SlideShare a Scribd company logo
Hindi Ako Magiging Adik
ni Manny Ledesma
Walang may gustong pag-isipang siya'y kriminal. Walang may gustong makulong. Wala
ring may gustong mamatay nang bata pa o kaya'y mawalan nang buong pamilya. Ngunit
sa isang sarbey noong nakaraang taon, lumalabas na higit na 50 bahagdan ng mga
mag-aaral sa senior ay nagsimula nang landasin ang mga daang patungo sa mga
nabanggit. Tumikim na sila ng bawal na gamot.
Panganib din ang sakit na maaaring maidulot ng maling paggamit ng mga gamot maski
ito'y legal, gaya ng mga cough syrups. Mapanganib ding masangkot sa iba't ibang
bayolenteng kaguluhang dulot ng mga nagbebenta ng bawal na gamot.
Ang mga nabanggit ay mga kagyat na panganib na maaaring sumapit sa isang
nagdodroga.Mayroon ding mga panganib na pangmatagalan ang epekto.Sa palagiang
paggamit ay nagiging adik ka na sa gamot, at di mo namamalayan ay lulong ka na. Sa
pagkalulong, ang tanging nagiging pokus na lamang ng iyong buhay ay pagnanais na
magkaroon lamang ng magandang pakiramdam.
Nakakatakot ang mga epektong nabanggit. Ngunit mas nakakatakot ay ang pagkawala
ng iyong integridad o karangalan. Kapag sinabi mong, "okey lang na nagdodroga ako,
kasi iyon din naman ang gawa ng mga kaibigan ko e," ang tunay na sinasabi mo ay
"wala na akong pakialam sa kinabukasan ko." Kapag nagkaganito, ay menos ka na
bilang tao.
Ang posisyonko sa isyung ito ay malinaw. 'Ayoko ng droga." Madaling kapasiyahan ito.
Madaling matandaan. At walang malabo rito. Pinatataas nito ang pagtingin ko sa aking
sarili dahil batid kong nakatanaw ako sa aking kinabukasan.
Lahat ng nabanggit ko tungkol sa panganib na dulot ng droga ay narinig na rin ninyo.
Hindi na ito bago. Alam naman ito ng lahat. Ngunit, sa kabila ng kaalamang ito, isang
bagong henerasyon ng mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot.
Nangamamatay pa ang ilan. At umaakyat pa ang bilang ng mga biktima. Dati-rati mga
40.7 bahagdan lamang ng mga kabataan ang sumusubok, ngayon ay lagpas pa sa 50
bahagdan. Bakit?
Sasabihin nila mahirap tanggihan ang barkada. Totoo naman. Sa sulsol ng mga
kaibigan, napapatikim ang isang kabataan. Mahirap humindi sa kanila. Mahirap.
Sasabihin nila mahirap tanggihan ang barkada. Totoo naman. Sa sulsol ng mga
kaibigan, napapatikim ang isang kabataan. Mahirap humindi sakanila. Mahirap matawag
na "iba". Mahirap ma-out sa grupo., Mahirap makantiyawan ng ganito't ganoon.
Ngunit isipin natin. Ang kantiyaw ng mga kaibigan ay hindi magandang dahilan upang
magdroga. Kinakaibigan tayo ng ating mga kaibigan dahil sa ating taglay na ugali at
pagkatao, hindi dahil sa dapat makita rin sa atin kung ano ang ginagawa nila. Hindi tayo
salamin ninuman. Atang kaibigan, sinasabi nang tuwiran kung ano ang maganda o hindi
maganda sa atin. Hindi natin kailangan maging salamin sa kanila at sila sa atin.
Kapag nahaharap sa pagpapasiya o pamimili, may mga kabataang magsasabing,
"bayaan mo 'yang bukas, matagal pa 'yon." Malaking kamalian ito. Kahit sabihin mong
hindi darating ang kinabukasan, darating at darating iyan. At kapag nariyan na ang
bukas, kung masaya ka o hindi ay depende sa kung ano ang ginawa mo ngayon.
May mga magsasabi pang, "magiging adik sila, hindi ako!". Kahit na ikaw pa ang
pinakaguwapo, malinis at alertong tao sa ngayon, maaaring ikaw ay maging palaboy sa
bandang huli kung magpapabitag ka sa bawal na gamot. Isipin na lamang ninyo. LAHAT
NG TAONG NASIRA ANG BUHAY SA DROGA AY NAG-ISIP NA HINDI MASISIRANG
DROGA ANG BUHAY NIYA. Palagi nilang sinasabi, 'DI AKO SIRA PARA SIRAINANG
BUHAY KO." Iyan sa simula. Sinasabi nila iyan sa una ngunit hindi sila naprotektahan
ng mga pahayag nilang ito nang simulan nila ang paggamit.
Sa pagtanda ko at kapag ako'y nagkapamilya, ibig ko ang pinakamainam para sa kanila.
Hindi ko nanaisin na sila'y mapahamak.
Sisikapin at gagawin kong modelo ang aking sarili. Kung isang araw at tatanugnin nila
ako kung sumubok ba ako ng droga noong aking kabataan, ibig kong makasagot nang
may pagmamalaki - HINDI.
Sa bawat taon libo-libong kabataan ang pumipiling gumamit ng illegal na droga. Hindi
ko na daragdagan pa ang bilang na iyan. Magiging malayo ako sa droga. Hindi ako
magiging adik!!.

More Related Content

What's hot

Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaKaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaPRINTDESK by Dan
 
Tilamsik ng sining
Tilamsik ng siningTilamsik ng sining
Tilamsik ng sining
PRINTDESK by Dan
 
Filipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
Filipino 9- Pangatnig at Transitional DevicesFilipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
Filipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
NemielynOlivas1
 
Ang parabula ng banga
Ang parabula ng bangaAng parabula ng banga
Ang parabula ng banga
recel pilaspilas
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Juan Miguel Palero
 
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonFilipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Juan Miguel Palero
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
Jenita Guinoo
 
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Mary Rose Ablog
 
TIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULATIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULA
Lovely Jan
 
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptxMGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
chelsiejadebuan
 
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o PananawFilipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Juan Miguel Palero
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Juan Miguel Palero
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Juan Miguel Palero
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaPRINTDESK by Dan
 
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Jenita Guinoo
 
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng UbasanAng Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
MarlVlmria
 
Klino
KlinoKlino
Thailand
ThailandThailand
Thailand
Ken Realubit
 
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptxARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
JeseBernardo1
 

What's hot (20)

Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaKaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
 
Tilamsik ng sining
Tilamsik ng siningTilamsik ng sining
Tilamsik ng sining
 
Filipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
Filipino 9- Pangatnig at Transitional DevicesFilipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
Filipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
 
Ang parabula ng banga
Ang parabula ng bangaAng parabula ng banga
Ang parabula ng banga
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonFilipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
 
TIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULATIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULA
 
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptxMGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
MGA SALITANG HUDYAT NG SIMULA, GITNA AT WAKAS.pptx
 
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o PananawFilipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
 
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng UbasanAng Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
Thailand
ThailandThailand
Thailand
 
Epiko at Pangngalan
Epiko at PangngalanEpiko at Pangngalan
Epiko at Pangngalan
 
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptxARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
 

Similar to Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9

SEKSWALIDAD[1].pptx
SEKSWALIDAD[1].pptxSEKSWALIDAD[1].pptx
SEKSWALIDAD[1].pptx
VernaJoyEvangelio1
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
Paggalang sa Buhay(Edukasyon sa Pagpapakatao)
Paggalang sa Buhay(Edukasyon sa Pagpapakatao)Paggalang sa Buhay(Edukasyon sa Pagpapakatao)
Paggalang sa Buhay(Edukasyon sa Pagpapakatao)
FranzesCymaBagyanDal1
 
HEALTH 5, WEEK 8 QUARTER 3.pptx
HEALTH 5, WEEK 8 QUARTER 3.pptxHEALTH 5, WEEK 8 QUARTER 3.pptx
HEALTH 5, WEEK 8 QUARTER 3.pptx
MaribelRamos78
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
ESP 10 paggalang sa buhay ng tao Q2.pptx
ESP 10 paggalang sa buhay ng tao Q2.pptxESP 10 paggalang sa buhay ng tao Q2.pptx
ESP 10 paggalang sa buhay ng tao Q2.pptx
GreeiahJuneLipalim
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
Mga Moral na Batayan sa Pag iwas sa Sigarilyo, Alak at Computer
Mga Moral na Batayan sa Pag iwas sa Sigarilyo, Alak at ComputerMga Moral na Batayan sa Pag iwas sa Sigarilyo, Alak at Computer
Mga Moral na Batayan sa Pag iwas sa Sigarilyo, Alak at Computer
Katherine Bautista
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin
Kompilasyon ng mga akademikong sulatinKompilasyon ng mga akademikong sulatin
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin
StemGeneroso
 
Tanikala ng Depresyon John Darwin Sales.
Tanikala ng Depresyon John Darwin Sales.Tanikala ng Depresyon John Darwin Sales.
Tanikala ng Depresyon John Darwin Sales.
patricksergeon
 
Modyul 13 ESP 10.pptx
Modyul 13 ESP 10.pptxModyul 13 ESP 10.pptx
Modyul 13 ESP 10.pptx
russelsilvestre1
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
Anti-Bullying.doc
Anti-Bullying.docAnti-Bullying.doc
Anti-Bullying.doc
JeremyMinerva
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
StemGeneroso
 

Similar to Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9 (20)

Hindi ako magiging adik
Hindi ako magiging adikHindi ako magiging adik
Hindi ako magiging adik
 
Maling pananaw sa sekswalidad
Maling pananaw sa sekswalidadMaling pananaw sa sekswalidad
Maling pananaw sa sekswalidad
 
SEKSWALIDAD[1].pptx
SEKSWALIDAD[1].pptxSEKSWALIDAD[1].pptx
SEKSWALIDAD[1].pptx
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Paggalang sa Buhay(Edukasyon sa Pagpapakatao)
Paggalang sa Buhay(Edukasyon sa Pagpapakatao)Paggalang sa Buhay(Edukasyon sa Pagpapakatao)
Paggalang sa Buhay(Edukasyon sa Pagpapakatao)
 
HEALTH 5, WEEK 8 QUARTER 3.pptx
HEALTH 5, WEEK 8 QUARTER 3.pptxHEALTH 5, WEEK 8 QUARTER 3.pptx
HEALTH 5, WEEK 8 QUARTER 3.pptx
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
ESP 10 paggalang sa buhay ng tao Q2.pptx
ESP 10 paggalang sa buhay ng tao Q2.pptxESP 10 paggalang sa buhay ng tao Q2.pptx
ESP 10 paggalang sa buhay ng tao Q2.pptx
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Mga Moral na Batayan sa Pag iwas sa Sigarilyo, Alak at Computer
Mga Moral na Batayan sa Pag iwas sa Sigarilyo, Alak at ComputerMga Moral na Batayan sa Pag iwas sa Sigarilyo, Alak at Computer
Mga Moral na Batayan sa Pag iwas sa Sigarilyo, Alak at Computer
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin
Kompilasyon ng mga akademikong sulatinKompilasyon ng mga akademikong sulatin
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin
 
Tanikala ng Depresyon John Darwin Sales.
Tanikala ng Depresyon John Darwin Sales.Tanikala ng Depresyon John Darwin Sales.
Tanikala ng Depresyon John Darwin Sales.
 
Yume ni jaijai
Yume ni jaijaiYume ni jaijai
Yume ni jaijai
 
Modyul 13 ESP 10.pptx
Modyul 13 ESP 10.pptxModyul 13 ESP 10.pptx
Modyul 13 ESP 10.pptx
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Quisha
QuishaQuisha
Quisha
 
Anti-Bullying.doc
Anti-Bullying.docAnti-Bullying.doc
Anti-Bullying.doc
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 

Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma GRADE 9

  • 1. Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma Walang may gustong pag-isipang siya'y kriminal. Walang may gustong makulong. Wala ring may gustong mamatay nang bata pa o kaya'y mawalan nang buong pamilya. Ngunit sa isang sarbey noong nakaraang taon, lumalabas na higit na 50 bahagdan ng mga mag-aaral sa senior ay nagsimula nang landasin ang mga daang patungo sa mga nabanggit. Tumikim na sila ng bawal na gamot. Panganib din ang sakit na maaaring maidulot ng maling paggamit ng mga gamot maski ito'y legal, gaya ng mga cough syrups. Mapanganib ding masangkot sa iba't ibang bayolenteng kaguluhang dulot ng mga nagbebenta ng bawal na gamot. Ang mga nabanggit ay mga kagyat na panganib na maaaring sumapit sa isang nagdodroga.Mayroon ding mga panganib na pangmatagalan ang epekto.Sa palagiang paggamit ay nagiging adik ka na sa gamot, at di mo namamalayan ay lulong ka na. Sa pagkalulong, ang tanging nagiging pokus na lamang ng iyong buhay ay pagnanais na magkaroon lamang ng magandang pakiramdam. Nakakatakot ang mga epektong nabanggit. Ngunit mas nakakatakot ay ang pagkawala ng iyong integridad o karangalan. Kapag sinabi mong, "okey lang na nagdodroga ako, kasi iyon din naman ang gawa ng mga kaibigan ko e," ang tunay na sinasabi mo ay "wala na akong pakialam sa kinabukasan ko." Kapag nagkaganito, ay menos ka na bilang tao. Ang posisyonko sa isyung ito ay malinaw. 'Ayoko ng droga." Madaling kapasiyahan ito. Madaling matandaan. At walang malabo rito. Pinatataas nito ang pagtingin ko sa aking sarili dahil batid kong nakatanaw ako sa aking kinabukasan. Lahat ng nabanggit ko tungkol sa panganib na dulot ng droga ay narinig na rin ninyo. Hindi na ito bago. Alam naman ito ng lahat. Ngunit, sa kabila ng kaalamang ito, isang bagong henerasyon ng mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot. Nangamamatay pa ang ilan. At umaakyat pa ang bilang ng mga biktima. Dati-rati mga 40.7 bahagdan lamang ng mga kabataan ang sumusubok, ngayon ay lagpas pa sa 50 bahagdan. Bakit?
  • 2. Sasabihin nila mahirap tanggihan ang barkada. Totoo naman. Sa sulsol ng mga kaibigan, napapatikim ang isang kabataan. Mahirap humindi sa kanila. Mahirap. Sasabihin nila mahirap tanggihan ang barkada. Totoo naman. Sa sulsol ng mga kaibigan, napapatikim ang isang kabataan. Mahirap humindi sakanila. Mahirap matawag na "iba". Mahirap ma-out sa grupo., Mahirap makantiyawan ng ganito't ganoon. Ngunit isipin natin. Ang kantiyaw ng mga kaibigan ay hindi magandang dahilan upang magdroga. Kinakaibigan tayo ng ating mga kaibigan dahil sa ating taglay na ugali at pagkatao, hindi dahil sa dapat makita rin sa atin kung ano ang ginagawa nila. Hindi tayo salamin ninuman. Atang kaibigan, sinasabi nang tuwiran kung ano ang maganda o hindi maganda sa atin. Hindi natin kailangan maging salamin sa kanila at sila sa atin. Kapag nahaharap sa pagpapasiya o pamimili, may mga kabataang magsasabing, "bayaan mo 'yang bukas, matagal pa 'yon." Malaking kamalian ito. Kahit sabihin mong hindi darating ang kinabukasan, darating at darating iyan. At kapag nariyan na ang bukas, kung masaya ka o hindi ay depende sa kung ano ang ginawa mo ngayon. May mga magsasabi pang, "magiging adik sila, hindi ako!". Kahit na ikaw pa ang pinakaguwapo, malinis at alertong tao sa ngayon, maaaring ikaw ay maging palaboy sa bandang huli kung magpapabitag ka sa bawal na gamot. Isipin na lamang ninyo. LAHAT NG TAONG NASIRA ANG BUHAY SA DROGA AY NAG-ISIP NA HINDI MASISIRANG DROGA ANG BUHAY NIYA. Palagi nilang sinasabi, 'DI AKO SIRA PARA SIRAINANG BUHAY KO." Iyan sa simula. Sinasabi nila iyan sa una ngunit hindi sila naprotektahan ng mga pahayag nilang ito nang simulan nila ang paggamit. Sa pagtanda ko at kapag ako'y nagkapamilya, ibig ko ang pinakamainam para sa kanila. Hindi ko nanaisin na sila'y mapahamak. Sisikapin at gagawin kong modelo ang aking sarili. Kung isang araw at tatanugnin nila ako kung sumubok ba ako ng droga noong aking kabataan, ibig kong makasagot nang may pagmamalaki - HINDI. Sa bawat taon libo-libong kabataan ang pumipiling gumamit ng illegal na droga. Hindi ko na daragdagan pa ang bilang na iyan. Magiging malayo ako sa droga. Hindi ako magiging adik!!.