2. Ang retorika ay mula sa salitang
Griyegong rhetor na ang ibig sabihin ay
isang tagapagsalita sa publiko (Badayos,
et al., 2007). Ang sinomang nagsasalita
sa harap ng mga pangkat ng tao upang
makamit ang isa o ilang layunin ay
gumagamit ng retorika.
3. Ang mga iskolarling depinisyon ng retorika:
a. Retorika ang pakulti ng pagtuklas ng lahat
ng abeylabol na paraan ng panghikayat sa
ano mang particular na kaso. (Aristotle)
b. Retorika ang art of winning soul sa
pamamagitan ng diskurso. (Plato)
c. Ang retorika ay pagpapahayag na
idinisensyo upang makapanghikayat.
(Cicero)
4. d. Ang retorika ay sining ng mahusay na
pagsasalita. (Quintillian)
e. Ang retorika ay disiplinang nakatuon sa
pag-aaral ng lahat ng mga paraang
ginagamit ng mga tao upang
makaimpluwensiya ng pag-iisip at gawi
ng iba sa pamamagitan ng estratedyik
na paggamit ng mga simbolo. (Douglas
Ehninger)
5. f. Ang retorika ay isang instrumental na
paggamit ng wika. (Gerard A. Hauser)
g. Ang retorika ay proseso ng paggamit ng
wika upang mag-organisa ng karanasan at
maikomunika iyon sa iba. (C.H. Knoblauch)
h. Ang retorika ay isang pag-aaral kung paano
ginagamit ng tao ang wika at iba pang
simbolo upang isakatotohanan ang mga
layuning pantao. (Charles Bazerman)
6. i. Ang retorika ay isang estratedyik na
paggamit ng komunikasyon, pasalita o
pasulat, upang makamit ang mga tiyak na
layunin. (The Art of Rhetorical Criticism)
7. Ang retorika kung gayon, ay isang teorya
at praktita ng pagpapahayag o elokwens,
pasalita man o pasulat.
• Ang Pasalitang retorika ay tinatawag
na oratoryo.
• Binibigyang-kahulugan ang mga
tuntunin sa pagsulat ng komposisyon at
pagde-deliver ng oratoryo na dinisenyo
upang makaimpluwensiya sa
pagpapasya o damdamin ng ibang tao.
8. Homer – Kilala bilang Ama ng Oratoryo.
Sophist – Sila ay kilalang pangkat ng mga guro.
Nagsikap upang gawing higit na mabubuting
tagapagsalita ang mga tao sa pamamagitan ng
tuntuning pansining.
Protagoras – kauna-unahang sophist, nagsagawa ng
pag-aaral sa wika, at nagturo kung paano
mapalalakas ang mahihinang argumento.
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN KLASIKAL
9. PAHAPYAW NA KASAYSAYAN KLASIKAL
Corax – Nagtatag ng retorika bilang isang agham;
artificer o persuation.
Tisias – Maestro ng retorika, mag-aaral ni Corax.
Gorgias – Nagturo sa Athens.
Thrasymachus – Nagturo sa Athens.
Antiphon - Unang nagsanib ng teorya at praktika.
10. PAHAPYAW NA KASAYSAYAN KLASIKAL
Isocrates – guro ng oratoryo; nagpalawak sa sining
ng retorika upang maging isang pag-aaral ng
kultura at pilosopiya na may layuning praktikal.
Plato – Panghihikayat kaysa katotohanan.
Aristotle – Katotohanan kaysa panghihikayat.
Cicero at Quintillian- tinaguriang dakilang
maestro ng retorika at praktikal na retorika.
11. PAHAPYAW NA KASAYSAYAN MIDYIBAL
Martianus Capella – awtor ng isang
ensayklopidya ng pitong liberal na sining.
Flavius Magnus Aerelius Cassiodorus –
Historyan; tagapagtatag ng mga monasteryo
na umakda ng Institutiones Divinarum et
Humanarum Lectionum;
12. PAHAPYAW NA KASAYSAYAN RENASIMYENTO
San Isidore – Kastilang arsobispo na nagkompayl ng isang
akdang ensayklopedik tungkol sa ancient world, at
nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa tinawag na
tatlong artes: paggawa ng sulat, pagsesermon, paglikha ng tula
14-17 SIGLO
Thomas Wilson – Kontemporaryong disertasyon.
Pierre de Courcelles - Retorisyanong Frances.
Andre de Tonquelin - Retorisyanong Frances.
Itinakda ang retorika bilang sabjek sa mga kolehiyo at
unibersidad na may kalakip na pagsasanay sa publiko.
13. PAHAPYAW NA KASAYSAYAN MODERNO
Nakatuon sa praktikal. Lumaganap ang oportunidad
para sa epektibong oratoryo sa political na arena.
Lectures on Rhetoric (1783) ni Hugh Blair
Philosophy of Rhetoric (1776) ni George Campbell
Rhetoric (1828) ni Richard Whately
16. Imbensyon
ay mula sa salitang Latin na
invenire na ang kahulugan ay to find.
Ubod ng panghihikayat
Ano ang sasabihin?
Hindi kung paano ito sasabihin?
18. a. Introduksyon (exordium)
b. Paglalahad ng mga katotohanan
(narratio)
c. Dibisyon (partitio)
d. Patunay (confirmatio)
e. Reputasyon (refutatio)
f. Kongklusyon (peroratio)
19. Estilo
ay nauukol sa masining na
ekspresyon ng mga ideya.
Paano ito sasabihin?
Hindi kung ano ang sasabihin?
Ayon kay MacLuhan:
the medium is the message.
20. Memori
ay may kaugnayan sa mnemonics o
memory aids na tumutulong sa isang
orador na sauluhin ang isang
talumpati.
Pag-iimbak ng iba pang materyales.
23. a. Isang Kooperatibong Sining.
Hindi ito maaaring gawin nang nag-
iisa. Ito ay ginagawa para sa iba
sapagkat sa reaksyon ng iba
nagkakaroon ito ng kaganapan. Sa
pamamagitan nito, kung gayon,
napagbubuklod ang tagapagsalita at
tagapakinig o ang manunulat at
mambasa.
24. b. Isang Pantaong Sining.
Wika ang midyum ng retorika, pasalita
man o pasulat. Dahil ang wika ay isang
eksklusibong pag-aari ng tao, ang
retorika ay nagiging eksklusibo ring
sining ng tao at para sa tao.
25. c. Isang Temporal na Sining.
Ang retorika ay nakabatay sa panahon.
d. Isang Limitadong Sining.
Kung sa imahinasyon ay walang
limitasyon, ang retorika ay limitado sa
realidad.
26. e. Isang May-Kabiguang Sining.
Hindi lahat ng tao ay magaling sa
paghawak ng wika. Marami sa atin
ang limitado lamang ang kaalaman
at kasanayan sa wika. Idagdag pa
rito na ang wika ay likas na
komplikado.
27. f. Isang Nagsusupling na Sining.
Ang retorika ay nagsusupling ng
mga kaalaman.
Halimbawa: ang isang manunulat ay
nagsisimula sa isang ideya at isipan at
nagsusupling ng isang akda.
Ang mambabasa ay nagsisimula sa
pagbabasa at nagbibinhi ng kaalaman.
29. Ang mga nagtuturing naman sa retorika
bilang isang pansibikong sining ay
naniniwala na ang retorika ay may
kapangyarihang humubog ng mga
komunidad, humubog ng karakter ng
mga mamamayan, magbigay-hugis sa
opinyon ng madla at makagawa ng
impak sa pasibikong buhay.
31. Pinag-aralan ng mga retorisyano ang mga diskurso
ng napakarami at iba’t ibang domeyn
Panlipunang agham
Fine arts
Relihiyon
Pamamahayag
Digital media
Piksyon
Kasaysayan
Kartograpiya
Arkitektura
Politika at batas
32. Ilan sa mga modernong propesyong ang-
eempleyo ng mga retorikal na praktisyoner
ay ang
Public relations
Lobbying
Law
Marketing
Professional and technical writing
advertizing
34. a. Nagbibigay-daan sa Komunikasyon.
Ano man ang ating iniisip o nadarama ay
maaari nating ipahayag sa pasalita o pasulat
na paraan upang maunawaan ng ibang tao.
b. Nagdidistrak.
Dahil sa pakikinig natin sa iba o sa
pagbabasa natin ng mga akda, maaaring
nadidistrak ang ating isipan sa mga
masasakit na realidad sa ating lipunan.
35.
36.
37. c. Nagpapalawak ng Pananaw.
Sa tuwing tayo’y nakikinig o nagbabasa,
maaaring may natututunan tayong bagong
kaalaman na mahalaga. Hindi nga ba’t
sinasabing ang retorika ay isang sining na
nagsusupling at nagpapasa ng mga
kaalaman?
d. Nagbibigay-ngalan.
Ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay
dumating o ipinanganak nang walang label.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46. e. Nagbibigay-kapangyarihan.
Dahil sa retorika, napakaraming tao
ang nagiging prominente at
makapangyarihan. Ang mga politiko,
halimbawa, ay nahahalal dahil sa kanilang
husay sa pananalumpati.
47. Ayon kay James Boyd White, ang kultura ay
muling nalilikha sa pamamagitan ng wika.
Naiimpluwensyahan ng wika ang tao kung
paanong naiimpluwensyahan din ng tao ang
wika. Ang wika ay nalilikha ng lipunan at
nakabatay ito sa kahulugang inilalapat ng mga
tao sa wika. Dahil ang wika ay dinamiko at
nagbabago depende sa sitwasyon, ang
pangunahing gamit ng wika ay retorikal.