Ang aralin ay nakatuon sa pag-unlad ng damdaming nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya, at ang kaugnayan nito sa kolonyalismo at imperyalismo mula ika-16 hanggang ika-19 siglo. Susuriin ang mga karanasan ng mga Asyano at kung paano ito nagbigay-daan sa pagkakaiba-iba ng pag-usbong ng nasyonalismo sa mga bansa ng rehiyon. Sa huli, layunin ng aralin na maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa nasyonalismo sa kasalukuyang panahon.