKiko ang kaniyang walang kamatayang akda dahil sa pagmamahal kay_______________. A. Juaning Asuncion C. Maria Asuncion Rivera B. Juana Tiambeng D. Magdalena Ana Ramos
  • 17.
    8. Itinago niFrancisco ang tunay na kahulugan ng kaniyang isinulat na akda kaugnay sa kalagayan ng Pilipinas upang _______________. A. hindi ipagbawal ng mga Espanyol B. maaliw ang mga Pilipinong nagbabasa C. itago ang husay niya sa pagsulat ng tula D. maidokumento ang kalagayan ng Pilipinas noon
  • 18.
    9. Noong maisulatang akda ni Francisco, nagdulot ito ng epekto sa mga Pilipinong nakabasa nito sa pamamagitan ng _____________. A. paglaban sa pang-aapi ng mga Espanyol B. pagpumiglas ng mayayaman sa mahihirap C. pagsunod ng mga mahihirap sa pamunuan D. pagsang-ayon sa kagustuhan ng mayayaman
  • 19.
    10. Sa kasalukuyan,sa pagsusuri ng akdang Florante at Laura matapos itong maisulat daang taon na ang nakaraan, masasabing ito ay _______________. A. kakaiba sa kasalukuyan B. nagbago na sa kasalukuyan C. hindi na makikita sa kasalukuyan D. sumasalamin pa rin sa kasalukuyan
  • 20.
    1. Mahalagang pag-aralanang Florante at Laura sapagkat _____________. A. isinulat ng bayani B. walang kamatayan ang sumulat C. sumikat sa panahon ng Espanyol D. maituturing na walang kamatayan
  • 21.
    1. Bakit lagingnangangamba si Kiko para kay Celia? 2. Paano ginugunita ni Kiko ang masayang lumipas nila ni Celia? 3. Ayon kay Kiko, bakit mahirap malimot ang kanilang lumipas? 4. Ano ang dahilan ni Kiko kung bakit kay Celia niya inialay ang tula at hindi sa kanyang asawa? 5. Patunayang labis ang pagmamahal ni Kiko kay Celia.
  • 22.
    Aralin 2 1.Saan inihalintuladni Kiko ang tula? 2.Ano-ano ang mga paalala ni Kiko sa magbabasa ng kanyang tula? 3.Sa iyong palagay, sino si Segusmundo? Ano ang babala tungkol sa kanya? 4.Paano mauunawaang mabuti ang tula? 5.Ipaliwanag ang ikatlong saknong ng tula.
  • 23.
    Aralin 3 1. Pebo– araw 2. Nakalulunos – nakaaawa 3. Nakaliliyo – nakahihilo 4. Nagsisila – nananakmal 5. Balantok – arko 6. Ganid – sakim 7. Dawag – baging 8. Baguntao – binata
  • 24.
    Isulat sa patlangang bilang ng saknong na katatagpuan ng mga sumusunod. 1._____ may puno ng higera sa gubat 2._____ may mga sipres, basiliko, hyena, at tigre sa gubat 3._____ maraming baging na balot ng tinik sa gubat 4._____ hindi makapsok ang sinag ng araw sa loob ng gubat 5._____ may lalaking nakatali sa puno 6._____ inilalarawana ng katauhan ng lalaking nakatali sa puno 7._____ inihalintulad kina Narciso at Adonis ang nakagapos na lalaki sa puno 8._____ malungkot sa gubat, pati huni ng ibon ay nakikisali 9._____ ang mga bulaklak doon ay masangsang ang amoy 10._____ ang gubat ay malapit sa kaharian ni Pluto
  • 25.
    Aralin 3 1. Ilarawanang gubat na tinukoy sa tula. 2. Saan matatagpuan ang gubat? Ano-anong lugar ang nakapaligid dito? 3. Ano-ano ang mga gumagalang hayop sa gubat na ito. 4. isa-isahin ang mga nagiging sagabal sa pagsikat ng araw sa gubat na binanggit sa tula. 5. Ilarawan ang taong nakatali sa puno ng higera. Sa iyong palagay, sino ang taong ito.
  • 26.
    Aralin 2 (B) 1.Ano-anonggunita o alaala ang nakabawas sa pagdurusa ni Florante? 2.Anong uri ng kasintahan si Laura? Ano-ano ang ginagawa niyang nagpapatunay na tunay at wagas ang kanyang pagmamahal kay Flroante? 3.Bakit sa kabila ng naalalang mabubuting katangian at wagas na pagmamahal ni Laura sa kanya ay nakararamdam pa rin siya ng selos o panibugho? 4.Tama bang isipin niyang tinalikuran siya ni Laura at sila ngayon ni Adolfo ay magkasama at masaya sa piling ng isa’t-isa? Ipaliwanag ang iyong sagot. 5.Kung mapagpapayuhan mo si Florante, ano ang sasabihin mo sa kanya upang maiwasan niyang magselos at mag-isip na hindi naging tapat sa kanya ang kasintahan?