Araling Panlipunan 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 3
------------------
Source: DepEd
Regional Mass Training for Grade 10 Teachers on K to 12 Basic Education Program
May 4 - 9, 2015 | Bicol University, Daraga, Albay
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at ImpokShiella Cells
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok!
Ang module na ito ay nahahati sa dalawang Aralin
• Aralin 1 – Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Impok
• Aralin 2 – Consumption Function
Araling Panlipunan 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 3
------------------
Source: DepEd
Regional Mass Training for Grade 10 Teachers on K to 12 Basic Education Program
May 4 - 9, 2015 | Bicol University, Daraga, Albay
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at ImpokShiella Cells
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok!
Ang module na ito ay nahahati sa dalawang Aralin
• Aralin 1 – Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Impok
• Aralin 2 – Consumption Function
3. Layunin: Pagkatapos ng 60-minutong pagtalakay, ang
mga mag-aaral ay inaasahang maisasagawa ang mga
sumusunod nang may 75 antas ng tagumpay:
• Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng implasyon;
• Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng
implasyon;
• Naipahahayag ang mga epekto ng implasyon sa pang-
araw-araw na pamumuhay; at
• Napahahalagahan ang mga paraan sa paglutas ng
implasyon.
4.
5. Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay
tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng
piling produkto na nakapaloob sa basket of goods.
IMPLASYON
Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade
(2010), ang implasyon ay ang pataas na paggalaw ng
presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng
presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang
presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang kondisyon
ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang
dami ng produkto na maaaring mabili ng mamimili.
6. Ayon sa Philippine Statistics Authority
(PSA) ang antas ng implasyon noong
March 2022 ay umabot ng 4.0 %
8. DEMAND-PULL
Nagaganap ang demand-pull inflation kapag
nagkaroon ng paglaki sa paggasta ng sambahayan,
bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor
ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi
katumbas ng paglaki ng kabuuang produksiyon.
Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan
kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas.
9. COST-PUSH
Ang pagtaas ng mga gastusing pangproduksiyon
ang siyang sanhi sa pagtaas sa presyo ng mga
bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon,
halimbawa ay lakas-paggawa, ay magkakaroon ng
pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto sa
kabuoang presyo ng mga produktong ginagawa.
10. I-SHARE MO NA YAN !
Kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng
mga bilihin, ano-ano ang mga posibleng
maging epekto nito sa buhay natin?
11. “THUMBS UP O THUMBS DOWN”
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang
magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng
Implasyon? Thumbs Up kung ito ay dapat gawin at
Thumbs Down kung ito ay hindi dapat gawin.
12. 1.Bilhin lamang ang kailangan bilhin at sumunod sa budget.
2.Pagtangkilik at paggamit ng mga lokal na produkto.
3.Paggasta ng allowance sa panonood ng sine at
paglilibang.
4.Pagbili ng labis na pagkain sa panahon ng recess upang
hindi maubusan.
5.Paggamit ng lokal na hilaw na materyales sa paggawa ng
mga proyekto sa paaralan.
13. BAKIT KAILANGANG MALAMAN AT ISAGAWA
ANG MGA PARAAN SA PAGLUTAS NG
SULIRANING DULOT NG IMPLASYON?
14. Ebalwasyon:
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin
kung ito ba ay Demand-pull (DP) o Cost-push (CP).
Isulat ang DP o CP sa patlang. Isulat sa sagutang
papel.
15. 1. Katatanggap lang ni Aling Nene ng kanyang Christmas bonus. Agad siyang
nagpunta sa grocery store at halos pakyawin na niya ang paninda doon.
2. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga
materyales na ginagamit niya.
3. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay
nauusong gadget ng mga kabataan ngayon.
4. Sa kabila ng babala ng DOH ng pagbabawal ng paninigarilyo hindi parin
maiiwasan ang patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga taong gumagamit
nito.
5. Sa gitna ng mga nararanasan na suliranin natin ngayon na may kinalaman
sa pangkalusugan, nagkakaubusan na ng supply ng face mask sa buong
bansa.
16. TAKDANG-ARALIN
MAGSIYASAT NG MGA PROGRAMANG GINAGAWA NG
ATING PAMAHALAAN UPANG MALABANAN ANG
IMPLASYON SA ATING BANSA. ISULAT ITO SA INYONG
KWADERNO.