5. Tumutukoy sa sining ng
pagsasalita o pagsulat
upang makahikayat,
makapanghikayat, at
makapangaliw sa mga
tagapakinig o tagabasa.
GRIYEGO
“RHETORIKE”
7. RETORIKA- sining ng argumento o diskurso
RETOR- nagsusulat o nagsasalita upang
kumumbinsi sa kung anuman ang ating
pinaniniwalaan
RETORISYAN- nag-aanalisa at sumusuri sa
kabisaan ng isang argumento o diskurso
8. Sa kasalukuyan, ang Maretorikang
Pagpapahayag ay hindi lamang
limitado sa tradisyonal na
pagsasalita at pagsulat, kundi pati
na rin sa iba't ibang anyo ng
komunikasyon tulad ng paggamit ng
teknolohiya at midya.
9.
10. tatlong basikong retorikal na dulog na maaaring gamitin upang
makakumbinsi. Ito ay ang mga sumusunod:
• Logos – Ito ang pamamaraang umaapela sa isip.
• Pathos – pamamaraang umaapela sa emosyonal na
reaksyon ng mga manonood.
• Ethos – pamamaraang nagpapakita sa karakter o rapor
(rapport) na taglay ng isang mananalumpati.
MATANDANG GRESYA
11. • Inventio – ito ang teknik sa pag-
iisip ng mga punto ng talakay sa
isang paksa.
• Schemes – isa sa mga “rhetorical
devices” na bahagi sa masining na
paglalatag at pagdadala sa
estruktura ng pangungusap.
FLOWERS OF RHETORICS
12. • Tropes – isa rin sa mga “rhetorical devices”
na patungkol sa pagbabago at pagpapalit
ng kahulugan o paggamit ng salita. Sakop
nito ang pag-aaral ng mga tayutay at mga
matatalinghagang salita.
MATANDANG GRESYA
14. ARISTOTLE
Tatlo ang mahalagang kontribusyon sa Poetics.
1. Ito ang nagpasimuno ng panunuring
pampanitikan
2. Ito ang ginamit na huwaran at patnubay ng
panunuring pampanitikan
3. Ito’y nag-alay ng isang konkretong teorya ng
panitikan na hindi hiram sa mga basal na
kaisipan o pilosopiyang pang-estetika.
15. ARISTOTLE
Pinapanigan ni Aristotle ang panulaan
bilang katotohanan at katibayan bilang
institusyon ng kalikasan o bilang isang
anyo ng kaalaman,at bilang pang-moral
ng katwiran sa isipan.
catharsis o pagpupurga ang makalilinis
sa takot at habag at ginagamit ito
upang ipagtanggol ang panulaan.
16. Retorika ay “art of winning soul”
Isinilang noong 428 B.C. sa Athens,Greece
kontribusyon ni Plato sa panunuring
pampanitikan
• Ang anyo at suliranin ng sining
• Ang inspirasyon ng makata
• Ang panulaan bilang tagapagturo ng
kabutihan at katotohanan.
PLATO
17. • Bilang rasyonalista pinaniniwalaan
ni Plato na “ang dahilan ay dapat
sundan kahit saan manguna”
• Doktrinang Phaedo na nagsasaad
ng imortalidad ng kaluluwa.
Nakapaloob sa kanyang kaisipan ang
aspektong lohikal, epistemolohikal
at metapisikal
PLATO
18. • akademya sa Athens bilang
institusyon para sa pagkakamit
ng sistematikong pilosopikal at
siyentipikong pananaliksik.
PLATO
19. • Isinilang noong 470 B.C
• Naniniwala si Socrates sa
mitolohiya na ang Diyos ay
imbensyon lamang ng mga makata
gayundin ang imotalidad ng
kaluluwa.
SOCRAT
ES
20. Sinasabing ang aktwal na tagapagtatag
ng retorika bilang isang agham
ang retorika ay artificer o persuasion at
umakda ng unang handbuk hinggil sa
sining ng retorika.
QUINTILLIAN (Marcus Fabius
Quintilianus)
21. -Retorika ay instrumental na
paggamit ng wika
Bilang sa paglalagom ang retorika ay
isang teorya at praktika ng
pagpapahayag ng elokwens,pasalita
man o pasulat. Ang pasalitang
retorika ay tinatawag na oratoryo.
GERARD A. HAUSER
22. – Ang Prinsipe ng mga Orador.
Kapanganakan: Disyembre 18,
1856, Jaro, Iloilo
Magulang: Placio Lopez –
tagakumpuni ng kung anu-ano lang
at Maria Jacob na simpleng
maybahay,
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)
23. • Fray Francisco Jayme – prayleng nagtuturo
sa Colegio Provincial de Jaro, nagturo kay
Graciano noong anim na taong gulang at
kinakitaan ng katalinuhan.
• 1870 – Nag-aral ng Teolohiya sa Seminario
de San Vicente Ferrer.
• Doktor – ito ang nais ni Graciano, maging
manggagamot.
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)
24. • Universidad de Santo Tomas –
sinubukan niyang pumasok dito upang
mag-aral na maging manggagamot
ngunit tinanggihan siya dahil hindi siya
nagtapos ng Bachiller en Artes.
• San Juan de Dios Hospital – dito siya
napilitang mag-aprentis dahil salat siya
sa pangtustos sa pag-aaral ng medisina
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)
25. • 1874 – nakainitan siya ng mga prayle dahil sa
kanyang isinulat na Fray Botod (prayleng bondat na
mahilig sa babae)
• Naging komentarista si Graciano at ipinaliwanag
niya sa kanyang mga pasyente ang kasamaan ng
mga kastila.
• Madrid – naging pangunahing kritiko si Graciano ng
mga kastila na nagpapalakad sa Pilipinas at sa mga
prayleng humahawak ng Simbahang Katoliko.
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)
26. • Si Graciano ay nagsulat sa mga
sumusunod:
1. España En Filipinas
2. Revista del Circulo Hispano Filipino
3. Revista de la Camara de Comercio de
España
4. Circulo Hispano Filipino – naging
miyembro siya
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)
27. La Solidaridad (Pebrero 15, 1889) -
dyaryong kumalaban sa paninikil,
gumawa ng reporma sa lipunan at
pulitika, tumanggap ng mga liberal at
progresibong kaisipan, magpakalat
ng mga demokratikong pananaw at
lumaban upang maipanalo ang
hustisya at progreso
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)
28. • Higit kumulang 1000 talumpati ang nabigkas ni Graciano sa
Europa
• 1890 – bumalik si Graciano sa Pilipinas upang madagdagan
ang pondo ng mga propagandista at batay na rin sa payo ni
Jose Rizal.
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)
29. • Enero 20, 1896 – namatay si Graciano sa
Barcelona, Espanya sa sakit na tuberculosis
sa edad na 39.
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)
30. Gawain
Gumawa ng isang tulang kumukumbinsi.
Ito ay dapat umapela sa sa mga
sumusunod: logos, pathos, ethos
31. Gawain 2: Pagsusuri ng ddokumentaryo
•I-Witness: 'Bayang Uhaw',
dokumentaryo ni Kara
David (full episode)
(youtube.com)