Araling Panlipunan 9 - Industriya at Agrikultura tungo sa KaunlaranMahan Lagadia
Modernization theory, uri ng industriya, capital at consumer goods, subsektor ng industriya, industrialisasyon, kahalagahan ng industriya, sangay ng pamahalaan na tumutulong sa industriya, agrikultura at industriya
Araling Panlipunan 9 - Industriya at Agrikultura tungo sa KaunlaranMahan Lagadia
Modernization theory, uri ng industriya, capital at consumer goods, subsektor ng industriya, industrialisasyon, kahalagahan ng industriya, sangay ng pamahalaan na tumutulong sa industriya, agrikultura at industriya
5. Mga Mahalagang Paalala:
1. Makinig at aktibong
makisali sa talakayan ng
klase.
5
2. Sundin ang mga panuto
ng iyong guro.
6. 3. Itaas ang kamay kung
may nais sabihin o
sasagot.
6
4. Huwag gumawa ng mga
bagay na makakaisturbo
sa klase.
7. 5. Maging magalang sa
inyong guro, kaklase o sa
kapwa.
7
6. Tapusin ang mga gawain
sa itinakdang oras.
8. Gawain 1: Tulong-tulong Tayo!
Panuto:
1. Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga ginupit-gupit
na bahagi ng isang larawan. Ito ay pagdugtong-
dugtungin para mabuo ang larawan o isang Editoryal
Kartun.
3. Idikit ito sa pisara at suriin mabuti para masagot ang
mga susunod na mga katanungan.
4. Gagawin ito sa loob ng 5 minuto lamang.
8
9. Ang Editoryal Kartun
(Editorial Cartoon) ay
pagguhit o pagdo-drawing
ng kartun na gumagamit ng
katatawanan at pagbibigay
ng hindi-seryosong
pagtalakay o paglalarawan
upang ipakita ang opinion
sa mga kasalukuyang isyu.
https://kwentuhangkartuning.weebly.com
9
Ano ba ang Editoryal Kartun?
17. Pamprosesong Tanong:
1. Anong isyu ang tinatalakay ng mga larawan o Editoryal
Kartun?
2. Masasabi mo ba na totoo ang isyung tinalakay sa
Editoryal Kartun? Patunayan.
3. Paano nakakaapekto sa mga mamamayang Pilipino
ang isyung ito? Magbangit ng mga halimbawa.
17
18. 4. May epekto din ba ang isyung ito sa ekonomiya ng ating
bansa? Pangatwiranan.
5. Sa tingin mo, paano dapat harapin ng isang Pilipinong
katulad mo ang isyung ito para makaraos sa kanyang
pangaraw-araw na buhay? Ipaliwanag.
18
19. Magkakatulad ba ang isyung tinalakay ng mga larawan o
Editoryal Kartun? Sa isang salita, anong isyu ito?
19
20. Magkakatulad ba ang isyung tinalakay ng mga larawan o
Editoryal Kartun? Sa isang salita, anong isyu ito?
20
21. Paksang Aralin:
IMPLASYON
Mga layunin:
1. Maipapaliwanag ang konsepto ng implasyon at
matutukoy ang mga dahilan nito.
2. Makapagkokompyut ng inflation rate o antas ng
pagbabago ng presyo.
3. Mapapahalagahan ang pagbabagyet at pagtitipid dahil
sa implasyon.
21
23. 23
Ano implasyon ay tumutukoy sa
pagtaas ng pangkalahatang
presyo ng piling produkto na
nakapaloob sa basket of goods
na kumakatawan sa mga
pangunahing pangangailanagan
at pinagkakagastusan ng
mamamayan sa loob ng isang
partukular na panahon.
24. 24
Ang implasyon ay ang
pataas na paggalaw ng
presyo at ang deplasyon
ay ang pagbaba sa halaga
ng presyo ng mga bilihin.
25. Bakit nagkakaroon ng “implasyon”?
25
Batas ng Demand
“Kung mataas ang demand at mababa ang suplay,
tataas ang presyo”
26. 26
1. Kapag nagkaroon ng paglaki sa paggastos ang
mga sektor ng ekonomiya at hindi nasabayan ng
pagtaas ng produksyon. Dahil dito, nagkakaroon
ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng
bilihin ay tumataas. Ito ay tinatawag na “Demand-pull”.
27. 27
Batas ng Suplay
“Sa pagtaas ng presyo ng anumang salik ng
produksiyon, tataas din ang kabuuang gastos, kaya
tataas din ang presyo ng produkto”
28. 28
2. Kapag nagkaroon ng pagtaas ng gastusin sa
produksyon na tutulak sa presyo pataas. Ito ay
tinatawag na “Cost-push”.
29. Paano masusukat ang implasyon o inflation rate?
29
Karaniwang ginagamit sa
pagsukat ng implasyon ang
Consumer Price Index upang
mapag-aralan ang pagbabago
sa presyo ng mga produkto o
serbisyong ginagamit ng
konsyumer.
30. 30
Batayan sa pagkompyut ng CPI ang
presyo at dami ng produktong
kadalasang kinokonsumo ng bawat
pamilya na nasa loob ng tinatawag
na market basket.
Formula sa pagkompyut ng CPI:
CPI=Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon x 100
Total Weighted Price ng Basehang Taon
31. Masusukat ang implasyon o inflation rate ng isang
produkto gamit ang formula na:
31
Inflation Rate = P2 – P1 x 100
P1
kung saan: P1 – dating presyo
P2 – bagong presyo
32. Halimbawa:
Ang facemask na dati ay nabibili lamang ni Aling
Rosa na P90 pesos bawat kahon bago nagkaroon ng
pandemya ay biglang tumaas ang presyo nito sa P150
bawat kahon nuong itinalaga ng pamahalaan ang
paggamit nito bilang bahagi ng proteksyon sa sarili
laban sa COVID 19.
32
Kompyutin ang inflation rate ng facemask.
Inflation Rate = P2 – P1 x 100
P1
33. Inflation Rate = P2-P1 x 100
P1
= 150-90 x100
90
= 60 x 100
90
= 0.66666 x 100
= 66.66% - antas ng pagtaas ng
presyo o Inflation Rate
33
35. Sinusukat ng Inflation Rate kung gaano kalaki o kataas
ang pagbabago ng presyo ng isang produkto na
makikita sa pamamagitan ng bahagdan (percentage) na
may simbolo na porsiyento o percent .
%
35
36. Alam n’yo Ba?
- Ang salitang “bahagdan” ay dalawang pinagsamang
salita na “bahagi” at “daan” ng Tagalog.
- Ang porsiyento o bahagdan ay isang paraan ng
pagpapahayag ng isang bilang, bilang isang bahaging
hati ng 100 na nangangahulugang “sa bawa’t
sandaan”, o “kada isandaan”.
www.wikidictionary.org
36
39. Gawain 2: Magkompyut Tayo!
Panuto: Humanap ng kapareha at kompyutin ang inflation
rate o antas ng pagtaas ng presyo ng mga sumusunod na
sitwasyon. Pagkatapos ng 10 minuto, ito ay iwawasto ng
buong klase.
39
1. Kung ang presyo ng galunggong noong taong 2000 ay
P50.00/kilo, gaano kalaki ang itinaas nito kung
ang kasalukuyang presyo ay P 110.00/kilo?
40. 40
2. Si Aling Cora ay malimit na bumibili ng isang sako ng
bigas sa presyo na Php35.00 per kilo. Ngayon, ang
kaniyang binibili ay kalahating sako na lang dahil
umaabot na Php50.00 per kilo ang presyo ng bigas.
3. Kapag sumasapit ang pasko, tumataas ang presyo ng
manok sa pamilihan dahil mataas ang demand. Mula
sa 160.00 per kilo umaabot na ito ng 190.00 per kilo.
41. 41
1. Kung ang presyo ng galunggong noong taong 2000 ay
P50.00/kilo, gaano kalaki ang itinaas nito kung
ang kasalukuyang presyo ay P 110.00/kilo?
Inflation Rate = P2-P1 x 100
P1
= 110-50 x100
50
= 60 x 100
50
= 1.2 x 100
= 120% - antas ng pagtaas ng presyo o Inflation Rate
42. 42
2. Si Aling Cora ay malimit na bumibili ng isang sako ng
bigas sa presyo na Php35.00 per kilo. Ngayon, ang
kaniyang binibili ay kalahating sako na lang dahil
umaabot na Php50.00 per kilo ang presyo ng bigas.
Inflation Rate = P2-P1 x 100
P1
= 50-35 x100
35
= 15 x 100
35
= 0.4285 x 100
= 42.85% - antas ng pagtaas ng presyo o Inflation Rate
43. 43
3. Kapag sumasapit ang pasko, tumataas ang presyo ng
manok sa pamilihan dahil mataas ang demand. Mula
sa 160.00 per kilo umaabot na ito ng 190.00 per kilo.
Inflation Rate = P2-P1 x 100
P1
= 190-160 x100
160
= 30 x 100
160
= 0.1875 x 100
= 18.75% - antas ng pagtaas ng presyo o Inflation Rate
44. Paglalahat
1. Ano ang ibig sabihin ng implasyon?
44
Ang implasyon ay
tumutukoy sa pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng
piling produkto sa loob ng
isang partukular na
panahon.
45. 2. Ano ang dahilan o sanhi ng implasyon?
45
Nagkaroon ng implasyon dahil sa paglaki sa paggastos
(demand) ang mga sektor ng ekonomiya at hindi
nasabayan ng pagtaas ng produksyon (suplay) o
tinatawag itong Demand-pull, at kapag nagkaroon ng
pagtaas ng gastusin sa produksyon na tutulak sa presyo
pataas o tinatawag din itong Cost-push.
46. 3. Paano masusukat ang implasyon o inflation rate?
46
Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang
Consumer Price Index (CPI) upang mapag-aralan ang
pagbabago sa presyo ng mga produkto o serbisyong
ginagamit ng konsyumer.
47. 4. Bilang isang estudyante o konsyumer, ano ang nararapat
mong gawin upang harapin ang mga hamon na dala ng
implasyon?
47
Kailangan na magbadyet at magtipid sa paggastos.
Uunahing bilhin ang mga bagay na kinakailanagan
kaysa sa mga kagustuhan lamang.
48. Takdang aralin
Panuto: Suriin ng mabuti ang editorial cartoon at sagutin ang tanong
na “Paano nakaaapekto ang Implasyon sa pamumuhay ng isang
Pilipino?”
48