Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga pag-aaral tungkol sa transpormasyon at impacto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya mula ika-16 hanggang ika-20 siglo. Tinalakay din ang pag-usbong ng nasyonalismo at ang mga hakbang tungo sa paglaya ng mga bansa sa rehiyon. Layunin ng mga aralin na maipaliwanag ang mga pagbabago sa lipunan, pamahalaan, at kultura ng mga bansa sa Asya sa konteksto ng makabagong panahon.