Ang Pilipinas ay mayaman sa yamang lupa at tahanan ng maraming uri ng halaman at hayop, ngunit nahaharap ito sa mabilis na pagkakalbo ng mga kagubatan na umaabot sa 500,000 ektarya bawat taon dahil sa deforestation, pagmimina, at land use conversion. Ang pagkaubos ng mga kagubatan ay nagdudulot ng pagkawala ng tirahan para sa mga organismo at nagbabanta sa biodiversity. Dahil dito, lumalaki ang panganib ng pagguho ng lupa at sapilitang pagpapalikas ng mga lokal na residente.